Chapter 32: Why?
Raixene’s POV
Habang pinapanood naming sila di namin maiwasan na maiyak dahil sa mga pangyayari lalo na ang nangyari kay Tita Jeline. Gusto kong damayan siya sa mga oras na ito pero kahit gustuhin ko hindi ko magawa dahil hawak nila kami.
“And the ‘END’’ Saad niya ng sumabog na ang buong lugar na yun, napuno ng apoy maging ang kinalalagyan nila.
“Hindi” Mahinang saad ni Chaessa halatang hindi parin makapaniwala sa mga nangyari. Maski kami ayaw man naming maniwala na wala na sila pero dahil napanuod namin kung paano sumabog at natupok ng apoy ang buong sigurado akong wala ni isang mabubuhay sa kanila.
“So how’s the show?” Nakangiti niyang tanong na para bang sinasabi na ‘I win’.
“Nakapakawalang hiya mo talaga! Halimaw ka!” Galit na sabi ni Chaessa sa kanya.
“Well ano pa nga ba?” Sagot niya tapos nilapit ang mukha kay Chaessa.
Napapahid naman siya ng mukha niya matapos siyang duraan ni Chaessa sa mukha buti nga sayo. Pero kulang pa yan pag kami nakawala dito magbabayad kayong lahat.
Madilim at galit siyang tumingin sa amin.
“Ikulong niyo uli ito” Tukoy niya sa amin habang matalim parin ang titig.
Galit ka? Galit ka? Akala mo kung sinong gwapo mas gwapo pa sayo si Jungkook saad ko sa isip ko.
Isa-isa naman kaming kinaladkad ng mga uto-uto niyang tauhan kabilang siya.
“Ano ba wag mo kong hahawakan!! Bitawan mo ko!!’ Galit kong sabi sa kanya pero deadma lang si kuya.
Kinanamumuhian kita I thought you’re my kuya and my best friend but that was only in my imagination. You’re a traitor and an enemy. I hate myself for trusting you, for letting you in not just in my house but also in my life. I thought you’re the one who can rebuild me, but you’re the one who will shatter me into pieces.
“Shut up!” Mariin niyang sabi sabay hawak ng mahigpit kahit hawak mo pa ako ngayon makukuha parin niya ako.
“Why?” Masakit kong tanong sa kanya.
“Why are you doing this?” Maiiyak kong tanong sa kanya. Alam ko kahit nasa likuran ko siya ay naririnig niya ako.
Sa halip ay hindi niya ako sinagot. Napaiyak nalang ako ng tahimik habang naglalakad patungo sa kwartong kinalalagyan namin.
Pangatlong araw na namin dito miss na miss ko na siya nagsisisi akong hindi ako kaagad na nakipag ayos sa kanya.
Nang nakarating kami sa tapat ng pintuan ng kwarto kinalagay na nila kami. Magkaharap kami ngayon nakatitig lang ako sa kanya pero siya sa tali lang nakatingin.
“Pasok!” Sabay tulak nila sa amin papasok.
Bago sumara ang pinto nakita ko siyang nakatingin sa akin. Nang masara na ang pinto napabagsak kami sa kamang nasa lapag. Nanghihina dahil sa napanuod naming. Walang ni sa ang kaagad na nakapagsalita lahat kami ay shock parin.
“Hindi!!!!” Iyak ni Deniel sinundan naman ni Lyne at Chaessa maging ako ay napaiyak nalang.
“Hindi! Hindi pa sila patay!!” Iyak na saad ni Lyne.
“Pa-a-no mo y-an nasa-sabi?” Nauutal na tanong ni Deniel sa kanya.
“Nararamdaman ko buhay pa sila” Paninindigan ni Lyne.
“Sana nga” Mahina kong saad.
Nakaraan ang ilang minuto tahimik na kami walang umiiyak, lahat tulala. Naniniwalang sa pag-asang baka buhay pa sila sa kabila ng napanuod naming.
Pero ang mas mahirap na intindihin ay kung paano niya nagawa sa akin ito?
Gulong gulo parin ako naghahanap ng kasagutan kong bakit? Bakit niya ito ginagawa? Anong rason? Sa kakaisip ko di ko namalayan na bumukas ang pinto pumasok ang ilang tauhan niya maging siya ay pumasok din. Dumiretso sa pwesto ko at nilapag ang pagkain.
“Oh kumain ka” Utos niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama.
“Ayaw ko” Masungit kong sagot sabay usog pabalik sa kanya.
Tinignan niya sako ng saglit at kaagad na umiwas ng tingin. Sana naman makunsensiya ka bulong ko sa isip ko.
Tinapik siya ng isa pang traydor para lumabas na ng kwarto. Tumingin muna siya sa akin bago tumango at tuluyang umalis.
Tinitigan ko lang ang pagkain na hinain niya sa akin. Nagdadalawang isip kong kakainin o hindi baka kasi may kong ano na naman inilagay dito.
