/17/ A Punch in the Gut

(Content Warning: Sexual Abuse topic)

Hezekiah's POV

LORD, I want her to believe... Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang nakatitig ako sa kanyang mukha na tinatanglawan ng kahel na liwanag.

I just couldn't accept that she still doubts after witnessing what transpired that night in Ilaw Foundation's chapel. She was there, and she witnessed Maviel's deliverance, yet she refused to believe fully.

Kunsabagay ay kahit nga mismong mga alagad ni Kristo ay paulit-ulit na pumalyang maniwala nang buo habang kasama nila noon ang Panginoon. And I myself still find it difficult at times to believe in God's power, and He continues to rebuke me, "You of little faith."

This lady doctor has an adamant heart and I am leaving it to God's hands to reach a soul like her. Whatever the wounds she had that made her heart hard, walang malalim na sugat ang hindi kayang abutin ng Panginoon.

Kaya nang marinig ko ang balita mula kay Nurse Milo na nawawala si Jester, alam kong nagtataka siya dahil hindi ko mapigilang mapangisi. Hindi dahil sa gusto ko ang sitwasyong nangyari kundi dahil alam ko na ang mga mangyayari at alam kong magtatagumpay pa rin ang pwersa ng kabutihan sa huli.

Kailangan muna naming mahanap si Jester.

"Good afternoon, I'm PO2 Deborah Cortez," pakilala ng isang matangkad na babae na may maiksing buhok nang makarating kami ni Jael sa lobby kung saan kami dinala ni Nurse Milo. "Kayo raw ang nagdala kay Jester dito sa ospital?"

"How can we help you, Corporal?" I asked.

"Kagagaling ko lang sa San Lazaro Academy dahil tumawag ang ospital para humingi ng tulong sa pagkawala ni Jester Iñigo." Tumingin siya sa katabi ko. "Posible bang makatayo at makapaglakad ang bagong opera, Doktora?" walang emosyong tanong nito.

"Anong sa tingin mo, Ma'am?" sagot ba naman ni Jael at gusto kong mapasampal ng noo. "Malamang hindi."

"Pasensiya ka na, Corporal," sumingit ako, "maging kami ay nababalot ng hiwaga sa pagkawala ni Jester."

PO2 Deborah smiled except for her eyes and said, "My bad. It's a stupid question. I just want to confirm from the expert herself. Kung hindi niya kayang maglakad pagkatapos ng opera, that leaves the option of abduction."

"Abduction?" sabay pa naming ulit ni Jael at saglit kaming nagkatinginan. Naningkit ang mga mata ng corporal sa'min.

"Wala akong makitang ibang anggulo," sabi niya. "We'll look for him and I'll appreciate your help if ever you find anything." Inabutan niya kami ng calling card bago nagpaalam umalis.

"You should go home and rest," sabi ko nang maiwan kaming dalawa at matapos niyang mapabuntong-hininga.

"Oo nga, doktora," sabi ni Nurse Milo na nasa likuran lang pala namin. "Day off mo naman ngayon. Kami na muna bahala sa ka-toxic-an dito."

"I'm fired," sagot niya sabay kibit-balikat. Marahil sa pagod ay hindi na siya nagpaalam sa'min nang maglakad diretso papuntang exit.

"I hope hindi pa final 'yon. I like working with her," komento ni Milo habang nakatanaw din sa kanya. "Siya lang ang fierce na kayang lumaban kay Grumpy." Napatakip siya ng bibig. "Hala, Father, huwag mo 'kong sumbong!"

I just smiled and nodded. Pagkatapos ay nagpaalam na rin siya at naiwan akong tinatanaw pa rin si Jael palayo. And the thought came again...

I want her to believe.

She will.

"Is that her?" napalingon agad ako sa pamilyar na boses.

