/18/ Caught in the Act


Jael's POV

SA gitna ng court ay nakatali si Jester, patuloy siyang naghuhumiyaw at pilit na kumakawala, habang ang isang lalaki ay nagtatali sa kanyang mga paa. Nakita ko si Hezekiah na nakataas ang kamay habang hawak ang krus at sa kabilang kamay ay isang Bibliya. Hindi niya napansin ang pagdating namin at patuloy lang siya sa ginagawang dasal.

My doctor instinct immediately kicked in when I heard the poor boy's groans and growl. I immediately stepped in. "What are you—"

"Doc!" Naramdaman ko ang kamay na pumigil sa'kin. Tiningnan ko si Dra. Santos at nakita ang ekspresyon ng mukha niya na kapareha noong unang beses na nalagay ako sa ganitong sitwasyon.

"Pero..." Muli kong tiningnan si Jester. Katulad nang nakita ko noon kay Maviel, bukod sa nanlilisik na mga mata ay may bahid ng kadiliman ang buong anyo niya, malayong-malayo sa maamong mukha nito noong inoperahan ko siya.

"Jestoni, close the door!" napatingin ako kay Hezekiah na nag-utos at dali-daling sumunod ang lalaki sa kanya.

"D-doktora!" natigilan si Jestoni nang makita kami, gulong-gulo man ay sinunod pa rin ang utos sa kanya ng pari.

"Sa pangalan ni Hesus, inuutusan kita masamang espiritu, lumayas ka sa katawan ni Jester!" muling umalingawngaw sa buong gym ang boses ni Hezekiah.

Dra. Santos kneeled and began to pray. Jestoni stood beside her, full of concern. I looked at the whole scene and my mind still tried to process it all. It's happening again—what happened before. Is this real?

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Pilit kong inisip kung bakit nga ba ako pumunta rito ngayon. Sinisigaw din ng rasyonal kong pag-iisip na kailangang dalhin si Jester sa ospital pero may isang bahagi ng utak ko ang nagsasabing totoo ang lahat ng 'to.

I snapped from thinking and my I let myself be carried away by the moment. Lumayo ako kina Dra. Santos at Jestoni, nilabas ko ang cellphone ko at nagsimulang kuhanan ng video ang mga nangyayari.

Pinanood ko sa screen ang mga nangyayari. Hezekiah was praying in Latin and Jester continued to shriek. Habang palakas nang palakas ang boses niya ay gayon din ang lalong pagwawala ni Jester sa kinauupuan.

"Pakawalan mo si Jester! In the name of—"

Pare-parehas kaming napapitlag nang marinig namin ang sunod-sunod na malakas na pagkatok sa pinto.

"This is PO2 Deborah Cortez! Anong nangyayari riyan?!"

"S-sorry, Father! T-tinawagan ko rin po kanina si Ma'am!" natatarantang paliwanag ni Jestoni.

"Tulong po! Sinasaktan po nila ako!" Jester's demeanor didn't change but his voice turned to normal like a sweet little boy. Kaagad siyang nilapitan ni Jestoni at tinakpan ang bibig.

Hezekiah sighed, his eyes were frustrated but he looked again at Jester and continued praying. Hindi na ako nakatiis, tinigil ko ang pagre-record ng video at lumapit sa kanya.

"Stop this! Nandito ang pulis!" pigil ko sa kanya. "Alam mo bang pwede tayong mapahamak dito?"

"Open this door!" narinig naming muli ang boses ni PO2 Deborah kasabay nang malakas na pagkatok sa pinto. Kulang na lang ay sirain niya 'yon. "Bibilang ako ng tatlo!"

Nagtagis-bagang si Hezekiah at halatang hindi gusto ang suhestiyon ko. Anong gusto niya? Pare-parehas kaming mapatapon sa kulungan?

"F-father! Ako na ang bahala magpaliwanag sa pulis, itakas niyo na lang si Jester at dalhin sa ospital!" suhestiyon ni Jestoni habang binubusalan ang kawawang si Jester.

"We have to go, Father," nag-aalalang sabi ni Dra. Santos. "

Natahimik kami pare-parehas at narinig namin si Deborah na patuloy na sinisipa ang pinto. Napahinga nang malalim si Hezekiah at walang kibong lumapit kay Jester.

