/7/ Unexpected Arrival


Jael's POV

"GUSTO ko pong maging doktor."

Sabi nila kung mangangarap ka rin naman ay bakit hindi mo pa taasan. Kaya noong sabihin ko 'yon sa mga magulang ko ay hindi na nakapagtataka ang naging reaksyon nila.

Naalala ko pa kung paanong nag-aalangang ngumiti si Mama noon, marahil ay kaagad na pumasok sa kanyang isip na lalo siyang magkanda-kuba-kuba na nga siya sa pagtanggap ng labahin.

At naalala ko pa rin kung ano ang sinabi noon sa akin ng magaling kong ama.

"Hoy, Isha, huwag ka ngang ambisyosa," sabi niya habang hinihimas pa ang manok. "Anak ka lang ng labandera at sabungero."

Pero hindi ako natinag ng mga salitang 'yon. Mas lalo pa nga akong ginanahang mag-aral nang mabuti para makakuha ng scholarships, salamat sa utak ko.

"Sige, anak, mag-doktor ka, gagawan ko 'yan ng paraan." Pagka-graduate ko ng Nursing ay 'yon ang sinabi sa'kin ni Mama na hindi ko alam kung saan siya humugot ng lakas dahil matagal na kaming iniwanan noon ng tatay ko.

Kasabay nang pagsusunog ng kilay sa med school, nag part time job ako sa pagtu-tutor, nagtinda ng kung ano-ano sa campus, at hindi ko sukat akalaing mapagtatapos ako ng isang labandera.

Masakit pa rin kapag naalala kong hindi man lang niya nalasap ang katas ng paghihirap namin noon.

"Czarry, damayan mo naman ako," sabi ko pagkasagot niya ng tawag ko. "Nasa bar ako, nasaan ka?"

"Sorry, Ja, hindi kita masasamahan, may emergency kasi sa ospital," sagot niya at bakas sa boses ang pagmamadali. Bad timing.

"It's okay. Ingat ka," sabi ko sabay baba ng tawag.

Hindi ko ugaling magmukmok nang mag-isa sa bar. Pero higit sa kape ang hinanap ng lalamunan ko nang mga sandaling 'yon.

Nang dahil lang lahat sa batang 'yon. Nabasa ko noon ang buo niyang pangalan, Maverine Elisha Fariñas, at hindi ko napigilang mainis. Talagang sinunod din sa pangalan ko.

"What can I get for you tonight?" tanong ng bartender.

"Whiskey, neat," I replied. He just nodded and turned to prepare my drink.

As I waited, I leaned against the counter, letting my eyes scan the room. To my surprise, the bar was filled with familiar faces of doctors I met at various seminars and conferences over the years. From what I heard, this place was a well-known spot for doctors, lawyers, and executives—all came here to unwind.

Kung kasama ko si Czarry ngayon ay malamang ay binuyo na niya ako sa kung sinong lalaki rito.

"Here you go," the bartender placed the glass in front of me, the rich amber whiskey glowing under the dim lights.

The warmth spread through me as I savored the first sip, dulling the sharp edges of my thoughts. I placed the glass on the table, my fingers began to tap rhythmically against it—three taps with my index finger.

The familiar pattern soothed me, but it also brought a pang of anxiety, a reminder that this condition was always there, lurking beneath the surface. Tap-tap-tap. Tap-tap-tap. The glass vibrated lightly with each tap, and I forced myself to stop, taking a deep breath.

I was about to take another sip when somebody slid into the seat beside me.

"Didn't expect to see you here tonight, Doc Jael."

"Doc Adam." I almost rolled my eyes.

"Palagi na lang tayong pinagtatagpo ng tadhana, pansin mo ba?" pagkasabi niya no'y ay hindi ko na napigilang irapan siya. He just smiled and his eyes flicked to my hand, huli na para itago sa kanya ang pag-tapik ko sa baso. "You seem a bit... tense," he remarked, his voice low and smooth. "Maybe I could help with that. What do you say? How about you let me be your therapist tonight?"

Naamoy ko kaagad ang pinaghalong pabango at alak sa katawan niya. Kaya dali-dali akong naglagay ng bayad sa counter. My fingers twitched again, the urge to tap rising as my anxiety grew.

"No, thanks." Himalang napigilan ko ang sarili ko na tarayan siya. Mahirap na at marami kaming colleague sa paligid.

"Come on, Jaja, stop pretending to be so strong all the time, everyone knows you're still hung up on your ex. Can't you just let it go already?" His words struck a nerve.

Without thinking, I grabbed the glass of whiskey and flung the contents into his face. The amber liquid splashed across his smug expression, feinting shock as he wiped the alcohol from his eyes.

