Chapter 38: Trick
Nikee's Pov
After that encounter we turn back our route to the hospital where's Deniel have been confined.
Habang nagdadrive si Rylen di ko maiwasan na mapahikab. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit at pagod ng aking katawan.
Napalingon naman ako sa back sit kung nasaan sila Blayke at Jasper. Tulog ang dalawa panigurado pagod din.
Based sa itsura nila they look exhauted na sa mga pangyayari. Actually lahat kami exhausted na. Sa halos dalawang linggong pag iisip kung saan at paano sila ililigtas, we gain eyebugs.
"Grabe tulog na tulog yung dalawa" Pagbabalita ko kay Rylen na seryosong nagdadrive.
Sumilip naman siya sa mirror sa taas bago nagsalita.
"Halata nga, paano ba naman kasi halos wala na yang tulog kakaisip, buti pa ikaw ligtas na siya" Malungkot niyang pahayag sa akin at may munting butil ng luha ang tumakas sa mata niya.
"Tama ka, laking pasalamat ko nga ng makuha na natin si Deniel sa kamay ni Charlie. Pero alam mo brad nakakaselos yung lalaki na yun" Pagkukuwento ko sakanya na may halong bitterness sa boses ko.
He chuckled first before saying his statement.
"At bakit naman?" May pang uuyam niyang tanong sa akin.
Napanguso naman ako sa tanong niya bago sumagot.
"Because Deniel has a good taste on a man" I bittered answer him once I reminisce what that man said.
Matapos ko siyang mapabagsak kaagad akong lumapit sa kanya.
To see him suffer for taking Deniel away far from me. But going near to him it was a great mistake but also make me feel satisfy.
I was going to leave him but I turn back when he state an words that make me stay and listen to him.
"I'm sorry" Simula niya habang nahihirapan na sa paghinga.
"It not was my intention to do so but K can't blame Deniel. I was hurt back then and he pursue me to hate her and take a revenge. Believe me, It not was my idea it's him. But before I leave this world I have to tell you this. Please take care of her, she's precious as any material things in this world. So I hope so, you can take care of her" That was his last statement before he past away but it's really bugging me arghh!!!
Rylen grin at me.
"Oh bro stop thinking those thing. Today we must think how we can sneak in that place without gimmick by them" Seryoso niyang payo sa akin
Maybe Rylen is right there's no time to reminisce those words.
"Yeah, maybe can we use boat. Kasi kung maghehelicopter tayo sa tunog palang non hindi pa tayo nakakababa sabog na sasakyan natin" Pagrereason out ko sa kanya.
"Tama we should use a water vehicle na walang gaanong tunog para di tayo mahalata"Pag sasang ayon niya sa akin.
Patuloy kami sa pag dedebate kung ano ang mga kailangan na dalhin, mga strategy na gagamitin at kung anu-ano pa.
Nang makarating kami sa basement ng hospital sa Puerto Talisay parang may mali.
"Hey guys wake up" Paggigising sa kanila ni Rylen.
"Rylen!" Pagtatawag ko sa kanya habang nagmamasid sa paligid.
"What is it, Nikee?" Tanong niya sa akin ng hindi nakatingin.
"I feel something wrong and I hope it just nothing" Sagot ko sa kanya.
"What?" Gulat niyang tanong.
"We should go" Kinakabahan kong saad at tinulungan na siyang gisingin sila Jasper at Blayke.
"Bakit?" Inaantok nilang tanong sa amin ng magising sila.
"We need to go" Seryosong sabi ni Rylen nakakaramdam na rin yata ng uneasy feeling.
"Ok let's go" Saad ni Blayke. habang nagkukusot ng mata.
Kaagad kaming bunaba sa sasakyan. Patakbo na tinungo ang elevator para agad makapunta sa room ni Deniel sevol ko.
Pagkapasok sa elevator kaagad kong piindot ang 4th floor kung nasaan ang room niya.
