/23/ His First Love


Hezekiah's POV

"ANY questions, class?"

"None," sabay-sabay nilang sagot sa mababang boses, ang iba'y napahikab pa. Napailing na lang ako. Sa last row ay may nakayuko, kunwaring nagbabasa pero malamang ay natutulog.

Hindi ko sila masisisi dahil nakakaantok naman talaga ang oras ng klase pagkatapos ng lunch break, Siesta time kung tawagin nga nila. Idagdag pa ang kawalan nila ng interes sa subject na tinuturo ko.

Napabuntong-hininga na lang ako sabay pinatay ang projector, pagkatapos ay kinuha ko ang chalk at saka nagsulat sa pisara. Nakaisip ako ng ice breaker para naman magising man lang ang katawang lupa nila. Isa sa malaking kinahaharap na problema ngayon sa edukasyon ay ang maikling attention span ng mga kabataan.

I remember the principal encouraging teachers to be more creative in hooking the students. One of my co-teachers even jokingly said, "Kailangan pa ho ba naming kumain ng apoy?" It's an exaggeration, but sadly, students wanted a spectacle in order for them to be engaged, like how they're all addicted to the small screens of their cell phones.

However, I still firmly believe that teachers should not compromise the quality of their lessons. Teachers are not entertainers; they are responsible for educating and shaping the values of every student.

"What do you think remains consistent among early civilization's religions?" I rhetorically asked the whole class. "Sacrifice," sabi ko sabay turo sa sinulat ko. "Almost every belief system has some concept of giving up something important to honor a higher purpose or deity, whether it's offering food, time, or even committing one's life to service."

Nakita ko ang ilang mga estudyante sa unahan na masigasig na nagsulat sa kanilang mga notes. Ang karamihan ay inaantok pa rin kaya tumikhim ako at marahang hinampas ang pisara para makuha ang kanilang atensyon.

"In Christianity, for instance, the ultimate example of sacrifice is Jesus Christ's crucifixion," I smiled when I said that. "His life, given freely, is believed to have redeemed humanity, an act that resonates deeply within Christian thought." One student raised a hand and I called her. "Yes?"

"As stated po, Father, sa John chapter three verse sixteen," sabi nito. "For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life."

"Correct, that's true," I commended. "God sacrificed His best in order to save us." Tiningnan ko silang lahat bago ako nagpatuloy. "Let's do a quick icebreaker. I want each of you to think about you value deeply—whether it's an object, a goal, or even a relationship. Imagine if, for the sake of someone or something more important, you had to give it up. Would you do it? And why?"

I saw a mix of expressions—thoughtful, hesitant, some students scribbling their answers on paper. Bahagya akong napangiti dahil alam kong nakuha ko kahit paano ang atensyon nila para mag-isip. Pagkatapos ko silang bigyan ng sapat na oras para mag-isip ay nagtawag ako ng mga gustong sumagot.

Some talked about sacrificing free time for family, or hobbies to study well. Hanggang sa unti-unting nabuhayan ng dugo ang klase ng magbahagi ang ilan ng kanilang mga totoong saloobin.

"Depende po, Father," sabi ng isa at tinanong ko kung bakit. "Depende po kung anong mapapala ko." Nagtawanan ang ilan. "Paano kung mag-sacrifice ako para kay crush pero hindi naman niya ako ika-crush back." Umugong ang asaran sa buong classroom.

"Agree!" sinundan 'yon ng isa pa na tumayo. "Ako po! Hindi ako magsa-sacrifice!"

"Why?" tanong ko.

"Kasi hindi po ako si God," sagot nito at nagtawanan ang lahat.

Napahalukipkip ako at napailing. Diyan kayo magaling, sa mga kalokohan, gusto ko sana sabihin.

May isang babaeng estudyante ang sumagot sa kanya, "How could say that? Ibig sabihin lang you're not capable of love." Nagsimula silang magkaroon ng diskusyunan kaya kinailangan kong hampasin ang mesa para patahimikin sila.

One student from the back raised a hand. "Yes, Miguel?" I acknowledged, bracing myself. Natahimik ang buong klase.

He leaned back, a glint of mischief in his eyes. "So, Father," he began, a slight grin playing on his lips, "If we're talking about sacrificing something important... who did you sacrifice?" Napakunot ako sa tanong niya. "I mean, did you give up someone when you became a priest? Like... you know, your first love?"

The question drew a mix of stifled laughs and shocked whispers from the class from that unexpected question. I should have seen it coming.

