/21/ Embrace in Darkness
Jael's POV
NAKITA ko noon sa dining table ang isang kulay pink na lunch box, napakunot ako nang buksan 'yon. Nakalimutan ni Maviel 'yung baon niya. Bigla ring pumasok sa isip ko na hindi pa siya ulit humihingi ng allowance. Baka hindi siya kumain, iyon ang naisip ko kaya mabilis akong gumayak at nagpunta ng eskwelahan nila.
Dala-dala ang lunch box, mula sa parking lot ay natanaw ko ang pamilyar na pigura na naglalakad papunta malapit sa puno. Nang makita ko siya'y tila nabuhay ang kung anong inis sa kalooban ko nang maalalang hindi man lang siya nagpakita sa'kin.
"We don't need her help." Nang marinig ko 'yon ay may kung anong kirot akong naramdaman, una kong naisip ang sugat sa tagiliran ko.
"Doc Jael, what a surprise," basag ni Corporal Deborah sa ilang segundong katahimikan nang madiskubre ang presensiya ko.
Nang magtama ang paningin namin ni Hezekiah ay kaagad akong nag-iwas ng tingin at tinaas ang hawak ko.
"Nakalimutan ng kapatid ko 'yung baon niya," sabi ko, kunwaring hindi ko narinig ang pinag-uusapan nila. "Pero hindi ko alam kung nasaan siya."
"Sa second floor room 210 ang homeroom niya," he said but I didn't look at him.
"Thank you," matipid pero may diin kong sabi, pagkatapos ay tinalikuran at naglakad pabalik ng main building.
Hindi raw niya kailangan ang tulong ko? Wow. Matapos akong masaksak lang naman—
"Doktora." Muntik na 'kong may mabangga at pag-angat ko ng tingin ay nakita ko siya. "Kamusta ka na? Okay ka na ba? Hindi ba't dapat nagpapahinga ka?"
Pinilit kong ngumiti at sinabing, "I'm okay." Naglakad ulit ako at nang makapasok ako sa loob ng building ay natigilan ako.
Hindi na niya ako sinundan?
I shook off my thoughts of him and what I heard. Namalayan ko na lang ay nasa tapat na ako ng homeroom ni Maviel pero sinabi ng isang estudyanteng lumabas na pinagtanungan ko ay nasa canteen daw ang kapatid ko dahil lunch time na.
Nang puntahan ko ang school canteen ay natagpuan ko siya roon kasama ang dalawang kaklase niya. Nanlaki ang mga mata niya nang matanaw akong palapit.
"A-ate? Bakit nandito ka po?" gulat niyang tanong.
"Nakalimutan mo sa bahay," sabi ko at nilapag sa mesa ang naiwan niyang baunan.
"OMG, siya ba 'yung sister mong doctor?" bulalas ng katabi niya na may mahabang naka-tirintas na buhok. Nahihiyang tumango si Maviel.
"Ate, sina Keira at Rory nga pala, friends ko po," pakilala ni Maviel sa mga kasama niya at sabay nag-hello ang dalawa.
"Wow! Hindi mo naman sinabing mukha siyang Korean actress," komento naman ng isa pa na may maiksing buhok. "Kamukha niya si... si ano—"
"Nice to meet you po! Pangarap ko rin pong maging doctor!" kinuha pa ni Keira ang kamay ko. "Doctor ka po ba talaga? Ang lambot ng hands mo po!"
Hindi ko na napigilang matawa. Nang bitawan ako ni Keira ay humalukipkip ako at sinabing, "At dahil magaling kayong mambola, anong gusto n'yo?"
"Naku, huwag na po!" tanggi nila pero sa huli ay nilibre ko sila ng milk tea na kinatuwa nila lalo.
"Your sister is so cool, Mavi!" dinig kong komento ni Rory sabay higop sa hawak na cup.
Sumenyas ako kay Maviel na mag-usap kami saglit, nagpaalam siya sa mga kasama bago lumapit sa'kin. Inabutan ko siya ng pera na hindi niya agad tinanggap.
"Ate, hindi ko pa naman po ubos 'yung allowance na bigay mo sa'kin," sabi niya pero nilagay ko pa rin sa kamay niya 'yon.
"Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko.
"Four-thirty po," sagot niya.
"Sige," sabi ko at nagpaalam akong umalis.
Paglabas ko ng canteen ay napahinga ako nang malalim. Paano ko ba sasabihin sa kanya... na babalik na ako ng Maynila.
⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅
Hezekiah's POV
"FATHER, magsasara na po kami," sabi ng social worker sa'kin at tumango lang ako.
Nang humarap ako sa kanya ay hindi man lang kumukurap ang kanyang mga mata. Hinawakan ko siya sa balikat at tinapik-tapik 'yon.
"Jester, kapag kailangan mo ng kausap, pwede mong ipagbigay alam sa kanila para matawagan ako," sabi ko pero hindi pa rin siya umimik.
