/20/ His Confession


Hezekiah's POV

"B-BASEMENT..." iyon ang huli niyang inusal bago tuluyang pumikit ang kanyang mga mata. Mahigpit ko siyang hawak nang maramdaman ko ang mainit at malagkit na dugo na dumaraloy mula sa kanyang sugat, pinipilit kong pigilan ang pag-agos nito gamit ang isa kong kamay.

I could feel every inch of her as she leaned into me, her weight bearing down, vulnerable and fragile in a way that felt terrifying and... something else.

"Father, papunta na ang ambulansya at mga awtoridad dito," sabi ni Corporal Deborah sa tabi ko bago tumayo. "Jester's restrained. Pupuntahan ko lang 'yung basement." Tumango lang ako at nakita ko 'di kalayuan ang walang malay na si Jester.

Muli kong tiningnan si Dra.Fariñas, namumutla, at butil-butil ang pawis sa kanyang noo.

"Stay with me," I whispered, almost pleading, trying to ignore the way my heart thudded against my chest.

Her head rested near my shoulder, and I caught the faint scent of her. My pulse quickened, a tingling heat creeping up my neck and into my cheeks when I remembered our encounter this afternoon. I silently cursed myself and tried to brush off that thought, but my mind betrayed me, flashing her compassionate face towards the poor kid, making my heart flutter at her sight.

Inayos ko ang pagkakahawak sa kanya, subalit habang tumatagal ay mas lalo kong hindi ko mapigilan ang reaksyon ng sarili kong katawan. Nahuli ko ang sarili kong paghinga, hindi pantay at animo'y nakalimutan ko kung paano ba. Pinaghalong nerbiyos, takot, at hiya ang naramdaman ko—nanalanging sana dumating na ang mga awtoridad at ambulansya.

"Panginoon, tulungan mo kami," bulong ko sa pagitan ng aking paghinga. Every second felt like an eternity as I fought to stop the feelings churning inside, the warmth in my chest mingling with guilt that made my throat tighten.

Nang dumating ang mga paramedic ay pinigilan ko ang sarili ko na sumama sa kanila, alam kong magiging mabut rin ang lagay ni Jael, dahil kailangan kong mas intindihin si Jester. Kukuwestiyunin na ako ng pulis nang dumating si Corporal Deborah na namumutla at hindi maipinta ang mukha.

"Mabuti pang samahan mo muna si Dra.Fariñas sa ospital, Father, kami na ang bahala rito," blangkong sabi niya subalit dama ko ang matinding bigat sa kanyang kalooban.

Lumabas ako ng bahay at saka ako humugot nang malalim na hininga. Pero imbis na sumunod kay Corporal ay nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Father Jerry.

"Oh, Kai, napatawag ka?"

"I need to confess, Father."


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


Jael's POV

"DOC Jael, I can stay—"

"No, Dra. Santos, I can take care of myself. Nasaksak lang ako, hindi nalumpo," sabi ko sa kanya pagpasok namin sa loob ng bahay.

Nag-aalangan niya akong binitawan sa pagkakaalalay sa'kin at naramdaman ko ang pagkirot ng kaunti ng sugat ko sa tagiliran.

"It's really okay, Doc," pamimilit niya at umiling ako habang dahan-dahang naupo sa sofa. Si Maviel ay tahimik na nakatanghod sa'min.

Simula nang magkamalay ako sa ospital ay sumulpot siya at nag-alalay sa'kin. Sinabi niyang si Father Hezekiah daw ang nagpaalam sa kanya ng nangyari at speaking of paring 'yon ay sa dalawang araw ko sa ospital ay ni hindi man lang ako dinalaw.

"Dra. Santos—"

"Kahit Denden na lang, Doc."

Napabuntong-hininga ulit ako. "Look, I'm really thankful to you, pero kailangan mo ring magpahinga at may trabaho ka pa."