"Miguel," I replied evenly, "I believe that's not a relevant question to our discussion."

He shrugged, still grinning, and even looking for his classmate's approval. "But isn't personal experience part of understanding sacrifice? Katulad nga nang sinabi mo—it's about giving up what we value."

"Sacrifice, Miguel," I said, struggling to keep my patience. It felt like I set a trap for myself, not knowing a troublemaker would try to provoke me. "It's about understanding greater values and the commitments we make—not personal gossip."

"Kaya nga, Father!" pilit pa nito. "You would help us understand if you share your story, right?" he pressed, almost innocently. "How can we know what you teach about if you haven't been through it?"

A female student intervened, "We'd like to know it, Father, we're going to write articles about love that we're planning to release in February!"

"Kwento na 'yan!" Sigaw pa ni Miguel at hinimok ang buong klase na gayahin siya.

And suddenly, the whole class tried to persuade me as they continued to chant. Mas lumawak ang ngisi ni Miguel dahil pakiramdam niya'y nagwagi siya. Sinubukan ko pa ring huwag magpakita ng kahit anong emosyon. Nang hindi sila makuha sa tingin ay buong lakas kong hinampas ang pisara na kinatahimik nila.

"Mukhang nakalilimutan n'yo na hindi lang basta guro ang kaharap n'yo," malamig kong sabi sa kanila. "Miguel, since you seem intent on testing boundaries. I'd suggest you spend some time reflecting on respect... in the guidance office."

"Come on—" his smirk faded.

"Get out."

Sumunod naman si Miguel at noong hapon ding 'yon ay pinatawag ako bigla sa Principal's Office. Hinanda ko ang aking sarili bago pumasok sa loob ng opisina pero nakangiti pa si Principal Leoncio nang makita ako.

"How's your day, Father?" bati nito sa'kin pag-upo ko. Kaagad kong naamoy ang umaalingasaw na ointment sa opisina niya.

"Nothing special, Ma'am," sagot ko sabay kibit-balikat. "May pinadala lang akong pasaway na estudyante sa Guidance Office."

"Narinig ko nga ang nangyari," sabi nito.

"Pinatawag n'yo ho ba ako rito dahil doon?" tanong ko kaagad.

"Actually, Father, napag-alaman ko rin na gusto kang interview-hin ng student from our school publication tungkol sa iyong first love. I'd suggest, why don't you do it?"

"Ho?" Kulang na lang ay mahulog ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng pandinig ko. "Principal Leoncio, I think that's out of the question."

She pursed her lips before removing her eyeglasses. The principal took a sigh before telling me one of the problem she's facing. Kahit na isang linggo na ang lumipas matapos ang insidente tungkol kay Jester ay patuloy pa rin ang mga bulungan at tsismis na kumakalat sa buong campus, idagdag pa ang mga nahuhuli ng gwardiya na pakalat-kalat na tabloid reporters sa labas. The principal doesn't like the attention San Lazaro Academy's getting.

"Gusto ko lang ibalik sa katahimikan ang eskwelahang ito, malayo sa mga bulung-bulungan at kung ano-anong mga kwento," dagdag nito at hinihimas pa ang sentido.

"So, you want to use my personal life to create a diversion?" I frankly said.

"Forgive my shamelessness, Father," sagot nito. "I'm running out of options."

Naningkit ang mga mata ko at napabuntong-hininga rin. "The truth, Principal Leoncio. I suggest we approach this in truth." Not in diversion tactics.

"The truth?" ulit niya. "The truth is much darker."

Napakunot ako sa huli niyang sinabi. Pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.

"You may go now, Father, pasensiya na at nagbaka sakali lang ako na pumayag ka sa suhestiyon ko," sabi nito at tumayo na ako. "Pag-iisipan ko ang sinabi mo, the truth it is."

Isang tango ang sinagot ko bago ako lumabas ng kanyang opisina.


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


I fumbled with my keys, jangling them a bit too loud as I pushed the gate open, half-expecting the usual frenzy of paws and excited barks. Usually, my dogs would've already tackled me by now but the lawn is empty.

Sinubukan kong tawagin ang mga aso ko pero biglang bumukas ang front door ng bahay at niluwa mula roon ang isang pamilyar na pigura.

"Welcome home, Pads!" bati nito at sumunod na lumabas ang mga aso kong sina Yappy at Buddy para salubungin ako.

