Chapter 04

CHAPTER 04

Yuan Velasquez


Grade 9 nang magsimula kong magustuhan si Yuan Anton Velasquez. He's tall, charming, and most of all, he's a very kind and hardworking man. Isa sa kanyang mga assets ay ang mga mata niya na para bang dinadala ka sa buwan sa tuwing tititigan mo ito ng mas matagal... his grey eyes.

Kung sports naman ang pag-uusapan, panalong-panalo rin siya dahil magaling siya sa larong table tennis. He looks ridiculously hot when he's playing inside his court. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ko siya gustung-gusto. Kung ikukumpara ko siya sa akin, walang-wala ako. I'm just the modern Maria Clara na hindi kailan man papasa sa standards niya bilang isang babae. I know that he only sees me as his little sister na kailangan ng gabay mula sa nakatatandang kuya.

Sana naman nagbago na ang kanyang paningin tungkol sa akin. I hope this time will be the best time to confess to Yuan once more, hoping that he'll not only accept my feelings but also me... as a woman.

Naiwan ako sa kiosk kasama ang mga libro para sa susunod na subject ko sa Taxation. Medyo nahihirapan pa akong mag-adjust sa 100 items na first quiz ni sir Yuzon. Hindi naman ganito karami ang first quiz noon, ah. 100 items nga namin ay kino-consider na as final examination, pero iba rito kasi quiz pa lang namin ang ganun karaming items.

Naghiwalay kami ni Ruby ng daan pagkatapos naming maglunch dahil mas gusto niya na sa loob ng library mag-aral sapagkat airconditioned. Hindi naman ako mapili sa lugar, basta't tahimik at walang istorbo, ayos na ako, nakakapag-aral na ako ng sapat. Kaso mahina talaga ako sa memorization, mas gusto ko ang magsolve nang magsolve.

"Power of eminent domain... police power..."

Napatingin ako sa ibang estudyante na nakaupo sa kabi-kabilang kiosks. Mabuti pa sila at walang pinoproblemang quiz ngayong araw. Kainis, kung bakit ba kasi memorization. Ayokong bumagsak sa first quiz namin, nakakahiya iyon.

"Puwedeng maki-share?" tanong ng lalaki sa isang baritonong boses.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang pamilyar na mukha. Mabilis kong inalala kung sino siya at kung saan kami nagkita noon. Siya iyong isa sa mga kaibigan ni Baltazar na nasa coffee shop din ng mga panahon na iyon. Hindi ko nga lang alam ang pangalan niya.

"Wala naman akong hinihintay na kasama."

Naupo siya sa kaharap na upuan at nagsimulang magbasa ng libro na katulad ng sa akin. Based on his actions, mukhang hindi niya naaalala na ako iyong naging waitress sa café noong nakaraang linggo.

Napansin ko na nakatingin siya sa akin tapos ay sa librong binabasa ko.

"Taxation?"

Tumango ako at ngumiti. "Sir Yuzon."

"Blockmates ba tayo?" he asked casually.

"Same course siguro kaso iba ng sections."

"Ooh, that is why you look so familiar nung nakita kita sa coffee shop," his lips were almost curving a smile.

So he remembers me nga!

"You work there?"

"No, our family owns that coffee shop. Andun lang ako tuwing Linggo para tumulong sa pagseserve sa customers."

Tumango-tango siya at ngumisi. "Sorry, hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Ryle Jetro Llanes from BSBA-1A."

Ang ganda naman ng pangalan niya, bagay na bagay sa kanyang matikas at guwapong itsura.

"Angela nga pala, Angela Chrystine Saavedra."

"Nice to meet you," aniya at nakipagkamay. "Anyway, we better get reading dahil isandaang items pa naman iyong quiz."

"Oo nga, e."

Dumiretso ako sa classroom pagkatapos kong mag-aral ng Taxation. Nagpaiwan si Ryle dahil mamaya pa iyong quiz nila pagkatapos ng sa amin. Nung nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot, muntikan na akong mamental block dahil nakalimutan ko ang isasagot sa last number. I want to ask Ruby pero pati siya ay nahihirapan sa ibang numero. Napapikit ako at huminga ng malalim bago inalala ang tamang sagot kaso nabigo ako.

"2 minutes left!" sigaw ni sir Yuzon habang isa-isa kaming pinapasadahan ng tingin.

Nakakapressure ang oras, tangina! Ayoko talaga ng ganito. Sa huli, sinukuan ko na rin ang last number. Sayang iyon kasi ten points din ang katumbas pero ayoko namang mastress ng maaga dahil lang sa isang numero.

Lumabas ako kaagad ng classroom pagkatapos ng quiz. Hindi na ako nagtanong-tanong pa kung ano ang tamang sagot doon sa huling numero. Hindi rin naman ako sigurado sa iba ko pang sagot, tsaka ayoko ring madisappoint dahil mali iyong sagot ko.

"Ano bang sagot sa last number?" tanong ni Ruby kay Joy, ang pinakamatalino sa block namin.

"It's veto power yata. Wala kasi sa reference na binigay ni sir kaya hindi rin ako sigurado," aniya.

Bumaba ako papuntang lobby at dumiretso sa drinking fountain nang madatnan ko si Ryle na hawak-hawak pa rin ang makapal na libro sa Taxation. Lumapit siya sa akin tsaka nagtanong tungkol sa quiz kanina. Rinig na rinig niya raw kasi ang sabayang pagbuntong ng mga kaklase ko pagkatapos nilang makalabas ng classroom.

"Hindi naman mahirap kung nag-aral ka lang."

"Madali lang naman ang Taxation kapag memorization," aniya at napatingin sa lalaking tumawag sa kanyang pangalan. "Alis na ako."

