START
"It's hard asking someone
with a broken heart
to fall in love again."
- Eric Kripke
----
Namamawis kong hinawakan ang sulat. Pinaghirapan ko ito ng sobra. I wrote this letter last night, pouring all my feelings and emotions as I was writing this. At ngayon, I decided to give it to him by putting it in his locker. Alam ko na wala akong tsansa sa kanya because he is famous and only dates famous girls. Pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko hindi ba?
"Yoshi," I cheered myself up.
It's still 6 AM, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil dito. He's a graduating student kaya hindi ko alam kung aabot pa ba sa kanya ang nararamdaman ko. I've like him for years and I couldn't keep my feelings anymore. The more I do, the deeper it gets. Mas lalo akong nahihirapan umahon kapag ganito.
Lumapit ako sa harap ng locker niya. Tinitigan ko lang iyon, kinakabahan. Napalunok ako ng ilang beses bago tuluyang ipinasok sa butas ang sulat. I ran as fast as I could palayo sa locker para hindi ako makita ng ibang estudyante.
I hope my feelings will reach you, senpai Yuan.
"You gave it to him? Personalan?" sigaw ni Ruby.
"Hindi ah, pinalusot ko lang sa locker niya kanina," ngumuya ako ng Nagaraya.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nabubuhay ng hindi kumakain kada oras.
"Ang tibay mo. May pa-love letter ka pang nalalaman. Kung bakit ba kasi ngayon mo lang iyan naisipan, graduating na sila Yuan," nailing siya. Mukhang dismayado.
"At least may ginawa ako. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para sa nararamdaman ko."
She shrugged. "May point ka."
Nagsimula akong magkagusto kay Yuan noong Grade 9 ako. I saw him at a sports competition. Namangha ako sa sobrang galing niyang maglaro. Hindi siya nahirapang talunin ang kanyang kalaban, and he always puts a smile on his face when he sees cats, dogs, and birds. He seems gentle and kind kaya hindi siya mahirap gustuhin. But he always dates famous girls na nalilink sa kanya.
"But why do you like him, Gel? Alam mo naman na maraming nalilink sa kanya tapos puro sikat pa."
"Lahat ng gwapo may pero..." sabi ko. "Pero crush ko talaga siya. I can't push my heart to like someone else when I know for a fact na siya lang ang gusto ko."
Tinampal niya ako tsaka siya tumawa. "Ang korni mo."
Grade 12 na siya ngayon at Grade 10 naman ako. Bagay na bagay kami.
Dumating ang inaasahan kong hapon. Tumakbo ako paakyat sa rooftop dahil dun ang sinabi ko sa letter. Sana naman pumunta siya. Graduation na nila bukas at ayokong masayang ang nararamdaman ko nang hindi ko sinasabi sa kanya mismo.
I opened the door and was chasing my heavy breath. Napahawak ako sa tuhod ko habang hinahabol ang aking paghinga.
"Angela?" boses ni Yuan.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang gulat niyang itsura.
"What are you doing here? Bakit hindi ka pa umuuwi?"
"Y-Yung letter," I said in between my breath.
Nilabas niya mula sa kanyang bulsa ang sulat ko. "You wrote this?"
Tumango ako at tumayo ng tuwid. Seryoso ko siyang tinignan sa mga mata niya.
"Don't tell me you like me?"
"Oo," matapang kong sabi. Hindi halata pero kinakabahan ako ng sobra. Gusto ko na lang sumabog sa harap niya. "I-I like you, Yuan, matagal na... since Grade 9!"
Katahimikan.
He stared at me for a few minutes. Pinigilan ko ang sarili kong magsalita. I waited for him to talk when he suddenly averted his gaze.
"Sorry, Angela, I accept your feelings, but I like someone else kasi," he hesitantly smiled.
I clenched my fist. Para akong masusuka dahil sa sobrang kaba.
Did I just got... rejected?
"O-Okay lang, Yuan. Naiintindihan ko," ngumiti ako.
He pet my head with his gentle hands, ngumiti siya sa akin.
"Masyado ka pang bata para sa akin. Enjoy your youth muna. Maganda ka naman, may magkakagusto pa sayong iba riyan, Angela."
Alam ko iyon... pero ikaw lang iyong gusto ko.
"Sorry talaga, but I will keep your letter. Masaya ako na sinabi mo sa akin ang nararamdaman mo. Most people would hide their feelings for me," tumawa siya at ibinulsa ang sulat. "Uuwi na ako. Maghahanda pa kasi ako bukas. See you."
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. I heard the door banged pero nanatili pa rin akong nakatayo. I felt warm waters flowing from my eyes. Umiiyak na pala ako.
