/29/ Wrestling Temptations

Jael's POV

KAAGAD kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya, at muli kong hinarap ang eskandalosang ginang. Bubuka pa lang ang bibig ko para magsalita nang biglang may humila sa akin.

"Ano ba—" malakas at mabilis ako nitong nahila palayo sa eksena.

"Ssshh!" Nanlaki ang mga mata ko nang matitigan kong maigi ang babaeng humila sa akin. Sinilip niya ang pinanggalingan namin at nang masigurong walang ibang makakakita ay tinanggal niya ang wig na suot.

"Deborah? What are you doing?" nakakunot kong tanong at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng pang-janitress na uniporme. Makapal din ang make up niya at mayroon pang pekeng nunal, kung hindi niya tinanggal ang wig ay hindi ko siya makikilala.

"Ugali mo bang mag-amok ng away?" naniningkit niyang tanong at humalukipkip. "The situation's out of hand already, dadagdagan mo pa ang stress ni Father Kai."

"Excuse me? Hindi ko ugaling—teka nga, ano ba 'yang gimik mo? Bakit ka naka-disguise?" Halos umikot ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ko.

"Let's talk somewhere private," aniya at muli akong hinila papunta sa kung saan.

Narating namin ang school clinic at kakatok pa lang siya nang bumukas 'yon at tumambad ang nag-aalalang si Denden.

"Doc Jael! Ate Debs!" bulalas niya nang makita kami. "S-Si Father Kai!"

"Alam namin," sabi ni Deborah at naunang pumasok sa loob. Denden immediately closed the door after we came in.

"I-I couldn't believe it when I saw Tonton's message," sabi ni Denden, parang maiiyak ang boses. Iginiya niya kami sa pantry area at naupo kami roon.

"Calm down, we all know it's not true," sabi ni Deborah na walang paalam na nagsalin ng mainit na tubig mula sa termos sa kinuhang tasa para magtimpla ng kape. She must have been trained well to be calm under pressure at times like this.

"P-Pero . . . mabigat na allegation 'yon," sabi ni Denden sabay baling sa akin. "We need to do something to help him! Parang kagabi lang ay pinag-usapan natin ang demonic attacks—this was clearly one!"

"Deborah's right, Denden, you should calm down," I told her, but deep inside, it still gets on my nerves whenever I remember the scene earlier. "Someone set him up, the questions are who and why." Bumaling ako sa katabi ko na humihigop ng kape. "It seems like maganda ang timing nang pagpunta mo rito."

"Yeah," sagot nito pagbaba ng baso. "Actually, nandito ako para mag-imbestiga tungkol sa mass hysteria incident.

"What did you find?" I asked.

"Naabala ang pag-iimbestiga ko nang marinig ko ang komosyon sa harapan ng Principal's Office. At tama ka, na-set up si Father. For now, let's focus on proving his innocence."

"How can we help him?" The moment I asked that, silence permeated. Deborah gave me a weird look while Denden remained worried, biting her nails.

Makalipas ang ilang sandali ay tumayo si Deborah. "I'll see what I can find."

"Wait," sabi ko at tumayo rin. I suddenly remembered something. "Kailangan kong magpasama sa 'yo."

"Ha? Saan naman?"

I remembered the night we were trying to find Maviel here in the school, the time I saw a light descending somewhere—like what I saw on Jester's home, leading to the grim discovery.

"Basta," sabi ko na lang at hinila siya. Bago kami makalabas ng pinto ay lumingon ako kay Denden. "Favor na lang, ikaw na muna ang bahalang kumausap kay Maviel."

"Y-Yes, Doc."


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


Maviel's POV

PAPASOK na sana ako sa loob ng clinic nang marinig ko ang boses ni Ate Jael sa loob. Nakumpirma ko 'yon nang sumilip ako sa window glass ng pinto at nakita silang nag-uusap. Kaya tumingkayad ako at palihim na kumuha ng picture.

