Chapter 01
CHAPTER 01
Panget
Naging maayos ang morning period ko. Ni-walang pagbabago sa nakasanayan namin noon maliban sa part na puro bagong mukha ang nakikita ko. It seems like we've started from scratch and new beginning. Namiss ko ang ganitong pakiramdam.
"Nagbaon ka ba ng lunch?" tanong ni Ruby matapos makalabas ng restroom.
Tumango ako.
Sa classroom na kami kumain ng lunch sapagkat punuan ang lobby at eatery. Expected ko na talaga na ganito ang sitwasyon every first day.
"Mauna ka nang umuwi mamaya," sabi ko.
Rumihistro sa itsura niya ang pagtataka. "At bakit? May pupuntahan ka?"
"Wala naman. Aabangan ko lang si Yuan palabas," ngumiti ako.
"Hindi ko alam kung saan ka dadalhin ng pagkagusto mo sa kanya," buntong niya. "Ayaw kitang suportahan kahit alam ko na mabait si senpai Yu."
I stayed silent. I don't know what to say dahil may punto naman siya. Kahit ako, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng nararamdaman ko para sa kanya. I got brokenhearted because of him and the only person who could fix me is him.
"Love is so ironic," I whispered.
"Sinabi mo pa."
I've waited for Yuan nang matapos ang afternoon class namin. Ruby made sure na wala akong ibang gagawin because she took the keys from me. We live in the same boarding house and we only have one key. Wala kaming oras magpa-duplicate.
Mula rito sa kiosk na inuupuan ko, makikita ko ang gate kung saan naglalabas-pasok ang mga estudyante. There is only one gate and I'm pretty sure that it's the only gate to exit.
Inabot ako ng ilang oras sa paghihintay. My feet weren't resting, I kept swaying it habang nagsscroll sa Facebook.
"See you tomorrow."
Nag-angat agad ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses na yun. My heart leaped when I saw him, ang lalaking matagal ko ng hinihintay.
"YUAN!" I called.
Napatingin siya sa akin at ngumiti. Akala ko lalapitan niya ako but he waves at me upang magpaalam.
Gyah! Teka lang!
I immediately grabbed my bag and ran to him hanggang sa magsabay ang lakad namin. Hingal na hingal ako pero hindi ko iyon pinahalata.
"Hi, hindi ko akalain na aabutan kita."
"Akala ko may hinihintay ka roon," napalingon siya sa likuran ko nang makalabas kami ng gate.
"Ah, oo, boyfriend ko. Kaso busy siya kaya pinauna niya muna ako."
I thought he's going to ask about what I said but he only gave me a warm smile. Maybe he doesn't care after all.
"It's good to see you falling in love with someone else. Akala ko talaga habang buhay ka nang magkakagusto sa akin."
It didn't reach him!
Nahihiya akong napayuko. "Siya nga pala, saan ang boarding house mo?" pag-iiba ko sa usapan.
"Ah, I didn't rent one. Nagcocommute ako araw-araw," bumaling siya sa akin. "What about you?"
"Uhm, diyan lang sa tabi," turo ko sa diretsong daan.
"Really? Hatid na kita if you want," presenta niya dahilan upang magliwanag ang buo kong itsura.
"I-Ikaw nagpresenta, ha."
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nangyayari. Ibabalita ko ito kay Ruby pagkatapos. Tee-hee. We were quiet the whole time, but the silence is not as awkward as I thought. Sana humaba pa ang daanan papunta sa boarding house namin. Hindi ko maiwasang kabahan dahil ang lapit lang ni Yuan sa akin ngayon.
"Left or right?" tanong niya nang mahinto kami sa harap ng dalawang direksyon.
"L-Left," pagliko ko sa kaliwa.
Sumunod naman siya sa akin. He seems bothered. He's so quiet.
"Do you still remember when you gave me that letter?"
Nag-angat ako ng tingin, namumula ko siyang tinignan bago tumango. Bakit niya iyon pinapaalala? Narealize niya na ba na mahal niya rin ako?
