/10/ Adamant Heart
Jael's POV
AFTER the long hours of surgery, I sat in the corner of the operating room. My body was exhausted, but my heart was even more tired. Sinulyapan ko ang krus sa pader subalit hindi ko na makontrol ang pagtapik ng daliri ko. I secretly posed that tiny cross to control my tapping impulsions during surgery, but this time it didn't work.
I looked around—surgical tools, traces of blood on the table, and the monitor that had finally gone still. No sound. No more movement. No more hope. I sighed deeply when I heard one nurse commended me that we did what we could.
"Dok, kamusta po ang anak namin?" tanong ng mag-asawa nang lumabas ako ng OR, mahigpit ang hawak sa isa't isa. Ang babae'y may hawak na rosaryo sa isang kamay.
Pinili nilang magpatuloy sa operasyon ng anak nila kahit sinabi ko ng walang kasiguraduhan. Marahil dahil sa kanilang pananampalataya, pinili nilang humawak sa pag-asa.
Tumingin ako sa kanila at pinilit na hinanap ang mga tamang salita kahit na alam ko na ang gasgas na linya.
"Ginawa namin ang lahat," sabi ko at bahagyang umiling. Nang makuha ang gusto kong iparating ay dahan-dahang bumagsak ang kanilang balikat, saka nagyakapan at humagulgol.
Wala akong ibang nagawa kundi tingnan lang ang mag-asawa, walang emosyon akong nakatanghod sa kanila. Noon ay lagi kong kinukwestiyon ang sarili ko kung saan ako nagkamali sa tuwing namamatayan ako ng pasyente. Palagi akong nagkukulong sa CR o nagtatago sa fire exit para lang ilabas ang pighati ko pero unti-unti akong pinatibay ng panahon at karanasan.
"I'm sorry," halos pabulong kong sabi bago ko sila iwanan.
Sometimes, no matter how skilled you are as a doctor, there are just lives that can't be saved. I know that.
As I stared at the death certificate to sign it, I realized that this is the part of the job I will never get used to. It should be quick, a simple signature, but why did the pen feel so heavy in my hand?
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na 'tong nagawa pero sa bawat sulat ko ng pangalan at pirma sa papel na 'to ay may kung anong nawawala sa kalooban ko.
Hindi ako iiyak. Hindi na ngayon.
Naging kalmado ang lahat pagkatapos ng tagpong 'yon na para bang nakisama sa mabigat kong puso. Chaotic at unpredictable ang mga kaganapan sa ospital kaya hindi pwedeng makampante. Minsan kung kailan pauwi ka na saka biglang magkaka-toxic.
Dinala ako ng mga paa ko sa private ward sa annex building ng ospital na bago pa lang at kasalukuyang ginagawa kaya wala ring katao-tao. Madilim
Natigilan ako nang makita kong may lalaking nakasilip sa loob ng silid. Humarap siya sa'kin nang maramdaman ang presensiya ko.
"Good evening, Doktora," seryosong bati niya at sumulyap ako sa orasan ko.
"Tapos na ang visiting hours, ah."
"Dra. Tordesillas requested me to conduct an evening mass," sagot niya. Ah, ninang niya nga pala ang isa sa bossing dito. "Narinig ko kanina sa mga nurse na sinugod sa ER ang kapatid mo." Napakunot ako nang marinig 'yon.
Kahit kailan talaga'y napakabilis kumalat ng kwento sa loob ng ospital.
"Nang kausapin ko siya kaninang umaga ay para siyang nagmaang-maangan," sabi ko nang nakahalukipkip. "That girl needs a psychiatric help."
Hezekiah met my gaze with a calm resolve. "Alam kong dahil sa propesyon mo bilang doktor ay mahirap paniwalaan ang sinabi ko sa'yo tungkol sa sapi."
Gusto kong matawa sa sinabi niyang 'yon pero sumimangot siya nang mapansin ang hindi ko naitagong ngisi.