"Father Jerry." Nang makita ko siya'y kaagad akong nagmano. Hindi ko maiwasang mapakunot dahil hindi ko naalalang nabanggit ko sa kanya si Jael noon at mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Nang tumawag sa'kin si Sister Lizelle noon ay nabanggit niya na tinulungan ka raw ng isang doktora."

"Uhm... Yes."

"Do you find her beautiful?" Napakunot ako sa tanong niya.

"She's wonderfully made by the Lord," sagot ko at bigla siyang tumawa.

"This is not a test, hijo, you can just simply say yes," sabi niya at tinapik ako. Bigla rin siyang sumeryoso at tila nabahiran ng pag-aalala ang mukha. "Be careful, Kai."

I wanted to ask him what he meant by that, but I just nodded, and he walked away with his hands on the back. The patients and staff greeted him, and I still wonder about what he said.

Dapat pala ay sumagot ako sa spiritual director ko na wala siyang dapat ikabahala. As far as I remember, when she received those flowers, Dra. Jael is getting married. And as for me, even if I am not tied to my vocation, she's far from my ideal type.

I just want Jael to believe.


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


Jael's POV

NAABUTAN ko si Maviel sa kusina pagbaba ko. Nagsasandok siya ng sinangag sa plato nang makita ako.

"G-good morning, Ate," bati niya sa'kin. "Wala ka pong pasok?"

Hindi ko pinansin ang pagbati niya dahil nakatitig lang ako sa nakahandang pagkain sa mesa, bukod sa sinangag ay may pritong itlog, tuyo, at kamatis. Magmula nang lumipat kami rito ay walang palyang may nakahaing agahan tuwing paggising ko.

"Saan ka kakain?" tanong ko nang makitang bitbitin niya ang tray na may pagkain at mainit na kape.

"Ah, dadalhin ko po kay Nanay Lita," sagot niya sa'kin at napakunot ako. Kung gano'n ay pinagluluto niya ng almusal ang masungit naming landlord nang hindi ko alam? O baka inutusan siya ng matandang 'yon?

Walang imik na sumunod ako sa kanya hanggang sa labas at nakita ko si Aling Lita na nakaupo sa trono niyang tumba-tumba.

"Salamat, hija, mukhang masarap ito," sabi nito at ngiting-ngiti pa. "Ang swerte ng senyorita mong ate at mayroon siyang tiga-silbi katulad mo." Parang umakyat ang dugo ko sa ulo nang marinig ko 'yon.

Mabuti't nakapagpigil akong pumatol dahil ayokong tuluyan na masira ang araw ko. Kaya nang makita ako ni Maviel ay alam niyang hindi ko 'yon nagustuhan.

"Kailan mo pa pinagsisilbihan ang matandang 'yon?" tanong ko sa kanya nang makabalik kami sa kusina. "Pinagmukha niya na parang inaalila kita rito."

"S-sorry, Ate, k-kawawa naman kasi si Nanay Lita kaya binibigyan ko rin siya ng pagkain natin," nakayukong sabi niya.

"May mga anak siya kaya dapat hindi siya umaasa sa ibang tao," inis ko pa ring sabi.

"I-iyon nga po e, kasi pinapabayaan lang siya ng mga anak niya."

Napahilot na lang ako sa sentido at hindi na lang ako kumibo. Umupo na lang ako at sumandok na lang ng pagkain, gayon din si Maviel.

"Bakit po hindi n'yo subukang kuhanin ang loob ni Nanay Lita?" tanong niya bigla.

"Alam mo sa mundo, hindi mo kailangang maging people pleaser sa lahat ng pagkakataon," sagot ko at naalala bigla si Grumpy. "Maraming tao na ginagamit ang posisyon o tanda nila para pilit silang respetuhin."

"E hindi po ba dapat lahat naman nirerespeto natin?" tanong niya ulit.

Saglit akong tumigil at tumingin sa kanya. Tama naman siya kung tutuusin. "Pero may tamang hangganan, hindi nakaloob sa basic respect ang people pleasing."