"Nasa drawer ko pa rin hanggang ngayon."
Heh?
"Akala ko tinapon mo na," sambit ko na may halong pagtataka sa boses.
"I told you I'll keep it. Sa tuwing nakikita ko 'yon, naaalala kita, naaalala ko rin kung paano ka nagconfess sa akin. I always think that you're so brave confessing your feelings though I end up rejecting you," bumaling siya sa akin at ngumiti ng pagkatamis. "Confessing is something I could never do."
Napakagat labi ako matapos makita ang ngiti niya. Yumuko ako para pigilan ang kilig na namumuo sa lalamunan ko. This is Yuan Velasquez's charm. Kahit ilang beses niyang ipamukha sa 'yo na hindi siya interesado, mas naiinlove ka lang lalo.
"Kahit ilang beses mo akong ireject, babalik at babalik pa rin ako sayo," bulong ko sa hangin.
Nakarating kami sa boarding house. He was not shocked when he saw where I live. Parang nakapunta na siya rito dati pa.
"Thank you sa paghatid, Yuan," sabi ko. "Bukas ulit."
Chares!
"Yeah, sure," he smiled.
"What are you doing here, Yuan?" rinig kong boses sa aking likuran.
Yuan was looking behind me. "Hinatid ko lang si Angela."
"Aah, ganun ba."
Narinig ko ang papalapit niyang yabag sa pwesto ko. He puts his arms on the gate habang nasa ilalim ako ng braso niya.
"Akala ko pinapatawag mo ako."
What the eff! Tumingin siya sa akin. Tumitig ako, inis na inis.
Anong ginagawa ng lalaking ito rito?
"Ah, panget," he smirked. "Dito ka rin nagboboard?"
"Panget?" Yuan asked, nagtataka.
"Ah, w-wala! Sige na Yuan, bye na!" tinulak ko siya palayo ng gate.
Ngumiti lang ako at kumaway hanggang sa nanliit siya sa aking paningin.
"Dito ka pala nagboboard?"
Lumingon ako tsaka tumango. "Anong ginagawa mo rito? May classmate ka bang binisita?"
Pumasok ako sa loob ng gate tsaka niya ako sinundan paakyat. May limang floors ang boarding house kaya hindi ko alam kung bakit niya ako sinusundan. Nasa ikatlong palapag ang room namin ni Ruby. Oo nga pala, nauna nang umuwi ang gaga.
"'Wag mo akong matawag-tawag na pangit sa harap ni Yuan. Hindi tayo close at ayokong isipin niya na close tayo."
Nakasunod pa rin siya sa akin.
"Why? Panget ka naman talaga," halata sa kanyang boses ang pagngisi.
"Tseh! Wala kang karapatan kaya 'wag," huminto ako tsaka ko siya sinamaan ng tingin. "Ba't ka ba sunod nang sunod sa akin? May problema ka ba?"
"Pupunta ako sa room ko. Third floor."
Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad. Mabuti na lang at hindi niya pinapantayan ang lakad ko.
"May gusto ka ba kay Yuan?" pambabasag niya sa katahimikan. Hindi ako sumagot. "He has lots of girls in school. Type mo pala ang mga playboy?"
"Hindi siya playboy. Sadyang marami lang ang nagkakagusto sa kanya kaya ganun."
"Hmm... sa tingin mo?"
"Oo naman. Yuan is kind kaya huwag mo siyang pagsalitaan ng masama sa harap ko."
"So you do like him. Don't you?"
"Tch."
"I forgot to introduce myself, Mark Baltazar nga pala."
"Angela... Angela Saavedra."
Umakyat ako ng hagdan papuntang third floor at nakasunod pa rin siya.
"So may gusto ka nga sa kanya. Pwede mo namang aminin sa akin. Hindi ko naman sasabihin."
"He knows that I like him ever since... since high school."
"Huh? So, you've confessed to him before?" rumihistro sa kanyang itsura ang gulat. Tumango ako. "You're brave enough to do that? Kababae mong tao."