Pagkatapos ay kaagad kong pinadala ang larawan sa kanya. Hindi ko namalayan na nanginginig pala ang kamay ko at dali-dali kong tinago ang cell phone sa bulsa ng aking palda.

Nanatili akong nakatayo sa labas habang pinakikinggan ang kanilang usapan. Nagpunta si Ate Jael ng school para kausapin ako . . . at malamang ay alam na niya ang balitang nangyari kay Father Kai.

Nang maramdaman ko ang yabag nila papuntang pinto ay kaagad akong tumakbo palayo para magtago. Pagkaraan ay sinilip ko sila at nakita ko sila Ate Jael na papunta sa kung saan.

Naglakad ako pabalik ng classroom namin at hindi ko na kakausapin pa si Ate Denden dahil malamang ay kakausapin niya ako tungkol sa bagay na ayokong pag-usapan—kung paano ko nakita noon kay Jester ang masamang espiritu. Balak ko sana siyang kausapin tungkol kay Father Kai pero alam na ni Ate Jael ang nangyari kaya mabuti pa sigurong maghintay ako.

Pagbalik ko ng classroom namin ay pasimpleng napatakip ako ng tenga hanggang sa makarating ako sa aking pwesto. Kanya-kanya silang kumpulan at pinag-uusapan ang panibagong kumakalat na balita.

"Our school's haunted!" bulalas ng isa kong classmate at sinaway siya ng isa.

"Keep your voice down, bawal daw pag-usapan sabi ng mga teachers, 'di ba?"

"Kadiri naman si Father Kai!"

"Sana ako na lang! Joke!" pagkatapos ay sinundan 'yon ng tawanan.

"This is getting creepier! Saan ba kasi nanggaling 'yong Ouija board?"

"And to think na nagsimula ang lahat because of Jester! He must be cursed."

Tama na . . . Manahimik na kayo.

Wala akong ibang nagawa kundi mapayuko at pilit na balewalain ang mga bulungan nilang naririnig ko pa rin.

"Huy, ever since somebody transferred here nagkaroon ng haunting sa school natin." Para akong tinamaan ng kidlat nang marinig ko 'yon.

"Oo nga, ano? Remember, sinapak niya noon si Jester for no reason, 'tapos biglang tumalon si Jester sa building."

"Creepy!"

"Maybe, si Maviel ang cursed!"

"Hoy!" natahimik ang lahat nang biglang sumigaw si Rory sa likuran kung saan nanggagaling ang bulungan. "Anong sabi mo kay Mavy?"

Kaagad akong tumayo at nilapitan si Rory para pigilan siya. Ayokong gumawa ulit ng gulo at baka mapatawag ulit si Ate Jael.

Hindi na nakasagot ang mga kaklase ko sa tinuran ni Rory at saktong nag-ring ang bell kaya nagsi-ayusan ang buong klase.

"Don't mind them," bulong ni Rory sa akin bago kami umupo.

Tumango lang ako pero ang hindi nila alam . . . maaaring iyon ang totoo.


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


"THAT'S all for today, class, see you tomorrow."

Sabay-sabay nagsitayuan ang mga kaklase ko para magpaalam sa teacher namin pero natigilan ako nang makita ko sa labas ng bintana na may nakadapong uwak sa puno. Bigla akong nanlambot.

"When you see a crow, that's my signal," iyon ang bilin niya sa akin noon.

"Mavy, tara, sabay ka na sa amin, wala kaming cram school ni Keira ngayon," yaya sa akin ni Rory na nasa tabi ko.

"A-Ah, mauna na kayo may kailangan pa akong puntahan," sabi ko at nagmamadaling nag-ayos ng mga gamit ko.

"Where? Pwede ka naming ihatid doon."

"H-Hindi na." Bago pa siya makapagsalita ay kaagad akong tumayo at nagmamadaling umalis.

Nang lumingon ako'y napanatag ako nang hindi na ako nahabol pa nina Rory at Keira. Sa labas ng gate ay nag-aabang ang isang itim na kotse. Sumakay ako roon at walang salitang pinaandar ng driver ang sasakyan papunta sa aming lihim na tagpuan.

