A Place in Time (2)

Chapter Two

          Pagkatapos sabihin ng doktor iyon, hindi mo maipinta ang mga mukha namin. Wala nga kaagad naka-react sa amin sa sobrang gulat namin pare-parehas. Siguro nga deep inside alam na namin ang totoo, pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag na confirm na. Nung una kasi, may room pa para mag-doubt na malamang ay hindi. Pero ngayon, ito na talaga.

          It wasn’t until Tjay screamed kaya nabasag ang katahimikan naming lahat.

          “Ahhhhhhhhh!” unang sigaw niya noon na may halong pagtalon pa. Nawala na yata talaga siya sa sarili niya dahil humawak ba naman siya doon sa damit ng doktor. Nalukot pa nga niya yata ang damit niya, “Naku sorry po!” sabi niya doon sa doktor habang inaayos niya ang damit bago pa siya tuluyang humarap sa akin, “BEESSST! Magkakaroon ka na ng kapatid!”

          Talon pa rin siya ng talon. Ako rin naman ay nahawa na yata sa pagka-energetic ni Tjay kaya nakitalon na rin ako. Si Mama naman ay nakaupo lang doon at nananahimik. Iyong doktor nga na nag-check up ay nagpaalam na sa amin ng tuluyan dahil may patient pa daw siyang pupuntahan.

          Nung napagod na ako kakatalon at kakatawa, lumuhod ako at tinignan ko si Mama.

          “Mama, narinig mo yun? Magkakaroon na daw ako ng kapatid!” Hindi sumagot si Mama. Nakatingin lang siya sa sahig. Ang tahimik nga niya. Ako naman ang nag-aalala uli. Hindi naman basta-basta nananahimik si Mama. “Ma, okay ka lang?”

          Nung tumingala siya ay napansin ko na naiiyak na siya. Pagkatapos ay ayun na, umiyak na siya talga. Siguro sa sobrang saya na rin siguro.

          Akalain mo iyon. After all these years, ngayon lang sila nagkaroon ng anak ni Papa. Parang hindi pa rin kapani-paniwala na magiging ate na rin ako.

          Umuwi na rin kami nun. Tumambay si Tjay sa bahay namin saglit. Boring naman talaga sa amin kaya lang ayaw ko namang umalis at iwan si Mama na mag-isa. Isa pa, buntis nga. Mamaya madulas pa siya o kung ano man.

          Paranoid na kung paranoid pero mas maganda na ang safe.

          Kaka-alala ko kay Mama, nag-react rin naman siya. Sinabi niya na okay lang daw siya at puwede daw kaming umalis na dalawa dahil kaya na niya ang sarili niya. Ako naman ay ayaw ko naman na umalis na wala pa rin siyang kasama kaya tinawagan ko si Tita Rowena. Saglit lang naman ay dumating siya at kami naman ni Tjay ay lumarga na.

          Gustung-gusto kong tumatambay sa bahay nila Tjay. Hindi naman sila mayaman. Okay lang ba. Natutuwa lang ako kasi cute ang bahay nila. Tapos ang bango pa. May mga scented candles kasi sila. Mahilig kasi ang Mama niya.

          Pagdating namin doon ay eksakto namang lumabas si Terrence. Tinamaan pa nga niya ako sa braso ko pero hindi naman siya huminto. Dumire-diretso siya sa gate ng nakasimangot.

          “Ayoko nga eh! Paulit-ulit na lang yan Mama!” sigaw niya doon kay Tita Jayne, Mama nila kung saan nakuha ang third name ni Tjay.

          “Oy, oy, oy. Terrence Kelvin! Saan ka pupunta?!” parang kunsumido na  naman ang Mama nila.

          “Diyan lang sa tabi-tabi.” ang naisagot lang ni Terrence sa kanya.

          Kahit kailan talaga, suplado ang kapatid ni Tjay. Sabi nila, ganun na daw talaga iyon. Sabi niya sa akin, mana daw iyon sa Lolo nila. Sobrang sungit daw nun. Konting galaw mo lang, may hawak na daw na pamalo.

