CHAPTER 2

“A tear contains an ocean. A photographer is aware of the tiny moments in a persons life that reveal greater truths.”
— Anonymous
_____

The flight from Malta to New York was the most rough and horrible flight she had ever experienced, regardless from the tears from her eyes that flows constantly, hindi pa man niya napupunasan ang isang butil ay ayun na naman ang isa. Wala siyang ibang naiisip kundi ang Amang nasa ospital ngayon at ang Inang halos hindi alam ang gagawin. Wala siyang kapatid kaya naman ay walang kasama ang kanyang Ina puwera na lamang sa Personal Assistant nito, hindi naman maganda ang relasyon ng kanyang mga magulang sa kanilang mga relatives kaya hindi niya maiwasang mangamba.

She remembers every detail of her journey of what she is right now, her parents are always there for her na kahit anong gusto niya ay ibinibigay ng mga ito, they don't even ask questions and let her do whatever she wants with her life. Naalala niya pa ang mga panahong once a year lang silang magkita, ni hindi man lang siya tinanong at pinilit na umuwi.

Halos ibalibag niya na ang kahit na anong makitang gamit dahil hindi mapakali sa tagal ng biyahe. Alam naman niya na matagal ang biyahe ngunit ang frustrations sa sarili ay pinapatay siya. The possibilities of her Fathers condition worsen what she feels right now.

Nagsisisi siya kung bakit pumunta siya agad sa Malta, na sana ay umuwi na lamang ng New York bago pumunta ng Malta, edi sana ay kasama niya ang pamilya sa hirap ngayon at sana ay hindi niya nararamdaman ang pagiging guilty sa hindi malamang dahilan.

At nang sa wakas ay makalanding na ang eroplano ay nagdasal muna siya na sana ay nasa maayos nang kalagayan ang ama, na sana ay maging matatag anh pananampalatay ng kanyang Ina. And whatever happens may God guide them.

Mabilis niya kinuha sa bag ang cellphone upang tawagan ang Ina but her faith drowned her when she looked at the Television near the pathway palabas sa Airport.

"Breaking News! CEO Manolo Abrego of the well-known Abrego Clothing and Design Corporation just passed away just a while ago. We can now see live his wife, Ma'am what can you say-" nabitawan niya ang cellphone at napaupo na lamang nang marinig at makita ang balita. Ngunit nang makitang kinuhog ng press ang Ina ay patakbo siyang lumabas ng airport at nagtawag ng taxi.

Halos isumpa niya ang pagkakataon. Kung bakit hindi man lang siya hinintay na makauwi bago ito pumanaw? Kung bakit nangyayari ito sa kanya at kanyang pamilya?

She is a good person and so is her family, they helped millions of people by having charities all over the world! Tapos ito pa ang igaganti sa kanila? How cruel could this world be? How could this thing happen to them?

Nang makarating sa ospital na pinaglalagakan ng ama ay mabilis ang naging hakbang niya, tinanong kung saan ang room nito ngunit sinabing nasa morgue na daw ito. Sa labas ng morgue ay maraming security ang nakabantay at nang buksan ang pintuan at nang makarating naman sa loob ay tila hindi matigil ang pag-agos ng luha niya nang makita ang Inang yakap-yakap pa rin ang walang buhay na katawan ng Ama. Bawat hinagpis nang ina, bawat sigaw nito ay siya ding pagkapunit ng kanyang puso na para bang pinagpipiraso ito.

When she was noticed by her mother ay hinablot siya nito at iginudngod sa ama.

"Look at him Maite! Look at your Dad! Why isn't he moving?!" hindi na din niya mapigilang yakapin ang halikan sa noo ang ama.

Bumaling siya sa ina. "He is dead mom, Dad is dead." mahinahon niyang sabi sa ina at inalalayan palayo sa ama ng makita ang pumasok na mga doktor. Sisimulan na siguro ang pagembalsama.

"No! Manolo! Why did you left us?" sigaw ng ina habang pilit pa rin niyang pinapa-alis upang bigyang daan ang mga doktor.

"Let go of me! Manolo!" pilit pang kinukuha ng ina ang kapit niya sa mga braso nito. Ang mga security sa labas ay hindi siguro naririnig ang nangyayri sa loob.

"What are you doing?! Don't touch him!" halos mawalan ng nang lakas si Maite sa paghawak sa ina upang ipalayo sa ama. Dahil kahit siya ay gusto ring mayakap ulit ang ama.

Kinilala siya bilang isang babaeng kayang gawin ang lahat kahit pa ang pagtatago ng emosyon, ngunit sa mga oras na ito ay tila mapigtas na ang kanyang kakayahan. Gusto niya ring magwala, gusto niyang sumigaw at maglumpasay. But not right here, not right in front of her Mom.

"Mom! Stop it! Please... Stop it.." pagmamaka-awa niya sa Ina.

Naging mahirap sa kanya ang kumbinsihin ang inang umuwi muna, dahil ayaw nitong iwan ang amang mag-isa. Ngunit sa huli ay nakumbinsi niya rin.

Pagkadating sa bahay ay ni hindi niya makausap ang Ina, hindi rin ito kumakain kahit anong pilit niya, hinayaan muna niya ito dahil kahit siya ay wala ding gana ni hindi niya nga maramdaman ang pagod na dapat ay nararamdaman niya ngayon.

