/2/ Who's Afraid of Little Old Me?


Jael's POV

"NAKAKALOKA ka, Jael, talk of the town ka na naman for today's video." Muntikan na akong masamid sa biglang pagsulpot ni Czarry mula sa kung saan, as usual she's gleaming with her hot pink lipstick and infamous curls. Walang paalam na nilagay ang dalang tray at umupo kaharap ko.

"Mas nakakaloka ka, hindi ba pwedeng magpasintabi ka bago ka sumulpot?" kinailangan kong lakasan ang boses dahil sa ingay sa cafeteria ng ospital. Most of the time I enjoy eating lunch by myself but sometimes Czarry shows up to lighten things.

"Hindi uso 'yon sa friends, 'di ba friends tayo?" sabi niya sabay tawa.

Minsan nakalilimutan kong galing siyang OB-GYN Department. May stereotype din sa'ming mga doktor, kapag kasi sunshine ang personality mo katulad ni Czarry ay ina-assume ng mga tao na pediatrician ka.

"Mabuti na lang at hindi ka napahamak sa pasyenteng nakakawala sa Psych Ward!"

Gusto ko sanang ikwento sa kanya 'yung nagligtas sa'kin kaso katakot-takot na asar lang ang makukuha ko. Lalo na't pari pa 'yung nagligtas sa'kin, an unusual good looking priest kamo. Saan ko nga ba siya nakita noon?

"Pasalamat sila at wala ako sa mood magtaray kahapon," sagot ko. 

"Nabalitaan ko rin may tinanggihan ka na namang magulang! Bakit ba trip ka palaging kuning ninang ng mga magulang ng nagiging pasyente mo, samantalang ako ang nagpapaanak bakit hindi ako kinukuhang ninang?"

Kunwa'y huminto ako saglit sa pagkain at nilagay ko ang dalawang palad sa pisngi ko. "Maybe because I'm pretty?"

"Wow, lakas," pang-asar niya. "Looks can be deceiving talaga." Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang ako ng gaga.

"Huwag na tayong magpaka-plastic, life is short," sabi ko nang muling sumeryoso. "At bakit naman bawal tumanggi? Wala nga sa plano ko maging magulang, maging pangalawang magulang pa kaya?"

"Well, alam mo naman ang kultura natin, frenny. Anyway, baka kaya ka nila trip kunin kasi hindi naman maikakaila na magaling ka."

"Mismo."

"'Yan ang gusto ko sa'yo, eh, mayabang pero totoo namang may ibubuga."

"'Yan din ang gusto ko sa'yo, prangka pero maloka." Automatic kaming nag-high five.

Mayamaya'y biglang bumagsak ang balikat ni Czarry, nawala ang ngiti sa bibig nito.

"What's wrong?" tanong ko. Naalala ko bigla na malapit na silang pumunta sa ibang bansa. "Oh, don't tell me you'll miss this toxic place?"

"Bakit naman hindi?" sagot niya matapos matulala. "Kahit toxic, mami-miss ko rin 'yung mga tao rito, pati na 'yung mga pasyente."

"Eventually makaka-adjust rin kayo ni James sa London, and just focus on the good things ahead of your life. Sure ako na maganda ang magiging future niyo ro'n. So, cheer up," sagot ko habang hinihiwa 'yung pork chop.

"Thank you always for reverting my senses to reality, 'di ko lang maiwasang ma-sad."

"Bakit ka nalulungkot?" Nakakunot kong tanong. Hindi ko ma-gets dahil hindi hamak na mas triple ang ikagaganda ng buhay nila sa ibang bansa. "Kung may chance nga rin akong mag-abroad, aalis ako rito."

But instead of answering my question, Czarry suddenly asked, "Anong hindi mo malilimutan na narinig sa mga pasyente mo?"

"Girl, sa dami ng pasyente ko." Ang totoo tinatamad lang akong alalahanin. Hinayaan ko siyang magkwento habang patuloy lang akong kumakain, lumamig na nga 'yung ulam niyang Sinigang.

"May naalala lang ako bigla. I just overheard this conversation, my young patient wanted to abort the baby but her parents refused, and for some reason, that memory was etched in my mind. It continues to haunt me to this day," kwento niya.

