13

Sinalubong ng dumadagundong na country music sina Lea at Mark nang makarating sila sa backyard ng mga Feehily. Agad silang napansin ng ina ni Mark na iniwanan muna saglit ang niluluto.

“Nandito na pala kayo.” Nginitian ni Marie sina Lea at Mark. Binigyan niya ang dalawa ng mabilis na beso sa pisngi. “Kanina pa naghihintay si Oliver sa inyong dalawa. Tara.”

Napatingin si Lea sa nobyo. Nakatunog naman ang huli kaya walang pagdadalawang-isip na ginagap nito ang kanang kamay ni Lea. Mariing pinisil iyon sabay naglakad na sila patungo sa kabilang side ng pool.

“You must be Lea, right?” Nakangiting pinagmasdan ni Oliver ang dalaga. Tumango naman ang huli.  “My son is a good picker just like his dad.”

Ipinulupot ni Mark ang isang kamay sa katawan ni Lea sabay marahang hinigit patungo sa kaniyang katawan. “Definitely, Dad.” He kissed Lea's temple.

Marahang naglakad si Oliver sa palibot ng magnobyo. “Naalala ko, ganitong-ganito rin kami ng mommy mo noon. Hindi mapaghiwalay.”

“Kahit ngayon naman, Dad,” Mark joked. Napatawa sila sa tinuran ng binata.

“Mabuti pa ay kumain muna kayo. Marami nang nailuluto ang mommy mo, Mark.” Binalingan ni Oliver si Lea. “I’ll talk to you later, hija. For now, enjoy your boyfriend’s company. Mag-enjoy lang kayo.”

“Sige po, Tito. Nice meeting you po.”

Tinapik ni Oliver ang kanang balikat ni Lea.

Dala-dala ang isang lalagyan na may watermelon, cucumber, at feta salad ay tinungo ng magkasintahan ang long table.

“Tutulong muna ako sa paggi-grill ng mga pagkain, Mark.” Napatingin sila sa BBQ charcoal grill.

“Wala na palang uling. I’ll get some inside.” Matapos makakuha ng approval kay Lea ay pumunta na si Mark sa kusina. Akma niyang bubuksan ang lalagyan ng uling nang nay humarang sa kaniya. Tumambad sa kaniya si Barry na may hawak na bote ng alak.

“Hey.”

Nakatiim-bagang si Mark habang nakatingin sa kapatid na palapit sa kaniya. Makalawang beses itong tumungga ng alak bago hinarap nang tuluyan ang kuya.

“Where’s your fake girlfriend?” Hindi na hinintay nito ang sagot ni Mark. Tumanaw na ito sa labas ng bintana. “Oh, there she is. Ayos, ah. She's pretty, kuya. Magaling ka rin palang pumili ng connivance... all for the sake of money.”

Pinagtagis ni Mark ang kaniyang mga bagang dahil sa namumuong inis sa kapatid. “He is my girlfriend, Barry.”

“Oh, come on. I know how much you've despised the thought of being linked to a woman, kuya. Tapos ngayon, mag-a-announce ka na lang na may girlfriend ka na? Agad-agad?” Barry showed a playful grin. “Iba ka rin talaga, eh. Kukunwa-kunwari ka pang walang interes sa mana pero look...” Hindi na niya itinuloy ang pagsasalita.

“Tumabi ka nga.”

Gumilid si Barry para bigyan ng daan ang kapatid.

Padabog namang kumuha ng uling si Mark. Akma siyang aalis nang magsalitang muli si Barry na nakapagbukas na ng panibagong bote ng alak.

“Gagawin ko ang lahat para patunayang huwad ang relasyon n’yo ng babaeng iyan. Sa oras na magkaroon ako ng sapat na ebidensiya, I will expose both of you.”

Mark wanted to answer but he chose not to. Dire-diretso na lang siyang lumabas ng kusina habang bitbit ang plastic na may uling.

°°°

“Ano'ng nangyari? Tulis na tulis ang nguso mo, ah,” saad ni Lea nang makabalik si Mark.