"Ano po bang kaibahan no'n?"

Pagtanda mo maiintindihan mo rin, gusto ko sanang isagot pero may kung ano sa loob ko ang nag-udyok na magpaliwanag sa kanya.

"Respect is given to all, but we should maintain our boundaries and personal values. People pleasing, however, leads to prioritizing the approval of others over our own needs. In short, you don't have to live your life to make others like you. You cannot please everyone, and that's okay."

Wow. I said those as if I were talking to an adult. Nakalimutan kong fifteen years old nga lang pala 'tong kaharap ko.

"Pero . . . hindi ko naman po 'yon ginagawa para magustuhan ako ni Nanay Lita. Kasi . . . gusto ko lang po. Kawawa naman kasi siya."

I sighed. I wanted to tell her that sometimes too much empathy and compassion for others will just drain you. Being a doctor, I know that too well, baka nga dahil doon ay kaya naubos ang pake ko.

Pero nanahimik na lang ako dahil pagtanda niya, maiintindihan niya rin. I'll let life teach her that.

"Ako na ang maghuhugas nito, magbihis ka dahil may pupuntahan tayo," sabi ko pagkatapos naming kumain.

Half an hour later, I drove to the nearby city where Andie lives. Mabuti nga't pumayag siyang mag-set ng appointment sa kabila ng busy schedule niya.

"Hi, Andie," bati ko sa kanya pagbukas niya ng pinto. She gave me a quick hug and she let us inside. Dito lang din sa bahay niya ang clinic niya. "This is Maviel, my sister."

"Hi, Maviel," nakangiting bati niya at inabot ang kamay. "My name is Andrea, I'm a psychiatrist. You can call me Doc Andie."

Tumingin muna sa'kin si Maviel bago tanggapin ang kamay nito. Naipaliwanag ko na kahapon pa kay Andie ang sitwasyon ni Maviel, but I haven't told her yet about the exorcism stuff.

"Iiwan muna kita rito kay Doc Andie, susunduin kita mamaya," sabi ko kay Maviel at napayuko lang siya.

Dinala niya si Maviel sa clinic at pagkatapos ay hinatid naman niya ako sa pintuan.

"It's good to see you again in flesh, Jael," sabi niya. "But you need to set your appointment as well. How's your tapping?"

"Oh, I can manage to hide it," sagot ko at sabay kaming napatingin sa kamay ko na mabilis kong naitago sa bulsa ng cardigan ko.

Bahagyang napailing si Andie. "I'll message you kapag tapos na kami."

When I got back to my car, I finally noticed my phone and saw the three missed calls from Czarry.


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


Hezekiah's POV

KATULAD nang inaasahan ay kalat sa buong campus ang balita sa nangyari tungkol kay Jester. Noong flag ceremony ay inanunsyo ng Vice Principal ang nangyari , inanyayaan nila akong magbigay ng panalangin para kay Jester, at pagkatapos ay nagbigay ng maiksing pep talk ang guidance counselor tungkol sa mental health at bullying. Subalit kahit na nagbigay ng paalala ang mga guro ay hindi pa rin napigilan nito ang mga bulungan sa campus at pagkalat ng mga contents sa social media tungkol sa insidente.

"Trending ang hashtag justice for Jester?" dinig kong bulalas ng isang guro pagpasok ko sa loob ng faculty room. "I think we should investigate kung mayroon nga bang nambu-bully kay Jester kung bakit niya 'yon ginawa."

"Jester might be meek, but he's doing well averagely in class. I don't think he's being bullied," opinyon naman ng isa pang guro.

Habang abala sila sa kanilang mga kuro kuro ay 'di ko namalayan na nasa tabi ko na si Jestoni.

"Kakaumpisa pa lang ng second semester, grabe na agad ang nangyari," komento nito sabay tingin sa'kin. "Naging estudyante ko rin si Jester last year, wala sa itsura niya na gagawin 'yung gano'n."