"Alright," aniya at tumingin kay Maviel. "Ikaw na ang bahala sa ate mo, Mavi, kapag kailangan nyo ng tulong, tawagan mo lang ako."

"Wala po akong cellphone."

Tumingin sa'kin si Dra. Santos at alanganing ngumiti bago muling nagpaalam at umalis. Pagkaraa'y lumapit sa'kin si Maviel at umupo sa tabi ko.

"A-ate, okay ka na po ba?" parang maiiyak niyang tanong.

"Okay lang ako, malayo 'to sa bituka," sagot ko. Kahit na ang sinabi sa'kin sa ospital ay maswerte raw ako at walang internal organ ang natamaan at hindi rin ako nawalan ng maraming dugo kaya mabilis din akong naka-recover.

"Magpahinga ka lang diyan, Ate, ako na bahala magluto ng hapunan natin," nakangiting sabi niya at hindi na ako nakaangal pa nang mabilis siyang pumunta ng kusina.

Nang maiwan ako sala ay natulala ako sa kawalan at napawari... What the heck happened!

Napasapo ako sa sentido at hinilot-hilot 'yon, at tila may kumirot sa dibdib ko nang maalala ko ang tagpo noong gabing 'yon, lalong lalo na ang nakita ko sa basement.

Shit.

Paulit-ulit akong napamura sa isip nang mapagtanto ang mga nangyari. Pero nang makita ko ang mukha noon ni Jester ay hindi ko ikakaila na hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa kanya. Kulang pa nga 'yon para mabura ang dinanas niyang abuso sa sarili niyang pamilya.

Nasulyapan ko si Maviel na abala sa kusina. Ever since she came into my life I was involved with a lot of craziness... evil spirits, exorcism... and now a freaking crime.

But... like Jester... Andie told me she was abused too...

Naputol ang pag-mumuni muni ko nang marinig ko ang sunod-sunod na katok.

"Ako na!" sigaw ko kay Maviel at dali-dali akong lumapit sa pintuan.

"Good evening, Doktora." Hindi ko alam kung bakit nadismaya ako nang makita kong si Corporal Deborah ang nasa labas. Tinaas niya ang dalang isang basket ng prutas. "Can I come in?"

Walang salitang pinatuloy ko siya. Inabot niya kay Maviel ang basket na kaagad ding bumalik sa kusina, pagkatapos ay humarap sa'kin ang pulis.

"Naparito ka?" tanong ko sa kanya.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" balik-tanong niya sa'kin.

"Still recovering but I'm fine," sagot ko. Naupo kami parehas sa sofa, kaharap ko siya.

"Kailangan ko bang pumunta ng presinto para magpaliwanag?" pinangunahan ko na siya agad pero napakunot ako nang umiling siya.

"There's no need," sagot niya. "I'm kicked out from the case."

"What?" maang ko at hindi ko maiwasang maalala na ganoon din ang nangyari sa'kin noon. "Don't tell me sinabi mo sa kanila 'yong exorcism?" tumango siya at bahagyang napayuko. Napahalukipkip ako at sumandal sa kinauupuan ko. "Do you really think na maniniwala sa'yo?"

Tiningnan niya ako at naningkit ang mga mata niya. "I looked into your case as well, Dra. Fariñas, kung bakit ka na-transfer dito sa probinsiya kahit na maganda ang reputayon mo sa Maynila."

"Yeah, and it's because of the same shit—"

"No," putol niya sa'kin. "They also covered up about the exorcism incident in San Lucas Hospital. Ang nakalagay lang sa record mo ay negligence."

"Malamang iyon ang ilalagay nila dahil sino bang maniniwala sa exorcism sa panahon ngayon?" inis kong sabi sa kanya. "Kaya hindi na nakapagtataka 'yang nangyari sa'yo."

"Malakas ang kutob ko, Doktora... There's more to it," sabi niya na halos pabulong. "Pinatay ng isang kinse anyos ang magulang niya, nabalita ito pero hindi ganoon ka-sensationalize ng media. Na-kick out ako sa kaso dahil sapat na sa kanila 'yung anggulo na dahil sa droga."