Umiling lamang ang binata at nagpakawala ng pilit na ngiti. “Let's get these done para makakain na ang lahat.”

Gusto pa sanang usisain ni Lea si Mark kaso hinayaan na lang niya ang binata. Nagpokus na lang siya sa pagluluto nila.

The party started when Colin arrived. Magaan ang loob ni Lea sa huli hindi tulad kay Barry na ilang beses niyang nakasalubong kanina. Ewan ba niya. Mabigat ang atmospera kapag nakakalapit siya sa lalaki. Idagdag pa roon ang makahulugang ngising ipinupukol ng binata sa kaniya sa tuwing magtatama ang kanilang paningin. Parang may ibig itong ipahiwatig.

Nang makapagsolo sina Mark at Lea ay pasimple silang nag-usap.

“Ano’ng meron kay Barry? Hindi maganda ang kutob ko sa kaniya.”

“Don’t mind him. He's just looking for an evidence that we’re faking our relationship.”

“Pero sabi mo nga, hindi naman peke itong meron sa atin, hindi ba?”

Mark nodded. “Kaya huwag mo na siyang intindihin. Mamumuti na lang ang itim niya sa mga mata e wala siyang mapatutunayan dahil girlfriend naman talaga kita.”

Gusto sanang mapangiti ni Lea sa tinuran ni Mark. Napigil lang iyon nang maalala niyang nobya nga siya ng binata pero wala naman itong pag-ibig sa kaniya.

Sinansala ni Lea ang namumuong bigat sa dibdib niya. Mas minabuti niyang magpakasaya na lamang sa party.

°°°

“My family likes you so much. Sina Mommy and Daddy, tuwang-tuwa sa iyo.”

Napangiti si Lea. “Kaya nga, eh. Ayaw na nga halos akong pauwiin nina Tita Marie.” Binuksan ng dalaga ang pinto ng apartment na tinutuluyan. “Pasok ka.”

Dumiretso sa couch ang dalawa. “Ngayon palang, iniisip ko na ang sepanx na mararamdaman ko sa kanila kapag natapos na 'yong pact natin. Feel ko malulungkot sila.”

“Posible ’yon. Hindi ka naman kasi mahirap mahalin, eh.”

Napakurap si Lea sa binanggit ni Mark. Nais niyang bigyan ng ikalawang kahulugan iyon pero sa reaksiyon ni Mark ay hinuha niyang wala namang ibang ibig ipatungkol ito.

Umayos ng upo ang binata. “We’re still on the seventeenth day of our relationship. Marami pa ang puwedeng mangyari sa loob ng one hundred days.”

Kumiling si Lea paharap sa binata. “Sabagay.”

Mark looked at his wristwatch. “It's getting late. Magpahinga ka na. If you need something, just let me know, okay?”

Tumayo na rin si Lea at inihatid ang binata sa may pinto. Hinarap niya si Mark at tiningnan ito sa mga mata. "Take care."

"Thanks."

Sa hindi malamang dahilan ay hindi inaalis ni Lea ang tingin kay Mark. Para bang may hinihintay siyang gawin ang kaharap.

Si Mark naman ay nanatili ring nakatingin kay Lea. Bahagyang nakakunot ang noo niya sa inaakto ng dalaga.

Nanatili silang gano'n sa loob ng ilang sandali.

Mark snapped his fingers in front of Lea’s eye level. Napapikit-pikit ang dalaga dahil doon.

“Tulala ka na riyan.”

“A-Ahh, wala.” Inilawig pa ni Lea ang pinto para bigyang-daan si Mark. Nagbigayan na sila ng normal na pamamaalam.

Nang maisara ng dalaga ang pinto ay dali-dali niyang kinuha ang diary. Muli siyang sumulat ng entry.

17th Day

Tulala ang lola mo kanina. Medyo nag-e-expect kasi ako ng goodbye kiss tulad ng mga napapanood ko sa pelikula. Masyado akong assuming sa part na ’yon. Hahaha. Nakakahiya. Sana hindi nahalata ni Mark. =<

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top