"E ano naman? I don't want to sit there looking at him be happy with someone else. At least may ginawa ako para maparating sa kanya ang nararamdaman ko."
Hindi siya nagsalita. Problema nito?
Nahinto siya sa Room 12, nahinto ako sa kaharap na kwarto, ang Room 13. That means...
"Magkalapit lang pala ang rooms natin, Panget."
T-This cannot be happening!
Mabilis akong pumasok sa kwarto at padarag na isinara ang pinto. How could this day get any worse? Do I have to spend my college years seeing the face of that guy everyday? I need to tell Ruby na maghanap na siya kaagad ng bagong lilipatan tsaka ako sasama sa kanya.
"What are you doing? Mukha kang minumog ng bungal diyan," bungad niya matapos akong makita na kinakausap ang pinto.
"W-Wala naman. Nakahanap ka na ba ng bagong lilipatan?"
"Ansama mo naman, kakalipat ko lang dito paaalisin mo na ako."
"Hindi sa ganun, shunga! Sasama ako sayo kung aalis ka man."
Kunot-noo niya akong tinignan. "At bakit? Maganda naman dito, ah?"
Paano ko ba sasabihin?
"Ah, basta sasama ako."
Nagawa niya pa ring tumango kahit nagtataka siya ng sobra.
"So nakasabay mo ba si Yuan mo?"
Ngumiti ako ng maalala si Yuan. "Oo no. Kaloka, kyaah! Nagpresenta siyang ihatid ako nang malaman niya na dito ako nagboboard."
"You look really happy about it," aniya. "Delikado na iyan, Gelai."
"Ano ka ba, Ruby, napaka-nega mo talaga kahit kailan. Support me na lang sa kalandian ko."
"Ewan, nasaktan ka na dahil sa kanya, umiyak ka na dahil sa kanya, hindi pa ba iyon sapat para tigilan mo siya?" inis niyang tanong.
Natameme ako.
"Crush ko lang siya," ang unang lumabas mula sa aking bibig.
"Shunga ka ba, Angela? Walang crush na nagtatagal ng halos apat na taon," binatukan niya ako sa ulo tsaka siya bumuntong. "Anyway, may pagkain diyan. Tsaka, pansin ko kanina ang daming engineering students dito. Nakakapressure."
"Akala ko ba naghahanap ka ng guwapo?" tanong ko at naglakad papunta sa mesa kung nasaan ang pagkain.
"Ang daming guwapo kaso engineering, nakakatrauma."
Humalakhak ako dahilan para diretsong pumasok sa lalamunan ko ang pandesal.
"Karma mo yan," tsaka niya ako inabutan ng tubig. "Siya nga pala, gwapo rin iyong kapitbahay natin sa kaharap na room. Nakita mo na?"
Sigurado ako na si Baltazar ang tinutukoy niya kaya umiling ako. Hindi naman kasi iyon guwapo.
"Siya iyong sa CE noon, hindi mo maalala?"
Umiling ulit ako. Ayoko siyang pag-usapan, he called me ugly in front of Yuan. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pagpapahiya sa akin.
Natulog ako pagkatapos naming kumain. Maaga ulit ako bukas. Sana sabay ulit kami ni Yuan palabas, sana ihatid niya ulit ako. Magla-log out na sana ako sa Facebook ng may notification akong natanggap mula sa isang friend request.
Naikram Razatlab sent you a friend request
Confirm Delete
Sino naman ito?
I deleted his request. Anime iyong profile kaya nakakaduda. I don't accept requests from people na may anime profile. Baka dummy account kasi.
* * *
"I'm Ms. Pam Marasigan, your accounting professor. I'm a certified public accountant and currently studying my masteral's degree here. Nice to meet you," pakilala niya.
Ang ganda naman ng instructor namin. She's tall and hot tsaka mukhang matalino. Sana ganun din ako kaganda tulad niya. If ever, baka gustuhin ako ni Yuan pabalik.
"Uy, Angela. Outer space to Angela," Ruby snapped her fingers in front of me. "Okay ka lang?"
