/16/ The Deal


"OH, uminom ka muna ng tsokolate." Tinanggap ng dalawang kamay niya ang basong umuusok pa, kasabay na nalanghap ang mabangong aroma nito. Ngumiti ang babaeng nakasalamin at umupo kaharap niya. "Kamusta ka, Maviel?"

Pilit niyang inalala ang pangalan ng babaeng doktora na nakasama noon ng kanyang Ate Jael at ni Father Kai. Sumulyap si Maviel sa white coat na suot ng babae.

Denzelle O. Santos RN, MD

"You can call me Dra. Denden," nakangiting sabi ng babae nang mapansin kung saan siya nakatingin. "Hindi ko alam kung naalala mo pero kasama ako noong..." Sunod-sunod siyang tumango at pagkaraa'y bumuntong-hininga ang doktora.

"Bakit n'yo po ako dinala rito?" direktang tanong niya at sa pagkakataong 'yon ay si Dra. Denden naman ang hindi kaagad nakasagot. "Dahil po ba sa ginawa ko?"

Saglit na tumingin sa kawalan si Dra. Denden bago muling bumaling sa kanya.

"Naniniwala ako na... hindi mo naman gagawin 'yon nang walang dahilan," malumanay nitong sabi.

Namilog ang mga mata ni Maviel nang marinig 'yon. Kaagad din siyang yumuko at naramdaman niya ang marahang pagtapik ni Dra. Denden sa kanyang braso.

"It's okay, Maviel, hindi kita pipilitin magsalita," dinig niyang sabi nito.

"Ano naman po ang pakialam n'yo sa akin?"

"I'm just worried about you."

Nag-angat siya ng tingin at sinalubong siya ng mga nag-aalalang mata ng dalagang doktora.

"Bakit po?" tanong niyang muli at hindi na napigilan ni Dra. Denden ang matawa. "Bakit po kayo natatawa?"

Bahagyang ginulo-gulo nito ang buhok niya, marahil ay natuwa sa walang katapusang tanong niya. Mas lalo siyang nagtaka dahil kinalikhan ni Maviel na naiirita ang mga tao sa paligid niya dahil sa pagiging matanong.

'Senyales daw na matalino ang bata kapag matanong,' ang sabi pa nga noon ng mga matatanda pero balewala lang 'yon sa nakagisnan niyang magulang.

"Pasensiya ka na, Maviel, kung wala ako sa lugar para mag-alala sa'yo—pero ang totoo, simula noong nasaksihan ko ang nangyari sa'yo sa simbahan nang dalhin ka namin doon... Hindi ako nagsisisi na ipatapon ako rito dahil..." saglit na natigilan ang doktora para pahirin ang nangingilid na luha. "Dahil ang kaganapang 'yon ang patunay na talagang totoo ang pananampalataya ko."

Nang mga sandaling 'yon ay napaisip si Maviel. Inalala niya ang tingin ng kanyang teacher at mga classmates matapos niyang saktan si Jester, ang mga bulungan nila, ang mga palaisipan sa kanilang itsura, ang walang katapusang tanong kung bakit niya ba ginawa 'yon. Pumasok din sa kanyang isipan ang Ate Jael niya, ang naka-arko nitong kilay, at tonong dismayado sa kanya.

Pinili niyang hindi magsalita dahil alam niya na wala ring saysay kung wala namang maniniwala sa kanya.

At si Father Kai? Ayaw niyang madamay pa ito sa misteryo na bumabalot sa kanya kaya mas mainam kung mananahimik na lang siya.

"S-sinapak ko po si Jester kasi..." pero tila may kung anong humila sa kanya para kumawala ang mga salitang 'yon sa bibig niya.

"Kasi?" tila pigil ang hininga ni Dra. Denden sa paghihintay sa sasabihin niya.

"M-may activity po kasi sa PE class namin, tapos pinag-partner-partner po kami ng teacher namin... At si Jester po 'yung naging kapareha ko..."

"'Tapos?"