"Hindi natin alam, kung minsan mapanlinlang ang panlabas na anyo," kusang kumawala 'yon sa bibig ko.

"Sabagay, tama ka, Father—Yes, Miss Beautiful?" napatingin ako sa direksyon na tiningnan ni Jestoni, at nanlaki ang mga mata ko nang makita siya sa pintuan.

"Good morning, I'm the new school physician."

Muntik nang masamid si Jestoni. "Ay! Sorry po!" Gusto ko sana siyang tawanan pero napatingin sa'kin ang bagong dating.

"Father Kai?" napangiti siya nang makita ako.

"Hala, magkakilala kayo?" tanong ni Jestoni.

"Dra. Santos? What a surprise." Ang dami kong gustong itanong sa kanya, dahil katulad ni Jael ay dito rin siya napadpad? "What brings you here?"

"Actually, I was also surprised to see you kaninang flag ceremony, gusto sana kitang makausap."

Biglang bumulong sa'kin si Jestoni. "Father, pakilala mo naman ako."

Napailing na lang ako. "Ah, si Jestoni nga pala, Jestoni si Dra. Santos nga pala."

Nagkamay silang dalawa at halata naman sa itsura ni Jestoni na tinamaan agad.

"Pasensiya na po ulit, Dra. Santos," nakangiting sabi ng katabi ko.

"Kahit Dra. Denden na lang," sagot nito.

"Denden? Ayos ah, kasi Tonton naman ang nickname ko." Pasimple kong tinapik si Jestoni at natawa lang kaming tatlo. Pagkaraa'y biglang sumeryoso ang doktora.

"Father Kai, can I talk with you privately?" pagkatango ko ay lumabas kaming dalawa ng faculty room at hindi pa rin nawala ang pagkabahala sa kanyang itsura. "It's about Maviel."

"What about her?" bigla akong kinutuban ng hindi maganda.

"Sinabi niya sa'kin kung anong nangyari noong PE class nila." And then she told me what exactly Maviel told her.

"Ginawa ni Jester 'yon?" I said with disbelief.

"I don't think she's lying, she was about to tell me something more pero dahil sa aksidente kahapon ay naputol ang usapan namin. May kutob ako na may nakita pa si Maviel."

Napatitig ako sa kawalan at isa lang ang tanong ko sa isip.

May kinalaman ba si Maviel sa nangyari kay Jester?


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


Jael's POV

I didn't go to work because I assumed I was already fired. Wala akong balita kung nahanap na ba si Jester. Blangko lang ang isip ko habang nag-drive kung saan-saan sa loob ng isang oras at kalahati bago ako makatanggap ng message mula kay Andie na tapos na sila.

When I went back to Andie's house, I immediately noticed her grim demeanor. Mas lumakas ang hinala ko nang dalhin niya ako sa sala ng bahay habang nasa clinic pa rin si Maviel.

"What happened?" tanong ko.

She took a deep breath while her arms crossed. Still, Andie tried to find the words until she slightly shook her head. Mukhang hindi maganda ang natuklasan niya.

I was expecting her to confirm my suspicions na may mental illness si Maviel at lahat ng mga nasaksihan ko noon ay parte lang ng sakit niya sa pag-iisip pero napansin kong may awa sa mga mata niya, as if she's about to cry.

"J-Jael, I-I think Maviel . . . your sister . . . she's . . ."

She's mentally ill and you need to take her to a mental hospital ASAP.

"She was sexually abused . . . since she was a little child."

My mouth fell open when I heard that. It felt like I was punched in the gut. 

"What?" Andie took a deep sigh, allowing herself to show vulnerability to a fellow doctor. "Kinwento niya ba sa'yo lahat?"

"It was hard to get her to talk, you know. She didn't tell everything but it's enough for me to discern what she'd been through."

