/19/ The Power of Compassion
Jael's POV
BUBUKA pa lang sana ang bibig ko para sagutin ang paratang ng babaeng 'to nang maunahan ako ni Hezekiah.
"Good afternoon, Corporal," bati ng katabi ko sa kaharap namin, masigla pa ang tinig. "Tuloy ka." Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Bahay mo?" pabulong kong tanong, sarkastiko.
Hezekiah gave me a look, his eyes telling me to calm down and let him lead the conversation, he gently touched my elbows to move aside. Sa sala ay nanatiling nakatayo ang babaeng pulis habang tiningnan ang buong bahay.
"Ang totoo niyan ay magkasunod lang tayong dumating dito," tuloy ni Hezekiah, "dahil nagpunta ako rito upang kausapin si Dra. Fariñas tungkol sa kapatid niya na—"
Humarap sa'min ang pulis at walang ligoy na sinabing, "Alam n'yo ba na pwede kayong sampahan ng kidnapping sa ginawa n'yo."
Napasinghal ako at humalukipkip. "What are you talking about?"
"Kayo ang nagdala kay Jester sa ospital," sagot nito ng hindi kumukurap.
"And so? It doesn't mean we kidnapped him—"
"Maupo muna tayo," sabat ni Hezekiah. "Magpapaliwanag kami, Corporal."
"Aba at dapat kayong magpaliwanag, Father," sabi nito at naunang umupo.
Nagkatinginan muna kami ni Hezekiah at nang mga sandaling 'yon ay napaisip ako. Sasabihin niya ba ang totoo? Maniniwala ba ang babaeng pulis na 'to kapag sinabi niya ang totoo? Kahit nga ako mismo ay nahihirapan pa ring maniwala nang lubusan eh!
"Ito ang totoong nangyari, Corporal, maagang pumasok ang co-teacher ko na si Jestoni sa eskwelahan para mag-ayos sa school gym nang matagpuan niya roon si Jester. Tinawagan ako ni Jestoni at hindi ko alam na tinawagan ka niya. At—" tinaas ng pulis ang kamay para pigilan si Hezekiah magsalita.
"Jestoni confessed to me already."
"Sinabi niya ba sa'yo na—"
"Yes, about the exorcism," blangkong sagot ng pulis. I can tell in her stoic voice that she's uncertain about believing if it's true.
"Kung gano'n ay bakit mo kami pinagbibintangan ng kidnapping?" sabat ko. The policewoman looked at me and gave me an intimidating look.
"You were there, Doktora. Do you really believe it's true?" hindi kumukurap niyang tanong. Heck! Tanong ko pa rin 'yon sa sarili ko.
Naramdaman ko ang titig sa'kin ni Hezekiah sa gilid ko at hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng pagkailang.
"I-I had a video," mahina kong sagot. "Ni-record ko ang nangyari."
Nanlaki ang mga mata niya nang sabihin ko 'yon, saka namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Naramdaman ko ang paghihintay nila kaya tumayo ako para kunin ang cellphone ko, pagkatapos ay nag-aalangang inabot ko 'yon sa kanya.
Hezekiah and I watched her while she viewed the video I recorded, narinig namin sa background ang nagtatalong dasal at sigaw ni Jester hanggang sa tumigil ang video. Natulala siya hanggang sa sinubukang hanapin ang mga salita pero naunahan siya ng katabi ko.
"Alam kong mahirap paniwalaan, Corporal, pero iyan ang totoo. Kailangan ng tulong ni Jester—"
"This is absurd," komento nito at napailing. Hindi ko siya masisisi. "Exorcism? Nagpapatawa ba kayo?"
"Totoo po ang sinabi nila." Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si Maviel sa pintuan. Lumapit siya sa'min, halos nakayuko at nakakapit sa bag pack. "K-kaklase po ako ni Jester." Humarap sa'kin si Maviel. "S-sorry, Ate Jael, k-kung hindi ko po sinabi agad kung ano 'yung nangyari."
"Anong nangyari?" halos sabay pa kami ni Hezekiah na nagtanong.
"A-ang totoo po niyan..." Nilahad ni Maviel ang nangyari at nakaramdam ako ng inis nang marinig ang ginawa ni Jester sa kanya.
"Kaya mo siya sinapak dahil hinawakan ka niya sa puwit," ulit ko at dahan-dahan siyang tumango.