I didn't ask why because I knew the rumor. Malaki man ang ospital pero kasing bilis pa rin ng apoy kung kumalat ang mga kwento. Naiintindihan ko kung bakit 'yon nasabi ni Czarry, kahit sino namang magpaanak sa isang pasyente na biktima ng incest rape ay mumultuhin hanggang kasalukuyan. We're doctors, and we're still humans who feel, that's why I chose to draw the line—to protect myself from unnecessary emotions that will hinder me from doing my job.

"Ako? Siguro ang kinaiinisan ko lang na naririnig sa mga magulang ng pasyente ko ay 'yung sinasabi nila sa mga anak nila na sila 'yung mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Nag-anak ka ba para maging investment mo sa future?" Czarry chuckled at my rant. "Just my pet peeve. Ano bang malay ng mga bata para ipasa sa kanila 'yung gano'ng burden?" napakibit-balikat siya.

"But don't you think it's nice to have something to care about?" natigilan ako sa pagsubo sa tinanong niya.

"This. Our career, our profession, it's quite fulfilling." The money is fulfilling, gusto ko sana idagdag.

"No, I mean, having family, children," sabi niya at ako naman ang napakibit-balikat. Bakit naman napunta ro'n 'yung punto niya? Pagkaraa'y sumigla ulit 'yung tinig niya. "Gusto mo ba i-reto kita sa pinsan ni James? Chinoy businessman, mayaman."

"Sabay gano'n?" Kapag talaga itong babaeng 'to ang kausap ko parang chopseuy 'yung usapan namin, kanina lang ang gloomy ng usapan 'tapos sabay magrereto ng lalaki. Labo. "Pass sa Chinese."

"Sabi ko nga choosy ka," sabi niya sabay halakhak at napatitig lang ako sa kanya. Iisa na nga lang ang nakakasakay sa topak at trip ko rito sa ospital, aalis pa.

Bakit nga ba? Bakit parang palagi na lang ako naiiwan?

"Umm, Czar—" Gusto ko sanang i-open 'yung nangyari pagkatapos ng surgery kahapon pero nasulyapan kong may pumasok sa loob ng cafeteria. "Una na 'ko."

"Huy, 'di mo paubos 'yung food mo!" pero hindi ko na siya pinansin at iniwanan ko na siyabago pa ako makita ni Adam.


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


KINIKILIG na parang bulateng naasinan ang dalawang nurse nang madaanan ko sila sa station. Wala naman akong balak makitsismis pero naningkit ang mga mata ko nang ituro nila ako.

"Ako ba ang pinagtitsismisan n'yo?" pinamewangan ko sila. 

"Ay opo, Doktora!" magiliw pang sagot ng isa.

"Kasi naman, Dok, oh, may nagpapabigay ulit sa'yo!" segunda ng katabi niya at inabot sa'kin ang isang bouquet ng bulaklak. It's the same flowers again like the last time, Pink Carnation.

"Sana all may monthly bouquet!"

"Kanino ba 'to galing? Sabihin n'yo nga sa'kin." Tinaasan ko na sila ng kilay. "Hindi ko na tatanggapin 'yan nang 'di ko nalalaman kung kanino galing."

"Eh, Dok, hindi talaga namin knows kung kanino, basta may nagde-deliver lang."

"Hindi n'yo man lang tinanong 'yung nagde-deliver?"

Napakamot na ang isa. "Siyempre tinanong na namin 'yan, Dok, kami pa ba?" aminado rin ang mga loka na tsismosa sila. "Pero wala ring alam si kuyang rider, basta raw pinabibigay lang kay Dra. Fariñas."

Nilubayan ko na sila dahil wala rin akong makuhang sagot. Papunta ako ng department namin nang makatanggap ako ng text mula kay Czarry.

Kahit text lang naririnig ko pa rin 'yung boses niya sa isip ko. Hindi ko na siya nagawang reply-an dahil lumapit sa'kin si Doktora Santos mula sa Pediatrics Department.

"Doc Jael, favor naman po, please." Alam ko na agad kung ano ang pakay niya sa intro pa lang. Hindi naman na kasi ito ang unang beses na humingi siya ng tulong. Malamang ay may magulang na naman na dapat kumbinsihing tubuhan ang anak.

Walang sali-salitang sumunod ako sa kanya papunta sa ward at pinaliwanag niya sa'kin ang sitwasyon. I may be known for my apathy but they won't deny my persuasive prowess at times like this, kaya laging ako ang takbuhan ng mga kasamahan ko sa ganitong sitwasyon. Ako na ang magaling.