Noong nakaraan ay sa isang mamahaling restaurant kami nagtagpo, at makalipas ang kalahating oras ay binaba ako ng driver sa isang tahimik na parke.

Pagbaba ko ng sasakyan ay kaagad kong natanaw ang isang uwak sa poste ng ilaw at lumipad 'yon patungo sa direksyon na kaagad kong sinundan. Dumapo ang uwak sa balikat ng isang lalaking nakaupo sa bench.

Pigil-hininga akong lumapit sa kinaroroonan niya at nang maramdaman niya ang presensiya ko'y lumingon siya sa akin at ngumiti nang makita ako.

"Good afternoon, young lady. It's nice to see you again," bati niya sa akin habang natatamaan ang maputla niyang mukha ng kulay kahel na sikat ng papalubog na araw.

"G-Good afternoon, Mr. Crowley."

"I like the name," aniya, pangalawang beses nang pinuri ang naisip kong pangalan para sa kanya. Tinapik niya ang bakanteng tabi. "Come, sit down."

Sumunod ako sa kanya at sabay kaming tumanaw sa mga batang naglalaro sa playground 'di kalayuan.

"I appreciate the photo you sent me today. So, bumisita pala sa San Lazaro Academy si Dra. Fariñas."

Nasa kandungan ang dalawa kong kamay at pasimpleng kumuyom. Isang tango lang ang sinagot ko.

"What's wrong, dear?" tanong niya sa akin. "What's bothering you, young lady?"

"M-May problema ang ate ko," sagot ko at napayuko.

"Anong problema ni Dra. Fariñas?" tanong niya, tunog nag-aalala.

"K-Kasi may problema ang kaibigan niya."

"Who?"

"S-Si Father Kai."

"Ah. That priest." Biglang naging flat ang tono niya. "What happened?" At sinabi ko kung ano ang ibinintang kay Father Kai. "Hmm... You've been dutiful in sending me updates about her, maybe I could help. Do you want that?"

Sunod-sunod akong tumango. Sabi ko na nga ba at pagdating kay Ate Jael ay tutulong siya.

"I can help you awaken your gift to figure out the culprit behind that priest's accusation."

"A-Ayoko po!" kaagad kong bulalas. "A-Ayoko na po."

"Right," sabi niya at bahagyang napangisi. "Once it happened, your mother's minions would easily find you." Napahinga siya nang malalim at mula sa loob ng bulsa ng kanyang coat ay may kinuha siya. "For the sake of my beloved bride and as a reward to your obedience for keeping our secret. Here."

Nanginginig na tinanggap ko ang maliit na sobre.

I'm sorry, Ate Jael. Kailangan kong sumunod sa kanya dahil ayokong maibalik sa pinanggalingan ko . . .

"T-Thank you po. Kailangan ko nang umuwi, baka hinahanap na ako ni Ate."

"Fine." Tumayo na ako pero bigla siyang nagsalita ulit. "What happened to the flowers? Did you give it to her?"

"S-Sorry, hindi po . . . N-Nasunugan po kasi siya at ayoko naman pong makadagdag sa aalalahanin niya."

"It's alright. When the time's right, I will give another one to her."


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


Hezekiah's POV

I'VE been kneeling for hours ever since I received Principal Leoncio's message about tomorrow's meeting with the school board and PTA. He also felt sorry for me because they failed to control the rapid spread of news about the incident. Alam na ng buong San Lazaro Academy ang alegasyon sa akin ni Marriz.

Halos bumaon na ang rosaryo sa aking palad at walang patid ang aking pagdarasal. Butil-butil na ang pawis sa aking noo at halos hindi ko na maramdaman ang mga binti ko. Wala akong ibang panlaban sa gawa ng kaaway kundi ang manalangin.

But it feels like the Lord is silent because I couldn't find any comfort or rest for my soul.

Help me, God. Don't abandon me in this peril. Don't let the news reach my frantic mother.