"Help me," utos niya sa'kin at wala akong ibang nagawa kundi sumunod.

Hezekiah silently prayed for the last time and Jester miraculously lost consciousness—or maybe it's worse. Bigla akong nag-alala para sa medical condition niya.

Tinuro sa'min ni Jestoni ang isa pang exit at naiwan siya sa gym para harapin si PO2 Deborah. Matagumpay kaming nakalabas ng campus nang walang nakakakita sa'min.

Bahala na si batman. Iyon ang una kong naisip nang dalhin namin si Jester sa St. Lazarus Hospital. Kaagad naman siyang dinaluhan ng mga staff at si Hezekiah ang nagpaliwanag kung saan natagpuan si Jester.

"You're not allowed here." Biglang humarang sa dadaanan ko si Head Nurse Malou. Bubuka pa lang sana ang bibig ko nang kaagad niyang ipaalala sa'kin ang bagay na 'yon. "You're already fired, remember?"

Taas-noong naglakad paalis si Grumpy. Napakuyom ako ng palad at naramdaman ko ang paghawak ni Hezekiah sa balikat ko.

"I think you should go home and rest, Jael," malumanay niyang sabi. "Salamat sa pagpunta—"

"No." Umiling ako. "Pasyente ko si Jester." Pinalis ko ang kamay niya sa balikat ko at naglakad pa rin ako papunta sa lugar kung saan dinala ang batang 'yon.

Pumasok ako sa recovery room kung saan dinala si Jester. Natigilan ang mga nurse sa loob pero nang makita nila ako'y kaagad silang nagbigay ng report sa'kin. Sa kabila nang sinabi ni Grumpy sa'kin ay ginawa ko pa rin kung anong tungkulin ko bilang doktor. Sinuri ko si Jester at nakipagtulungan naman ang dalawang nurse sa'kin.

Natigilan ako saglit nang mapagtanto ko na katulad ni Maviel ay himalang mabilis ang paggaling ni Jester kahit na bakas pa rin ang mga sugat nito sa katawan.

Mayamaya'y biglang dumilat ang mga mata ng bata at nanghihinang tumingin sa akin.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko pero hindi siya sumagot. "Natatandaan mo ba kung paano ka nakalabas ng ospital?"

Dahan-dahang umiling ang bata at napabuntong-hininga ako.

"Jester!" napatingin ako sa bagong dating at nakita ang isang mag-asawa. "My goodness, anak! Anong nangyari?!"

Napaatras ako para bigyan sila ng pagkakataon na lapitan ang anak nila. Lalabas na dapat ako ng silid nang biglang sumigaw si Jester.

"Help me!" palahaw nito.

"Anak, we're here! Sorry kung hindi ka namin napuntahan agad—"

"Help me!" pero hindi kumalma si Jester. The nurses behind me began to restrain him; Jester continued to shout, until I realized that he was looking at me.

"Dra.Jael!" biglang sumulpot si Grumpy sa tabi ko. "Hindi ka—" at bago pa siya makapagsalita ay lumayas na ako sa silid na 'yon.


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


PAGDATING ko sa bahay ay may nakahandang almusal sa mesa. Tinawag ko si Maviel pero mukhang pumasok na siya sa school. Saka ko naramdaman ang sakit ng ulo nang mapagtanto ko na muntik na kaming mahuli ng pulis.

Kumain muna ako ng almusal bago uminom ng paracetamol. Pagkatapos ay pinanood ko sa cellphone ang nangyari kanina. This shit is real.

Napabuntong-hininga ako dahil higit kong mas dapat alalahanin na talagang sinesante ako sa ospital. I had to figure a way, kailangan kong i-send ang video na 'to kay Dra. Tordesillas. Magmula nang dumating si Maviel ay kung ano-ano ang nangyari sa buhay ko.

Imbis na magpalamon sa stress ay minabuti ko na lang na kumilos. Pagkatapos kong mag-stretching ay nagpalit ako ng pambahay saka nag-umpisang maglinis.

