A Place in Time (5)
Sobrang hiya na talaga ako nun. As in pakiramdam ko sana eh bumuka na lang yung lupa at isama na akong lamunin doon at huwag na akong lumabas uli. Akalain mo yun, sa dami-rami naman ng makakahuli sa akin, si Terrence pa! Kapag minamalas ka nga naman!
At ito pa, malay ko ba na siya yung admin ng site! Seriously, hindi ko inaasahan. Ni-hindi ko nga alam na mahilig siya sa web designing eh. Ewan ko ba, marami kasi akong 'di alam sa Kuya ni Tjay. Kaya yung mga bagay na ganyan, wala akong idea.
Kung hindi ko alam, siguro si Tjay din. I mean hello? Wala rin siyang nabanggit na yung Kuya niya ang admin. Kasi kung meron, hindi naman siya papayag na maghanap kami doon 'di ba?
"Err.. ano kasi..." sabi ko at parang wala na akong maisip na isagot sa tanong niya, "Naghahanap lang ako ng date para sa susunod pang linggo. Alam mo naman, may date na kami this saturday. And after that, kailangan namin ni Tjay ng bago..." ano ba yan, saan na naman galing yun?
"Really?!?" narinig ko yung boses niya na parang hindi naniniwala, "As far as I know ang sabi mo 'this' saturday, not the next one."
"Sinabi ko ba yun? Typo lang siguro." wow Shay, matinding kasalanan na itong ginagawa mo, "Anyway, Mr. Admin, bakit wala yatang nababanggit si Tjay na ikaw yung gumawa ng site ng school?"
"Paano naman niyang mababanggit eh hindi naman niya alam?" sabagay may point naman siya, "Hindi ko naman sinabi kahit kanino eh. Ikaw pa lang nakakaalam. So oras na may sabihan ka na ako yung admin, sasabihin ko sa lahat na desperada kang maghanap ng date. Are we clear?"
Blackmail ito! Ang sama ng ugali! Kaya lang ang masama, ako yung talo.
"Fine." ano namang maga-gain ko kung sabihin ko 'di ba? Kung tutuusin baka nga sumikat pa siya eh. Come on, ang ganda-ganda ng site ng school namin.
Baka nga isipin pa nila genius siya.
Oh well, baka nga genius siya hindi ko lang alam dahil hindi ko naman siya classmate. But anyway...
"Nakakainis yung buhok ko.." tapos nakita ko na humawak siya sa buhok niya, delayed pa rin yung camera, "Teka lang ah."
Tumayo siya at kitang-kita mo na may kinuha siyang nakasabit doon sa pintuan niya na ball cap. Tapos naupo siya harap uli ng PC at naka-cap na siya. Pabaliktad nga lang. White and Blue yung kulay ng cap niya. Ang cute nga tignan eh. Parang ang neat niyang tignan.
Hindi naman pangit yung buhok niya. Siguro may standards lang talaga ang mga lalaki. Parang babae, medyo conscious din paminsan-minsan.
"Aminin niyo na kasi ni Tjay na hindi kayo mga pang-date na type." pinagdiinan niya sa akin.
"Bakit ba napakabig deal kung nagda-date kami or what? Kasi feeling ko ang laki ng problema mo sa bagay na yun."
"I'm doing you girls a favor. I'm saying, kailangan niyo ng social life. Not just books." sabi niya ng seryoso, “It’s part of growing up.”
"May social life naman kami eh. Hindi lang kayo naniniwala. Naku kapag nagpakita talaga kami sa sabado kasama yung dates namin, mapapahiya talaga kayo ni Arwyn.." sa totoo lang kabado talaga ako, pero feel ko lang sabihin yun kasi parang nakakagaan sa pakiramdam.
"Bahala kayo." natatawa pa siya nun.
"Teka nga pala, bakit Paul yung name mo doon sa site?" napaisip din naman ako, "As in, nakuha mo kay Saint Paul?"
"Hindi. Yun lang naunang pumasok sa isip ko." tapos niyang sinabi yun eh narinig ko na lang, "Online na si Tjay."
Tinignan ko yung mga online doon sa site. Ayun nga, nakita ko yung username ni Tjay. Nandun na kasi yung, Punk_T.
Magtatype sana ako doon sa IM ni Terrence ng 'thanks', kaya lang black na yung cam niya. Tapos sa IM box nakalagay nag sign-off na siya. Ang rude talaga nun. Hindi man lang nag-papaalam.
Nakita ko sa site na nandun pa rin siya. I-PM ko sana, kaya lang nagbago isip ko. Wala naman na akong sasabihin.
Si Tjay na ang sunod na nag-message sa akin. Si Rap, wala na. As in hindi ko na nireplyan, at offline na rin naman na siya. Then itong si Tjay eh panay ang sabi na tuloy daw ang modus operandi namin, pero naisip ko na nababasa nga ni Terrence yung mga messages kaya sinabi ko na sa messenger na lang kami mag-usap.
