/15/ Unknowingly Captivated


Hezekiah's POV

SUMANDAL ako sa kinauupuan ko para mag-unat at tumigil saglit sa pagtse-check ng mga papel. Awtomatikong lumipad ang isip ko nang maalala ang nagdaang tagpo sa ospital nang papuntahin ako ni Father Jeremiah, ang head chaplain ng St. Lazarus Hospital, sa kanyang opisina.

"You should be more careful next time, Kai," he told me with concern but there's also stern in his voice. "Sa oras na malaman ng bishop ng diocese ng Maynila ang ginawa mong ilegal na exorcism ay hindi ko alam ang magiging parusa nito sa'yo."

"Pasensiya na kung pinag-aalala kita, Father," sagot ko noon. "Pero hindi kaya ng kunsensiya ko na patagalin pa ang deliverance ng batang 'yon."

Father Jeremiah or Father Jerry as they fondly called him took a deep sigh and said, "Naiintindihan ko ang hinanaing mo, hijo. Pero hindi mo na ministeryo ang exorcism, mag-focus ka sa pagtuturo at sa paghalili sa'kin dito sa ospital bilang assistant chaplain. You have your students and patients to take care of."

Naiintidihan ko rin naman ang pag-aalala niya sa'kin. At nagpapasalamat na rin ako na hindi kumalat ang balita tungkol sa nangyari. Hanggang sa biglang lumitaw ang mukha niya sa isip ko at naalala ang tinanong niya noong gabing 'yon.

Ako? May gusto sa kanya?

Kusa akong napailing subalit aaminin kong nilamon din ako ng kuryosidad kung sino ang nagpapadala ng mga bulaklak sa kanya. Kung ganoon ay may nobyo na siya.

"Uyy... Malayo ang tingin at ngumingiti, sino kaya ang iniisip ni Father Kai." Bigla akong nagbalik sa kasalukuyan at nakita ko si Jestoni at ang mapanukso niyang ngiti.

"May naalala lang akong joke," sagot ko naman.

"Talaga ba, Father? Mukha kasing kinikilig ka."

Kumunot ako at umiling ulit. Kahit kailan talaga 'tong tao na 'to, palaging nakalilimutan na pari ako. Tumikhim ako at sumeryoso na siya.

"Kay lalaki mong tao, Jestoni, tsismoso ka pala," hirit ko sa kanya at tinawanan lang niya ako.

Pagtingin ko sa bintana ay gusto ko sanang kusutin ang mga mata ko nang makita ko si Jael na naglalakad. She's not wearing her coat and she must be here for a reason. May narinig ako kahapon na mayroong komosyon na nangyari sa gymnasium. Hindi kaya...

"What is she doing here?" hindi ko namalayang sambit ko.

"Huh? Kilala n'yo 'yung chix na 'yun, Father?"

Hindi ko pinansin si Jestoni at tumayo ako para sana sundan si Jael pero paglabas ko ng faculty room ay nakumpirma ang hinala ko nang makita ko siyang pumasok sa loob ng guidance office habang si Maviel ay kakalabas lang mula roon.

"Anong nangyari kahapon sa gym?" tanong ko kay Jestoni nang makita ko siya sa gilid ko.

"Ah, ang narinig ko sa mga teachers may nanakit daw na estudyante sa kaklase niya."

"Dahil?"

"Iyon ang hindi ko na alam, Father Kai."

Muli kong tinanaw si Maviel sa malayo. Nakayuko siya habang hindi mapakali ang dalawang kamay sa harapan.

I made up my mind to talk with Jael later.


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


Jael's POV

HINANDA ko na 'yung sarili ko na humingi ng pasensiya sa guardians o magulang ng estudyanteng sinapak ni Maviel pero pagpasok ko sa loob ng silid ay ang guidance counselor lang ang nakausap ko. Ayon sa kanya, during PE class ay nagulat na lang daw ang lahat nang bigla na lang sapakin ni Maviel ang kaklase nito, may mga nakakita na wala naman daw ginagawa ang nasapak na estudyante na nagngangalang Jester.

"I don't really want to say this, Miss Fariñas, but I think your sister needs professional help," sabi nito.

Hindi ba dapat trabaho mo 'yon? Gusto ko sanang isagot.

"I really think so too," sagot ko. "Hindi n'yo lang ba natanong ang kapatid ko kung bakit niya nagawa 'yon sa classmate niya?" I even wasted my time, instead of resting, nandito ako sa eskwelahang 'to.