I don't doubt her experience in her field, plus her emotions are showing it real.

Parehas kaming natahimik at natulala. Hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na magtanong.

"Sinabi niya ba kung sino ang gumawa sa kanya?"

Andie shook her head, "But based on her words, I assume that it was done by someone close to her."

Nagkuyom ako ng palad nang marinig ko 'yon. I assumed the worst. That damn bastard!

"Jael," tawag ni Andie sa'kin at namalayan ko na lang na sunod-sunod ang pagtapik ng mga daliri ko sa hita ko.

"I'm fine." Tinago ko 'yung kamay ko sa bulsa at pilit na pinigilan ang pagtapik. "Babalik kami. Just send me her next appointment." Tumango lang si Andie at hinatid ako sa clinic para sunduin si Maviel.

I remained stoic while driving, we were both silent and I couldn't help but glance at her, and Andie's words rang inside my mind. And every time I imagine who did it to her, my blood boils.

Habang nakahinto kami sa may stoplight, napansin kong nakatanaw siya sa fast food restaurant. At nang mag-go sign ay niliko ko ang sasakyan para pumasok sa drive through.

"Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya at halatang nagulat siya.

"Kahit ano po, Ate."

"Walang kahit ano rito." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at ako na ang pumili ng order para sa kanya.

Nang makuha namin ang order at iabot ko sa kanya 'yon ay nagulat siya sa dami. Habang nagmamaneho ay sumulyap ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya habang sinisilip ang loob ng paper bag.

She's just fifteen. She's still a kid.

"Tangina!" mura ko nang may biglang motor na sumingit sa kalsada. Bumusina ako nang sunod-sunod sa galit.


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


HINDI ako makatulog noong gabing 'yon dahil tila naka-ukit sa isip ko ang inosenteng ngiti ni Maviel kanina sa sasakyan, at kung paano siya nagalak na pumasok sa loob ng bahay matapos kong iutos sa kanya na ibigay kay Nanay Lita 'yung isang chicken meal na binili namin kanina. Tuwang tuwa siya na binalita na napangiti ko raw ang masungit na matanda.

I wanted to ask her but I was not brave enough to confront the reality. Ang akala ko matapang na ako dahil sa propesyong humulma sa'kin pero hindi ko 'to napaghandaan.  

Walang ano-ano'y biglang tumunog ang cell phone ko at unang pumasok sa isip ko ang ospital pero napakunot ako nang makita ang screen ko.

Father Hezekiah is calling . . .

Pasado alas kwatro ng madaling araw, bakit siya tumatawag?

"Hello?"

"Doktora! Nahanap na si Jester!" napabangon ako bigla.

"Nasaan siya?"

"Nandito siya sa school gym. You need to come. Now."

"Ha? Eh kung tumawag ka ng tulong para dalhin siya pabalik ng ospital?"

"No, we have to do it here, right now."

"Ang alin?"

"His exorcism." 

Nang marinig ko 'yon ay tila nabuhayan ang buo kong sistema, na para bang nakarinig ako ng emergency call mula sa ospital. Bumangon ako at mabilis na gumayak papuntang San Lazaro Academy. While on my way, I had a gut feeling that I should call Dra. Santos, she miraculously picked up and told her the incident and without hesitation she agreed kaya dinaanan ko siya sa tinutuluyan.

Sinunod ko ang instruction ni Hezekiah na sa back entrance kami dumaan dahil walang nagbabantay doon, kinailangan ko lang mag-park sa labas at umakyat sa maliit na bakod. I can't believe we did it. 

Pagdating namin sa school gym ay napamura ako sa nadatnan naming eksena. 



-xxx-


https://youtu.be/B8puqmiunms

A/N: Hi, guys! Thank you for reading! I'd love to dedicate this chapter to the silent supporters of this story, kaso hindi ko kasi makita kung sino kayo. Can you drop a hi? =) God bless you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top