Naabutan namin sa pasilyo ng pediatric ward ang isang ina na umiiyak. I introduced myself stoically and explained to the parent that intubation is the best chance to provide her child's body with the oxygen it desperately needs. Marami kasing mga takot na magulang kapag narinig na sa doktor na kailangang tubuhan ang anak nila, ang nasa isip nila ay matetegi kapag gano'n kahit hindi naman.

Pero panay hikbi lang ang inusal ng babae. I crossed my arms; she didn't even look at me while explaining.

"Aba, Misis, kung panay puro iyak lang ang gagawin mo rito walang mangyayari sa pasyente mo. Gusto mo bang gumaling ang anak mo? Ilang beses nang pinaliwanag sa'yo, Misis, pero kung puro ganyan lang ang aatupagin n'yo mamamatay ang anak n'yo."

Mas lalong lumakas ang atungal ng kaharap ko na bagay na lalo kong kinainis. Not really because I had no empathy for the woman, naiinis ako dahil imbis na kumilos ay puro iyak lang ang ginagawa. Ano bang magagawa ng pag-iyak?

"E-eh, kasi, d-dok, w-wala na po kaming pera k-kaya h-hindi ko po mapirmahan 'yung papel. W-wala na po kaming pambayad ng ospital," the mother said but it didn't move me. Hindi naman na bago sa pandinig ko ang mga katagang 'yon.

"Noong dinala n'yo ang anak n'yo rito, aware naman ho siguro kayo na hindi charity hospital ang lugar na 'to. Hindi pwede ang excuse na 'yan, Misis, kailangan mong gawan ng paraan ang pera kung gusto mong gumaling ang anak mo."

"W-wala na po akong magagawa, doktora."

"Sure ka? Wala ka nang magagawa? Kung tumayo ka riyan at imbis na umiyak ay humanap ka ng paraan? Kapag namatay 'yung anak mo masasabi mo ba na nagawa mo lahat, Misis?"

Silence permeated in the floor we're in. Ang mga intern 'di kalayuan na natigilan ay napawari sa kanilang mga isip, ganoon ba talaga maging doktor? Kailangan mo ring sermunan ang mga magulang ng pasyente mo? But I didn't mind them, ang nasa isip ko lang ay mapapirma ko siya.

Most of the time ay effective ang mga linyahang 'yon, pero may mga pagkakataon na minsan ay talagang walang magawa ang ibang magulang para sa mga anak nila. 

Iyon ang nakakadismya sa propesyong 'to, 'yung alam kong may magagawa pang paraan para maligtas ang buhay ng pasyente pero sariling pamilya nito ang sumuko—madalas dahil wala ng pera. Pero para sa'kin ay hindi excuse ang walang pera, kung talagang mahal ng isang magulang ang anak nila ay gagawin nila ang lahat para mailigtas ito.

"Dok, hindi na po namin kaya magbayad."

"Eh 'di sana ay sa public ninyo dinala." Nagdahilan siya kaya mas lalo akong naubusan ng pasensiya. "Gano'n, Misis? Deserve mo naman pala bigyan ng award na the best mother ever!" 

Nilayasan ko na siya dahil alam kong mag-aaksaya lang ako ng oras. Saka ko nakita na may mangilan-ngilan na namang nakasaksi sa pagiging maldita ko. I shooked my head before taking out my red notepad, and checked something. 

Dumiretso ako sa vending machine area para bumili ng iced coffee, kailangan ko ng pampalamig ng ulo.

"You didn't have to be that heartless, Dok Fariñas." Paglingon ko'y nakita ko si Doktora Santos. Talagang sinundan niya 'ko rito para sabihin 'yon. Heartless talaga?

"Residente ka rito, hindi ba? Anong year mo na ulit?" naniningkit kong tanong sa kanya.

"You could have been more compassionate—"

"Compassionate?" hindi ko na napigilang magtaas ng boses, tutal kaming dalawa lang ang nasa area. "Do you think it's not compassionate to be obtrusive to the mother of a dying patient to do something? Kung ikaw ang doktor, kapag sinabi sa'yo na hindi—tatanggapin mo? Kahit na alam mong may magagawa pa? Tell me, Doktora Santos, how exactly to be compassionate? Maging people pleaser?"

Namula ang mukha niya, maaaring napagtanto ang sense ng mga sinabi ko.