"EJ?" kunot-noo kong tawag sa kanya habang patuloy akong dinadamba ng dalawa kong alaga. "Paano ka—" I was about to ask him when Kuya Hector showed up behind him and waved. Lumapit sa'kin si EJ at yumakap.

"Long time no see, bro," sabi niya at tinapik pa ako.

"Kailan ka pa umuwi galing Amerika?" tanong ko at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

"Kahapon lang," sagot niya. "Thanks to Kuya Hector, natunton kita rito."

Pagpasok namin sa loob ay nalanghap ko kaagad ang mabangong amoy ng pagkain, sa kumedor ay nakita kong nakahanda ang isang masarap na hapunan na tiyak kong niluto ni Kuya. He used to live here with me noong panahong nagtatrabaho siya sa St. Lazarus Hospital.

"Sakto ang dating mo, Kai. Let's eat," sabi ni Kuya Hector at sabay-sabay kaming nagsalo-salo ng niluto niyang Kare Kare.

"Wow. I missed this," sabi ko pagkalunok sa una kong subo. "Walang kupas talaga ang galing mo sa pagluluto."

"Ako pa ba," sagot ni Kuya.

"Alam mo, Kai, matagal ko nang sina-suggest sa kanya na magtayo siya ng restaurant, I can convince my family to finance him," sabi naman ni EJ habang hinihiwa sa plato niya ang baka.

Umiling si Kuya Hector. "You cannot turn your passion into business all the time, sabi nga nila."

"Sayang lang kasi dapat mag-aaral ka sa culinary school noon, 'di ba?" tanong ko at nanlaki naman ang mga mata ni EJ.

"Really? How come nag-med school ka?" tanong ni EJ. Senior niya kasi ang kuya ko sa med school.

Napakibit-balikat si Kuya Hector. "I want to make my mom happy. Right, Kai?" Napangiti at napailing naman ako. "Fulfilled naman ako sa pagiging doktor."

"Maiba pala ako, bakit naman kayo biglang dumalaw dito?" tanong ko sa kanila. "You can just call me, EJ, willing naman akong makipagkita sa 'yo sa Maynila."

"Well, nagpunta kami kanina sa St. Lazarus Hospital," sabi ni Kuya Hector at napalunok ako bigla. "Ni-recommend ko si EJ sa director nang marinig kong naghahanap sila ng additional staff."

Napatingin ako kay EJ na tumango lang. "But I thought sa Amerika ka na for good?" tanong ko.

"At ayon nga rin ang dahilan kung bakit kami nagpunta rito," sabi pa ni Kuya Hector, tumayo saglit at may kinuha sa kusina. Bumalik siyang may dalang isang bote ng mamahaling alak. "Dadamayan natin 'tong kaibigan nating broken-hearted."

"Ha?" napatingin ako kay EJ na napakamot sa batok. "Anong nangyari? Don't tell me..."

Napayuko siya at napabuntong-hininga. "Samantha and I broke up."

Nagsimulang magkwento si EJ tungkol sa nangyari. Apparently, he didn't really want to settle in America and he wanted to pursue further his medicine career in the Philippines—bagay na hindi nila pinagkasunduan ng kasintahan niya na naging hudyat para ma-cancel ang kanilang engagement.

"But... why here in San Lazaro?" hindi ko mapigilang itanong. "Tiyak kong pag-aagawan ka ng mga ospital sa Maynila."

Natigilan si EJ habang hawak-hawak ang kopita, namumula na ang pisngi niya marahil sa kanina pa pag-inom ng alak. Ngumiti siya saglit habang nakatingin sa kawalan, nang maalala ang sagot ay tumingin siya sa akin.

"I'm trying to find someone here in San Lazaro," sabi niya.

"Sino?" tanong ni Kuya Hector. "May utang sa'yo?" pagkasabi'y tumawa ito.

Napalunok ako at may kung anong pumitik sa kalooban ko nang marinig 'yon. Hinintay kong dugtungan ni EJ ang sasabihin pero wala na siyang sinabi pa at nilagok ang laman ng hawak niya. Ginaya ko rin siya at gumuhit sa aking lalamunan ang mainit at tapang ng alak.

Namalayan ko na lang at naiba na ang takbo ng usapan. Nakinig lang ako at pinanood silang uminom nang uminom habang pinipiga pa ni Kuya si EJ na magkwento ng detalye tungkol sa ex-fiance nito, at kung saan-saan na tuloy nauwi ang usapan.