Nang makarating kami sa 4th floor. Nagmadali kaming pumanhik sa kwarto ni sevol ko pero iba ang tumambad sa amin.
Maraming pulis ang nagkalat sa tapat ng kwarto niya. Kaya walang alinlangan dumeretso at pumasok. Nadatnan ko sila Mama na kinakausap ng pulis at sugatan.
"Nikee!!" Tawag kaagad sa akin ni Mama ng mapansin niya ang pagpasok ko.
"Mama!!" Niyakap ko naman siya kaagad.
"Mama ayos ka lang po ba? Wala ka po bang malaking galos? Sino ang may gawa nito?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Ayos lang ako anak, galos lang ang nakuha ko" Sagot niya sa akin.
"Teka si sevol ko, Ma?" Kinakabahan kong tanong sa kanya ng mapansin ko na wala ito sa kwarto.
"Don't worry anak ligtas siya. Bago pa kami atakihin dito naitakas na namin siya" Paliwanag ni Mama sa akin, nawala naman ang kaba ko ng marinig iyon sa kanya.
"Mama!!" Rinig kong tawag nina Blayke, at Rylen kila Tita Amanda at Tita Rina. Si Jasper naman nanatili sa may pintuan nagmamasid marahil ay namimiss na si ang Mama niya, si Tita Jeline.
"Sayang ang saya sanang pagmasdan na kompleto tayo kaso nauna ng umalis si Tita mo Jeline. Buo na naman siguro kaming apat" Malungkot na saad ni Mama sa akin habang pinagmamasdan sila.
"Oo nga po sayang" Malungkot ko sang ayon kay Mama
"Sige mga Misis mauna na kami, maghahanap nalang kami ng mga ebidensiya sa paligid" Pagpapaalam ng chef na incharge sa pag iimbestiga ng nangyari dito.
"Sige po chef, salamat" Sagot nila Mama.
Saka tuluyang lumabas ang mga pulis.
"Anong nangyari?" Kaagad na tanong ni Blayke.
"May tauhan silang sumugod dito para muling tangayin si Deniel" Pagkukuwento ni Tita Rina.
"What?!" Gulat kong tanong balak nilang bawiin si Deniel, sevol ko.
"Ano balak nilang bawiin si Deniel?!" Gulat na tanong ni Jasper. Kita ko ang pag usbong ng galit sa kanya. Napaalis din siya sa pagkakasandal sa may pinto.
"Oo buti nalang napansin kaagad namin yun bago pa sila umatake kaninang umaga habang wala kayo" Paliwanag ni Tita Rina.
"Paano niyo po nalaman?" Takang tanong ko.
"Actually anak may kutob na kami mula ng magkuwento si Deniel sa inyo" Sagot ni Mama sabay baling sa akin.
"What do you mean, Tita?" Tanong ni Blayke. Halatang naguguluhan din.
"After magkuwento sa inyo ni Deniel, there's a nurse who came in to check her vital signs. We didn't bother to check it, but" Pagtitigil ni Mama at tumingin kay Tita Rina.
Bumuntong hininga muna si Tita Rina bago pinagpatuloy ang pagkukuwento.
"But I suddenly notice how the nurse proper uniform. I notice her boots hindi pang nurse, espicially flat white shoes na rubber ang suot nila pero siya nakaboots. So I started to doubt on that nurse" Pagkukuwento ni Tita Rina habang inaalala at pinapaliwanag habang tinuturo ang sapatos niya.
"So palihim ko siyang sinundan hanggang sa umabot kami sa may basement. Nakita ko siyang may kausap na men in black kaya dali-dali akong bumalik at sinabi sa kanila ang nakita ko" Paglalahad naman ni Tita Amanda sa nakita niya.
"Then, we realize kung sino ang pakay nila" Pagpapatuloy ni Tita Amanda
"Si Deniel" Sagot ko sa gusto nilang iparating.
