14

Kabi-kabilang camera ang nagfa-flash sa magkahawak-kamay na sina Mark at Lea.

Tipid na ngiti lamang ang isinusukli ng dalaga sa reporters na gusto sana siyang makapanayam. Mahigpit ang bilin sa kaniya ni Mark na huwag munang sumagot sa anumang tanong ng sinuman sa mga iyon.

Tungong-tungo ang dalaga habang naglalakad. Hindi iyon nalingid kay Mark. “Are you okay, Lea?”

Sinulyapan ng dalaga si Mark sabay muling tumungo. “Naninibago lang talaga ako. Hindi kasi talaga ako sanay sa spotlight.”

Pinisil ng binata ang kamay ni Lea dahilan para mapatingin doon ang huli. “I'll help you to adjust slowly. You’ll be in the middle of this for the next 100 days and several months after.”

“Kaya nga, eh.”

Paunti nang paunti ang reporters na sumusunod sa kanila. Siguro’y naitaboy na rin ng security guards.

Kagagaling lang kasi nila sa mall. Bumili sila ng laruan para sa ikalawang anak ni Kian na si Zekey. Birthday ngayon ng bata.

Nang makaandar ang sasakyan ay nagsimulang magkuwento si Mark. “Sanay na ako sa mga iyan. Noong una, hindi pa ako comfortable sa presence nila hanggang sa katagalan e tinanggap ko na lang din na parte na talaga sila ng buhay ko.” Tumingin ang binata kay Lea. “You just have to learn how to deal with them professionally. ’Yung tipong kahit gusto mong magsungit kasi you’re having a bad day e kailangan mo pa ring pigilan ang sarili mo.” He chuckled.

“Ang hirap naman maging celebrity. Gusto ko pa man din mag-artista pero parang ayoko na.”

“Yeah. Masyadong magulo. Tapos gagawan ka pa nila ng mga hindi totoong issue. Minsan, matatawa ka na lang, eh.”

Biglang napaisip si Lea. “Speaking of issue, hindi kaya may issue na rin ako?”

Nagkibit-balikat si Mark. “You can try to check.”

Kinakabahang kinuha ng dalaga ang cellphone. Google agad ang kaniyang pinuntahan.

Hindi nga siya nagkamali. May isang article agad siyang nakita.

Mark Feehily’s girlfriend, a Nicky Byrne’s stan?

Seryosong binasa ni Lea ang article. Napakagat ang labi niya nang nakadetalye roon kung gaano siya ka-fan ni Nicky. May picture pa na nakalagay kung saan nakasuot siya ng Nicky Byrne t-shirt!

"Patay."

Itinigil ni Mark ang sasakyan. "Why?"

Hindi na sumagot si Lea. Kinipkip niya ang kaniyang phone. Nahihiya siyang ipakita kay Mark ang nabasa. "W-Wala."

Inignora ng binata ang sinabi ni Lea. Kinuha niya ang sariling phone at nag-search din sa Google. Una niyang nakita ang article na binabasa ni Lea.

"So Nicky is your favorite."

Nahihiyang tumango si Lea. Hindi siya makatingin kay Mark.

"He'll be at Kian's house too later. We will meet him."

Isang bahagi ng puso ni Lea ang sumaya pero pinigilan rin niya. Tila ba ay isang malaking kasalanang magpakita ng ganoong emosyon kay Mark. Wala man itong pagtangi sa kaniya ay nobyo pa rin niya ito.

Nanahimik na sila sa buong biyahe. Si Mark ay itinuon ang pansin sa pagda-drive samantalang si Lea naman ay iniisip kung paano pakikitunguhan si Nicky. Mula nang magsimula ang pact nila ni Mark ay wala pa silang pormal na pag-uusap ng binata kaya hindi pa niya alam kung paano pakikitunguhan ito. Ang tangi niyang alam, kailangan niyang kondisyon ang sarili na huwag kiligin.

~°~


Sinalubong sila ni Kian at ng maybahay nitong si Jodi. Maagang nakapalagayan ng loob ni Lea ang babae. Tama ang impresiyon niyang mabait nga ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top