"'Tapos po... H-hinawakan niya po ako sa pwet," nakayuko niyang sabi habang mahigpit na nakahawak sa baso, hindi alintana ang init nito sa kanyang mga palad.

Napanganga si Dra. Denden pero kaagad ding nahanap ang mga salita.

"Kung gano'n bakit hindi mo sinabi sa mga teachers mo? Sa ate mo? This is serious—" akmang tatayo ang doktora pero kaagad niya itong hinawakan.

Nagtitigan silang dalawa hanggang sa unti-unting nabasa ni Dra. Denden ang mga mata niya.

"Bakit, Maviel? Bakit ka natatakot?"

Pero kung kailan ibubuka niya ang bibig ay biglang bumukas ang pinto ng clinic at bumulaga ang isang lalaking staff.

"Doktora! May emergency po! May estudyanteng tumalon ng building!"

Naalarma ang kaharap niya pero bago ito lumabas ay bumaling muna sa kanya at sinabing, "We'll talk about this, Maviel. Okay?" saka tumakbo palabas ng silid.

Tumayo siya at nilapag ang baso sa mesa, pagkatapos ay lumabas din siya ng silid at tinanaw si Dra. Denden na tumatakbo sa direksyon kung saan ay may kumpol ng mga tao.

Hindi man niya makita kung ano ang pinagkakaguluhan ay alam niyang si Jester ang tumalon.


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


Jael's POV

DESPITE my unfamiliarity with the operating room and staff, I was able to finish the surgery swiftly and with no trouble. Marahil sa adrenaline rush na hinaluan din ng frustration at inis sa sistema at sa mahaderang nurse na pumigil sa'kin kanina. And thanks to that priest, I was able to push through the surgery.

As expected dahil sa nangyari ay pinatawag ako HR at pinagalitan ng medical director. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Papalakpakan nila ako sa kabayanihan ko kahit na ginawa ko lang naman kung anong trabaho ko?

"Alam mo bang pwede kang tanggalan ng lisensya sa ginawa mong pagsuway, Dra. Fariñas?" kulang na lang ay umikot ang mga mata ko sa pananakot ng director sa'kin. From what I heard, he also used to work in San Lucas and probably an ass-licker to the higher ups as well.

"That's absurd, Sir, ginawa ko lang kung anong sinumpaan kong trabaho," sagot ko.

"You are currently suspended! Nakalimutan mo ba? Pwede mo namang ipasa sa ibang surgeon ang trabaho pero mas pinili mong magbida-bida!" kinuyom ko ang palad ko at pinigilan ko nang sumagot dahil baka kung ano pang masabi ko na mas lalo pang ilagay sa alinlangan ang career ko.

"It won't happen again, Sir," mahina kong sabi pero kumunot siya't nilagay ang kamay sa tenga.

"Ano kamo?"

"I apologize, it won't happen again."

"I don't need your apology, I want you to get the hell out of my hospital."

"What—"

"Get out of my office!"

I want to salute him with my middle finger but there's still an ounce of respect inside of me. Lumabas ako ng opisina niya at papunta sana ako sa department namin nang makita kong maraming makakakita sa dadananan ko'y sa kasalungat na direksyon ako naglakad at pumasok ako sa elevator. I mindlessly pushed the button and it took me to the hospital's rooftop.

Tinanggal ko ang pagkakatali sa buhok ko at hinayaan 'yong matangay ng hangin, pagkatapos ay humugot ako nang malalim na hininga sabay tingala sa kulay kahel na langit.

This is bullshit. Am I fired now?

"Doktora." Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Hahampasin ko sana siya pero nakita kong may inaabot si Father Hezekiah sa'kin. "Kape?"

Stalker ka ba? Mabuti't napigilan ko ang intrusive thought na tanungin 'yon dahil kumokota na ako sa kanya.

I took the iced coffee without saying anything. Pinanood niya lang ako na uminom at tumanaw din siya sa malayo. Saka ko napagtanto na tanaw pala mula rito 'yung San Lazaro High School. Naalala ko tuloy si Maviel pero ayoko muna siyang isipin ngayon.