"Tama ka, Kaya kagabi palang habang natutulog kayo nagplano na kami kung paano ilalabas si Deniel dito ng hindi nila napapansin" Si Mama naman ang nagkuwento sa amin.
"Paano niyo po ginawa?" Curious na tanong ni Jasper pati ako ay nahihimigan.
"Habang naghahanda kayo sa pag alis, hinanda na din namin iyong plano namin. Ginawa naming lalaki si Deniel saka palihim na inilabas sa kwarto niya bago sila umatake. Nakabalik na kami at naitago na namin siya muna ng pansamantala" Sagot ni Tita Amanda.
"So saan po siya ngayon?" Tanong ko sa kanila.
"Nasa isang underground safe house siya malapit dito sa Hospital" Sagot naman ni Mama sabay tapik sa braso ko.
"Underground safe house? Teka kanino yun?" Tanong ni Rylen habang naka kunot noo.
Nagkatinginan naman silang tatlo parang may tinatagong lihim. Tumango naman si Mama kay Tita Amanda.
"Sa aming apat?" Pagsasagot ni Tita Amanda kay Rylen.
"Sa inyo paanong?" Litong tanong ni Blayke.
"Paano kayo nagkaroon ng ganon?" Takang tanong ko din kila Mama
Tinignan ko si Mama ng may nagtatanong sa akin mata. Gusto kong malaman kung paano sila nagkaroon ng ganon.
"Malalaman niyo din hindi lang sa ngayon" Seryosong sagot ni Tita Rina.
"Sana maintindihan niyo" Malungkot na saad ni Tita Amanda sa amin.
Kaya kahit gaano namin kagusto na malaman inintindi namin sila.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin bago ito binasag ni Tita Rina ng isang tanong.
"Kamusta naman pala yung lakad niyo?" Curious na tanong ni Tita Rina
nagkatinginan kaming apat bago sumagot si Blayke.
"Hindi po maganda" Sagot ni Blayke na may naiinis na expression.
"Bakit?" Alalang tanong ng Mama niya.
"Napaghandaan po kami, alam nilang pupuntahan namin sila kaya tumakas sila kasama ang mga babae. Sa isang isolated na isla" Sagot ni Rylen habang nakabusangot
"Gaya ng inaasahan ko" Saad naman ni Mama. Na hindi na nagulat.
Napatingin naman kami sa kanya.
"What do you mean, Mom?" Taas kilay kong tanong.
"Hindi na yun nakakagulat dahil bago kayo pumunta doon. Gaya ng kinuwento ko sa inyo may nurse na pumunta dito. Malamang nasabihan na sila na nakwento na ni Deniel kung saan sila dinala. Kaya itinakas na nila ito bago kayo dumating" Sagot ni Mama sa tanong ko.
"Tama ang Mama mo, Nikee. Ang iniisip ko naman baka trick ang sinabi sa inyo na nasa isolated na isla sila"Sabat naman ni Tita Amanda.
"Tama siya, kaya kung gusto niyo paring pumunta doon dapat ay handa kayopara hindi kayo matulaad nung na trap kayo sa patibong nila. Mahirap na isla yun. Napapalibutan ng tubig kaya mag ingat kayo" Bilin sa amin ni Tita Rina.
"We will Tita" Sagot ni Jasper na may determinadong nakarehistro sa kanyang mukha.
"Kung ganon anong plano niyo?" Tanong ni Tita Amanda.
"Napag-usapan na po namin yan ni Nikee. Isasabi nalang sa inyo, Blayke at Jasper dahil tulog kayo sa byahe kanina" Paliwanag ni Rylen.
"Ganon ba?" Pahayag ni Blayke na naghihinayang.
"Oo pre" Sagot ko.
"Kung ganon isabi niyo na kung anong plano ang naisip niyo ng makapunta na tayo doon" Atat na saad ni Jasper.
So salitan kami ni Rylen sa pagpapaliwanag ng planong naisip namin habang tulog sila.