Napabuntong-hininga ang guidance counselor. "Kaya nga kita pinatawag dito para sabihin ang concern na mukhang mas kailangan niya nang malalim na konsultasyon sa eksperto dahil hindi siya sumasagot sa mga tanong ko. At sa tingin ko'y mukhang may personal ding kinahaharap si Maviel na hindi niya maaaring ibahagi sa iba."

Tumaas ang kilay ko. Para bang gusto niyang sabihin sa akin na may problema sa loob ng bahay kaya 'yon nagawa ni Maviel.

"I do not intend to pry, Miss Fariñas, but... may nangyari ba kay Maviel na maaaring nag-trigger sa kanya sa ganoong behavior?"

Biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari noon sa ospital. Ang pagsulpot niya sa bahay ko, nang saktan niya ako, 'yung eksena sa ospital... at ang exorcism.

"Nasaan ang magulang ni Jester? I'd like to apologize in behalf of my sister," pag-iiba ko ng usapan.

"Unfortunately, Mr. and Mrs. Iñigo couldn't make it today because of their busy schedule."

"Ano ang parusa n'yo sa kapatid ko?" I asked while my fingers are tapping continuously in my lap.

"Kaka-transfer pa lang niya rito at nais maging lenient ng eskwelahan kung talagang may pinagdadaanang problema si Maviel kaya I suggest that she took a day off from school para dalhin siya sa therapy. We'll also do our best to counsel here as well."

Hindi ko alam kung bakit parang pinaganda pa niya ang mga sinabi niya na masu-suspend ng isang araw ang batang 'yon. I didn't object and just agreed to her recommendations. Sa loob-loob ko'y napahinga na lang ako nang malalim.

Biglang nagtalo ang isip ko noong mga sandaling 'yon kasabay nang pag-alala sa nangyari sa ospital noon. If Maviel's violent behavior resurfaced again, does it mean na wala lang 'yung exorcism? Na all this time ay may psychiatric problem siya.

Pinigilan kong mainis sa naisip kong posibilidad.

My other mind argued... Paano 'yung nasaksikhan ko na lumutang ng ilang dangkal ang katawan niya noon? 'Yung pagkakaalam niya sa kundisyon ko?

Matapos naming mag-usap ng guidance counselor ay lumabas na ako at nakita ko si Maviel na nakaupo sa bench at nakayuko. Para siyang nababalutan ng itim na bilog n aura sa mabigat niyang presensiya.

Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad, walang salitang sumunod siya sa'kin. Ilang sandali lang ay hindi ko rin natiis, huminto ako saka humarap sa kanya.

"Bakit mo ba ginawa 'yon?" naiinis kong tanong. Pero nanatili lang siyang nakayuko at walang imik.

Mauubusan na yata ako ng pasensiya sa batang 'to.

"Wala na akong ibang ipakikiusap sa'yo kundi ayusin mo naman 'yung pag-aaral mo rito," direktang sabi ko. "Kung may maitutulong ka sa'kin, kahit iyon na lang."

"S-sorry, ate," sa wakas ay nagsalita na rin siya.

"Huwag mo nang uulitin—"

"Doc Jael?" napatingin ako sa boses na tumawag sa'kin at laking gulat ko nang makita ko siya.

"Dra. Santos? What are you doing here?" kunot-noo kong tanong at napansin ko ang suot niyang coat. "Don't tell me... Dito ka—"

"I'm working here now," nakangiti niyang sagot. "Kakasimula ko pa lang this week."

"Paano ang residency mo?" pero imbis na sumagot siya'y bumaling siya kay Maviel.

"Can talk to your sister?" tanong niya, nawala ang ngiti sa labi. Napatango na lang ako, inakbayan niya si Maviel at naglakad sila papasok sa loob ng clinic sa tapat namin.

Naiwan ako at tiningnan ang orasan ko. I don't want to waste more time pero ngayong araw lang ako may oras para dalhin si Maviel sa doktor na dapat ko pa noon ginawa para makumpirma na meron siyang problema sa pag-iisip.

Sinubukan kong tawagan ang psychiatrist kong kaibigan na si Andie pero walang signal. Naglakad-lakad ako sa courtyard hanggang sa marating ko ang gitna. Tinaas ko 'yung phone ko para sumagap ng signal pero nasilaw ako ng araw. Subalit natigilan ako nang makita ang isang pigura sa ikaapat na palapag ng building.