          “Kailan pa bumalik yun?” sabi ni Tjay sabay turo doon sa Kuya niya na umalis na parang hindi naman siya naghihintay ng sagot galing sa Mama niya, “Mama, may balita ako sa iyo tungkol kay Tita.”

          Binalita nga namin na buntis nga si Mama. Saglit lang, ang daming pabalot na kung anu-anong pang-care daw kay Mama na dapat gawin. Kesyo dapat ang buntis ay ganito, at ang buntis ay ganyan…

          Nahilo yata ako. Panay “opo” na lang din ako.

          “Oo nga pala,” nakatingin sa akin si Tita Jayne, “nag-volunteer ka pa rin bas a simbahan?” Tumango naman ako. Lagi naman akong nanduon. It’s the first time na naging interesado si Tita Jayne sa volunteering ko. Pagkatapos ng pagtango ko, narinig ko na lang na sinabi niya, “Ayun naman pala eh. Nanduon ka naman pala.”

          Nakisabat naman si Tjay, “Hay naku mader! Hindi magandang idea yan! Hindi puwede. Huwag mo ng perwisyuhin itong best ko. Ang ganda-ganda ng buhay bigla na lang may ganun.”

          “Teka ano ba iyon?” tanong ko naman dahil nalilito talaga ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong tinutukoy nila.

          “Naku, huwag mong pansinin iyang si Mader. Magtatanong pa yan kung payag si pader.”

          Ganun lang kami nag-spend ng remaining days ng bakasyon namin. Minsan nagpupunta lang kami kung saan, pero  madalas nasa bahay lang kami. Bahay ko kung kailangan ng kasama ni Mama, o bahay nila Tjay.

          Pagkatapos ng isang linggo, pasukan na naman. Hindi na kapani-panibago na excited ako. Siguro nga corny pakinggan sa iba—pero kami ni Tjay—excited dahil may matututunan na naman kami. Hindi kasi kami ganun ka-sociable sa ibang tao sa school.

          Sa public school kami nag-aaaral. Public school ba na tipong walang electric fans ang rooms, minsan kulang sa upuan kapag nahuli ka, may upuan man ay sira naman ang paa, may computers pero kulang o kaya naman may virus… you get the idea. Super hirap talaga ng school namin. Pero kahit ganuon pa man, sa school namin nanggagaling ang mga nananalo sa mga district, regionals, o kaya naman competition sa nationals. Minsan nga, tinatalo pa namin ang mga nasa private schools.

          Noong first day of school, sobrang daming tao. Pati kasi mga parents ng mga first year ay kasama sa paghahanap ng mga pangalan ng mga anak nila. Ako naman sa tanda ko ba namang ito… hindi ko na sinasama sina Mama.

          Ang aga-aga pa lang ay pinagpapawisan na ako. Pati nga ang salamin ko ay nag-moist na sa sobrang init. Habang naglalakad ako sa hallway, narinig ko na lang na may tumawag sa akin.

          “Shaylie!”

          Napahinto naman ako. Sino naman kaya ang tumatawag sa akin?

          Doon pa sa may tapat ng garden ako napahinto. Ang hirap maghanap kung sino sa sobrang daming tao. Kaya lang paglingon ko kung sino ang tumatawag sa akin, si Terrence lang ang nakita ko. Nakaupo siya doon sa bench sa may garden. Mag-isa lang siya doon. Tinawag ako ni Terrence? Hindi naman yata kapani-paniwala iyon?

          School spirit nga naman. Tambayan na ni Terrence ang bench na iyon pati ng mga kaibigan niya na mga lalaki. Kaya lang sigro ay hindi pa sila dumarating dahil ayun, mag-isa pa lang siya doon.

          “Terrence?” lumapit naman ako sa kanya.

          Hindi pa siya nakatingin nun. Lumingon lang siya at tinignan niya ako. Nagsalubong lang ang dalawang kilay niya…

          “Ano?!?” sagot niya sa akin na parang iritadong-iritado siya.

          Napastep-back na lang ako. Hindi pala siya ang tumawag sa akin. Kasi kung siya naman iyon, hindi naman siya sasagot ng “Ano?!?” sa akin ‘di ba?