At laking pasasalamat ko dahil payag sila sa naisip namin ni Rylen, wala ng problema. Ang mga gagamitin namin nakaayos na rin so we're ready.
"Mag iingat kayo doon" Bilin sa amin ni Tita Amanda.
"Syempre naman po" Nakangisi kong sagot.
"Ma, si sevol ko pakialagaan at bantayan mo po muna"Bilin ko naman kay Mama.
"Syempre naman" Nakangiting sagot sa akin ni Mama.
"Sige po mauna na kami" Magalang na paalam ni Jasper.
"Sige have a safe trip" Pahabol ni Tita Rina
Sumakay na uli kami sa Van para pumunta sa Maliposa.
"Ano ready?" Nakangising tanong sa amin ni Rylen.
"Of course" Excited kong sagot
"Naman" sagot ni Blayke na halata mong excited din.
"Oo, naman, yes" Hyper na sagot ni Jasper yan ang mas excited.
"Ok, we're coming to Maliposa" Anunsyo niya at inistart na yung engine at nagsimula na kaming bumyahe.
Ilan oras din ang inabot bago kami nakarating sa daungan ng Maliposa para umarkila ng bangkang gagamitin papunta doon.
"Manong, magkano renta ng isang bangka?" Tanong ni Blayke sa bantay.
"400 isa iho" Sagot niya kay Blayke.
"Dalawa pong bangka" Sagot niya at inabot na ang bayad.
"Ito ang bangka na nirentahan niyo" Turo niya sa dalawang bangkang may kulay na asul at lilac, na kasalukuyang nasa tabing dagat na, ready for use.
"Maraming slamat ho" Pasasalamat namin sa kanya.
Nilagay na namin ang mga gamit na kakailangan namin. Abala kami sa pag-aayos ng magtanong siya.
"Aba'y mga iho saan ba ang punta niyo?" Curious niyang tanong sa amin.
"Sa karatig na isla lang ho" Magalang na sagot ko sa kanya.
"Sa isla ng Mapanlinlang!" Gulat niyang sagot.
"Bakit po anong meron doon?" Takang tanong ni Rylen dahil sa pagkagulat ng tagabantay.
Matagal siyang natameme bago naging normal ang kanyang reaksiyon at simula ng magkwento.
"Ang isla na yun ay kilala bilang mapanlilang. Halata naman siguro sa pangalan pa lang naman. Dahil sa lugar na iyon marami ang nalilinlang at bilang ang nakakabalik ng buhay matapos pumunta doon" Pagkukuwento niya na parang may isang pangyayari ang kanyang naalala.
"Bakit naman po?" Curious kong tanong
"Ang kwento dito sa lugar namin may sa hiwaga ang isla na yon. Base sa kwento ng mga nakakatanda o mga tanong unang nanirahan dito. May isang magandang dalaga ang naninirahan doon sa isla. Taglay nito ang kagandahan na wala sa mga babae ng Maliposa. Kaya maraming kalalakihan ang nagkakagusto doon. Ang sabi din hindi lang ito maganda may mga nakatagong mga yaman ito sa isla kaya maraming sumubok na pumunta doon. Sa dami ng lalaki tangin iisa ang nagtagumpay at iyon si Ilang. Isang matipuno at makisig na lalaki. Kinahuhumalingan siya ng mga kababaihan. Nahulog ang dalaga kay Ilang at di nagtagal nagsama sila hanggang sa isang araw. Nagising ang dalaga ng wala ito sa tabi niya. Inakalang naglilibot lang ito sa isla ngunit ng ito'y hanapin niya di na niya makita. Hanggang sa mapansin niya na lahat ng kayamanan na meron siya ay biglang nawala doon niya napag tanto na nilinlang siya ng lalaki upang makuha ang kayamanan niya. At dahil doon sinunpa niya 'ang sino mang magtungo sa islang ito ay lilinlangin ko hanggang kamatayan' at yun ang sumpang pumapalibot doon kasama ng mga engkanto. Kaya mag ingat kayo doon dahil totoo ang mga iyon. Ayon sa mga nakaligtas na bumalik dito kaya pinapayuhan ko kayo" pagkukuwento at bilin niya sa amin.