"Cliftons back at it again, Sir." mahinang bulong ng lalaking nakahood sa kaliwang gilid ng kanyang kinauupuan. Nakasandal ito sa gilid ng upuan malapit sa inuupuan ni Viktor.

Maingat na sinindihan ni Viktor ang sigarilyong kanina pang nasa labi. Nagpakawala muna ito ng hininga saka humithit, pagkatapos ay inilagay ito sa baso na may lamang malamig na tubig dahil dito ay ay unti-unting naupos ang sindi ng sigarilyo na pinagmasdan niyang maigi saka tumingin sa nagsalitang lalaki.

"I'm Viktor Hyde del Pierro, do you think I'll just sit here and watch him ruin my plan?" nakangisi niyang sagot sa nakahood na lalaki.

Napayuko ang lalaki, kinakabahan sa naging lintaya ng kanyang Amo, kilalang-kilala niya ito, hinding-hindi nito hahayaang magiba ang planong kailangang tuparin. Limpak-limpak na pera ang ginasta nito sa plano kaya ay hindi dapat mapunta sa wala ang lahat.

"What is your order, then? Sir?" mahina nitong tanong.

Tumayo si Viktor at pinagpag ang nagusot na pantalon, looked at his million dollar watch and gave his black card to the bartender.

"Do what you need to do." maawtoridad niyang sabi saka tiningnan ang lalaki. Walang emosyon ang mukha at mapanganib ang kanyang mga salita.

"I will, Sir. But you'll be left here alone." nangangambang saad nito sa kanya.

Tumaas ang kilay ni Viktor, hindi niya aakalaing sasabihin ito sa kanya ng sinumang tao. Nabuhay siya sa mundong ito nang hindi pinagsasabihan at pinapakialaman.

"You must not let your face be revealed, Sir." dagdag pa nito sa sinabi.

Dahil sa narinig ay kinwelyuhan niya ito at nginisihan na siya namang ikinanginig ng lalaki. Meron ng taong nakakita ng mukha niya ngunit nainis siya sa sinabi ni Hernando.

"Shut the f*ck up and just do your f*cking thing, Hernando." simple niyang salita saka binitawan si Hernando.

Kahit nanginginig sa takot ay nakuha pa ring umoo ni Hernando. Ayaw niyang magalit ang kanyang Amo dahil sa nagiging brutal ito pagnagkataon, and that's the last he would like to have. Bata pa lamang ay pinagsisilbihan niya na ito kaya ay kilalang-kilala niya na ang ugali, sapagkat minsan ay hindi niya sukat akalain ang mga galaw at pag-iisip nito. Nang hindi na siya pinansin ng Amo ay umalis na siya sa harapan nito ay isinagawa ang dapat niyang gawin.

Habang si Viktor naman ay nawalan ng ganang uminom ulit kaya ay kinuha niya sa bartender ang black card saka isinilid sa pitakang condom lang ang laman.

He's not yet drunk as he swiftly drove his Maserati to the hotel, he decided to check into a hotel which he doesn't own as he doesn't want to be seen near his hotels here in Malta, masyadong mahigpit ang siguridad ng kanyang hotel kaya ay hindi niya mamarapating makatungtong dito, dahil ayaw niyang makita niya ng mga empleyado at bibigyan na naman siya ng sakit sa ulo, kahit na hindi alam ng mga ito ang kanyang itsura ay sobra ang pagpapaganda ng mga ito sa magiging jwarto niya pagnagkataon, walang nakakaalam at mismong si Hernando lang at ang kanyang ina ang alam ang itsura niya.

He quickly parked his car and check if there's anyone who's following him, when he didn't see any person ay naging madali ang pagpunta niya sa naturang hotel room, napapahanga siya habang naglalakad sa hotel dahil kahit hindi ganoon ka mamamahalin ang mga muwebles ay kay ganda ng interior design nito, napapailing siya sa nakikita, tuloy ay gusto niyang ihire kung sino man ang nagdesinyo nito.

Kahapon ay hindi niya maiwasang ngumiti sa babaeng naligaw sa kanyang kwarto. Dahil na rin siguro sa kalumaan ng hotel ay tila nakuha ang screw ng room number ng isang kwarto at iyon ang kwarto niya kaya naman ang numerong 18 ay naging 81.

He didn't hesitate on kissing the girl at mas papalalimin niya pa sana kung hindi lamang ito nakatulog, namamangha din siya rito dahil marunong itong magsalita ng Spanish, he was the one who change her clothes kahit na hirap na hirap siyang magtimpi sa kamundohang nararamdaman. He has a sister at kahit hindi alam ng kapatid niya ang kanyang mukha ay mahal niya ito kaya naman ay ayaw niyang gawin ang gusto sa babaeng tulog sa harapan niya.

Nang dahil sa babaeng nasa higaan niya ay hindi siya nakatulog hanggang umaga. Kaya naman ay madaling araw pa lang ay tumungo na siya sa restaurant ng hotel upang bumili sana ng pagkain, he doesn't want anyone near his room, kaya nga naiinis siya sa sarili dahil ang babaeng naroon ay hindi niya magawang gisingin at paalisin!

She knows his face for Pete's sake! This isn't good at all! Pero bakit ganito ang nararamdaman niya? He knows every feelings, and this one is unnamed in his vocabulary.

Matagal ang paghihintay niya sa pagkaing ipinaluto kaya naman nang makarating siya sa kwarto ay umaga na talaga at wala na ang dalaga.

Ikinibit balikat niya na lamang ito. Surely, she'll be back.

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top