Chapter 06

CHAPTER 06

Boyfriend



"Ano bang sinasabi mo? Na may boyfriend ang isang Markian Baltazar?" pagtataka ni Ruby.

Kumakain kami ng lunch ngayon sa lobby, at napakalakas ng boses niya rason kung bakit nakatingin ang halos kalahati ng madla sa direksyon namin.

"Ssh! Ingay mo! Kilala pa naman ang Baltazar na iyon dito sa college natin," sita ko.

"Sorry naman," naupo siya ng maayos at kumalma pagkatapos. "Ang guwapo niya naman para magkaboyfriend. Guwapo rin ba iyong boyfriend niya? Nakita mo ba?"

"Oo, inakbayan pa nga siya nung paalis na silang dalawa. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Hindi kasi kapani-paniwala no. The absurdly gorgeous Markian Baltazar ay may sugar daddy? Sino ba kasi ang maniniwala sa sinasabi mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "So you don't believe me?"

"Pag may ebidensya ka na, paniniwalaan kita," kasabay nun ang pagwagayway niya sa kanyang kubyertos.

"Sige, I'll find an evidence to prove my accusations against him. Ang hirap mo namang paniwalain, e nakita na nga ng dalawang mata ko kahapon," giit ko.

"Hindi lahat ng nakikita ng mga mata natin ay totoo, hindi lahat ng hinala ay tama, at hindi lahat ng katotohanan ay dapat paniwalaan," seryoso niyang sambit.

"Sino sabi?"

"Ako. Hindi mo ba ako narinig?" tawa niya.

Bumalik kami sa pag kain. Dumiretso ako sa University Library pagkatapos maglunch upang maghanap ng ebidensya kung saan ko maaaring patunayan ang nasaksihan ko kahapon. Hindi ko intensyon na siraan si Baltazar dahil wala naman akong pakealam sa kanya, pero dala na rin siguro ng kuryusidad, gusto ko ring malaman ang katotohanan.

Baka mali rin ang akala ko.

Madalas tumambay sa library na ito ang barkada niya, baka may alam sila tungkol sa boyfriend ng kaibigan. Lumapit ako sa desk at nilagay ang bag ko roon. Nagmasid ako saglit sa loob ng Virtual Room, parang computer shop dahil sa rami ng computers, at sa puwestong ito madalas maupo iyong guwapo na may brown na buhok.

Isang oras lang ang vacant namin at naubos ko na ang kalahating oras sa kahihintay sa lalaking iyon. Aalis na sana ako upang suyurin ang buong campus nang makita ko si Yuan na papasok dito. I don't know what happened but I immediately hid under the cubicle na para bang pinagtataguan ko si mama noong bata.

"Fudge..." I cursed under my breath when he walk passed my cubicle.

Alam na alam ko kung ano ang brand ng kanyang sapatos, even his polo shirt's size, kahit brief niya alam ko rin kung ano ang brand. Ganun ako kastalker... at ngayong naiisip ko ang mga kababalaghang ginawa ko, parang ang gaga ko pala noon. Napakaisip bata ko pala talaga kahit kailan.

Dahan-dahan akong lumabas mula sa maliit na space nang may pares ng sapatos ang nakaabang sa harap ko. I slowly lift my head only to see Ryle, squinting his eyes at me.

"What the fuck are you doing underneath?"

Napalunok ako at agad na lumabas mula sa ilalim. Tumayo ako ng tuwid matapos pagpagin ang aking palda.

"Kinuha ko lang itong ballpen na nalaglag."

His eyes went straight behind my back. "Tapos ka na, Yuan?"

Si Yuan... nasa likuran ko. Hindi ko alam pero ginapangan ako ng kaba at sobrang lamig ng kamay ko, baka dahil lang ito sa aircon.

"Kanina pa," he replied.

Nilingon ko siya at binati ng isang ngiti. "Ikaw pala, Yuan. Andito ka rin pala."

"Madalas kami rito, it's my first time seeing you here, Angela."

"Mukhang ikaw yata ang napadpad dito, Ms. Saavedra," ngumisi si Ryle sa akin.

"Nagsesearch lang," palusot ko na sana kagatin nila pareho. Mukha pa namang magaling umusisa ang dalawang ito.