"Sige."

Naglakad ako pabalik sa loob ng lobby kung nasaan si Ruby.

"Saan ka galing?"

"Nag-igib lang ako ng tubig saglit."

Nakita kong naglalakad si Yuan sa gitna ng mainit na field. He looks really busy and occupied every time I see him na para bang ang hirap niyang lapitan dahil makakaistorbo ka sa kanyang importanteng ginagawa.

"Teka lang, ah," tumayo ako at ibinigay sa kanya ang tumbler na kanina ko pa hawak.

"Saan ka pupunta? May next subject pa tayo!"

"Saglit lang ito."

Tumakbo ako palabas ng lobby at sinundan si Yuan papasok sa Education Building. Nakita ko siyang umakyat sa third floor kaya't sinundan ko siya papunta roon.

"Yua—" pero pinigil ko kaagad.

Baka tanungin niya ako kung bakit ako nandito gayung wala naman akong kakilala na Education students. I need to find a good alibi kung bakit ako andito sa CEd building. Susundan ko na sana siya kaso nawala siya bigla sa paningin ko. May dalawang daanan papunta sa kanan at kaliwa, at hindi ko alam kung saan dumaan si Yuan sa dalawang ito.

"Angela, what are you doing here?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Napapikit ako ng mariin nang marinig ang boses ni Yuan sa aking likuran.

"Y-Yuan, ikaw pala. Uhm... nakita kasi kita kaya sinundan kita papunta rito," napatingin ako sa dala-dala niyang folders. "Baka kailangan mo ng tulong sa pagdadala niyan?"

"Ayos lang, Angela, wala ka bang klase? You should get to class by now. Baka pagalitan ka ng professors mo, you don't want to get a bad record from them, right? Lalo na't freshman ka pa lang."

May punto siya kaso...

"Wala akong klase ngayon, tsaka tapos na rin ang quiz namin," lumapit ako at kumuha ng iilang tambak na folders sa ibabaw. "Tulungan na kita."

He didn't say a word, hinayaan niya lamang ako sa gusto kong gawin.

"Sa office ni sir Leomord."

Sinundan ko siya papunta roon. Ni hindi kami nag-uusap o nagtitinginan, nakafocus lang kami pareho sa ginagawang pagdadala ng folders. Yung ibang estudyante ay napapatingin sa gawi namin, dahil siguro kay Yuan at sa kaguwapuhan niya.

This is Yuan Velasquez's charm.

"Ang hirap magkagusto sa guwapo."

"What did you say?"

Napalunok ako at napatitig sa kanya. Did I say that out loud? Nahinto kami sa may pintuan na may nakatatak na Faculty Room.

"W-Wala."

"Dito ka muna, ako na ang magdadala nito sa loob." Kinuha niya mula sa akin ang folders kaya't pinagbuksan ko siya ng pinto upang hindi na mahirapan pa sa pagpasok.

"I'll wait here for you."

Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi pero kusa na lang lumabas ang mga salitang iyon mula sa bibig ko. My cheeks burn red when I realized what I just said to him. Akala ko magtataka siya sa sinabi ko, but he only gave me a warm smile.

"I'll be back for you then."

Uminit ang pisngi ko at mas lalo lang kinilig ng sabihin niya iyon sa akin. Pumasok siya sa loob habang naiwan akong kinikilig sa labas ng pinto.

"Kahit sampung oras ka pa riyan, kaya kitang hintayin."

"Sinasabi mo uy?"

Nilingon ko iyong nagsalita at nakita ang nakangising si Baltazar. Nabadtrip tuloy ako, ang ganda-ganda na ng mood ko kanina kaso sinira niya pa.

"Hahay, ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako? Sira na tuloy araw ko."

"Ang arte mo talaga, Panget! Tsaka magpapasa ako ng activity. Nahuli ako sa paggawa, e. Ikaw ba?"

"Hinihintay si prince charming ko, nasa loob pa kasi," uminit ang pisngi ko ng maisip si Yuan.

"Yuan na naman?" ngisi niya at binuksan ang pinto. Ilang saglit pa nung nakabalik na kaagad siya galing sa loob.

Bakit ang bilis niyang nakalabas samantalang hindi pa lumalabas itong si Yuan, mas nauna iyong pumasok kanina, e.

"Asan si Yuan?" tanong ko nang makalabas si Baltazar.

"Nasa loob, kinakausap pa yata," tinignan niya akong mabuti. "Don't you have classes?"

"Wala... hihintayin ko lang si Yuan para makapagpaalam."

"Pumasok ka na, may klase ka siguro. Inuuna mo pa iyang paglalandi mo."

Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang blankong paratang.

"Anong paglalandi sinasabi mo riyan? Tatay ba kita at kailangan mong diktahan ang bawat kilos ko?"

"Galit ka ba, nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah?"

Nagtiim-bagang ako at nagtimpi sa kanyang mga sinasabi. This man is so... so... so rude! Anong karapatan niyang pakialaman ako sa gusto kong gawin?

"Why didn't you reply in my last chat?"

Tinutukoy niya siguro iyong last week chat niya sa akin sa Messenger.

"Do I have to? Am I obliged to reply to you, Baltazar?"

"Hindi naman. Tinatanong ko lang," aniya at naglakad palayo sa akin ng makita si Yuan sa may pinto.

"What happened? Is that Mark?" tanong niya nang makalayo si Baltazar mula sa amin. "Bakit kayo nagsisigawan? Did you fight?"

Umiling ako at ngumiti ngunit mas nanaig pa rin ang pagka-badtrip ko kay Baltazar. Sinisira niya palagi ang napakaganda kong araw!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top