11
TULOG sa buong biyahe si Lea. Namalayan na lang niya na nasa Ireland na sila nang gisingin siya ni Mark bago lumapag ang kanilang eroplano.
Nakangiti silang sinalubong nina Marie, na ina ni Mark at ng nakababatang kapatid ng binata na si Colin. Mainit ang pagtanggap kay Lea ng dalawa kaya nawala ang pagkailang na nararamdaman ng dalaga.
"Where's Barry?" tanong ni Mark. Ang kaniyang tinutukoy ay ang sumunod niyang kapatid na mas bata lamang sa kaniya ng limang taon.
Makahulugang nagkatinginan sina Marie at Colin. Agad naman iyong napansin ni Mark. "Mum? Wanna tell me something?"
"Please give us a minute." Matapos magpaalam kina Colin at Lea ay iginiya ni Marie si Mark sa may kalayuan.
"Your brother was clearly upset when he heard about your relationship with Lea. Nakapag-close deal na raw kasi siya sa isang business and nakapangako nang mag-iinvest ng €7.5 million, which is the same amount of money he'll get if you don't meet your dad's condition on the Last Will and Testament." Bumuntong-hininga ang ginang. "Nagwala siya. Basag-basag 'yong mga gamit sa mansion."
Pinagtagis ni Mark ang mga ngipin at ikinuyom ang mga palad. "I was definitely willing to give him my share, Mum. Pero sa ipinakita niyang ugali, hindi siya makakukuha ni sentimo sa mana ko. Magpatigasan kami ng loob ngayon."
Pipihit na sana pabalik ang binata papunta kay Lea pero muli siyang pinigilan ng ina.
"Son, girlfriend mo ba talaga si Lea? O nagkukunwari ka lamang para mapabuti ang kalagayan ng iyong ama?"
Naglipat-lipat ang tingin ni Mark sa mga mata ng ina. Mayamaya ay nalipat iyon sa gawi ni Lea. Hindi nakatingin ang dalaga dahil abala ito sa pagtingin sa mga tao sa airport.
Muling tiningnan ni Mark si Marie. Kinuha niya ang mga kamay ng huli at ikinulong sa sariling mga palad. "Mum, girlfriend ko po talaga si Lea."
Hindi agad nakatugon si Marie. Wari ba ay tinitimbang niya kung nagsasabi ng totoo o hindi ang anak. Mayamaya ay tumango ito. "Alam mo namang tanggap kita kung sino ka talaga, anak. Ang akin lang, ayoko lang makita ka na ginagawa ang isang bagay na hindi bukal sa iyong loob." Tinapunan ng ginang ng tingin si Lea. "I can feel that Lea is a kind-hearted lady. Kung laro-laro lang ang lahat ng ito, huwag n'yo na siyang idamay. Masasaktan lang siya."
"Mum, just trust me on this, okay? And I assure you, hindi masasaktan si Lea. I'll protect and guard her."
Tumango na lamang si Marie kay Mark. Hindi na siya nagbukas pa ng paksa. Nagtitiwala siya sa desisyon ng panganay na anak.
"THIS will be your apartment," ani Mark na inalalayan si Lea pagpasok sa loob. "Everything's paid by me. Rent, internet bills, electricity and water bills. Wala ka nang iintindihin. I will also assure that you won't be hungry so I filled in the fridge and the cupboard."
"This is too much." Maang na inilibot ni Lea ang mga mata sa kabuuan ng apartment. Fully furnished ito kaya wala na siyang iintindihin pa. Kulay puti man ang kulay ng dingding at ceiling nito pero pinaelegante iyon ng dark brown block out curtains at chandelier sa dining at living room.
Umupo ang dalaga sa couch na kulay dark brown din. "Ako lang ang titira dito?"
Maganang tumango si Mark. "I'm just fifteen minutes away from you. I can go here whenever you need me."
Gumaan ang ekspresiyon sa mukha ni Lea. Mabuti na ay nilinaw ni Mark na hiwalay pa rin sila ng tirahan. Iyon kasi ang worries niya bago siya pumunta sa Ireland. Hindi kasi siya komportable kung magkasama sila sa isang bubong.
Hindi rin naman nagtagal si Mark sa unit ni Lea. Nagpaalam din ito para sumaglit sa ospital. Gusto nga sanang sumama ng dalaga kaso pinagpahinga muna siya ni Mark. Nangako naman ang binata na isasama siya nito sa susunod.
Napahiga ang dalaga sa malambot na kama. Nakangiti siyang nagpagulong-gulong doon. Para bang sa napakatagal na panahon ay ngayon lang siya ulit nakaramdam ng kaginhawaan.
Ipinikit niya ang mga mata. Saka lang niya na-absorb nang mabuti na nasa isang relasyon na siya... at hindi lang ito pangkaraniwang relasyon dahil kilala siya ng lahat bilang girlfriend ng isang sikat na boyband member. Kailangan niyang maging handa sa positibo o negatibong reaksiyon ng madla ukol sa kaniya.
Out of boredom ay nag-chat siya ng selfie sa mga kaibigan. Tulad ng pangako niya ay i-a-update niyang lagi ang mga ito.
Video call 📹
Shaira: So ano na nga ang ganap? Waley talaga?
Lea: Wala nga. He respects me too much to go beyond that.
Magkakabarkada: *tinudyo si Lea*
Shaira: Naks! Hay naku, sabagay. Wag mo masyadong madaliin 'yan si bakla. Baka mag-freak out kapag nakakita ng keps. Kagagaling lang niyan sa pagiging bading.
Lea: Huy!
Hirap si Lea na pigilan ang pagtawa. Sa isip-isip niya, kung alam lang sana ng mga kaibigan niya na hindi naman talaga nagbago si Mark sa pagiging bading e titigilan na siya ng mga ito sa katutukso. But she doubt it. Sigurado siyang lalo siyang ipagtutulakan ng mga ito kay Mark.
Umabot sa isang oras ang pakikipag-video call niya sa mga kaibigan. Tumigil lang sila nang nagreklamo si Rhea na umiinit na raw ang kaniyang phone. Si Lea naman ay nag-charge dahil pa-lowbatt na rin ang cellphone niya.
NAGSIMULA na sa pag-a-unpack ng mga gamit si Lea nang makita ang isang notebook. Binili niya iyon para doon idokumento ang lahat ng nangyari at mangyayari sa relasyon nila ni Mark. Isandaan ang pahina noon at ngayon nga ay makakalabing-anim na siya.
Natagpuan na lang niya ang sarili na nagsusulat.
16th day
I finally landed here in Dublin. :)
First day ko palang dito pero nami-miss ko na agad ang Pilipinas. Hayyyy..
Wala namang masyadong ganap ngayon. Hinatid lang ako ni Mark sa apartment ko tapos umalis din agad siya. ☺️
Napangiti siya habang inilalagay ang notebook sa silong ng kaniyang bedside table.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top