Kung ganon delikadong lugar ang pupuntahan namin.
"Marami pong salamat sa information at bilin, tatandaan po namin yun" Sagot ni Rylen ng seryoso.
"Mabuti naman kung gayon pero bago kayo tuluyang pumunta doon may ibibigay muna ako sa inyo" Pagpipigil niya sa amin bago bumalik kung saan kami galing kanina.
Pagbalik niya meron na siyang dalang mga kwintas na perlas na kulay itim.
"Ito suotin niyo sa oras na tumapak kayo doon sa islang yun. Mabisang panlaban ito sa mga engkanto na gustong manlilang sa inyo" Sabay abot niya sa aming apat ng itim na kwintas ng perlas.
"Maraming salamat po dito" Pasasalamat ko sa kanya
"Wala yun, sige na at lumayag na kayo" Pagtataboy niya sa amin. Kaya dahandahan naming dinala sa tubig at umakyat sa bangka bago ito pinatakbo.
Ang balak namin kapag malapit na kami sa isla saka namin papatayin ang makina at magsagwan na papalapit sa isla.
Nang malapit na kami ay pinatay na namin ang motor ng bangka. Kita na dito ang isla kaya magsasagwan na kami. Sa katirikan ng araw sakto naman ang pagdaong namin.
Gaya ng pangalan nito. Mapanlinlang nga sa itsura palang. Malalagong puno at halaman na may puting buhangin at tahimik na lugar, mukhang nakakatakot.
At gaya din ng bilin ng matandang tagabantay, isinuot muna namin ang kwintas saka kami bumaba.
Sa oras na bumaba kami, iba na ang naging pakiramdam namin. Di lang kami ang tao dito marahil ang engkanto na tinutukoy niya.
"Tara" yaya sa amin ni Blayke matapos suyudin ng tingin ang buong lugar.
Sama sama kaming naglakad patungo sa gitnang bahagi ng isla. Kung nasaan ang mga villa. Sa paglalakad namin marami kaming nakitang kalansay ng mga tao, marahil ito yun mga nalinlang ng engkanto.
Nang narating namin ang nag iisang villa. Sinuri muna namin ang buong lugar bago kami pumasok.
Dahan-dahan namin pinasok ang loob nito. Ng nasa loob na kami, naghiwalay-hiwalay kami. Si Jasper sa baba, ako sa second floor, si Blayke sa third floor at pang last na palapag si Rylen.
Maingat at walang ingay kong pinasok at sinuri ang bawat kwarto at sinulok nito. Ni bakas ng taong nagpunta doon ay wala.
Patuloy parin ako hanggang sa marating ko na ang pinakahuling kwarto pero wala parin. Bigo akong bumaba sa first floor nasaan si Jasper nakaupo sa may hagdan.
"Ano?" Kaagad niyang tanong at tumayo para salubungin ako. Mapait akong umiling sa kanya.
Napasabunot naman siya ng kanyang buhok dahil sa galit. Bigo kaming umupo sa dulong baytang ng hagdan habang inaabangan yung dalawa.
Makaraan ang ilang minuto bigo din bumaba si Blayke. Di nagtagal pati rin si Rylen ay bumaba na.
"Tama sila Mama" Bungad sa amin ni Rylen ng makababa siya mula sa 4th floor.
"Anong ibig sabihin na this is a trick?" Di makapaniwalang tanong ni Jasper
"Oo" Seryosong sagot niya sabay lahad ng isang papel na may nakasulat na.
'Nagustuhan niyo ba? ang hinanda kong trick?
Well, well, well good luck at finding us'
"Isa nga itong trick" Anunsiyo ko napamura naman sila sa binalita ko. At mas lalo kaming mahihirapan sa paghahanap sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top