Pero parang gusto kong magsisi dahil pakiramdam ko'y mas lalo lang siyang na-challenge sa'kin. Bago pa siya makabawi ay naglakad na ako palabas, wala na akong pakialam sa mga taong nakasaksi sa nangyari. That jerk deserved that.

Pumara ako ng taxi at habang nasa loob ng sasakyan ay hindi pa rin nawala ang mga salitang binitawan ni Adam. My fingers were uncontrollably tapping that's why I pulled out my phone and instead of reaching out to my therapist, I opened Instagram.

The urge to check on him after a long time felt inevitable as if the events of the night led me here. Tila nawala na lahat ng common sense sa utak ko nang i-type ko sa search bar ang pangalan ni Ethan. I quickly tapped his profile and scanned his feed.

His face, still so familiar, stared back at me from the tiny screen. There he was, smiling on a beach surrounded by people I didn't know. Another photo showed him with a woman—someone new, someone who now occupied the space I had once filled.

I also noticed that it was a different Chinese girl, maybe his mother set him up again? Or maybe... Hindi pa rin siya nakaka-move on sa'kin?

Heto ka na naman sa pagiging delulu, Jael.

"Tangina," hindi ko mapigilang mapamura nang aksidente kong mapindot 'yung heart na kaagad ko ring binawi.

Pinatay ko 'yung phone ko at napahilamos.

Moving on is funny. 'Yung akala mo okay ka na pero isang araw bigla kang babalik sa zero. Hindi pala linear ang five stages of grief pagdating sa pag-ibig.

I arrived home half an hour later, my mind still spinning from the night's event. Gusto ko na lang mahimatay sa malambot kong kama o mag-stress eating ng junk foods.

Pero nang buksan ko ang pinto'y muntik na akong mapamura.

There sitting on my couch with a book in hand, was a teenager. The soft light from the living room illuminated her, and I could see her dark hair and an unsettlingly calm demeanor.

"P-Paano ka nakapasok dito?" My heart raced. Sigurado akong naka-lock ang pinto at gate bago ako umalis. At paano niya nahanap ang bahay ko?

The girl looked up, seeming almost amused. "Hi, Ate Jael." Napakuyom ang dalawang palad ko na kaagad niyang nakita. "Mukhang lumalala ang OCD mo, Ate."

Halos mapanganga ako nang marinig ko 'yon kaya pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko kaya hindi ko na kinontrol ang inis ko at dali-dali akong lumapit sa kanya at hinigit siya sa braso para hilahin palabas. Pero nabigla ako nang hindi man lang siya natinag, para siyang bato na naka-glue sa upuan.

"Tumayo ka riyan at bumalik ka sa orphanage na pinanggalingan mo," utos ko pero nakangiti lang siya.

My frustration mounted. This was too much to handle on top of everything else. I needed clarity, and I needed it now. I pulled out my phone and the calling card he gave me to dial his number.

"Hello, Doktora? Is everything alright?" I don't know why I found his voice reassuring.

"Nandito siya," sabi ko sabay sulyap sa kanya. "Nandito si Maviel, at kapag hindi ako nakapagtimpi ay baka kung anong magawa ko."

"Stay calm and keep her there. Text me your address and I'll come over as soon as I can."

"S-salamat," I said, feeling a bit of relief. "I'll wait."

I ended the call, and I didn't hesitate to send him my address. I turned back to Maviel who was watching me with an almost smug curiosity.

"So, what happens now?" tila nang-aasar niyang tanong at tumayo. Bawat hakbang niya'y tumutunog 'yung bell sa bracelet niya. 

Muli kong napagtanto ang narinig ko kanina mula sa kanya.

"Sagutin mo ako, paano ka nakapasok dito? At paano mo nalamang—"

"Na may tinatago kang OCD?" putol niya sa sasabihin ko.

Ngumiti siya at hindi ko alam kung bakit nangilabot ang buo kong katawan. Pero hindi ako pwedeng kayan-kayanin lang niya.

"Makinig ka—" pero walang ano-ano'y bigla siyang sumalampak sa sahig at humagulgol. Napakunot ako. "H-hoy, okay ka lang?" umandar ang pagiging doktor ko dahil parang namimilipit siya sa sakit habang yakap ang sikmura. "Maviel? Anong masakit?"

Kaagad ko siyang dinaluhan sa tabi niya pero walang ano-ano'y bigla niya akong sinunggaban sa leeg. Pumaibabaw siya sa'kin habang tumatawa't nanlalaki ang mga mata.

Sinubukan kong manlaban pero mas malakas siya.

H-Hezekiah... ang pangalan niya ang sinigaw ng isip ko bago tuluyang sakupin ng dilim ang aking paningin. 


-xxx-

Glossary:

OCD - "Obsessive-compulsive disorder (OCD) is a long-lasting disorder in which a person experiences uncontrollable and recurring thoughts (obsessions), engages in repetitive behaviors (compulsions), or both."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top