"What? Drugs? Nagda-drugs ang batang 'yon?"

"May natagpuang drugs sa bahay nila at nag-positibo sa drug test ang bata," sabi niya at tila nauubusan ng pasensiya. "Pero hindi nila pinansin 'yung nakita kong album sa basement."

Napalunok ako nang banggitin niya 'yon.

"What do you mean?"

"Matapos kong ibigay sa kanila 'yung photo album na naglalaman ng mga..." hindi niya magawang sabihin kung anong nakita naming parehas doon. "...malalaswang larawan ng kawawang batang 'yon... Malakas ang hinala ko na hindi biological parents ni Jester ang mga 'yon. Walang gano'ng klaseng magulang ang magagawa 'yon sa sarili nilang anak."

She's right. Then I realized we were both clenching our fists.

"Kinuha ng boss ko 'yung album at pagkatapos ay parang nagkaroon sila ng amnesia tungkol do'n."

"Ano?" napakunot ako nang marinig 'yon.

"They ignored the sexual abuse and possible child trafficking angle that I presented. And voila, tanggal na ako sa kasong 'yon."

"Something's fishy."

"I know right." Muli siyang napabuntong-hininga at napahilamos ng mukha. "The higher-ups knew that I've been investigating about the cases of missing children..."

I get what she's saying. Whatever she's up too, ayaw ng mga nakatataas na magkaroon siya ng progreso sa kasong iniimbestigahan niya.

"So..."

"So?" ulit niya.

"That's it."

"Ha?"

"I think it's none of my business anymore," sabi ko at tumayo. "You may go home now, officer." Tinuro ko ang pinto. Parang bigla akong natauhan sa sarili ko. Ayoko nang ma-involve pa sa kung anong problema niya.

Corporal Deborah gave me an are-you-serious look but I didn't waver. Hindi ko ikakaila na nakalimutan ko na kung kailan ako huling nagkaroon ng ganoong awa at compassion sa isang tao pero ayoko nang madamay pa lalo.

Hinatid ko siya sa pintuan nang huminto siya at humarap sa'kin. "Gano'n na lang ba 'yon, Doc Jael?"

"Ha?"

"After what we've witnessed... that... exorcism... How could you let go of that?" hindi ako nakaimik sa tanong niya. Saka ko napagmasdan ang itsura niya, nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata, marahil ay sa kakaisip. "I know you're a doctor and you're medically trained but... isn't this kind of things should question everything that you know?"

Sunod-sunod akong napalunok sa sinabi niyang 'yon. Napapikit ako saglit at sinubukang hanapin ang sagot sa sarili ko.

Aaminin ko na noong nakita ko ang sanib kay Maviel ay pilit kong tinanggi ang mga bagay na hindi maipaliwanag ng siyensiya. Pero noong gabing hinarap namin si Jester, at sa ikalawang pagkakataon na makasaksi ako ng sanib... Hindi ko sukat akalaing matatagpuan ko ang sarili ko na nagmamakaawa sa Diyos.

I had done a lot of difficult surgeries before but I never depended on God to save a patient, we were trained to take full responsibility once we held a scalpel, and I always believed that success was entirely in my hands. But as she uttered those questions... I don't know. Tila may kung anong gera sa isip ko.

"Yeah, there are things that the medical filed couldn't explain at all," panimula ko. "Pero wala akong choice kundi magpatuloy sa reality."

"Fuck reality," halos pabulong niyang sabi nang mapatingin sa kawalan. "Mauna na ako, Doktora," paalam niya sabay alis.

I stood where I was and watched her climb her big bicycle until she disappeared.

Really, Jael? Reality?


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


Hezekiah's POV

HUMINTO ako sa tapat ng pintuan ng faculty room para humugot nang malalim na hininga. Sa labas pa lang ay damang dama ko na ang mabigat na presensiya sa loob. Pumikit ako saglit at nanalangin.

