Chapter 05
CHAPTER 05
Callboy
"Gelai, kayo muna ni Luigi ang bumili nito," sabi ni mama matapos ibigay sa akin ang pagkahaba-habang listahan ng grocery items para sa coffee shop.
"Nasaan po si kuya Luigi?"
"Kanina pa yata iyon naghihintay sa labas ng kotse. Puntahan mo muna doon sa labas. Carlo, tulungan mo muna si June. Ikaw muna magbarista kasi inutusan ko pa si Luigi, ha?" tsaka niya ito tinapik sa balikat.
"Opo, Ma'am," ngisi nito.
Lumabas ako ng café at nakita si Kuya na nakasandal sa kotse habang nasa kaliwa ang kanyang cellphone. Looks like he is calling someone kaya hindi ko muna siya inabala hanggang sa matapos iyon.
"See you later," aniya bago tuluyang ibinaba ang tawag.
Napatingin siya sa akin kaya medyo nahiya ako. Kaedad lang ni Yuan si Luigi, gwapo rin at matikas kaso may bad boy aura itong si Kuya. Tsaka, ang awkward pa nga dahil nasa iisang shop lang nagtatrabaho si ate Viv kaya sinadya ni mama na hindi mag-abot ang schedule nila.
"Kanina ka pa ba?" mahinahon niyang tanong.
"Sinabi ni mama na samahan daw kita sa grocery store, Kuya," iniabot ko sa kanya ang listahan.
"Itago mo lang iyan diyan. Memorize ko na rin naman iyan," ngiti niya at pinagbuksan ako ng pinto.
Ang hina ko talaga sa memorization pero matalas naman ang utak ko paminsan-minsan.
Bumaba ako ng kotse nang makarating kami sa SM. Pinarada naman ni kuya Luigi ang sasakyan sa parking lot habang nauna na ako sa loob. Naghiwalay kami ng daan upang mas mapabilis ang pamimili namin. Sa kanya ang kalahati ng listahan habang sa akin naman ang isang kalahati.
Hindi ako madalas sumama sa pamimili nila pero kabisado ko naman ang brands na ginagamit namin sa café, lalo na't paulit-ulit ko itong nakikita.
Dumiretso ako sa next aisle kung nasaan nakahilera ang napakaraming harina na gagamitin sa pagbi-bake ng cake. Kumuha ako ng tatlo tsaka ako dumiretso sa sunod na ingredient. Dumidiretso lang ang hintuturo ko sa produktong nasasagasaan nito.
"Panget?" a raspy voice asked, and he sounds uncertain.
Boses niya pa lang, alam ko na kung sino, kaya nabadtrip ako kahit hindi ko pa man siya nililingon.
"Ikaw pala, Baltazar, sinusundan mo ba ako?" taas kilay kong tanong at napansin ang dala-dala niyang basket na walang laman.
"Why would I follow you? May sinamahan lang ako."
"Bakit walang laman iyang basket mo? Nagpapalusot ka pa talaga, hindi ka naman ganun kagaling magsinungaling."
Tinawanan niya lang ako sa pagiging assuming ko.
"May kasama nga ako, why don't you believe me?"
"Mukha ka kasing sinungaling!"
Nakita ko ang isang pamilyar na lalaki na papalapit sa puwesto namin. May hawak siyang vodka, tequila, at iilang soju tsaka niya iyon nilagay sa basket na hawak ni Baltazar.
"Let's go, Marky," sabi ng lalaki... beki... he's gay.
Sa pananalita pa lang at galawan alam na alam ko na na bakla siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti pero hindi na nagsalita pa.
"Alis na kami. Kita na lang tayo sa boarding house," paalam niya.
Nakita ko kung paano siya akbayan ng bakla habang papunta sila sa counter para bayaran iyong mga pinamili nila. Kung hindi ako nagkakamali, baka isang callboy itong si Baltazar! Naku hindi! Pero bakit siya may kasamang bakla? At... tinawag pa siyang Marky nito. I'm freaking curious, maybe I'm right, maybe this is his dirty little secret.