"P-pero hindi lang po 'yon," dagdag ni Maviel, humina ang boses. "K-katulad ko rin po si Jester."
"Katulad mo?"
"Anong ibig mong sabihin, Maviel?" tanong ni Hezekiah sa kanya.
"S-sinapak ko po siya kasi tinakot niya ako."
"Paanong tinakot?"
Hindi kaagad nakasagot si Maviel, halatang nag-aalangan siya kaya hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya nang direkta.
"Huwag kang matakot, nandito kami," sabi ko.
Napalunok si Maviel, maging si Corporal Deborah ay taimtim na nakikinig, at si Hezekiah naman ay tinapik siya sa balikat.
"N-nakita ko po... 'yung itsura niya... n-nag-iba. P-parang..."
"Demonyo," dugtong ni Hezekiah sa hindi masabi ni Maviel at tumango ang huli.
Nabasag ang katahimikan nang bigla kong marinig ang notification ringtone sa cellphone ko na hawak pa rin ni Corporal Deborah.
"Pwede bang akin na 'yung cellphone ko hey—" walang pakundangang binasa niya ang anumang message na naroon.
"Sabi ni Nurse Milo na-discharge na raw si Jester at inuwi ng magulang sa bahay nila," sabi niya at napamaang ako.
"Give me back my phone—what?" Sabay-sabay kaming napatayo pero hindi niya pa rin binabalik ang cellphone ko na kukunin ko na sana pero nilayo niya ang kamay. "What the hell is your problem?"
"This is confiscated hangga't hindi nalulutas ang misteryo sa kasong 'to," sabi niya at tumingin sa'ming dalawa ni Hezekiah. "Sasama kayo sa'kin ngayon sa Iñigo residence para patunayan 'yang exorcism na sinasabi n'yo." At pagkatapos ay naglakad siya palabas.
"This bitch—" kung hindi lang ako napigilan nitong ni Hezekiah.
"Magbihis ka na," utos niya. "We have to follow her. Isipin mo na para rin 'to sa kapatid mo." Tumingin ako kay Maviel at nakita ang nag-aalala niyang mukha.
Napabuntong-hininga na lang ako. "Fine."
⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅
Hezekiah's POV
HUMINTO ako saglit para punasan ang tumatagaktak na pawis sa noo ko, pagkatapos ay muli kong pinulot ang wrench para ituloy ang paghihigpit ng mga lug nuts sa gulong.
"Tapos na ba?" tanong ni Jael nang sumulpot sa tabi ko. "Marunong naman kasi ako, at sasakyan ko naman 'to." Hindi ko alam kung nahihiya lang ba siya kaya niya sinabi 'yon.
"It's fine," sagot ko at tinanggap ang inabot niyang isang bote ng tubig. "Si Corporal?"
"Ayun, may kausap, sana lang ay hindi niya tayo ni-report," sagot niya. "Bakit naman kasi ngayon pa na-flat 'yung gulong nito, at kanina pa tayo naliligaw."
I want to tell her that it's no coincidence at all, there's a malignant force that doesn't want us to go at Jester's house tonight. Kaya ako na ang nag-volunteer magpalit ng gulong ng sasakyan niya para mas mapabilis kami.
"Let's go," sabi ko at sumakay na ulit sa sasakyan.
Pasado ala siete ng gabi nang marating namin ang harapan ng Iñigo residence. Tahimik ang buong paligid at malayo ang mga katabing bahay. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan ay sumama agad ang pakiramdam ko, isang pamilyar na sensasyon.
Isang modernong gusali na may dalawang palapag, kulay puti ang pintura, at maayos ang pagkakaalaga sa mga halaman. Subalit may kung anong bumabalot na presensiya sa kapaligiran na hindi ko matukoy. Nanguna agad sa paglalakad si PO2 Deborah patungong bahay dahil naiwang bukas ang gate. Sumunod lang kami ni Jael sa kanya habang bitbit ko ang Bibliya at krus, nagsimula akong manalangin.
"Tao po?" kumatok si Corporal at naghintay kaming tatlo.
Lumingon ako kay Jael at nakitang halos yakap niya ang sarili, bakas din sa itsura na hindi maganda ang pakiramdam.
Nakailang tawag si Corporal pero walang sumagot at walang lumabas para salubungin kami. Pinihit niya ang door knob ng pinto at bumukas 'yon. Lumingon siya sa'min at tila nag-usap ang mga isip namin nang mga sandaling 'yon.