"How about you, Kai? What's up?" tanong ni EJ na pupungas-pungas na ang mga mata. Si Kuya Hector ay nagtayo at nagpaalam na pupunta ng banyo pero sa pagewang-gewang niyang lakad ay tiyak kong didiretso na 'yon sa kwarto sa itaas.

"Nothing special, I've been busy fighting evil spirits lately," sagot ko at tumawa si EJ na para bang nakarinig ng joke. Mukhang lasing na nga rin siya.

"Who would have thought na ang crush ng bayan noong high school tayo ay nagpari lang ngayon," aniya na hindi ko naman kinasama ng loob. Pagkatapos ay pinilit pa niya akong magkwento at dahil tiyak kong hindi naman niya maalala, sinabi ko sa kanya 'yung nangyari sa araw ko.

EJ laughed after telling him about my day. "First love? Ikaw? Meron ba?"

"Yeah."

"Bakit 'di ko alam 'yan," sabi niya na parang masama ang loob. "Tell me, man. I want to hear that story."

Tumingala ako saglit at pinakiramdaman ang katawan ko. Medyo nahihilo na rin ako kahit na nakailang shot lang ako ng alak. Mabuti na lang ay Biyernes ngayon at walang pasok sa eskwelahan kinabukasan. Tumingin ako kay EJ na nakapangalumbaba sa mesa at parang batang naghihintay.

"Eleven years ago, academic break namin sa seminaryo, I volunteered to join a mission in Mindoro."

"Oh? Tapos?" sinubukang labanan ni EJ ang antok pero pipikit-pikit na ang mga mata niya.

"That's where I met her."

Malinaw pa rin ang tagpong 'yon sa aking alaala. Hindi ko sukat akalaing sa kalagitnaan ng isang abalang hapon, sa ilalim ng tirik na araw at ang amoy ng alat mula sa karagatan, nakaupo ako sa isang lumang bangko habang pawisan at pagod mula sa sunod-sunod na pasyente.

Simple lang siya noon, nag-aaral pa lang ng kursong medisina, palaging may dalang clipboard, hindi alintana ang mainit na panahon at palaging may ngiti sa kanyang labi. Bihasa, matatag ang kilos,subalit may puso at malasakit.

Iyon din ang unang pagkakataon na kinwestiyon ko ang bokasyon na tinahak ko, tinanong ko sa aking sarili—para sa akin ba talaga ang pagpapari? Katulad ni Kuya Hector... gusto ko lang din mapasaya ang aking ina, gusto kong tuparin ang panaginip niya na isang anghel ang dumalaw sa kanya para sabihing nakatadhana akong ialay sa Panginoon.

"Nakausap mo man lang ba siya? Naging kayo ba?" tanong pa ni EJ na nakapikit na at unti-unting yumuyuko.

Umiling ako at tumingin sa kanya. "I never had the chance... dahil... hinayaan lang kita na mauna sa kanya." Nang sabihin ko 'yon ay tulog na siya.


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


KAHIT anong pilit kong pikit noong gabing 'yon ay hindi ako dinalaw ng antok. At kung kailan namang tuluyan na akong nilamon ng kaibuturan ay tila nagkaroon pa rin ako ng kamalayan sa loob ng aking panaginip.

Pulang-pula ang paligid. Mainit. Narinig ko ang pagtupok ng kahoy. Umuusok. Mahapdi sa mata. Sinubukan kong hawiin ang usok at sa gitna'y nadatnan ko siyang walang malay. J-Jael?!

Napabalikwas ako ng bangon, habol ang aking hininga. Sinulyapan ko ang orasan at nakitang mag-a-alas tres ng madaling araw. Damang-dama ko ang pagkalabog ng aking dibdib na kaagad kong kinapa.

Tumingala ako sa krus na nakasabit sa dingding.

"Panginoon?"

Mas lalong lumakas ang udyok sa aking dibdib.

Muling pumasok sa aking isip ang imahe niya sa sahig, wala siyang malay habang napaliligiran ng apoy. Anong gagawin ko?

Maynila, lumitaw ang salitang 'yon sa isip ko.

Kailangan kong pumunta ng Maynila. 


-xxx-


https://youtu.be/t7gC87ocXlo

A/N: Ebarg si Father nagpa-guidance tuloy! Susundin kaya niya ang udyok ng Spirit? ABANGAN! 

Your votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading! :)


Stay tuned dahil papunta na tayo sa exciting part! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top