"Alam ko naman iyon, e. Alam ko yun, pero ikaw lang ang gusto ko, Yuan," bulong ko sa hangin.
Paano ako makakamove-on nito, e hindi pa nga nagiging tayo?
Pangako. I will make sure na magkikita tayo ulit and when that time comes, sisiguraduhin ko na magugustuhan mo na ako. I will make sure that I will be accepted in the same university with you, Yuan.
=**=
"University of Southwestern Philippines? Mahirap makapasok dun, ah," si Ruby.
Nasa caf kami ngayon dahil lunch time.
"I'll study hard. Nalaman ko kasi na doon magka-college si Yuan," sumubo ako ng kanin.
"Iba talaga ang fighting spirit mo. Akala ko ba crush mo lang siya?"
"May crush ba na nagtatagal ng three years?" irap ko.
"Ewan, basta ako, nakamove-on na ako kay Cordova. Ayoko ng mainlove ulit," aniya na may pandidiri effect.
Asa namang paniniwalaan ko ang sinabi niya.
It's been two years since I confessed to him. Sariwa pa rin sa alaala ko ang buong nangyari. Pangako, makakapasok ako sa university at magkikita ulit kami ni Yuan.
I was scrolling on my Facebook later that night at dumaan sa feed ko ang online registration for incoming freshmen college students na may balak mag-aral sa USeP. I chat Ruby and told her about the registration. Alam ko na naghihirap din sila sa pera and the university offers free tuition.
She agreed.
At sa araw na ito kami magtetake ng exam sa USeP. Kumain muna kami saglit para magkaroon ng lakas ng loob lalo na't sasabak kami sa pangmalakasang examination mamaya.
"Never pa ako nakapasok diyan," aning Ruby habang nakatingin sa university.
Makikita mula sa kinatatayuan namin ang field.
"Let's check, then. Mamayang hapon pa ang examination natin, hindi ba?" tanong ko tsaka siya tumango. "Good."
Pumasok kami sa university pagkatapos naming kumain. It's big pero hindi ganun kalawak ang field. Kung hindi mo kabisado ang loob, you'll lose your way here. Kapansin-pansin din ang mga pasikot-sikot.
There are few students today at kadalasan sa mga narito ay pawang graduating or may thesis na tatapusin, judging from their appearance and big bags which contains laptops and gadgets. Nagkalat din ang seniors sa kiosks habang nagtitipa sa kani-kanilang laptops.
"Walang gwapo," bulong ni Ruby habang nagmamasid sa paligid. "Umuwi na tayo."
"Gaga, may exam pa tayo," pagtampal ko sa kanyang braso.
Naupo kami sa bakanteng bench malapit sa tinatawag nilang Center Stage. I like the ambience here, tahimik, hindi masyadong maingay at nakakapag-isip ka ng maayos. Malalanghap mo rin ang sariwa at malamig na hangin mula sa mga punong malapit dito.
"Nakahanap ka na ba ng boarding house?" tanong ko matapos ilagay ang bag sa sementadong mesa.
"Hindi pa nga, e. Ang mahal kasi ng renta, hindi afford ni mama," she slumps her face on her bag. "Ikaw?"
"Sabi ko naman sayo, diba? Hati nalang muna tayo this year. I'll pay the larger amount. If you'll find a cheaper boarding house, pwede ka namang umalis pagkatapos."
I've been telling her this for the tenth time pero hindi talaga siya nakikinig. I know for a fact that she doesn't want to ask help, but she needs my help kaya tutulungan ko siya. Hindi niya man sabihin, alam kong nahihirapan siya sa kanyang sitwasyon that's why I asked mom for an extra allowance.
"Tch. Sige na nga," pagsuko niya.
Ngumiti ako. Iniwan ko muna siya sa mag-isa dahil naiihi na ako ng sobra. Mabuti na lang at may malapit na Male and Female Restroom dito. Lumabas ako pagkatapos kong umihi when a guy also emerged from the Male's Restroom kaya nagkaharap kami.
Bakit ganyan siya kung makatingin sa akin?
"What are you staring at?" his brows furrowed.
Kumunot ang noo ko. "You stared at me first."
"What? Ang kapal mo."
"Pardon?" pagtaas ng kaliwa kong kilay.
"Ang panget mo."
Uminit ang tenga at ilong ko dahil dun. Anong karapatan niyang insultuhin ako ng ganun? Napaka-straight forward naman nun masyado!
"ANO?!"
Tsaka siya humalakhak, napapahawak pa siya sa kanyang tiyan tsaka niya ako nilampasan. Galit na galit kong binalikan si Ruby na nagmamasid sa mga tao sa field.