Walang ano-ano'y bumagsak ang tao mula roon at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na isang estudyante ang nahulog. Ang akala ko'y sasabit siya sa malaking puno pero narinig ko pa rin ang malakas na kalabog na tunog nang tumama ang katawan nito sa damuhan.

My instincts immediately kicked in. I ran towards the body without thinking. The boy was lying down, his limbs were twisted awkwardly, and blood was pooling under his head. My breath caught in my throat, but I had no time to process the shock.

Kaagad kong napansin ang pangalang nakaburda sa polo niya.

Jester Iñigo.


⋅───⊱༺ ♰ ༻⊰───⋅


Hezekiah's POV

PAGKATAPOS ng klase ko ay kaagad akong lumabas, pero imbis na magtungo sa faculty room ay dinala ako ng mga paa ko sa guidance office.

"Maviel's guardian just left a while ago," ang sabi sa'kin ng counselor.

Lumabas ako ng silid at sinubukan siyang hanapin, baka sakaling nandito pa siya sa loob ng campus. Hanggang sa nabuhayan ako ng loob nang makita ko siya sa gitna ng courtyard, hawak-hawak ang cell phone at tila naghahanap ng signal.

Lalapitan ko n asana siya nang parehas kaming napapitlag nang marinig ang malakas na kalabog. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang katawang nakahandusay. Jael, who's ahead of me, and I both ran towards the student.

Naabutan ko siyang sinusuri ang estudyante na kaagad kong nakilala. It was one of my students from grade ten, si Jester.

My heart sank when I saw his poor condition. I immediately did the sign of the cross and uttered a prayer. After, I grabbed my phone to call for help.

"Call an ambulance!" dinig kong sabi ni Jael sa'kin, I was already dialing the number. "Stay with me," I heard her whisper. "You're going to be okay." Napatitig ako sa mukha niya na seryoso pero naroon ang matinding pag-aalala. Her hands moved in with precision and calmness of someone who had done this a thousand times.

Matapos kong tumawag ng tulong ay nagkakagulo na rin sa paligid pero may mga teachers na ang kumokontrol sa mga estudyante. At nanatili lang akong nakatayo habang pinagmamasdan siya.

I had seen Dra. Fariñas before—always a bit distant, stern, and arrogant. But this was different. It was my first time seeing her in her element, fighting to save a life, and I couldn't take my eyes off her.

When the paramedics arrived, she didn't let go. She stayed with the boy, refusing to leave his side. And, for reasons I couldn't fully understand, I followed.

Parehas kaming sumakay din ng ambulansya. Habang binabantayan niya ang vitals ng bata ay nilabas ko ang rosaryo at nanalangin buong biyahe. Pagdating namin sa St. Lazarus Hospital ay nakita ko kung paano siya nagmistulang direktor sa kung ano ang dapat na gawin.

Pero nakita ko ang head nurse ng ospital na kaagad na kumontra sa kanya. "Dra. Fariñas! You can't perform this surgery, naka-probation ka pa!" Nurse Malou said, blocking her path to the operating room.

Without hesitation, Jael steeled herself.

"This boy is dying," she said, her voice steady but fierce. "I was there when he fell. I know the extent of his injuries. If we wait any longer, he won't make it."

The head nurse crossed her arms, unmoved. "May iba pang surgeons na pwedeng tawagin. You are not authorized."

"I'm the one who stabilized him at the scene. I know what needs to be done. Let me operate dahil tumatakbo ang oras." I saw her hands clenched and shaking.

My chest tightened. I could see the desperation in her eyes. It wasn't about protocol for her—it was about saving a life. Her dedication was... unshakable, and it was at that moment I realized... She's something.

And I couldn't stand there any longer.

"With all due respect," I began, my voice firm. "Isn't this your job? To save the patient's life?" nang sabihin ko 'yon ay tila natigilan ang iba pang mga nurses na nasa eksena. They all went silent and realized I was right.

Tila hindi makapaniwala si Jael sa narinig sa'kin pero kaagad din siyang naalerto at hindi na nag-aksaya ng oras. Wala nang pumigil sa kanya sa pagpasok sa operating room.

Napausal ako ng panalangin sa Maykapal, "Lord, guide her—guide Dra. Jael."

I felt at peace after, knowing that Jester would be alright because I knew he was in good hands.

Maybe... I judged her harshly. 


-xxx-


A/N: Dito na ba magsisimula ang kilig?😍 Hmmm...😊 Thank you for reading! And kitakits sa mga makakpunta sa MIBF this weekend. (*^▽^*)

Happy 20k reads #ANuminousAffair !😍🎉

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top