Hindi ko sinabi sa kanya na si Terrence yung admin. Takot ko lang na ikalat niya na naghahanap ako ng date doon. Sabi ko lang na nahihiya ako at hindi ko talaga kaya na maghanap ng date na ka-school namin, kaya sabi niya ang arte ko raw at sabi niya ipagdasal na lang daw namin na pumayag yung mga nahanap ng pinsan niya, dahil kung hindi eh maghanap na daw kaming dalawa ng tig-500.
Kinabukasan nung nasa school na kami, nag-check na si Tjay doon sa pinsan niya tungkol doon sa kaibigan niya na "date" daw namin. Ayun, sabi ng pinsan niya tuloy pa rin daw at magkikita nga daw sa Friday. Wednesday pa lang nun, pero pakiramdam ko nauubusan na kami ng oras.
Try-outs na ng basketball at soccer nun. Lahat ng barkada ni Terrence nun eh nagtry-out sa basketball. Siya nga lang ang nakatayo doon sa gilid ng gym eh. Kung minsan ‘di ko alam kung maawa ba ako sa kanya or what. Kung wala siguro siyang asthma, siguro nag try-out na siya. Ang hirap din kapag may ganun. Mabuti na lang ako eh wala.
Nung gym namin ng Thursday ng hapon, nag-battery test kami. Ang nakakainis, inuna sa amin yung Mile Run. Ayaw na ayaw ko ng mga takbuhan, dahil super duper napapagod ako. Alam ko na iyon ang purpose nun, pero ayoko lang talaga ng takbuhan. Si Arwyn naman, parang excited pa nun. Palibhasa kasi nasa basketball team, kaya feeling niya ang galing-galing na niya.
Kami ni Tjay ang pinakamabagal tumakbo nun. Actually ako lang pala, sumasabay lang si Tjay. Siya kasi pwedeng-pwede naman akong iwan, kaya lang ayaw naman daw niya na ako daw yung last at ako na lang yung maiwan sa track. Nung sinabi ko sa kanya na okay lang na iwan niya ako dahil nga baka mahawa pa siya sa mababang minutes ko, tumakbo na siya ng mabilis.
In no time, ako na lang yung tumatakbo mag-isa. At nakaka-dalawang lap pa lang ako. Apat pa naman yung kailangan. Nakakahiya talaga.
"Kaya mo yan Jimenez!" sumisigaw pa nun si Arwyn. Siya kasi ang unang natapos sa guys. Pero may kasabay siya sa girls, yung girl na nasa track team na classmate na rin namin.
Ni-Ayaw ko ngang tumingin sa direksiyon niya eh. Kasi alam ko ako na lang yung hinihintay. At nanonood lahat sa akin sa misery ko. Ano ba yan! Hindi talaga ako sporty.
Dahil nga ako lang yung nandun, panay ang motivate sa akin nung gym teacher namin. Hawak niya yung stopwatch at panay ang sigaw niya ng konti na lang daw tapos na ako.
Nung nakakalahati ko na yung second lap, humabol si Arwyn sa akin nun.
"Bagal mo naman Jimenez.." sabi niya tapos nakiki-jog na siya sa akin, "Takbo ba yan o lakad?"
"It's called.. jogging?" sagot ko naman sa kanya sarcastically.
"You mean limping?" tinignan ko siya ng masama nun, ang yabang talaga.
Nakakasar talaga itong si Arwyn kahit kalian, "Wala ka namang magagawa kung mabagal ako tumakbo eh."
"Takbo tawag mo diyan?" tinuro niya yung paa ko, "Takbo eh ganito." Tumakbo siya ng mabilis. Ako naman eh dire-diretso lang sa pag-jog ko. Nakita ko na tumakbo siya ng isang lap, tapos huminto siya uli doon sa tabi ko. Nasa third lap na ako nun. Grabe, ang bilis niyang tumakbo. Naabutan pa niya ako."And that's what you call.. athletic.." tinuro niya yung sarili niya at nakangiti pa siya ng nagyayabang.
"You mean pathetic?"
"Hindi ka talaga papatalo eh no?" sabi niya sa akin kasi napansin niya sumasagot talaga ako.
"May nagsabi na ba sa iyo na ang yabang mo? No offense." humawak ako sa balikat niya, "Honest lang."
"Ouch!" humawak siya kunwari sa dibdib niya, "Ang sakit mo namang magsalita! Ikaw lang nagsabi sa akin niyan!"
"Well, at least ngayon alam mo na."