          Sasagot na sana ako sa kanya, kaya lang may kumalabit sa balikat ko.

          “SHAY! HOY!” tumingin ako sa kaliwang side ko.

          “Johnny!” yumakap naman ako sa kanya, “Kumusta ang bakasyon?”

          Kaibigan ko rin si Johnny. Isa sa mga naka-close ko simula nung first year. Ngayon binata na iyan at hindi na totoy. May pimples na nga eh!

          Umalis naman si Terrence sa bench simula ng dumating ang mga kaibigan niya. Fourth year na si Terrence. Last year na niya dito.

          “Bakit kausap mo yata si Quintero?” tanong ni Johnny sa akin ng napansin niya ang pag-alis ni Terrence.

          Quintero ang last name nila Tjay at ni Terrence.

          “Wala. Akala ko kasi siya yung tumawag sa akin kanina. Mukhang nainis nga eh. Ikaw pala yung tumawag sa akin.” sagot ko ng natatawa, “Si Tjay ba dumating na? Nandito na yung Kuya niya ah!”

          “Naku yun? Maagang dumating. Ayaw daw niyang maubusan ng upuan,” sagot ni Johnny sa akin, “’Di ba last year naupo siya sa sahig?”

          Noong naglalakad na kami ni at hinahanap namin ang room namin, sinabi ko kay Johnny ang tungkol sa Mama ko. Hindi naman niya alam na ampon ako. Si Tjay lang kasi ang nakakaalam nun. Ang sabi lang niya, nakakatuwa daw na magkakaroon na ako ng kapatid.

          Nakita na rin namin si Tjay. Naglolokohan pa kami kung magiging babae o magiging lalaki ang magiging kapatid ko. Sabi ko kasi na gusto ko na babae para naman maaayusan ko. Isa pa kapag babae, kapag kinailangan niya ng advice pambabae nandito naman ako ‘di ba?

          Ito namang si Tjay, sabi niya na lalaki daw. Tutal daw na babae na ako, hindi na daw kailangan pang madagdagan ng Shay sa mundo. Wala na raw puwesto para sa isang pa kaya lalaki na lang. Si Johnny naman, wala lang. Sabi niya, kahit ano daw basta normal ang baby.

          Sabagay, may point nga naman siya.

          Saglit lang din, nagsimula na ang klase. Ang gulu-gulo pa nga nun. Ang mga teachers nun ay kung saan-saan nagpupunta. Nagsusulat sila sa board, tapos aalis kung saan.

          Ganun lang kami sa school. Hindi kami sikat, at hindi rin naman kami entirely na rejects. Kumbaga sa social pyramid ng school namin, may mga nasa itaas, at may mga nasa ibaba. Nasa gitna lang siguro kami nila Tjay at ni Johnny. Kilala rin naman kami, pero hindi dahil cool kami o kung ano mang tawag doon. Kilala kami dahil honor students kami.

          Si Johnny, honor students din ang dalawa pa niyang kapatid na babae. Iyong isa ay nasa elementary school, at ang isa naman ay second year high school. Dahil ako lang ang only child at hindi ko naman kadugo sina Mama at si Papa, hindi ko alam kung saan mapupunta ang kapatid ko sa social pyramid. Sana maging honor student din siya.

          Sa opinyon ko, may dalawang klase ng matalinong tao sa mundo. Ang una, matalino dahil gumagawa ng work sa school, ng projects, nagsasaulo kung kailangan. Mga ganuong bagay ba kaya nakakakuha ng mataas na grades. Ang isa namang klase pa ng matalino ay gift. Kumbaga, matalino na ang tao na iyon by heart. Kahit na isang beses lang niyang nabasa ang isang bagay, sobrang talas ng memory at natatandaan pa rin kahit ilang years na. Si Tjay nga siguro ang nasa pangalawa. Ako siguro, nanduon sa pang-una. It takes double the work for me on what Tjay can achieve on the first try.

          Ang ipinagtataka ko naman, sa kung anong tinalino ni Tjay sa school, siya namang kabaliktaran ng kapatid niya. Surviving student lang si Terrence. Mababa ang grades. Hindi naman sa lahat ng klase pero hindi mawawalan ng line of ‘7’ sa report card niya.

