8

"MATE, she's freaking hot!"

Sinamaan ni Mark ng tingin si Nicky nang magsalita ito. "Watch your words, mate. Remember, it is my girlfriend that you are talking about."

Nasa labas ng dressing room si Mark kasama sina Kian, Nicky, at Shane. Nasa loob naman si Lea na siyang inaayusan ng make-up artist ni Mark.

Banayad na isinara ni Nicky ang pinto, sapat na para hindi makabulabog sa mga nasa loob. Ipinatong niya ang kamay sa kanang balikat ni Mark. "Naks, ang aga naman magselos ng kaibigan ko. Huwag kang mag-alala, what's yours is yours, mate."

Iginalaw ni Mark ang balikat para itaboy ang kamay ng kaibigan. "I'm not jealous, mate. Nag-iingat lang ako. What will the people say if they hear you saying those things to your bandmate's girlfriend? They might also accuse you of being a pervert!"

"O kalma, mate," pagsuko ni Nicky. "Pinupuri lang, eh. May kasama ba si Lea kanina? Ipakilala niya kamo ako. I'm sure, her circle of friends are as beautiful as her."

"No, she's alone when I saw her," malamig na tugon ni Mark.

Nagsimula nang maglakad ang apat. Patungo sila sa dressing room ni Shane.

"Oh, bakit nakangisi kayo?" pagtukoy ni Mark kina Kian at Shane.

Mas lumawig ang ngisi ng dalawa na sinabayan ng pag-iling. "If we don't know your sexual preference, we may think the same way as Nicky," ani Shane.

"Right. You look like a jealous teenager, mate," pagsegundo ni Kian.

Lumukot ang mukha ni Mark na sinabayan ng pagngiwi. "Tigilan n'yo nga ako." Tumalikod na ito at nauna sa paglalakad.

Nag-apir naman ang tatlong naiwan habang nagtatawanan.

SAKTONG alas otso ng gabi nang magsimula ang konsiyerto. Ang kaba ng lads ay napalitan ng kasabikan nang salubungin sila ng malakas at mainit na sigawan ng kanilang Pinoy fans na sabik silang makita. Mas lalo silang ginanahang mag-perform dahil doon.

Hello, My Love ang pambungad nilang kanta. Halos hindi na nila marinig ang sariling tinig dahil halos lahat ng nanonood ay nakikisabay sa kanilang pag-awit.

Sa isang dako ay lumilikot ang mga mata ni Mark. Hindi niya memoryado kung saan ang eksaktong lokasyon ni Lea sa VIP seats. Hindi na rin naman kasi niya nabigyan ng atensiyon ang mga detalye ng ticket nang kuhanin niya iyon sa pinagkuhanan niya.

Ilang subok pa ang ginawa niya. Mayamaya ay nagliwanag ang kaniyang mukha nang sa wakas ay matagpuan niya ang hinahanap.

Sumakto sa dalaga ang baby pink ruffle hem dress na may round neckline na suot nito. Binagayan iyon ng puting ankle strap sandals na sumakto sa sukat ng mga paa nito. Simple lang din ang make up ng babae. Ang itim na buhok nito ay naka-double bun na may mangilan-ngilang strands na nakalaylay sa unahan.

Napahinga si Mark nang maluwag. Lihim siyang nagpapasalamat dahil nandiyan pa rin ang dalaga.

Ilang kanta na rin ang naaawit ng Westlife at halos nakakapangalahati na ang kanilang concert. Inihanda ni Mark ang sarili. Ang susunod na kasing kanta ay ang L.O.V.E., isa sa tracks ng kanilang Spectrum album na iri-release palang sa Nobyembre. Ito na ang tamang pagkakataon para ipakilala niya si Lea sa madla.

"I want to share an exciting announcement before we proceed to our next song."

Dumaan ang ilang segundong katahimikan na sinundan ng pagbubulungan ng fans. Bumuga muna si Mark ng hangin mula sa dibdib bago nagsalita.

"I've always been private to my personal life. You could only see few facts about me on the internet. I rarely post on social media. During interviews, I also give few answers when I'm being asked about my personal life.

But right now, I want to share something which I could not keep to myself anymore, as I believe that this is something that needs to be screamed to the whole wide world."

Muling nanahimik ang buong istadyum. Lahat ng mga mata ay nakatutok kay Mark. Sa lahat ng mga matang iyon ay sa isang tao lang ipinukol ng binata ang kaniyang tingin.

Kay Lea.

May umakyat na isang bouncer sa stage na nagbigay ng bouquet of roses kay Mark. Umugong ang halohalong reaksiyon nang bumaba ang binata sa stage at dumiretso sa VIP seats. Nakangiti niyang sinundo si Lea at mayamaya pa ay nasa taas na sila ng entablado.

"Everyone, meet my girlfriend, Lea. Lea, meet everyone." Ibinigay ni Mark ang bulaklak sa dalaga at pagkatapos noo'y ginawaran niya ito ng banayad na halik sa noo. Nang bumitiw si Mark ay batid niya ang pamumula ng pisngi ng dalaga na animo'y gulat na gulat.

Hinawakan ni Mark ang isang kamay ni Lea sabay harap sa fans. "I'm sorry, girls. I'm off the market. I'm hers."

Maigting na tilian at kilig ang mas nanaig sa reaksiyon ng lahat. Lihim na napangiti si Mark. Palagay niya'y hindi magtatagal ay malalaman din ng pamilya niya ang anunsiyo niyang ito. Napaghandaan na niya ang sasabihin sa mga ito kung sakali... lalo na sa kaniyang daddy.

NANG buksan ni Mark ang pinto ng dressing room ay nadatnan niya si Lea sa harap ng salamin. Pangiti-ngiti ito habang sinasamyo ang bulaklak na kanina'y kaniyang ibinigay. Napangiti rin siya sa senaryong iyon pero agad din din niya iyong binawi. Pinapormal niya ang kaniyang tindig.

"Babe."

Napapitlag ang dalaga nang marinig ang pagtawag na iyon ni Mark. Itinuwid nito ang pagkakaupo at ibinaba ang hawak na bulaklak. Umusbong ang pamumula sa pisngi nito. "B-Bakit?"

"Nakapaghanda ka na?" Pumasok si Mark sa loob. Dumiretso siya sa harap ng salamin para tingnan ang itsura. "You'll come with me at the hotel. We'll eat then I'll bring you home."

Napatungo ang dalaga, tila may itinatagong emosyon. "Hindi na kailangan. Sa bahay na lang ako kakain at saka magko-commute na lang ako."

Tumaas ang isang kilay ni Mark at hinarap si Lea. "Tell me, magkaano-ano ulit tayo?"

Inangat ni Lea ang tingin at lumunok nang ilang beses. "M-Mag...mag-boyfriend?"

"Right. At may boyfriend bang hinahayaan ang girlfriend niya na umuwi nang gutom?"

Umiling lamang ang dalaga.

"Right. May boyfriend bang hinahayaang umuwi mag-isa ang girlfriend niya?"

Muling umiling si Lea. Mas marahan kumpara kanina.

"Right." Ginagap ni Mark ang isang kamay ni Lea. "Let's go."

Wala nang nagawa ang dalaga kundi ang magpatianod kay Mark palabas ng dressing room.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top