Natawa rin ako sa itsura niya nun.Tumakbo naman ako nun kaya naiwan siya kasi nga nag-iinarte pa nga. Hindi pa naman ako nakakalayo nun eh. Narinig ko na lang na sinabi niya eh, "Tara na nga.. bilisan na natin!"
Nagulat na lang ako nung humawak siya sa bewang ko tapos binuhat ako. Kaya lang akala ko bubuhatin lang ako, pero sinabay ako sa pagtakbo niya. Ang bilis niyang tumakbo, kaya natakot ako na baka bigla na lang akong mabitawan.
"AHHH! AYOKOOO NAAA!" I swear, natanggal siguro yung tonsils ko, "AAAARRRRWWWWYYYNNN!!!"
Ayoko naman pumalag ng pumalag. Baka kasi kapag lalo akong pumalag, lalo akong mabitawan. Pero hindi niya ako binaba. Yung teacher namin nun eh nagta-time pa rin pero hindi siya nakatingin sa amin.
Nung tumatakbo siya nun, nahulog yung salamin ko. Sinabihan ko siya na huminto, kaya lang akala niya siguro huminto sa pagbuhat sa akin kaya hindi niya ginawa. Gusto ko siyang huminto dahil kukunin ko sana yung salamin ko.
Nung malapit na matapos yung lap, saka lang niya ako binaba para hindi kami makita nung teacher namin. Nahilo ako doon. Siguro dahil sa pagkakaalog. Nagulat nga yung teacher namin eh, sabi niya kanina lang nandun pa lang ako sa curve, ngayon tapos na ako.
Tawa lang ng tawa yung mga classmates namin. Inasar pa nga kami eh. Ako dahil nahihilo, hindi ko na napansin. Pati si Tjay nun, nakikitawa. Pabalik na kami nun sa locker rooms, nung sinuntok ko sa braso si Arwyn.
"Baliw ka talaga! Nakakabwisit naman eh!"
Pagkatapos naming mag-bihis, sumunod naman yung Values Education class naming. Wala nga yung teacher namin eh. Actually, simula nung pumasok kami, hindi pa namin kilala yung bagong teacher namin.
Nagtaka naman si Tjay kung bakit wala yung salamin ko. Okay naman ako kung wala akong salamin, hindi naman masyadong blurry yung paningin ko, pero hindi ako sanay na wala. Dahil nga nakalimutan kong kunin, bumalik na lang ako sa field para hanapin.
Ayun nakita ko naman kaagad kasi alam ko naman kung saan nahulog, kaya lang nung makita ko, basag na. Aarrgghhh! Bwisit talaga!
Kinuha ko na lang yung salamin ko kahit na sira. Baka kasi mapaayos pa or something. Kasalanan ni Arwyn ‘to eh. Asar naman talaga oh!
Nung pabalik na ako sa room, nakabangga ko pa yung isang sophomore na babae. Inirapan pa nga ako eh. Tapos may tawa ng tawa doon sa gilid na nakakita doon sa pagkakabangga ko doon sa babae.
"Anong tawag dun?" sabi niya tapos super duper nakakabwisit talaga yung tono, "Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh."
Kapag nakakainis talaga yung araw mo, hindi nakakatulong kung may mang-aasar pa sa iyo eh.
"Pasensya na ah! Sorry! Kasalanan ko!" sinabi ko kay Terrence ng super sarcastic.
"Hindi mo kasi ginagamit yung mata mo!" tawa pa rin siya ng tawa nun.
Lumapit ako sa kanya nun sa sobrang inis ko. Tapos kinuha ko yung kamay niya at nilapag ko yung salamin ko doon.
"Oo nga eh, hindi ko ginagamit yung mata ko." then umalis na ako doon sa spot niya sa bench.
"HOY! Bakit binibigay mo sa akin to??"
"Hindi ko naman ginagamit mata ko di ba? Bakit magsasalamin pa??"
Reading glasses lang naman yun. Hindi talaga malabo ang mata ko. Nahihirapan lang ako magbasa ng super liit na mga letters. Minsan nahihilo ako. Pero kahit wala pa naman yun pansamantala, I'm okay.
It was one terrible day.
Nung dumating yung Friday, malamig na yung ulo ko. Cheerful na uli ako eh. As if may ichi-cheer pa ang buhay ko. But you get the idea. I'm still the same old me, may mga bad day, merong good. Wala lang yung salamin ko, yun lang ang nagbago.
Hindi man lang nag-sorry si Arwyn sa pagkakabasag niya sa salamin ko. Actually I doubt na magsosorry siya kasi hindi naman yata niya natandaan eh. Kasi panay ang kwento niya ng basketball, at walang nasingit na PE namin kahapon. Hindi bale, mura na lang ang reading glasses. Papabili na lang siguro ako ng bago.
"Dahil wala na yung Captain last year, baka ako na yung maging MVP ngayon. Hindi ba?"