Naunang pumasok si PO2 Deborah at nakita kong nakahanda ang kamay niya sa gilid kung saan nakakabit ang holster ng kanyang baril. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang makarating kami ng sala, bukas ang telebisyon subalit walang tao.
"We're trespassing—"
"Sssh..." saway ni Deborah na alertong-alerto ang itsura.
Isang langitngit ang halos magpatigil ng aming hininga. Biglang lumamig ang paligid kaya mas lalo akong napahawak nang mahigpit sa Bibliya. Napatingin kami sa direksyon ng tunog, sa eskinita papunta sa kung saan—dumakma ang isang duguang kamay na halos ikatalon namin sa gulat, kaagad na kinuha ni Deborah ang baril at tinutok sa direksyon na 'yon.
"Huwag!" pigil ko sa kanya nang maramdaman naming may paparating. At mula roon ay lumitaw si Jester, hawak-hawak ang patalim, nangingitim ang ilalim ng mga mata, at may kakaibang ngiti sa labi.
Napamura si Jael, mas humigpit ang hawak ni Deborah sa baril kaya kaagad akong humarang.
"Father!" sigaw ni Deborah.
Sinimulan kong mag-antanda. "Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo."
"Huli na kayong dumating! Pinatay ko na ang walang kwentang magulang ng batang 'to!"
Tumawa ang demonyo na umalingawngaw sa buong paligid. Tinaas ni Jester ang kamay at sumara ang pinto sa likuran namin at kumurap-kurap ang mga ilaw.
"Huwag kayong matakot!" sigaw ko sa mga kasama ko habang nakaharap pa rin sa kalaban, hindi na si Jester ang batang 'yon dahil sakop na siya ng mga demonyo. "Kasama natin ang Diyos!"
"Lingkod ng Diyos?" usal ng demonyo at pumihit patigild ang ulo. "Wala kang karapatang gawin 'to!"
"Sinungaling! Mayroon akong karapatan para palayasin ka sa katawan ng batang 'yan!" tinaas ko ang krus at humakbang palapit sa kanya. Sumugod si Jester, hawak-hawak ang patalim sa kanyang kamay.
"Father!" tinulak ako ni Deborah at nakita kong pinigilan niya ang kamay ni Jester. Subalit walang ano-ano'y nanaig ang lakas ng demonyo sa katawan ni Jester at walang hirap niyang nahawi si Deborah at nahagis sa pader.
Subalit nang akma akong tatayo ay nasa harapan ko na siya at hinigit ako sa kwelyo. Sinubukan kong makawala pero parang bakal ang kamay niya.
Si Jael?! Sigaw ng isip ko at kaagad siyang hinanap ng aking paningin subalit wala siya.
⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅
Jael's POV
SINIKAP kong huwag ipakita ang pangamba pero nang sulyapan ako ni Hezekiah bago kami pumasok sa loob ng bahay ay alam kong nabasa niya ako. Pamilyar ang pakiramdam, katulad noong gabing nagpakita si Maviel noon sa bahay ko.
Yakap ko pa rin ang sarili habang pinakikiramdaman namin ang buong bahay nang may makita akong dumaang liwanag sa likuran namin. May kung anong humatak sa'kin na sundan 'yon hanggang sa dinala ako nito sa isang nakaawang na pinto. Nang itulak ko 'yon ay nakita ko ang hagdanan papuntang basement.
Hindi ko rin alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para bumaba sa madilim na basement. For some reason ay awtomatikong gumalaw ang braso ko para abutin sa gilid ang switch ng ilaw. At nang lumiwanag ang buong paligid ay biglang nanlambot ang tuhod ko sa 'di maipaliwanag na dahilan.
It's just a plain basement, perhaps an extra guest room. Mas bumigat ang pakiramdam ko at parang gustong bumaligtad ng sikmura ko, naghumiyaw ang isip ko na umalis pero kusang gumalaw ang mga binti ko para lapitan ang gilid ng kama dahil nakita kong hindi ayos ang pagkakatupi ng kumot.
Gusto kong murahin ang sarili ko pero nang hawakan ko ang kama ay biglang nanigas ang buo kong katawan at tila mas dumoble ang lamig na nararamdaman ko. Kaagad ko 'yong binitawan at napaatras. Pero nang sulyapan ko ang cabinet na bahagyang nakabukas ay nanginginig ang mga kamay ko na binuksan 'yon at nakita ang isang photo album.