"Anyway, kanina ka pa hinihintay ni Seph sa labas. Ang bagal mo raw," sabi ni Ryle kay Yuan.

This is your chance, Angela, itanong mo na sa kanila kung may alam sila sa boyfriend ni Baltazar.

"Yuan, siya nga pala may itatanong sana ako sayo," lakas loob kong sabi, interrupting their important conversation.

"What is it, Angela?"

"S-Si..."

I can't. I FREAKING CAN'T!

"Si Mark ba hinahanap mo? Absent siya ngayon, e," singit ng isang boses. Yung lalaking may brown na buhok.

"Absent? Nagkakasakit pala ang loko, Seph?" tawa ni Ryle.

"Hindi, wala siyang sakit. Hangover ang loko kagabi, nakipag-inuman kay Daniel dahil brokenhearted," sabi ni Seph.

Brokenhearted? Bakit, may girlfriend ba siya?

"Hindi siya ang hinahanap ko. Sige, mauna na ako sa inyo," paalam ko at tinignan ulit ang napakaamong mukha ni Yuan.

Ayun, my day is complete already. Thank you, Yuan Velasquez.

Lumabas ako ng library dala-dala ang bag at bumalik sa lobby kung nasaan si Ruby. Kaya pala hindi ko siya mahagilap sa campus, hindi naman pala siya pumasok.

"Ano? May ebidensya ka na?" bungad niya sa akin.

"Absent si Baltazar."

"May sakit?"

"Hangover lang," walang gana kong sagot.

"Paano mo nalaman?"

"Sinabi ng kaibigan niyang si Seph. Andun kasi sila sa library kanina kasama si Yuan."

"Nakita mo si Yuan?" pagtataka niya. Tumango ako. "Eh, bakit ka malungkot diyan? Dati naman, tuwang-tuwa ka sa tuwing masisilayan mo kahit anino niya pero ngayon, ewan ko sayo, Gelai!" naiiling niyang ibinalik ang tingin sa dino-drawing.

Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo, Ruby.

"Kanina kasi nung nakita ko si Yuan, pinagtaguan ko siya... parang parang ayoko na makita niya ako."

Tinitigan niya lang ako na para bang may hinihintay pa siya mula sa akin.

"Hindi ko alam kung bakit."

"Baka may lagnat ka, ah? Baka lang naman," pagbibiro ng magaling kong kaibigan.

"Ano ba, wala akong sakit. Nagtaka nga rin ako sa inasal ko kanina. Dati naman, nagpapapansin pa ako pero ewan ko ba!" inis kong hinilamos ang mukha ko.

May mali na ba sa akin?

"Hindi kaya nagmo-move on ka na sa kanya?"

"Ewan. Pagod lang siguro ako ngayon."

Nag-uusap lang kami ng mahagilap sa gilid ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha. Tinitigan kong mabuti kung sino iyon nang bigla kong maalala ang baklang kasama ni Baltazar noong nakaraan sa grocery.

Napatayo ako ng mabilis. "THAT'S HIM!"

"A-Ano, sino, huh?"

"Halika, bilis! Siya iyong sinasabi ko sayo na boyfriend ni Baltazar! Confirm ko na na nag-inuman silang dalawa kagabi, tsaka Daniel daw pangalan! Sundan natin, dali!" hinila ko siya kaagad.

Sinundan namin iyong lalaki at nakita na papasok siya ng CE building. Judging from his looks and how he dress, isa siya sa mga professors dito sa university.

"Wait, Mark's boyfriend is a professor?" she asked in disbelief.

"Naniniwala ka na sa akin?"

"What the hell, Gelai, huwag mong ipagsabi sa kahit na kanino ang tungkol dito. Baka maexpel siya ng wala sa oras," pagyugyog niya sa balikat ko.

"O-Oo, promise!" sabay taas ng isang kamay na parang namamanata.

"Good!" sinilip niya sa huling beses iyong propesor bago ako tinignan ulit. "Tara na, may next subject pa tayo."

Halos dalawang minuto na rin akong nakatayo sa harapan ng malaking pinto ni Baltazar, nagdadalawang-isip kung kakatok ba ako o hindi.