"Hindi." sagot ko lang.
Napakafeeling naman talaga ng taong ito. Parang kahapon lang sinabi ko ang yabang niya, nalimutan rin niya yata.
"Ang sama talaga ng ugali nito oh." turo sa akin ni Arwyn.
Tuwing Friday, may free period ang junior at seniors. At ang free period namin eh yung after lunch. 1:30-2:30. Kaya parang extended lunch hour yun.
Tinawagan na ni Tjay yung pinsan niya uli. Friday—the meeting day. Sabi ng pinsan niya, mauna na daw kami sa Wimpy's, at pupunta na daw sila doon. Mas malayo kasi yung school nila eh. Private kasi. Parang sa facilities, yun ang pinakamagandang school dito sa amin. Mahal nga lang tuition. Pero the best naman yung turo doon. Maraming mga matatalino din doon eh.
Almost 2 na kami dumating doon. Dahil hindi pa kami kumakain ng lunch, umorder na kaming dalawa. Uhaw na uhaw na kami nun dahil sobrang init sa labas. Alam namin na dapat kaming maghintay doon sa imi-meet namin para kasbay namin silang kumain, pero hindi na namin napigilan at kumain na kami. Aba gutom na kami ah!
Ang dami naming inorder ni Tjay. Malalaking platter pa nga eh. Tapos sa dessert namin, may malaki akong ice cream with brownie.
"Ang tagal naman nung mga yun, 2:15 na ah!" sabi ni Tjay pero kumakain pa rin siya, "Baka ma-late tayo. 2:30 may klase tayo eh."
"Kaya nga. Grabe naman yung mga yun. To think na sila pa yung lalaki."
Kailangan naming sumakay ng jeep kung babalik kami sa school. Kaya kailangan umalis kami dito ng before 2:30 para on time lang kami sa second period class namin ng hapon.
Kaya lang nung naiinip na kami at tatawag na sana si Tjay, may isang lalaki at babae na lumapit sa amin.
"TJAY!!!" Sumigaw siya kaya nasamid ako doon sa iniinom ko, "Long tiime no see!"
Tumayo si Tjay nun at kumiss doon sa babae.
"Rae.." sabi naman ni Tjay, "Bestfriend ko nga pala si Shay." tapos natawa siya nun, "Aba magka-rhyme pa name niyo ah!"
Nag-hello naman sa akin yung Rae kaya tumayo ako at nakipag-kamay ako sa kanya. Nung tumayo nga ako, ako yung pinakamatangkad sa kanilang lahat. Feeling ko tuloy poste ako.
"Oo nga pala si Carlo, friend ko." tinuro niya yung Carlo na dude.
Nakipag-kamay yung Carlo sa amin. He looks okay. He looks decent actually.
"San na yung isa??" tinanong naman ni Tjay.
Tama nga, bakit isang dude lang?
"Yun nga eh kaya kami na-late. Hinihintay kasi namin si Jian kanina—yung isa sa kinausap ko. Kaya lang nasa practice. Tapos dahil siya yung pinagalitan ng coach, na-badtrip kaya hindi na daw siya sasama. May practice din siya sa Saturday kaya hindi na siya pwede. Wala naman akong mahanap ng last minute." then tumingin siya sa amin, "Sorry talaga ah."
"Okay lang yun."
"Well, sorry kung si Carlo lang nahanap ko. Okay naman yan. 'Di ba Carlo?" tapos ngumiti lang yung Carlo.
"Hey.. okay lang sa amin ni Tjay yun no. Huwag mo nang problemahin. Kami na dapat ang magkaproblema dun!" sabi ko naman ng nakangiti.
Actually I meant it. Ayoko naman talagang siya ang mamroblema sa paghahanap ng date.
"So.. since Shay's too tall for Carlo, si Tjay na lang date mo." siniko niya si Carlo, "Well at least isa na lang hahanapin niyong date. Si Shay na lang ang wala."
"Bigay mo na lang number mo sa akin Carlo para i-text kita mamayang gabi sa details para bukas. Kailangan na naming umalis ni Shay eh, mala-late kami sa school."
Ang bilis nilang nagpalitan ng number. Ayun, pagkatapos nun nagpaalam na kami doon sa dalawa, at sumakay na kami ng jeep.
Hindi na ako nagsalita nun. Si Tjay parang ang cheerful hanggang sa bumaba kami.
"Cute din naman siya di ba? I mean come on, mas okay pa siya kaysa sa ibang guys dito.." nakangiti siya,"Haaay.. at least problem solved."
Napahinto na lang ako at tumingin ako sa kanya. Siya eh napansin ako na huminto ako, kaya huminto din siya.
"Oo nga eh, your problem is solved." nakakapanghina naman... "What about mine???" magpupuyat talaga ako maghanap sa kalendaryo ng date.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top