Napatingin siya sa akin. "Na ano ka?"
"Pangit! May pangit!"
"Pangit?"
"May pangit na lalaki kanina. Basta ang panget!" inis kong nilagay ang earphones sa tenga ko.
Ang guwapo guwapo sana ng lalaking iyon kaso napakasama ng ugali. Sabihin ba naman yun sa akin? Ano bang problema niya?
Tumakbo kami ni Ruby papunta sa Engineering Building kung saan kami magtitake ng examination. Sana naman makapasa kami. Nag-aral akong mabuti para rito. Gusto ko lang makita si Yuan!
Pumasok iyong babaeng proctor tsaka niya kami binigyan ng exam papers. First page pa lang alam ko nang mahirap. Nung nasa Mathematics part ako, tinitigan ko lang yun dahil bawal gumamit ng calculator. Parang hindi ako nakapag-aral ng high school sa sobrang hirap ng mga tanong. Ano ba yan!
"Aaggh, tapos na rin sa wakas," nag-unat siya ng braso pagkatapos naming lumabas ng examination room.
"Mukhang sa Abstract lang ako magkakapuntos," iyak ko.
"Shunga, okay lang yan. Five raw ang passing average sa exam dito if Business course."
Bababa na sana kami ng hagdan nang makita ko ulit iyong lalaking bastos na nasa kabilang classroom. He was holding an electric guitar habang nakikipag-usap sa isang guwapong foreigner.
"Tara na, Gelai," tawag niya. Lumapit siya sa akin at tinignan ang tinititigan ko. "Napaano ka na naman ba– ay teh, ang guguwapo naman yan. Sino type mo riyan?"
"Tara na nga, nabwiset ako lalo," hinila ko siya pababa.
Nasa fifth floor kami kaya ninamnam namin ang bawat staircase na binababaan namin. Nag-uusap lang kami ni Ruby tungkol sa exam kanina when someone called. Akala ko ibang babae ang tinutukoy niya, but he was staring mula sa itaas.
"Teka lang, Panget!"
Napatingin si Ruby sa kanya. "Hoy teka, ikaw yata tinutukoy."
"Ang sama mo! Pag panget, ako agad?"
"Eh, nakatingin siya sayo," tinuro niya pa.
"Aish," hinila ko siya but the ruthless guy caught our pace.
Nahinto ako sa paglalakad nang makita ang lalaki na noon ko pa man gustong makita. Hindi ako nakapagsalita ng maayos. I froze and couldn't find the words to say. Para akong naputulan ng dila.
"Yuan, andito ka rin?" tanong ni Ruby.
"Are you going to study here as well?" tanong ni Yuan.
Tumango si Ruby atsaka siya tumingin sa akin pagkatapos.
"How are you Angela? It's good to see you. You're looking good."
"I-Ikaw din, Yuan. Ang guwapo mo pa rin."
Tengeneee. Sa lahat ng araw na pwede kaming magkita, ngayon pa talaga?
Napatingin siya sa likuran ko. "Hey, Mark. Are you done practicing?"
"Dude, hindi pa kami tapos nila Seph. I'll give the keys to you later," iyong lalaking napakasama ng ugali!
"Excuse me," pasintabi ko at hinila si Ruby paalis sa gitna. "Kita nalang tayo, Yuan."
Ngumiti sya sa akin. Kinilig naman ako run, tengene. Ang landi landi mo pa rin kahit kailan Yuan.
"Hoy, ano ba? Ambilis mong makaiwas, ah? Nahalata kang guilty, hindi ka pa talaga nakakamove on kay Yuan, Angela Saavedra," sabi niya ng makalabas kami sa Engineering building.
"Ang guwapo guwapo pa rin ni Yuan, Ruby no? Walang pinagbago! Sana wala pa siyang girlfriend."
"Nakikinig ka ba sa akin?" I saw her facepalmed at hinila ako palabas ng university.
Sana makapasa kami sa exam. Please!
=**=
Namamawis kong hinawakan ang strap ng bag ko. This is it. I've passed the examination. I got my COR, and I have classes today.
"Mabuti na lang at classmates tayo," si Ruby.
"Makikita ko na si Yuan," kinilig ako ng impit.
"Nakikinig ka ba sa akin?"
Narinig namin ang tunog ng school hymn. Hinila niya ako kaagad papasok sa building.
"Tara na, mamaya ka na mag-daydream diyan!"
I will be able to see Yuan Velasquez again!
----
Mark Baltazar
Just imagine yourself as Angela Saavedra
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top