"Curiosity kills the cat, Angela," bulong ko sa sarili.

Huminga ako ng malalim at mabilis na kinatok ang pinto. Lumalamig na rin ang pagkaing dala ko para sa kanya galing 11-Eleven pero wala namang sumasagot.

"Hoy, Baltazar, andiyan ka ba?"

No one's answering but someone opened the door. Bumungad sa akin ang nakatopless niyang katawan, at tanging puting tuwalya lang ang nakasabit sa kanyang ibaba. Napapikit ako at mabilis pa sa alas kwatro ng talikuran ko siya.

"Magbihis ka nga!" naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi.

"Sorry, I was taking a bath kaya hindi ko kaagad narinig ang katok mo."

"M-May gusto sana akong itanong sayo kaso nabalitaan ko na absent ka raw kanina kaya naman-" naputol ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang malalamig niyang kamay na nakahawak sa akin.

"Kukunin ko lang iyong pagkain," ngisi niya. "So ano nga ulit ang itatanong mo?"

Paano niya nalaman na para sa kanya ang dala ko? Tsk.

"Tungkol sa boyfriend mo..."

Kumunot ang kanyang noo tsaka siya napatingin sa magkabilang direksyon na para bang sinisigurado niya na walang ibang makakarinig sa amin.

"Let's talk inside," paghila niya sa akin sa loob.

"So totoo nga? May boyfriend ka nga talaga," ngisi ko.

"What boyfriend?" he asked, kagat-kagat ang siopao na dala ko.

"Yung boyfriend mo, iyong kasama mo sa grocery noong nakaraan. Nakumpirma namin kanina na isa siyang professor sa university. Boyfriend mo iyon, diba?"

"Maupo ka," he motioned me to sit down.

"Hindi ka ba magbibihis?" kunot noo kong tanong.

Naupo ako gaya ng kanyang sabi. Why is he acting so casual na para bang wala siyang pakealam sa kung ano ang susunod kong sasabihin?

"Are you listening to me, Baltazar?"

"I am," nakatayo lang siya sa harap ng TV. "I just found it amusing... you never fail to amuse me, Panget," ngumisi siya dahilan para makita ko ang malalim niyang dimples.

"W-What are you saying?"

Bakit ba ako kinakabahan? It's just him. Si Baltazar lang iyan, pero bakit ako nakakaramdam ng kaba sa kanyang presensya?

"Yung baklang kasama ko sa grocery, na nakita niyo rito sa university, and is one of your business professor is Daniel Baltazar..." lumapit siya sa akin tsaka niya iniharang ang magkabila niyang braso sa sofa para macorner ako.

"I-Isa rin siyang Baltazar?" napalunok ako.

"He is my Tito Dan," ngisi niya. "And I don't have a boyfriend, magagalit ang girlfriend ko kapag nagkataon."

Tumayo siya at nagbihis ng damit at shorts kaya pumikit na lang ako.

"Kaya ka ba naglasing kasi nag-away kayo ng girlfriend mo?"

"Not that I'm concerned about my girlfriends or anyone. I just want to get drunk..." sabi niya pero binawi niya rin kaagad. "Break na kami."

"Sorry," ang tanging nasabi ko.

He only laughed at my word. "It's not a big deal, actually. But it still hurts a lot."

"Kahit na, big deal o hindi, masakit pa rin naman kasi mahal mo, e."

Kung makapagsalita ka naman Angela Saavedra parang hindi ka rin naging tanga kay Yuan, ah?

"May itatanong ka pa ba?" tanong niya.

Dun ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nagiging feel at home sa kuwarto niya na kaming dalawa lang.

"W-Wala na, pasensya na sa istorbo. Sige, alis na ako," nagmamadali kong binuksan ang pinto.

"You could have just chat me about it. Ang effort mo masyado kasi nagpunta ka pa talaga rito," he smirked.

Itinirik ko ang mga mata sa ere. "Salamat sa ideya dahil iyon mismo ang hinding-hindi ko gagawin."

I immediately close the door, at tanging halakhak niya lang ang huli kong narinig. Napahawak ako sa dibdib ko ng muli akong makabalik sa sariling kuwarto. Baltazar's presence is making me nervous.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top