Spirit of gossip, I rebuke you in the name of Jesus Christ.

Dumilat ako at sinubukang ayusin ang paghinga. Magmula nang kumalat ang balita tungkol sa nangyari kay Jester ay naging mabigat ang presensiya ng buong San Lazaro Academy. Namayagpag ang kabi-kabilang bulungan na tila epidemyang hindi mapigilan.

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob, sinadya kong lakasan ng bahagya ang pagkakasara kung kaya't nakuha ko ang atensyon ng mga guro sa loob nang mapatingin sila sa'kin—tumigil sa kanilang pagti-tsismisan tungkol sa nangyari.

I intently looked at each one of them, I wanted to make them feel that I was here in this room and they should stop their nonsense. And it worked. They all went silent and continued their work.

Pagpunta ko sa mesa ko'y nakaabang na roon si Jestoni pero hindi ko siya nginitian. Mukhang nakaramdam din siya sa akin.

"Kamusta na kaya ang mga bata?" tanong ni Jestoni sa sarili sabay tingin sa'kin. "Sorry talaga, Father, kung umamin ako noon kay Corporal Deborah," aniya at napakamot sa ulo.

Hindi ko nakwento kay Jestoni ang nangyari sa'min noon. As a matter of fact, the police never acknowledged my presence or the exorcism incident at all; they just casually declared that it was because of illegal drugs. Wala na rin kaming balita kay Jester na nasa pangangalaga na mga awtoridad.

"Lahat yata nakaabang sa TV pero mukhang hindi umabot sa national news 'yung nangyari," dinig kong komento ni Jestoni. "Bakit kaya?"

Ganoon din ang tanong ko sa aking isip at ang totoo'y hinihintay ko rin ang paglapit sa akin ng mga pulis pero dalawang araw na ang lumipas ay mukhang sarado na ang kaso. I already confessed to Father Jerry about the unauthorized exorcism... but something's still off.

Hindi ako mapakali sa 'di malaman na dahilan, na para bang hindi ko matanggap na ganoon na lang ang sinapit ni Jester Iñigo.

"Father Kai?" narinig kong muli ang boses ni Jestoni. "Okay ka lang po ba?"

"Pasensiya na, medyo masama lang ang pakiramdam ko."

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko at nakita roon ang isang mensahe mula sa unregistered number.

This is PO2 Deborah, can we talk, Father?

Nakatanggap ulit ako ng message na nagsasabing nasa student plaza siya. Walang pag-aalinlangang tumayo at umalis ako ng faculty room para puntaha nsiya.

Natagpuan ko siyang nakaupo sa isang bakanteng bench na nakasilong isa ilalim ng puno ng Narra. Nakasibilyan siya at naka-shades, kahit na mukha siyang rakista sa suot niyang leather jacket ay mukha pa rin siyang pulis sa paningin ko.

"Hello, Father Kai," bati niya sa'kin at umupo ako sa tabi niya. "Hindi rin ako magtatagal. So, I'll be direct."

"Is it about Jester's case?"

"Yes." Inabot niya sa'kin ang isang clearbook. Binuksan ko 'yon at nakita ang compilation ng iba't ibang kaso, I just scanned each file and noticed that all of the involve perpetrators are juvenile delinquents. "Katulad din sila ni Jester. Kung hindi pamilya, ay ibang tao ang sinaktan o pinatay nila."

I don't want to assume yet, but I want to make sure so I asked, "Ano pang pagkakaparehas nilang lahat?"

"Matagal ko ng kutob na lahat sila ay involve sa child trafficking pero hindi pa sapat ang ebidensiya na nakalap ko," sagot niya at inabot sa'kin ang isang larawan. "After witnessing Jester's possession and the reality of exorcism, I want to believe that there's more sinister behind this."