Magmula nang dumating ako'y wala siyang inusal ni ha ni ho, parang katulad noon ni Maviel. Pero hindi pa rin ako pinanghihinaan ng loob, dahil tulad ni Maviel ay alam kong may pag-asa pa para sa tulad ni Jester. Bago siya ibalik ng social worker sa loob ng facility ay pinagdasal ko siya.
Pabalik na ako sa lobby ng center nang humarang ang isang matangkad na babae na may mahabang itim na buhok. She's about to light a cigarette.
"This is a no smoking area, Miss," sita ko. Tumigil siya at tinabi ang hawak.
"Poor kid," komento nito sabay tingin sa'kin. "But I don't blame him though; I heard his parents abused him."
"I beg your pardon?"
Matipid na ngumiti ang babae pero walang buhay ang mga mata niya. "I'm Attorney Esther Santiago, Father," pakilala niya na labis kong pinagtaka. How does she know that I'm a priest? I'm not wearing my Roman collar unless she heard who I am. "That boy you just visited, he'll be evaluated if he murdered with discernment, he'll proceed through the Family Court. He will still be exempt from the criminal liability and most likely get a suspended sentence."
Habang nakatitig ako sa mga mata niyang blangko ay nakaramdam ako ng kung anong bigat.
"I don't know why you are telling me this, Attorney Santiago," sabi ko. "If you'll excuse me—"
"He didn't act with discernment, right, Father?" habol pa niya nang talikuran ko na siya. "That boy, I heard this rumors, he was possessed, right?"
Bago ako lumingon sa kanya ay tinanggal ko ang kahit anong emosyon sa aking mukha at sinabing, "Is that so?"
She didn't say anything and just eerily smiled at me before I finally walked away from that mysterious woman.
Pagdating ko sa parking lot ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. I don't know why my gut prompted me to say that, but whatever it is—I need to trust the Spirit's leading. When I checked my phone I saw a message from Corporal Deborah.
Napabuntong-hininga ulit ako nang maalala ang sinabi niya noon.
"Bullshit! Do you think natutulog at nagpapahinga ang mga demonyo?"
Napapikit ako saglit at mabilis na umusal ng panalangin. Lord, tama ba 'tong gagawin ko?
When I opened my eyes, I finally decided. Deborah's right. I can't turn a blind eye to this.
I rode my pickup truck and went to the address she just sent. Just half an hour drive, I arrived at the front of Tula~la Café, a simple coffee shop with a motif of a Bahay Kubo.
Matapos kong mag-park ay pumasok ako sa loob at may mga mangilan-ngilang kumakain. Isang lalaki ang sumalubong sa'kin na sa palagay ko'y staff.
"Ikaw ba si Father Kai?" tanong ng lalaking matipuno na may undercut na gupit ang buhok. Tumango ako. "Ako nga pala si Gabo, kaibigan ni PO2 Debbie."
Iginiya niya ako papuntang basement kung saan ay mayroon pang espasyo para sa mga customers, pero sinabi ni Gabo na pina-reserve ni Deborah 'yon para sa meeting namin ngayong gabi.
"Father!" Nakita ko si Jestoni at Denden, kumaway sila sa'kin at lumapit ako sa kanila. Pinapunta rin kasi sila ni Deborah dahil may nasaksihan din nila ang exorcism noon ni Jester sa gym.
Naghain ng maiinom si Gabo sa'min hanggang sa dumating na rin si Corporal Deborah na hindi na naka-civillan.
"Bago tayo magsimula, pwedeng manalangin muna tayo?" alok ko sa kanila at pumayag naman ang mga kasama ko. I was about to do the sign of the cross when they all stared behind me, so I looked behind.
"Doc Jael!" masayang bulalas ni Denden.
Tumingin ako kay Deborah at kaagad siyang nagpaliwanag. "I invited her," aniya.
"I thought—"
"No, I'm not here to join your meeting," sabi niya at napansin kong tagaktak ang pawis niya at bakas ang pag-alala sa mukha. Bigla akong kinutuban ng hindi maganda. "I'm here to ask for your help. M-matapos ko kasing sabihin kay Maviel kanina na babalik na ako ng Maynila, bigla siyang nawala."
"Babalik ka ng Maynila?" ulit ko at halos kasabay ko ring nagsalita si Denden.
"Nawawala si Maviel?"
Tumango si Jael at nagtama ang paningin namin. I don't know why I felt anxious and relieved at the same time—relieved because finally she was not annoyed anymore at her sister, anxious for Maviel's missing again.
Wala siyang inusal na salita pero naramdaman ko na kailangan niya ng tulong kaya walang alinlangan akong tumayo kasunod ang mga kasama ko.
She's going back to Manila... Maviel went missing because of that... Does it mean... Is she leaving her sister behind?
⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅
Jael's POV
WHEN Dra. Tordesillas replied to my email about my report, and I honestly felt relieved. After showing her the proof of supernatural, she accepted it and accepted my plea to regain my position at San Lucas Hospital. Makakabalik na rin ako sa Maynila—sa dati kong buhay.
Matagal ko ng planado ang gagawin ko sa oras na pabalikin ako. Babalik ako ng Maynila at iiwan ko si Maviel dito sa San Lazaro. Now that I found a good school for her, she had friends, and a therapist—I will support her financially at sigurado naman akong hindi magkukulang sa kanya.
Pero hindi ko alam kung bakit nahirapan akong sabihin sa kanya agad. I tried to be direct and simple, but when I told her that... She... She cried.
"Malaki ka na, kaya mo namang mag-isa," I even reasoned. "Mas mabuti kung dito ka kaysa sa Maynila, magulo ro'n. Dito tahimik ka, saka malulungkot si Nanay Lita pag naiwan siya rito." I hated myself for even using that old lady.
Tumahan naman siya nang marinig ang huli kong sinabi. Pero noong kinagabihan ay sinilip ko siya sa kwarto niya pero wala si Maviel doon. Wala rin siya sa ibaba at wala rin kina Nanay Lita.
That was also the time when Deborah sent me an invitation to their meeting; I went to ask for help.
Malakas ang kutob ni Hezekiah na baka nasa eskwelahan lang si Maviel kaya roon kami nagtungo para hanapin ang kapatid ko. Kahit gabi na't wala ng tao sa eskwelahan ay pinapasok naman kami ng gwardiya.
"Mas mainam siguro kung maghiwa-hiwalay tayo," suhestiyon ni Jestoni at sumang-ayon naman kaming lahat.
"Maviel?!" noong una'y naririnig ko pa ang alingawngaw ng mga pagtawag ng mga kasama ko hanggang sa naglaho sa pandinig ko ang mga tinig nila.
Walang ano-ano'y biglang namatay ang mga ilaw. Shit. Ngayon pa talaga. No choice ako kundi ilabas ang cellphone ko at buksan ang flashlight. Isa-isa kong inilawan ang mga classroom.
Naglalakad ako nang may mahagip ang gilid ng mata ko, tila may dumaan na puting liwanag—katulad noong nakita ko sa bahay nina Jester. Animo'y nagkasariling isip ang mga paa ko't awtomatikong gumalaw 'yon para sundan ang nakita kong liwanag, hanggang sa dinala ako nito sa hagdanan pababa.
Go back! Sigaw ng isip ko pero mas lalo akong nilamon ng kuryosidad.
Tumigil ako sa harapan ng isang pintuang kahoy, luma ito at parang pang-simbahan ang disenyo.
Napaluno ako ng sunod-sunod, mas lalong lumakas ang pagsigaw sa isip ko na bumalik sa itaas pero kusang gumalaw ang kamay ko para abutin ang door knob. Dahan-dahan... lalapat na sana ang kamay ko sa kinakalawang na hawakan nang biglang mamatay ang ilaw ng flashlight ng phone ko. May naramdaman akong humipan sa gilid ng tenga ko at doon na ako natauhan.
Napasigaw ako nang may sumunggab sa braso ko pero nanlaban ako. Nang makawala ay dali-dali akong umakyat ng hagdanan at may nabunggo akong pigura.
"Hey!" sa takot ay napakayakap ako sa kanya at naramdaman ang panginginig ng buo kong katawan. "It's okay. I'm here." Pilit kong inayos ang paghinga ko habang mahigpit pa ring nakayakap sa kanya. "I'm here." Paulit-ulit niyang sambit hanggang sa unti-unting kumalma ang buong sistema ko. "I'm here, Jael." Bigla kong narinig ang sarili kong pintig nang mapagtanto ko kung kanino ang boses na 'yon.
Akma niya akong ilalayo at bibitawan pero nagulat din ako sa reaksyon ng katawan ko nang mahigpit pa rin akong humawak sa kanya.
A-ano 'to? Bakit... bakit ang kalmado ng buo kong katawan? All the impulse to tap away the anxiety... suddenly vanished... Just because his presence... his presence's too... heavenly.
"Father? Doktora?" narinig namin ang paparating na boses.
"Jael," his voice was raspy as if he was struggling with something. "Let go."
"No... I don't want to." What the hell did I just say?
-xxx-
https://youtu.be/cfxhOc9nTGk
Author's Note: Halaa eto na nga at gumagalaw na ang baso!!! Kaso babalik na si Doc Ja sa Maynila >.< Abangan!!!
Your votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading! :)
PS. Yung chapter ending talaga e feel na feel kong ala Kdrama hahah :))
Character inspos (pwede ring anong trip ng imagination nyo :D)
Ano kayang pwedeng name ng grupo nila? Haha :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top