"Uhm, oo. Bakit?"
"Kumain na tayo. Favorite subject mo ito hindi ba?"
Lunch na pala. Nauna akong bumaba sa lobby upang bumili ng makakain. Minsan lang ako magbaon kaya napipilitan akong bumili. Umorder ako ng tapsilog pero naubusan na ako. Ang malas malas ko naman.
"Sa eatery na lang pala ako kakain. Naubusan ako ng budget meal," kamot ulo kong sabi.
Tumango si Ruby, kumakain na kasi siya nang maabutan ko. Lumabas ako ng campus at nagtingin-tingin sa mga kainan na may bakanteng upuan kaso wala talagang pwesto kahit sa isang tao. Namataan ko ang isang babae na palabas ng eatery kaya nagmadali na akong pumasok sa loob para hindi maunahan ng kahit na sino.
"Teka, ako nauna!" sigaw namin pareho habang nag-uunahan sa bakanteng silya.
"Ikaw na naman!"
Sabay ulit.
"Teka, bakit mo ginagaya ang sinasabi ko?"
Sabay ulit.
"Stalker ba kita?"
Nanlaki ang mga mata ko sapagkat nagsabay ulit ang mga salitang binitiwan namin.
"Sagot!"
Ano ba ito, sabayang pagbigkas?
"Hijo, Hija? May problema ba rito, nakakahiya na sa ibang customers, e," singit ng may-ari sa away naming dalawa ni Baltazar.
"Wala po, Nay," sagot niya.
"Ako po kasi nauna rito, e tsaka gutom na gutom na po ako," pagmamakaawa ko sa matandang babae na nakatayo sa harap naming dalawa.
Sana makuha ko ang simpatya niya para makakain na ako. Kanina pa talaga ako nagugutom.
"Tsk, oh ayan!" kusa niyang binitiwan ang silya tsaka niya ako tinignan ng mabuti, walang halong inis o anuman.
"S-Salamat."
Naupo ako ng mabilis, ni hindi ko siya nagawang tignan sa mata pagkatapos. Did he just give me the seat? May tinatagong kabaitan ang isang ito, e.
"Kapalit niyan, ikaw magbabayad ng oorderin ko," ngisi niya. "Nay, alam mo na kung anong oorderin ko, ah."
Mabilis kong nilingon iyong may-ari, nagdadalawang isip siya kung sasang-ayon ba ako sa sinabi ng loko. Napapapikit ako sa pag-aakalang mabait ang isang ito, nagkamali ulit ako. Ako pala pagbabayarin ng bibilhin niya! Walang hiya siya!
"Okay lang ba sa'yo iyon, hija?"
"Huwag po kayong maniwala diyan. Hindi ko po iyan kilala."
"Aba't- iniinis mo talaga ako, Ms. Panget, a!"
"Tumahimik ka nga! Mukha ka ring pagong!"
Sa huli, nanalo siya sa argyumento namin. Ako ang nagbayad ng inorder niya dahil siya naman daw itong nagparaya sa silya.
Inabot ko kay manang iyong bayad tsaka siya nagsalita bago ibigay sa akin ang sukli.
"Pagpasensyahan mo na ang batang iyon, hija. May pagkasutil talaga kasi iyon."
"Okay lang po. Ayoko ring patulan kasi magmumukha akong immature," ngumiti ako upang itago ang inis sa labi.
Ang mahal mahal ng mga inorder niyang ulam, tangina siya.
"Kilala niyo po pala siya? Tsaka, nanay niya po ba kayo?"
"Ay hindi, iyan talaga ang tawag ng batang iyon sa matatanda. Mabait siya tsaka napakamarespeto. Tinutulungan niya nga kaming mamalengke kung may oras siya kaya minsan libre lang ang kinakain niya rito sa amin. Apo siya ng kaibigan ko kaya tinuturing ko na rin siyang apo."
Tumango na lamang ako matapos kunin ang sukli.
Bakit parang... ang bait niya sa kwento ni Nanay?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top