"Angela, tapos ka na ba?" halos mapatalon ako sa boses ni Kuya sa likuran ko.
"Opo, ikaw na magbayad, Kuya. Bibili lang ako ng ice cream saglit."
Diretso ang lakad ko papunta sa Dairy Queen. Nakaka-stress naman iyong nalaman ko tungkol sa kanya ngayong araw. Sabi na nga ba at may baho siyang tinatago sa kasingit-singitan ng brief niya. Sa sobrang baho, ayaw niya iyong ibulgar kaso ayoko namang mag-assume na jowa nga niya iyon o sugar daddy, baka mali rin ako.
Napagdesisyunan ko na lang na hintayin si Kuya sa parking lot dahil mukhang matatagalan siya dahil sa sobrang haba ng pila. Tinawagan ko si Ruby tungkol sa nalaman ko ngayong araw pero hindi naman sumasagot ang gaga kaya sinukuan ko na rin pagkatapos ng tatlong subok.
"Callboy ka pala, ah."
Inihatid ako ni Kuya sa boarding house pagkatapos naming mag-grocery. Siya na raw bahala sa mga iyon papuntang café. Umakyat ako papuntang third floor at napansin na nakalock ang pinto sa Room 13, kung saan nagboboard iyong kumag. Mukhang hindi pa yata siya nakakauwi.
Sinusian ko ang kuwarto ko at nakita ang isang kapirasong papel na nalaglag mula sa singit ng pinto. The penmanship obviously says na kay Ruby ito galing.
Note:
Malalate ako ng uwi mamaya. Huwag mong ilock ang room, ah. Wala akong susi! Pagbuksan mo ako kung pagsasarhan mo ako ng pinto. Kumain ka riyan. Ily :*
- Ruby M.
Kaya pala hindi niya sinasagot ang tawag ko kanina, busy na naman ang gaga. Naupo ako sa sofa at pinaandar ang TV upang libangin ang sarili kaso nakatulog ako sa kalagitnaan ng palabas. Nagising ako ng alas otso, medyo pagod rin ang mga mata ko dahil sa malabo kong paningin, at hindi ko namalayan na tumulo pala ang laway ko.
"Ruby?" pagtawag ko at baka sakaling sumagot.
Mukhang hindi pa siya nakakauwi. Tumayo ako at sinigurado na nakalock nga ang pinto sapagkat pagbubuksan ko naman siya kung sakali. Napahaba ang tulog ko kaya hindi ko na namalayan ang oras.
Nagbihis ako ng damit pantulog ng may kumatok sa labas ng pinto.
"Ruby, is that you?" tanong ko ngunit walang sumasagot. "Ruby? Hoy! Sumagot ka nga!"
Lumapit ako upang makasigurado. Sumilip ako sa maliit na butas sa may pinto namin pero wala naman akong nakita kasi tinakpan nga pala ng landlady namin iyong butas ng electrical tape.
"Sumagot ka nga, Ruby Jane Mendoza!" galit kong binuksan ang pinto at nakita si Baltazar na namumula ang pisngi.
My eyes widen when he pushed me inside the room at mabilisang isinara ang pinto.
"What are you doing here? Nasa kabilang kuwarto ka dapat!" singhal ko ngunit tinakpan niya lang ng kamay ang bibig ko upang hindi na ako makapagsalita pa.
"Ssh, can you just shut up for a day? Sa tuwing nagkikita tayo, ang ingay-ingay mo talaga!"
"Hmmmm... hmmm..."
"What?" he asked like he doesn't know what he's done to my mouth.
Puwersahan ko iyong tinanggal bago ko siya pinagalitan.
"Dun ka sa kabilang kuwarto, Baltazar! Umalis ka nga rito, baka mahuli tayo ng landlady, tangina ka!"
Hindi naman ako nagmumura pero madalas kong marinig si Ruby na sinasabi ang mga ganitong bagay. Napaka-good influence niya talaga sa akin kahit kailan.