"W-what I'm trying to tell, Dok Jael, y-you could have nicely told the mother—"

Hindi ko napigilang pumalatak. "Nice way? Remember this, Doktora Santos, you cannot always save your patients by being nice. Unlike you all, I'm not here to be liked, I am here to do my job." Huwag ako ang i-virtue signalling niya. "And if you cannot do that, itapon mo na lang 'yang lisensya mo."

She suddenly burst into tears and stormed away. Tama 'yan, masaktan siya nang sa gayon ay tumibay ang loob niya. Sa propesyong 'to, hindi pwedeng mahina ang loob mo lalo na kung buhay ang nakataya.

I sighed before getting my notepad again to check something for the nth time. Humarap ulit ako sa vending machine para kunin 'yung iced coffee pero muntik na kong mapasigaw nang makitang may lalaking nakatayo roon at kinuha 'yung dapat na akin.

"Excuse me? Akin 'yan," sabi ko. Dahan-dahang humarap ang lalaki at halos mapanganga ako nang makita siya. Kung kahapon ay nakaitim siya, ngayon ay puting polo ang suot niya kaya nangingibabaw ang suot niyang rosaryo.

I couldn't help but to stare and notice his chiselled jawline, and his dark hair was artfully tousled, falling across his forehead. Kaya naman pala tila nauubos na ang mga lalaki sa mundo dahil kung hindi lalaki rin ang gusto ay nagtago sa loob ng seminaryo. Gusto kong matawa at sampalin ang sarili ko

Still looking at the can he's holding, he said, "You used to look like her."

Ha? Ano raw? Si Doktora Santos ba ang tinutukoy niya? Hindi magkamukha, ano.

"Pwede bang akin na 'yan?" naiinip kong utos. Nilahad ko ang kamay ko pero hindi pa rin niya inabot 'yung iced coffee ko.

"Jael Fariñas," tawag niya sa pangalan ko kaya napataas ako ng kilay. Ano bang gusto ng pari na 'to? Magmano ako sa kanya? "Bakit ka naging doktor?"

Wow, Father, anong trip mo? Gusto ko sanang sabihin kaso napigilan ko lang ang sarili ko.

Bakit daw ako naging doktor? Malamang para yumaman. Iyon naman ang nasa isip ng lahat, 'di ba?

"To save a life," sagot ko sabay kibit-balikat. Because that's what we pledged according to the Hippocratic Oath.

"You used to be compassionate like that." The priest finally met my gaze, his eyes were expressionless but it felt like it's piercing my soul.

Humalukipkip ako at sinabing, "Pasensiya na, Father," medyo nangilabot akong tawagin siyang Father, "wala ako sa mood para masermunan." 

"I'd like to apologize." Sawakas ay inabot na rin niya 'yung kape ko. "About that incident two years ago."

At that moment I gazed at him intently, I remembered. It was him.

Malayong-malayo sa maamo niyang mukhang nagtatangis noong huli ko siyang nakita. Hindi ko tuloy mapigilang mapaatras nang maalala ko ang eksenang 'yon. I thought I've already forgotten that incident but the mind works wonders.

I don't know what his relation to that patient but I can still remember his anger vented towards me pagkalabas ko noon mula sa operating room.

Tandang-tanda ko pa rin ang mga sinabi niya noon, "Hindi mo dapat siya inoperahan!"

"H-hindi ko maintindihan, I just saved the boy's life—"

"You made a mistake, Jael Fariñas! You made a mistake!"

"I-I saved that boy because it's my duty to do so," kusang lumabas 'yon sa bibig ko, as if reliving that scene again.

I felt a prickling sensation in my hand, I gripped tightly to the can I was holding.

"I know. Kahit na noong gabing 'yon ay may VIP patient na kasabay niyang dumating, mas inuna mo ang pobreng bata," sabi niya at hindi ako nakakibo. "You were a noble doctor back then."

I smirked. Hindi ko naman kinakaila 'yon.

"Noble and naïve," I whispered to myself. Funny I remembered the song I believe suited me, 'I was tame, I was gentle til the circus life made me mean... Who's afraid of little old me?'

"But you still made a mistake."

"Ha?" Ang labo nito, ah. Nag-sorry pero sabay gano'n ang sinabi. Para tuloy umikot ang isip ko sa mga pinagsasabi niya.

Muli kong naalala ang itsura niya noong gabing 'yon, kasabay nang malakas na ulan at dagundong ng kulog at kidlat ang nagtatangis niyang mukha.

"The other patient who died was my younger sister." 



-xxx-





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top