          Kakamuni-muni ko mag-isa doon sa upuan ko, hindi ko naman napansin na pumasok naman ang isa pa naming classmate na si Arwyn. Late pa nga siya. Kahit na late, ngiting-ngiti pa rin siya noon. Alam niya kasi na wala lang sa mga tao iyon.”

          “Ang gwapo!” sabi naman ni Tjay sa gilid.

          Si Arwyn kasi, maraming nagkaka-crush. Kaya lang ayun, saksakan naman ng yabang. Siguro nga hindi dapat nanghuhusga ng tao, pero ganun talaga ang nakikita ko sa kanya. Ang hangin niya talaga masyado.

          “Psst! May nakaupo ba dito?” tinuro niya ang upuan sa may gilid ko.

          Iyon na lang ang bakanteng upuan. Tinignan ko lang siya at umiling na lang ako. Tumabi siya sa akin pero inurong niya ng kaunti ang upuan niya para hindi siya siguro madikit sa akin.

          Parang naiinis ako nun. Wala naman akong sakit para pandirin niya.

          “Hey, may extra pen ka ba?” Tinignan ko naman siya. Tumango na lang ako.

          Naghanap ako sa bag ko nun. Dahil nga bago ang pasukan, sagana naman ako sa gamit ngayon.

          Inabot ko na lang sa kanya.

          “Salamat.” sabi naman niya sa akin na parang hindi sincere. Hindi pa ako nakakapagsulat sa sarili kong papel nung nagsalita na naman uli siya, “Bakit naman kulay orange?” Tinaas ko lang ang dalawang balikat ko. Pagkatapos, binalik ko na ang atensiyon ko sa kung ano man ang isusulat ko. “Marunong ka bang magsalita? Kasi kung hindi ka iiling, tatango, titingin, mag-shrug ng shoulders… ano pa ba? Pipi ka ba?”

          Nakakainis nung sinabi niya iyon. Kahit kailan naman nakakainis siya.

          “Hindi,” diretso pa rin ang tingin ko.

          “Uuuy! Nagsalita rin!” tumawa pa siya nun, “Pasalamat ka nga kinakausap pa kita eh.”

          Binaba ko naman ang pen ko nun. Tinignan ko siya uli bago ko sinabing, “Ano namang kapasa-pasalamat doon?”

          Sa isip-isip ko, meron ba akong dapat ipagpasalamat? Mas okay nga siguro kung hindi niya ako kausapin.

          “Ang sungit mo alam mo yun?” mukhang naasar na siya.

          “Hindi naman ako nagsusungit. Sinasabi ko lang, bakit naman ako magpapasalamat kung kinakausap mo ako?”

          I guess may nasabi ako na hindi niya nagustuhan dahil bigla na lang niyang sinabi sa akin ay, “Excuse me Miss, kilala mo ba ako?”

          Kilala ko nga siya. Pero hindi naman ako kakagat sa ganun no. Bakit ba ganito itong lalaki na ito?

          “Hindi eh. Hindi kita kilala. Sino ka ba?” sagot ko naman sa kanya.

          Lalo yata siyang naasar sa akin kasi tinignan niya ako na mukhang galit na ang itsura niya.

          Saang planeta ka ba galing at hindi mo ako kilala?”

          “Sorry,” mahinahon na ang pagkakasabi ko, “Artista ka ba? Hindi na kasi ako nakakanood ng TV eh.”

          “Weirdo.” sabi na lang niya sa akin.

          Ang sama talaga ng ugali nun. Hindi na nga niya ako pinansin. Basta naupo na lang siya doon at nangopya ng requirements namin. Siguro nga alam kung dapat matuwa na lang ako dahil iyon naman talaga ng gusto ko—ang manahimik siya.

          Napansin ako nila Tjay nun. Kaya nga bago mag-breaktime ay bumulong siya sa akin kung ano daw ba ang nangyari. Kaya ako naman, sinabi ko naman sa kanya.

          “Bakit mo naman ginanun?” tanong niya sa akin pagkatapos kong ikuwento sa kanya.

