Chapter 30: Never Give Up
Nikee's POV
Naidispatsa na naming ang una naka-automatic yung paglabas ng darts mukhang pinaghandaan talaga.
Pero gaya nga ng sinabi ni Blayke hindi pa ito tapos simula pa lang.
"Ano tara na?" Tanong ko sa kanila.
"Tara" Sagot nila.
At nagpatuloy kami...
"Walang hihiwalay" Paalala ni Blayke habang sabay sabay kaming naglalakad.
"Yes boss" Sagot naming.
Nalagpasan na naming ang unang way. Habang nasa may tapat kami ng mga sirang electronics device may biglang tumunog.
Twinkle twinkle little star
How I wonder what you are...
Patuloy yun sa pagtugtog kaya napatigil kami.
"Brad anong meron?" Kinakabahang tanong ni Jasper. Nang marinig ang panbatang kanta na iyon.
"Wait guys yumuko tayo ng dahan-dahan" Utos niya habang nakikiramdam sa paligid.
Sinunod naman naming yun hanggang sa...
Shinggggg!!!!
Shingggg!!!!
May lumabas na mga espada kaya napadapa kami para hindi kami masapol.
"Shit mga espada" Anunsyo ko sa kanila.
"Guys yuko lang ang ulo niyo" Paalala ni Blayke na nakayuko din.
Patuloy parin ang paglabas ng espada hanggang sa...
"Shit"Daing ni Rylen na nasa gilid ko.
"Anong nangyari sayo Rylen?" Kinabahan kung tanong sa kanya.
"Nadaplisan ako" Sagot niya habang nakapikit ang isang mata iniinda ang sakit ng pagkatama sa binti niya.
"Brad! si Rylen may tama" Pagpapaalam ko kay Blayke.
"Ano? Saan?" Sunod sunod na tanong ni Jameson sa amin ni Rylen.
"Sa binti" Sagot ni Rylen kung saan banda siya nadaplisan.
"Malalim?" Tanong uli niya.
"Hindi naman gaano" Sagot ni Rylen habang tinitignan ang tama niya sa binti.
"Mabuti naman kaya pa?" Nag aalalang tanong ni Jasper sa kanya.
"Naman para sa kanya" Seryosong sagot ni Rylen.
"Ok kailangan natin uling malaman kung ano o sino ang nasa likod nito" Saad ni Blayke sa amin.
"Ok noted" Sagot naming.
Kanya-kanya kami ng obserbasyon sa paligid.
Sa magkabilang side lumalabas ang mga espada ilang inch lang mula sa amin. Kailangan naming Makita kung saan at paano na aactivate ang paglabas nito.
"Brad! tignan mo ito!" Tawag sa akin ni Rylen.
"Ano yun?" Curious na tanong ko sa kanya.
"Ito oh" Sabay turo niya sa nais niyang ipakita sa akin.
Isang manipis na tali... parang isang wire na connected sa kung ano man device na kumukontrol sa paglabas ng espada.
"Saglit tignan mo kong saan nakaconnect" Utos ko sa kanya
"Sige" Sagot niya at gumapang para sundan ang tali.
"Blayke!" Tawag ko sa kanya habang nilingon siya.
"Bakit?" Tanong niya sa akin habang nakayuko parin.
"Mukhang alam na namin kung bakit lumalabas ang espada" Pagsasabi ko sa kanya.
"Paano?" Tanong niya na may pag asa sa mga mata.
"Kung may makita kayong manipis na tali huwag niyong sasanggain" Sagot ko sa kanya haban pinapaliwanag ito
"Bakit?" Takang tanong niya sabay pilig ng ulo.
"Dahil kung nasangga o nagalaw lang yun ay automatic na may tutunog at lalabas na ang espada. Maghanap kayo at itry niyo kung tama ang theory ko" Utos ko sa kanya.
"Sige maghahanap kami ni Jasper" Sagot niya at tinignan si Jasper.
"Ok" Sagot ko at binalik na ang tingin sa harap.
"Ano nahanap mo na?" Tanong ko naman kay Rylen ng nakabalik na siya sa pwesto niya.
"Oo tignan mo" Turo niya sa akin.
Nakakabit sa parang kung ano yung tali... mukhang mahirap ito kumpara kanina ni walang button o kung ano man, mukhang mano-mano ang pagdedefuse nito.
"Mahirap idefuse ito wala tayong gamit" komento ni Rylen alam din niya pala.
"Nikee, may nakita na kami!" Tawag sa akin ni Blayke.
"Itatry na namin" Pagpapaalam ni Jasper sa amin.
"Sige basta walang tatayo kung ayaw niyong mamatay" Paalala ko sa kanila
"Sige ito na" Saad ni Blayke.