And still . . . no answer.

Maybe I should pray the rosary again.

For the nth time, I recited the Apostle's Creed, Our Father, and Hail Mary. . .

But then, the room felt suffocating, as if the walls themselves were closing in. I knelt by my bed, clutching the rosary with my trembling hands. I tried to speak louder but the accusation against me rang in my mind.

I know I'm innocent but my heart burned with shame—I couldn't help it. Alam kong hindi dapat pagtuunan ng pansin ang tingin ng ibang tao sa akin pero nangingibabaw iyon.

"Hail Mary, full of grace. . ." for the third time I uttered those prayers.

As I prayed, my mind suddenly wandered to her. When she suddenly showed up earlier, the way she defended me, her voice, clear and strong. She stood before me, and her fierce look. . . Jael believed in me.

The memory stirred something in me, something warm and grateful. But as the image of her face lingered, it began to change. Her expression softened, her eyes now filled with something deeper. . .

"Hezekiah," tila narinig ko ang boses niya at may kung anong humaplos sa aking likuran. Is this the comfort I'm longing for?

I felt something warm wrapping around me, gentle. . . soothing. I thought it was my imagination, but then I caught a familiar sweet scent.

It was hers.

"Jael?" I whispered, swallowing hard.

Hindi ko namalayan na nabitawan ko ang hawak nang lumingon ako't nakita siya.

She stood behind me, her hair loose, cascading over her shoulders. She wore a thin, flowing dress, revealing enough more than it should. Her lips were painted red, her eyes heavy-lidded with a look that sent my heart racing.

Ngumiti siya at humakbang palapit sa akin. Hinila niya ako na tumayo at hinaplos ang aking pisngi. Halos idikit niya ang kanyang mukha sa akin, ramdam ang bawat paghinga niya habang ang isang kamay niya ay gumagapang sa aking dibdib.

For a moment, I was paralyzed. Then, clarity broke through the haze. This wasn't Jael. I am out of my mind.

"Y-You're not her," I said, my voice trembling but firm. "In the name of Jesus Christ, I rebuke you!" buong lakas kong sigaw.

Naglaho ang mapang-akit niyang ngiti at napalitan 'yon nang nakakakilabot na singhal hanggang sa tuluyang maglaho ang kanyang anyo na parang abo. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib at nang matauhan ay walang atubiling pumunta ako ng banyo.

My hands fumbled with the buttons of my shirt, yanking at the fabric, nearly tearing it as I flung it aside. My bare skin felt feverish, my thoughts still reeling from the lingering touch of that . . . thing. Turning the shower knob, the cold water shocked me back to myself, washing away the remnants of the temptation that had clung to me.

I pressed my palms flat against the cold tiles, bowing my head as the water poured over me. I didn't fall. But I feel filthy. Unworthy.

"Lord . . . forgive me," I whispered my voice breaking. "Help me stay faithful. Even in this silence, I trust You." And finally, I felt my tears fall, silent but cleansing. 


-xxx-



https://youtu.be/2EV9L0eWmFU

A/N: Hi, everyone! How's your holiday season going? Pasensiya na ngayon na lang ulit nakapag-update dahil ang daming ganap at busy lately. Anyway, I hope you liked the update kahit na medyo stress ang ating mga characters. 

Your votes and comments are highly appreciated. Thank you so much! God bless you :))

PS. Spiritual warfare is real. Even Christians still struggle with a lot of temptations and sins, let us continue to pray for one another and continue to lean on God's support.

If you have any prayer requests... just drop here or DM me on FB. :)


No temptation has overtaken you that is not common to man. God is faithful, and he will not let you be tempted beyond your ability, but with the temptation he will also provide the way of escape, that you may be able to endure it.
-1 Corinthians 10:13 

Submit yourselves therefore to God. Resist the devil, and he will flee from you. 
-James 4:7 

Watch and pray that you may not enter into temptation. The spirit indeed is willing, but the flesh is weak.
-Matthew 26:41




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top