"Wala si Landlady, umalis kaninang umaga," aniya at naupo sa sofa bago hinubad ng walang paalam ang kanyang tshirt.
"Lumabas ka nga rito. Hindi ito ang kuwarto mo!" hinila ko siya paalis sa sofa pero nabigo ako ng bongga.
"Ang ingay mo talaga, Angela Saavedra!"
Nilapitan ko siya ng konti at inamoy ang kanyang bibig. He smells like alcohol, therefore he's drunk. Kaya pala hindi ko siya nakakausap ng matino, e, lasing naman pala.
"Nilasing ka ba ng kasama mong bakla kanina?"
"How did you know he's gay?" nakapikit ang kanyang mga mata habang nakikipag-usap sa akin.
"Alam ko lang dahil malakas ang observation skills ko."
Tumango-tango siya.
"Callboy ka ba?"
Umiling-iling siya.
"So kaano-ano mo iyong lalaki kanina? Kaibigan mo?"
"Can you let me rest? Aalis ako mamaya kaya tumahimik ka muna saglit."
Nag-init ang dugo ko dahil sa bastos niyang sagot.
"Tinatanong kita ng maayos, Baltazar, kaya sagutin mo ako ng maayos," angil ko ngunit hindi na siya nagsalita pa ulit. "Bakit ka ba kasi andito sa kuwarto ko, ha?"
Baka makita pa siya ni Ruby at may isiping hindi maganda. Napakamalisyosa pa naman nun.
"I forgot where I put my keys. Naiwan ko yata sa loob ng kuwarto, tsaka ko naalala na umalis nga pala si Landlady kaya walang master key," sagot niya.
Napansin kong humilig siya ng kaunti sa sofa.
"Now let me rest."
Nagkamot ako ng ulo at tinitigan siya ng masama mula ulo, leeg, abs, abs, abs, abs, hanggang paa.
"Bahala ka sa buhay mo..." naglakad ako patungo sa kama ko.
Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang bawat paghinga na kanyang ginagawa. I can't deny the fact that he got the looks and the brain, mukha naman siyang matalino. Hinayaan ko lang siyang mahiga sa sofa. I want to sleep but his presence was making it hard for me to do so.
Dilat na dilat ang mga mata ko ng kumatok si Ruby sa pintuan. Hindi naman siya nagulat nang makita si Baltazar na nakatulog sa sofa namin.
"Bukas ko na itatanong kung bakit iyan andito," aniya at mabilis na humiga sa kanyang kama. "Good night, Gelai."
Mukhang pagod na pagod ang dalawa kong kasama. At mukhang hindi ako makakatulog ng maayos nito.
Maaga akong nagising at napansin na blanko na nga ang sofa namin. Baltazar already left.
"Maagang umalis ang hinahanap mo."
Halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita si Ruby habang humihigop ng kape. Nagkatitigan kaming dalawa, mukha kaming sabog.
"Si Markian ang tinutukoy ko," dagdag niya ng makita ang blanko kong itsura.
"I didn't get enough sleep."
"Halata nga," tinitigan niya pa rin ako na para bang may nagawa akong kasalanan. "Bakit andito si Markian kagabi?"
"Naiwan niya raw iyong susi sa loob ng kuwarto kaya hinintay niya iyong landlady."
"Bakit amoy alak?"
"Lasing iyon, galing yata sa inuman."
"Mabuti naman at walang nangyari sa inyo."
Muntikan ko nang maibuga sa mukha niya iyong iniinom kong kape.
"B-Bakit naman may mangyayari sa amin?" uminit ang pisngi ko.
"Wala naman... mabait naman si Markian Baltazar," ngiti niya.
"Hindi iyon mabait."
"Gentleman din."
"Bastos iyon!"
"Tsaka guwapo!" dagdag niya.
I didn't rebut her praise, I hate to admit it pero totoo naman kasi, guwapo talaga si Baltazar.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top