"Narinig ng mga nurse na sinesante ka raw ng director," sabi niya.

"Kahit kailan talaga ay mabilis pa sa apoy kumalat ang balita sa ospital," bulong ko sa sarili ko. "I am employed to the main hospital in Manila, parte ng suspension ko na mapadala rito kaya siguro nasa main office pa rin ang final decision." Hindi ko alam kung bakit in-explain ko 'yon sa kanya.

"You did the right thing." Natigilan ako saglit at tumingin sa kanya. His eyes stared at me as if it's gazing at my soul so I blinked and stared away. "Even back then, you did the right thing to take Maviel to the church."

"Bakit kung sino pa 'yung mga gumagawa ng tama ay sila pa ang nadedehado. Why do bad things happen to righteous people?" I don't know why I suddenly asked that question.

Walang ano-ano ay bigla siyang ngumiti, saka ko lang napansin... may dimples pala si Father.

"What? May nakakatawa ba sa tanong ko?" umiling siya at tumikhim.

Biglang humangin nang malakas at nakita ko kung paano niya hinawi ang buhok paitaas saka tumingin sa'kin.

"That's a good question to ask, Doktora. Nangyayari ang masamang bagay sa mga mabubuti sa maraming dahilan."

"Like... Is God cruel or something," sabi ko at umiling ulit siya.

"We suffer because live in a fallen world, infested with sin. Sadly, that's the cost of our free will."

"Ah, so the righteous suffer because of the sinners. Tama ba, Father?"

Father Hezekiah's smile slowly vanished, and then he looked away. "Nobody's righteous before God."

"Kahit ikaw?"

"Kahit ako," sagot niya nang tumingin sa'kin. Pagkatapos ay namayani lang ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at hindi ko alam kung gaano 'yon katagal nang muli siyang magsalita na tila tumagos sa kalooban ko. "You don't believe in faith."

Mula sa bulsa ng coat ko ay kinuha ko roon ang isang maliit na krus at inabot 'yon sa kanya.

"I used to secretly hang that tiny cross in my former hospital's operating room, it keeps me focused—not because of faith, like religion, para lang tradisyon sa'kin para makalma ako."

"Sa nangyari kay Maviel, hindi ka pa rin ba naniniwala sa mga bagay na hindi maipaliwanag ng siyensiya?"

Napakibit-balikat ako at nilagay sa bulsa ang mga kamay ko para makubli ang pagtapik ko.

"Dadalhin ko siya sa psychiatrist dahil sa nangyari sa eskwelahan." Hezekiah took a deep sigh as if losing his patience. I tried to hide my smirk. "Why don't we make a deal, Father?"

"Anong deal?" nakakunot niyang tanong.

I briefly explained to him my deal with his godmother, Dra. Tordesillas, and he was obviously not delighted about it.

"Are you asking me to help you—"

"Gather evidence that proves there's more than what science believes."

Saglit siyang napaisip habang nakatingin sa kawalan habang nakangisi lang akong nakatingin sa kanya. I don't know why I found this amusing.

"And what's in it for me?" bigla niyang tanong na hindi ko napaghandaan.

"I don't know—maybe magsimba linggo-linggo?" I said that out of amusement but he remained serious.

"Alright, and a regular sacrament of confession," sabi niya at nilahad ang kamay.

"Whatever that is," sagot ko naman at tinanggap 'yon.

Sa ganito, mapapadali ang trabaho ko. I am not yet giving up that offer from Dra. Tordesillas.

"Doktora!" parehas kaming napapitlag sa pagdating ni Nurse Milo. "Ay, sorry po, Father! Ano! Kasi!"

"What happened, Milo?"

"'Yung pasyente n'yo po kasi na estudyante kanina—nawawala!"

Nagkatinginan kami ni Hezekiah, walang lumabas na salita sa bibig namin pero parehas kami nang nasa isip. This is familiar.

Bigla siyang ngumisi at tinapik ako sa balikat.

"See you on Sunday mass," sabi niya saka sumunod kay Milo. 


-xxx-



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top