Ako ay may lobo...
Lumipad sa langit...
Hindi ko na nakita...
Pumutok na pala...
Hanggang sa nawala ang tugtog at lumabas na ang mga espada.
Shingggg!!!!
Shinggggg!!!!!
"Rylen may napansin ka ba?" Tanong ko sa kanya at tinitigan siya.
"Meron" Seryoso niyang sagot.
"Ano?" Tanong ko sa kanya baka pareho kami ng inisip.
"Yung sa music kapag natapos siya doon lumalabas ang mga espada" Sagot niya sabay ngisi.
"Tama ka, may plano na akong naisip" Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Paano?" Curious niyang tanong .
"Ganito kada makita tayong tali sanggain natin tapos kaagad tayong tatayo. Pagmalapit ng matapos ang kanta tsaka uli tayo yuyuko gets?" Paliwanag ko sa kanya ng plano ko.
"Gets, sige sabihin mo na kila Blayke" Tumutungo niyang sagot.
"Guys may plano na kami ni Rylen" pagsasabi ko kila Blayke.
"Ano yun?" Takang tanong nila.
"Ganito" Sabay lingon ko sa kanila nasa likod kasi naming sila at para maipaliwanag ko ng mabuti.
"Paano?" Tanong uli nila.
"Ganito diba sa bawat kanta may lumalabas na espada?" Tanong ko sa kanila.
"Oo"Sagot nila.
"So ganito sa bawat tali na makikita natin katulad nitong nasa harapan namin ni Rylen. Kailangan nating sanggain tapos kapag nagstart na yung kanta kaagad tayong tatayo at ililipat. At kapag malapit ng matapos dadapa tayong muli. Ganoon lang, Pero kailangan parin nating mag ingat dahil may nakakalat parin na tali baka masangga natin ng hindi namamalayan lagot na. So ganon lang ang gagawin natin hanggang sa makaalis tayo sa lugar na ito maliwanag ba?" Mahabang paliwanag ko sa kanila.
"Yep noted" Sabay-sabay nilang sagot.
"So let do this" Excited kong sabi.
"Ok may tali dito sa harap namin ni Rylen sa pagbilang ko ng tatlo gagalawin niya ito, sabay sabay tayo tatayo kuha niyo"?" Tanong ko sa kanila.
"Yep" Sagot nila.
"Ok...isa...dalawa...tatlo" Bilang ko saka hinila.
Bahay kubo kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari...
Sa pag start ng kanta kaagad kaming tumayo at maingat na naglalakad.
"Dapa" Sigaw ko patapos na kasi ang kanta.
Sa paligid-ligid ay puno ng linga.
Sakto pagkatapos ng kanta ay nakadapa na kami.
Shingggg!!!
Shingggg!!!
Shinggg!!!!
"Hoooo that was close"Medyo gulat na saad ni Blayke.
"Oo nga" Sang ayon ni Jasper.
"Guys pahinga muna" Hinihingal kong sabi.
"Sige" Sang ayon nila.
Kapwa na kaming lahat ay pagod na. Their trap we're, too plan mahirap makawala nakakapagod at nakakamatay. Where at the center of this second trap we're surrounded of different not use electronic device. Dim light pero sakto na para makita ang paligid since bodega ito.
Napatingin naman ako sa gilid ko at namataan ko si Rylen.
"Okay ka pa ba? Kaya pa?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya sabay harap.
"Okay pa ko, kaya pa" Sagot niya sa akin. Bakas sa kanya ang lihim na pagdaing.
"Game na uli" Biglang saad ni Blayke. Kaya napaayos kami.
"Okay, maghanap uli tayo" Utos ko sa kanila.
"Okay" Sagot nila at nagstart ng maghanap.
Kanya kanya kami ng gapang hanggang sa...
"Meron na!" Anunsyo ni Jasper
"Ok on the count of three alam niyo na" Paalala muli ni Blayke.
"Okay" Sagot naman namin.
"Bro ready" Lingon ko kay Rylen.
Tumungo naman siya bilang pagsagot.
"One...two...three"...
Leron leron sinta...
Buko ng papaya...
Dala'y dala'y buslo...
Sisigla ng bunga...
Tumango uli kami medyo matagal ang kanta kaya panigurado makakaalis na kami sa lugar na ito.
"Bro" Alalay ko kay Rylen ng muntik siyang matumba.
"Mga brad malapit na tayo walang susuko" Paalala ni Blayke. Nakikita na namin ang dulo nito.
"Never give up guys malapit na" Pagchecheer up naman ni Jasper sa amin.
"Oo naman never give up on them" Sang ayon ko saka patuloy na tumatakbo.
Antayin niyo kami parating na kami...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top