Namalayan ko na lang na kasabay ng pagbuklat ko sa bawat pahina ng album ay ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nang hindi ko na kayanin ay nabitawan ko 'yon at napatakip ng bibig. Gusto kong sumigaw pero nawalan ako ng tinig. Kasabay ng panginginig ay tila umikot ang buong paligid at parang nanumbalik sa kasalukuyan ang mga nakita ko sa album.
Get out! Sigaw ng isip ko. Dahil alam ko kapag nagpatuloy pa akong manatili sa basement ay tuluyan akong lalamunin ng kadilimang bumabalot doon. Kaya gamit ang natitirang lakas ay tumakbo ako at narating ang madilim na sala.
"J-Jael!" sigaw ni Hezekiah nang makita ako. Nakasalampak siya sa sahig malapit sa pader at nakita ko rin si Deborah sa kabilang direksyon, nanghihina.
Napatingin sa'kin si Jester na nasa gitna, natatanglawan ng liwanag mula sa labas ng bintana kung kaya't kitang kita ko ang balat niyang kasing puti ng buwan, habang ang buong katawan niya'y naliligo sa dugo, hawak-hawak ang isang patalim.
Narinig ko ang pagsigaw ni Hezekiah na tumakbo ako, pero mas nangibabaw pa rin sa isip ko ang mga nakita ko kanina. Dahan-dahang naglakad si Jester sa direksyon ko, mala-demonyong ngumiti, at malayo ang mga inosente niyang mata noon sa kalagayan niya ngayon—puno ng hinagpis at karimlan.
Umiling ako nang makarating siya sa harapan ko, itinaas ang kamay at handang itarak ang bagay na hawak sa akin.
"You didn't deserve it," halos pabulong kong sabi. "I'm sorry..." Sunod-sunod na pumatak ang luha ko dahil ang nakikita ko sa harapan ko ay 'yung musmos na walang kamalay-malay na dinala sa lugar na 'yon. "I'm sorry... no one protected you."
Napakabata pa niya noon, walang malay sa mundo, at tanging hiling lamang na magkaroon ng pamilya na magmamahal sa kanya ng lubos.
"You... poor kid." Without hesitation, I hugged him.
I don't know why it hurts so much. I cried while holding him tight, even though I knew it wouldn't erase what his horrible parents did to him.
"Doktora!" sigaw 'yon ni Deborah at hinila niya palayo sa'kin si Jester. She quickly restrained him while I retained my eyes on him—he's crying too.
I stepped back and watched Hezekiah continue casting out demons from him. While his prayer echoed in the room, I fell on my knees, looked up, and wondered... Even though I'm not a good person, can You hear my prayer, too?
God... help this kid. Free him from the pain he suffered.
Jester was now restrained in a chair, he continued to shriek and growl as Hezekiah laid his hand on his head.
"Hindi mo ako mapapalayas! Sa akin na ang katawang ito!" the demon shouted but Hezekiah stood firm, fearless.
"Leave, in the name of Jesus!"
"Wala ng pananampalataya ang batang 'to—sumuko na siya sa'kin!"
I continued praying in my mind, even though I really do not know how to pray. Nanalangin ako na mapakawalan na si Jester.
"Sa kapangyarihan ng Diyos, masamang espiritu, inuutusan kitang lumayas sa katawan ni Jester dahil hindi mo siya pag-aari! Sa pangalan at dugo ni Hesus! Wala kang kapangyarihan, Satanas! Lumayas ka!"
Jesus... Tulungan mo si Jester. Please.
Isang nakabibinging sigaw ang pinakawalan ni Jester, halos lumiyad siya sa kinauupuan at kitang kita ko ang usok ang kumawala sa kanyang bibig at unti-unting naglaho sa hangin.
"Salamat sa Diyos," sabi ni Hezekiah at niyakap ang walang malay na si Jester. Lumingon siya sa'kin at naglaho ang ngiti niya. "Jael!" sigaw niya
"Doktora!" gayon din si Deborah nang makita ako.
Napatingin ako sa kamay ko at nakitang may dugo 'yon, then I just realized I was stabbed.
Bago ako bumagsak sa sahig ay nasalo ako ni Hezekiah sa kanyang bisig.
-xxx-
A/N: Your votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top