          “Siya naman ang may kasalanan eh. Wala naman kasi siyang galang.”

          Ang isa pa sa kinaiinisan ko, panay pa ang vibrate ng cellphone ni Arwyn nun. Hindi ko tuloy maintindihan ang sinasabi ng teacher kasi naririnig ko siyang makipag-usap ng pabulong. Laking pasasalamat ko nga nung nag-breaktime. Naiwan pa nga ako doon sa upuan. Nauna na si Tjay at si Johnny na lang ang hinihintay ko na kasabay. Nagkalat pa ang gamit ko sa desk at kailangan ko pang itago dahil uso pa man din ang nakawan.

          Nakatayo pa si Arwyn malapit sa pintuan nun. Dadaanan ko na lang sana siya kaya lang tinawag pa niya ako.

          “Jimenez, right?” tinuro niya ako.

          “Ha?” hindi ko pa kasi naiintindihan ang sinabi niya, “Oh. Yeah Jimenez. Jimenez nga… bakit?”

          “Sorry kanina ha. Medyo hindi maganda ang simula natin.” nakita ko na nilabas niya iyong kamay niya galing sa bulsa niya, “Arwyn nga pala.” Napansin ko na nakikipagkamay siya sa akin. Nung una ay hindi ko pa kinukuha, pero nakipag-kamay na rin ako. “I need a chem partner. Puwede bang ikaw na lang?”

          Nagdadalawang-isip pa ako nun.

          “A-ano k-kasi… yung bestfriend ko…” inisip ko pa si Tjay.

          “Bestfriend mo yung katabi mo kanina ‘di ba?” sinigurado pa niya, “Partner na niya yung dude na maraming pimples,” ini-inform pa niya ako na parang nandidiri pa siya, “Anyway, ano na?”

          “Ewan ko.” Iyon na lang ang naisagot ko.

          “Just say.. yes. Okay?”

          Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko noon. Napilitan na nga lang akong sumagot sa kanya ng, “Sure?” dahil parang ayaw naman na niya ako tigilan.

          “Great.”

          Habang kausap ko si Arwyn, napansin ko na dumaan si Terrence sa room namin. As usual, ganun na naman ang itsura niya. Mukhang iritado na naman siya as always.

          “Arwyn ano na? Kanina pa kami naghihintay ah!”

          Bigla namang humarap si Arwyn sa akin uli. Tumingin siya kay Terrence, “Oo nga pala ito si Terrence.” pagpapakilala niya kay Terrence sa akin, “Terrence, si—“

          “Shaylie.” sabi niya ng mahina.

          Nagulat ako nun. Kilala niya ako?

          “Kilala mo ako?”

          Tinignan lang ako ni Terrence with a straight face.

          “Shaylie Jimenez.” mabilis na sagot niya sabay turo niya sa ID ko.

          “Oh.” Ngumiti na lang ako pero pilit lang.

          Natawa naman si Arwyn nun.

          “Nagulat ako! Akala ko kilala mo talaga ‘to!” tinuro niya ako ng natatawa-tawa pa, “I mean, ito?” itinuro niya uli ako na parang hindi talaga siya makapaniwala sa nangyari.

          Seryoso na si Terrence nun. Tinignan niya ako uli.

          “Teka lang, parang kilala kita…” sinabi niya habang lumalapit sa akin, “parang nakita na kita once or twice. Saan nga ba?”

          Sa bahay niyo? Like… everyday? Tapos sa bahay ko? Nung nagpunta ka kahit isang beses pa lang? Saka ano… o ayun pala. Yung kapatid mo. Wala lang. Bestfriend ko lang naman siya.

          Kahit ako, hindi ko rin alam kung saan mo ako nakita eh.

          ‘Si Tjay—'

          “Tama.” pinutol naman niya ako. Ngumiti naman siya ng kaunti, “Nakita na nga kita before. Kilala kita.”

          “Talaga?” ibinalik ko naman ang tanong sa kanya.

          “Oo.” humawak siya sa balikat ni Arwyn nun, “Hindi ba ikaw yung babaeng kumakanta sa simabahan?”

          Si Terrence nga ito, hindi mo maipagkakaila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top