"S-sinasabi mo ba na marami pang katulad ni Jester?"

"Yes," direkta niyang sagot. "Maaaring mapigilan pa nating maulit ang nangyari sa kanya sa ibang mga bata."

"Natin?" napakunot ako at binalik sa kanya ang clearbook.

"Forgive me for my audacity, Father. I think we should team up to fight this lurking evil in our town."

"I'm not an exorcist," bulong ko sabay iling.

"Come on, Father, think about it. Alam natin ang totoong nangyari pero pinagtatakpan nila ang totoo," mariin niyang sabi.

"Tama ka, pero... Kailangan ko pang isipin." Kailangan ko pang manalangin.

"Bullshit! Do you think natutulog at nagpapahinga ang mga demonyo?" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang 'yon.

Tama siya. Hindi tumitigil ang kaaway sa pagsira ng buhay ng mga tao, lalo na ng mga anak ng Diyos. Bakit ako nag-aalinlangan?

"Hindi ako naniwala noong una, pero nang masaksihan ko 'yong gabing 'yon—naniniwala na ako. Kailangan ko ng tulong mo at ni Dra. Fariñas."

Napiling ulit ako nang marinig ko ang pangalan niya. "No, not her."

"Bakit? Dahil ba nasaktan siya noong gabing 'yon?"

My mind instantly flashed the same night I went to Father Jerry to confess. Inamin ko sa spiritual director ko na muli akong nag-perform ng unauthorized exorcism pero kaagad din niyang naramdaman na higit pa roon ang kinakabagabag ng puso ko.

"Even though you are not authorized to perform a rite, we carry the authority to cast out demons and evil spirits, Hezekiah," Father Jerry reminded me. "But there's something more, isn't it?"

I knew then that I cannot hide anything from him, he has a gift in discernment. I hesitated, every instinct telling me to retreat. But then, I don't want the devil to have the foothold of any unconfessed sin in my heart.

"There is," I murmured, fighting back the shame. "Father, I feel something... For... for a woman."

"Who?"

"The doctor." The words tasted foreign in my mouth as if I were giving voice to a secret I hadn't wanted to acknowledge even to myself. "It's like this... warmth, or pull, whenever I'm near her. I can't control the reaction of my... body."

Tahimik lang niya akong tinitigan subalit walang anumang panghuhusga akong naramdaman sa kanya noong mga sandaling 'yon.

"Normal lang ang makaramdam ng anumang atraksyon," sabi niya sa boses na puno ng pang-unawa. "You're just physically attracted to a beautiful woman. Tao rin tayo, hindi tayo ligtas sa mga ganitong damdamin. Pero hindi ibig sabihin ay kailangan mong magpadala sa nararamdaman mo, hijo." Tinapik niya ako sa balikat. "God brings people into our lives not always to hold onto, but sometimes to teach us."

"W-what should I do?"

"Ang payo ko... Iwasan mo siya at patuloy mong ilapit sa Diyos ang anumang damdamin mo. Sa bawat pagsuko mo sa Kanya. Huwag mong hayaang guluhin ng laman at emosyon mo ang misyon na binigay sa'yo ng Diyos. Pray for her as well. Be strong, my child. God will give you the strength in your weakness."

It's just a normal physical attraction. But I had to stay away from her. Better, not to get her involved in this anymore. I don't want to see her hurt.

"Father?" muling tawag sa'kin ni Corporal Deborah.

Umayos ako ng pagkakaupo at direktang sinabi sa kanya, "We don't need her help." At pagkasabi ko no'n ay sabay kaming napalingon nang maramdaman ang isang presensiya.

Dra. Fariñas was standing and watching us. 


-xxx-




A/N: Hala si Father!!! Abangan ang susunod na kabanata! 

Your votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading! :)



https://youtu.be/gqsn7LRus7U

Just in case you missed it, I made an audiobook of A Numinous Affair (Chapters 1-5) Enjoy! 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top