“Kumain na kayo” Utos sa amin ni Chaessa. Kaya napatingin kami sa kanya.
“Kailangan natin ng lakas para makapag isip ng mabuti kung paano makatakas dito” Paliwanag niya ng napatingin kami sa kanya.
Tama siya kailangan naming ng lakas para sa laban na ito.
Kunti-kunti kong kinain ang pagkaing nasa harapan ko hanggang sa maubos ko na ito.
*Blurppppp* Dighay ni Deniel
“Opss busog hehehe” Nahihiya niyang sabi
“Hahahahaha” Tawa namin.
“Grabe naman kayo makatawa” Nagtatampo niyang sabi.
“Nako si Deniel hinfi mabiro” Natatawa paring saad ni Lyne.
“Hmpfttt” Tampo niyang saad sabay talikod sa amin.
Natigil ang tawanan naming ng mabalik sa realidad na hawak pala kaming kaaway. Nang bigla silang uling pumasok sa loob para kunin ang mga pinagkainan namin. Natahimik kami habang pinapanuod sila sa ginagawa nila nasa isang sulok lang kami. Ng matapos sila kaagad silang lumabas.
“Hay hanggang kailan kaya tayo dito tatlong araw na nila tayong hawak” Malungkot na sabi ni Lyne sabay yakap kay Deniel.
“Makakatakas din tayo dito tiwala lang” Pagchecheer up sa amin ni Deniel. Lakas talaga ng fighting spirit nito.
“Sana nga” Saad ni Chaeesa
Matapos ang usapang yun napagdesisyonan na naming matulog dahil sa pagod. May bukas pa kaming haharapin uli.
Tabi-tabi kaming natulog nasa dulong bahagi ako katabi ko si Chaessa.
Ilang oras na ang nakalipas pero gising parin ako hindi makatulog, hindi rin ako inaantok. Tulog na silang lahat tangin ako nalang ang natitirang gising.
Ilang saglit lang ay may narinig akong yabag kaya nagpanggap akong tulog.
Dahan-dahan bumukas ang pinto at sumara narinig kong papalapit sa akin kaya napapikit na ko.
Nagulat ako sa ginawa niya alam kong siya ito Gawain niya yun.
Lumubog ng kaunti ang kamang inupuan niya. Ano naman ginagawa niya dito?
Tahimik siyang ng ilang saglit bago ko narinig ang paghikbi niya. Gusto ko siyang lungunin kaso nagulat ako ng pagak siyang nagsalita.
“So—rry !! so-r-ry-y xene!” Umiiyak niyang sabi
Bakit? Bakit? Anong dahilan nagpatuloy ako sa pagpapanggap na tulog.
“Hindi ko nais na gawin ito if I have a choice I don’t hesitate to do it. Pero sa sitwasyon na ito wala kaya kahit ayaw ko kailangan. Masakit na ilagay ka sa alanganin pero mas masakit kung sarili kong pamilya ang mapapahamak” Pagpapaliwanag niya
WHAT!!! He’s already have an own family? Teka kalian pa bat di ko alam? Bat di mo sinabi? Why? Why you have to keep it a secret from me?
“Ayoko silang masaktan kaya kahit ayaw ko kailangan kong gawin dahil may Malaki akong utang sa kanya at kung hindi dahil sa kanya malamang, my angel died dahil sa sakit na dengue stage 3” Pagpapatuloy niya
Saglit siyang natahimik nag antay ako ng kasunod.
“Sana mapatawad mo ko Xene. I care for you, kaya if anything will happen to me please take care of them” Bilin niya.
Tsaka naramdaman ko siyang umalis at bigla akong bumangon ng wala na siya.
Why? Why all of this need to happen? Sa sinabi niya parang may di magandang mangyayari sana naman wala.
“Xene!” Nagulat ako ng may tumawag sa akin. Pagkalingon ko si Deniel lang pala.
“You heard?” Tanong ko kaagad sa kanya ng di nakatingin
“Yes” kaagad niyang sagot
Sandaling katahimikan ang naganap sa amin dalawa bago uli siya nagsalita.
“Now we know what he’s reason. I feel bad for him na napunta siya sa ganoong sitwasyon, lalo na may pamilya siyang maiiwan” Malungkot na sabi ni Deniel
“Yeah me too, akala ko masa masakit ang nararamdaman ko dahil sa ginawa niya pero mas grabe pala ang sakit na dinadanas niya” Nareaalize kong sabi
“Hay that’s life very complicated kaya kong di ka wais nganga ka. Kaya kong ako sa iyo mas maiging sundin mo nalang ang bilin niya. I can sense na may di magandang mangyayari kaya mag pahinga ka na, Tomorrow will be a long day” Mahaba niyang saad sa akin saka nahiga, uli.
Tama siya kailangan kong sundin kong anong sinabi niya nasesense ko din yun eh.
Hay mas mabuting alam ko na kong anong dahilan niya. Magpahinga na nga lang uli mahabang araw na naman bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top