Binunton ko ang lahat sa pagkukuskos, pagwawalis, pagpupunas, pagpapagpag—lahat ng pwede kong makitang linisin sa pamamahay na 'to ay nilinis ko. Ewan ko na lang kung may masamang espiritu pa ang dumapo rito. Hindi ko na namalayan ang oras at inabot na ako ng hapon sa pag-ge-general cleaning ng bahay. Hinuli kong ayusin 'yung napansin kong leakage sa tubo sa ilalim ng lababo sa kusina.

Habang sinusundan ko 'yung online tutorial ay napalakas ang pihit ng wrench sa kamay ko kaya biglang sumirit nang malakas ang tubig sa direksyon ko. Napamura ako at basang-basa na tumayo. Naglawa tuloy sa sahig at patuloy pa ring sumisirit ang tubig.

"Tao po?" may kumatok sa pinto at sa taranta ko'y kaagad akong pumunta para pagbuksan ang sinuman para humingi na rin ng tulong. Pagbukas ko'y tumambad si Hezekiah.

"Bakit basang-basa ka?"

"Bakit nandito ka?" halos sabay pa naming tanong. "Uh, ano, marunong ka bang mag-ayos ng leakage sa tubo?"

Tumango lang si Hezekiah at pinatuloy ko siya sa loob ng bahay papuntang kusina. Without hesitation, Hezekiah rolled up his sleeves and he picked up the wrench I left earlier.

"Magpalit ka na muna ng damit, baka sipunin ka," sabi niya nang hindi tumitingin sa'kin. At bigla kong napagtanto na para akong naligo sa itsura ko at nakasuot pa ako ng sleeveless white top.

Dali-dali akong umalis para magpalit ng damit, bago bumaba ay naisipan kong kumuha ng oversized t-shirt para sa kanya. Pagbalik ko sa kusina ay saktong kakaahon niya lang mula sa ilalim ng lababo. His hair was damp from the spray, and his shirt was soaked, clinging to him in a way that made my stomach do an odd little flip. I tried to shake off the thought.

"Naayos mo na agad?" I said, forcing myself to focus. "Ito pala, towel saka t-shirt." Nakita ko ang pag-aalangan sa itsura niya. "It's okay, oversized shirt 'yan galing sa mga giveaways. You can change there." Tinuro ko 'yung banyo 'di kalayuan.

"Thanks," he said with a grateful smile.

Hezekiah disappeared into the bathroom, and I found myself strangely nervous. Bakit niya ba ako pinuntahan dito in the first place? Shaking my head, I grabbed the rug and started wiping the floor.

The bathroom door creaked open, and I couldn't help but glance up—just in time to catch him tugging off his soaked shirt, revealing the lean, toned muscles of his back. I quickly looked away, feeling the heat rush to my cheeks. Wow. Does he work out? I thought, horrified at myself. But my eyes betrayed me, flicking back toward the doorway. He was still half-turned, adjusting the dry shirt over his shoulders. His arms, his chest—what am I doing? Gusto kong matawa at sampalin ang sarili ko. I guess, I'm still a woman after all.

Bago pa ako tuluyang lamunin ng mga iniisip ko'y nakalabas na siya ng banyo at lumapit ulit sa'kin. Para akong napaso't tumayo nang tangkain niyang abutin 'yung basahan.

"Okay ka lang?" tanong niya. Manhid ba siya?

"Ako na ang magliligpit niyan mayamaya, can you tell me first kung bakit ka pumunta rito ng walang pasabi?" nakahalukipkip kong tanong at pilit na tinarayan ang boses ko.

"I'm sorry," sabi niya at tumayo. "Nakita ko ang address n'yo sa record ni Maviel sa school. Nagpunta ako rito dahil—"

"Tao po?" parehas kaming napapitlag nang may kumatok ulit sa pinto.

"Sino na naman 'to?" inis kong bulong at pumunta roon. Sumunod siya sa likuran ko. "Anong—"

Pero biglang kumabog ang dibdib ko nang makita ko si PO2 Deborah Cortez, nakataas ay kilay at napakunot.

"You two," sabi niya at naniningkit ang mga matang nagpabalik-balik ang tingin sa'ming dalawa ni Hezekiah. "Anong meron sa inyong dalawa?" she asked as if we were caught in the act. 



-xxx-


A/N: Your votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top