4
Dalawang araw bago ang concert...
Lakad-takbo ang ginawa ni Mark nang humimpil ang sasakyan sa tapat ng Clontarf Hospital sa Dublin. Dito isinugod ang ama niya bago siya tawagan ng ina. Kasama niya sina Kian, Nicky, at Shane na nais dumamay sa situwasyong kinahaharap niya ngayon.
“Mum...” Niyakap ni Mark ang ina. Puno ng emosyon ang mukha nilang dalawa.
Mayamaya ay may bigat sa damdaming tinanaw ni Mark ang ama sa kabila ng glass window ng ICU na kinalalagakan ng huli. Ang masiglang imahe ng ama nang huli niyang makita ito ay wala nang kabakas-bakas. Para na itong lantang gulay na tinutulungang makahinga ng isang aparato.
Nanghihinang umupo si Mark sa steel bench. Sinundan siya ng ina at ng mga kaibigan niya. Itinukod niya ang dalawang siko sa mga hita at tumungo. Sa puntong iyon ay mas lalong bumigat ang kaniyang pakiramdam.
“I should be blamed for this.” Pumatak ang luha sa isa niyang mata. Nasundan iyon ng marami pa. “Kung hindi ko pinasama ang loob ni Dad sa huli naming pagkikita, hindi siya magkakaganiyan.”
Kung kaninong mga kamay ang humahagod sa likod niya ay hindi na niya inalam pa. Abala siya sa pagbubunton ng sisi sa kaniyang sarili sa nangyari.
Nang mahimasmasan ay nag-request siya na pumasok sa ICU. Nais niyang malapitan ang ama. Pumayag naman ang medical staff na agad pinagbihis siya ng PPE.
“DAD, sorry.” Ginagap ni Mark ang kamay na walang suwero ng ama. Bahagya niyang pinisil iyon. “Sorry kung napagtaasan kita ng boses kanina. Na nasagot-sagot kita. Napakawalang kuwenta kong anak.”
Hinintay niyang magpakita ng reaksiyon ang ama kahit kaunti pero wala siyang nakuha. Muli siyang nagpatuloy. Pinipilit niyang itago ang pagkabasag ng kaniyang boses. “Dad, magpagaling ka please? Gagawin ko ang lahat... Lahat pati ang nire-request mo sa akin. I don’t care about the money. Ang gusto ko lang, eh, gumaling ka.”
Kumibot nang kaunti ang isang daliri ni Oliver. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Mark.
“Y-You heard me, Dad?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kamay at mukha ng ama. “Maggi-girlfriend na ako, Dad. B-Basta, ipangako mo sa aking magpapagaling ka.”
May pumatak na luha sa mga mata ni Mark. Sa pagkakataong iyon ay luha iyon ng pag-asa...pag-asang gagaling pa ang ama.
°°°
“MATE, maggi-girlfriend ka? Paano?” tanong ni Kian sa kaibigan. Nasa tapat na sila ng kotse ni Nicky sa labas ng ospital.
Bumuntong-hininga si Mark na malayo ang nararating ng mga mata. “I don’t know yet. Bahala na. As soon as I saw an opportunity, iga-grab ko na.”
Inakbayan ni Shane si Kian. “Madali na iyan para kay Mark. Kahit humila lang siya ng fan diyan, panigurado, papayag ’yon. Sino ang tatangging maging kasintahan ng isang Mark Feehily?”
Napaisip si Mark sa sinabi ni Shane. “Puwede.” Ibinulsa niya ang dalawang mga kamay. “I’ll start searching once we landed in the Philippines.”
Nagkatinginan sina Shane, Kian, at Nicky.
“You sure, mate? Okay lang sa iyong tumuloy tayo kahit...” Hindi maituloy ni Nicky ang sasabihin. Ipinukol na lang niya ang mga mata sa parte ng ospital kung saan naroon ang ICU.
“We will go.” Isang tipid na ngiti ang ipininta ni Mark sa mga labi. “Ayokong maging dahilan ang personal issues ko para maudlot ang excitement ng Filipino fans natin. Malaki ang utang na loob natin sa kanila sa pagtayog ng ating career.”
Binigyan ng man hug nina Shane, Nicky, at Kian si Mark.
°°°
Two days later...
Maingay na pagsalubong ang ibinigay ng fans sa Westlife nang makababa ang apat mula sa eroplano.
Hindi man nakalapit sa fans sina Shane, Mark, Nicky, at Kian dahil sa security ay ramdam pa rin nila ang mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanila.
“We love you, Westlife,” tila koro na sabi ng mga ito habang pinagtutulungang hawakan ang napakalaking banner. Hello my love. Welcome to the Philippines! ang nakasaad doon.
“We love you too!” Halos dumagundong ang NAIA sa labis na pagtili at pagwawala ng mga tagahanga.
Gusto pa sanang makipag-interact ng lads sa fans pero iginiya na sila ng security papunta sa van na ipinadala ng organizer.
“Itong Pilipinas talaga ang una kong naisip puntahan no’ng mag-reunion tayo last year, eh. Ibang klase talaga kung sumuporta ang mga Pinoy. Bigay kung bigay,” ani Kian. “Oh, ’yong isa lumulupasay pa sa sahig,” pagpapatuloy ng lad.
Napahagalpak silang lahat sa tuwa habang pinagmamasdan ang fan na gustong-gustong makalapit sa kanila.
“Pete, don’t start the car yet,” instruksiyon ni Nicky sa driver. Binuksan ng binata ang pinto ng van para puntahan ang fan na naglulupasay. Nagsipagsunuran din naman ang tatlo.
“Hey. Want some autograph?” nakangiting turan ni Nicky sa fan. Sinenyasan ng binata ang security na huwag harangan ang babae. Agad namang tumalima ang mga ito at binigyan ng daan ang tagahanga.
“Yes please?” pahagulgol na turan ng babae. Inabot nito ang isang notebook para papirmahan.
Habang abala sa pagpirma ang mga kabanda ay lihim na napatingin si Mark sa fan. Sinuri niya ito. May itsura, katamtaman ang tangkad, at may taglay na pangkaraniwang ganda ng mga Pilipina.
Mayamaya ay bumaba ang tingin ni Mark sa isang kamay ng babae. May singsing. Marahang napailing ang binata at namulsa na lang.
Hindi na nagtagal pa ang lads at muli nang bumalik sa van kung saan naghihintay ang manager nilang si Louis Walsh, si Gillian na asawa ni Shane, at si Jodi na asawa ni Kian.
They all headed to the hotel. Mayroon pa silang buong maghapon para magpahinga.
°°°
MARK glanced at his phone. Alas singko pa lamang ng hapon. May tatlong oras pa bago magsimula ang concert nila. Mag-isa lamang siya sa dressing room. Alas sais pa ang takdang pagdating ng make up artist at wardrobe na naka-assign sa kaniya.
Tiningnan niya ang repleksiyon niya sa salamin. “This is it.” Kinuha niya ang French Terry hoodie jacket na nakasabit sa hanger. Nang maisuot niya iyon ay isinunod niya ang kaniyang black Under Armour cap at Balenciaga blackside sunglasses. Muli siyang humarap sa salamin at napangiti.
“Time to find the lucky girl.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top