"Alam mo naman pala. She needs a doctor, not an exorcism."
"She needs both," he replied, his voice steady but firm. "She attacked you last night, hindi mo ba napansin ang kakaibang lakas niya?"
"That doesn't make sense, maybe she's psychotic."
"Kung nasaksikhan mo lang 'yung nangyari nang dumating ako—"
"Tingin mo maniniwala ako sa'yo? Makabago na ang mundo ngayon, wala na tayo sa liblib na sibilasyon, Father."
"Ano bang dapat kong gawin para maniwala ka?" tila nagsusumao niyang tanong, parang naiinis na nagmamakaawa.
"Look, you just randomly showed up in my life after that incident. At matagal nanahimik ang buhay ko nang biglang dumating si Maviel para sabihing kapatid ko siya sa labas. Hindi ka ba marunong makaramdam na lahat ng 'to ay pambihira para sa'kin?" tutal, kaming dalawa lang ang nandito, hinayaan kong ilabas ang inis na nararamdaman ko. "Tapos ipagpipilitan mo na sinasapian ang batang 'yon? Ano bang gusto mo, umoo lang ako, gano'n?"
He softened his gaze and he slightly looked away as if he was embarrassed. He looked at me again and almost whispered, "Sorry."
"Please, it's already a burden to think what to do with her—"
"I used to be an Exorcist." Natigilan ako nang sabihin niya 'yon, hindi namimilit ang boses bagkus ay parang gustong magkwento. "Mapalad ako na roon ilagay ng obispo pagkatapos kong ma-ordain bilang pari dahil pangarap ko 'yon. There are only few exorcists in the country, my training was rigorous and I was even sent in Rome to study."
I don't know but there's something that compels me to stay and just listen.
"Katulad n'yong mga doktor, hindi namin basta-basta dina-diagnose ang mga tao kung may sapi ba sila. Dumadaan ang lahat sa tamang proseso, we even consult mental health professionals because most of the time psychological ang problema."
"Kung gano'n ay bakit si Maviel—"
"Iba si Maviel, she immediately manifested the signs of a possessed person—the unusual fast recovery, strength, and when I confronted her last night—she's talking like another person, she even spoke Latin," sabi niya pero parang hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari 'yon kagabi habang wala akong malay.
Hindi ko namalayan ang pag-iling ko nang bigla siyang humakbang palapit sa'kin.
"That's—"
"May mga alam din ang mga demoniacs ng mga impormasyon na alam nating hindi alam ng taong sinapian," at nang sabihin niya 'yon ay naalala ko ang sinabi noon sa'kin ni Maviel. "May sinabi siya sa'yo, hindi ba?" tanong niya nang mapansing napaisip ako.
"I-I don't—"
Walang ano-ano'y isang kakaibang ingay ang narinig namin sa loob ng silid. We both turned, our attention snapping toward the door as we heard a disturbing noise—almost like gurgling and choking.
Sabay naming natulak ang pinto at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Maviel na kinukumbulsyon, umuuga rin ang kama. Her eyes were rolled back, and her lips were moving as if she were trying to speak.
"Shit." I pulled out my phone to call but before I could dial, Hezekiah grabbed my wrist, stopping me.
"No," he said, his voice intense but still calm.
Inis na hinila ko ang kamay mula sa kanya. "She's having a seizure!"
Biglang tinaas ni Maviel ang nanginginig na kamay at may tinuro sa isang direksyon. Her mouth opened wider, her words slurred but insistent.
I froze, my gaze followed her hand to the spot she was pointing. There was nothing there—just an empty space—but the air felt heavy, thick with an oppressive atmosphere that made it hard to breathe. My medical training told me to dismiss it, but my gut churned with something I couldn't explain.
Hindi ko na napansin na humakbang si Hezekiah at nilabas mula sa bulsa ang isang maliit na vial. Lumingon siya sa'kin at sinabing, "There's something more at work here. Let me deal with this."
"We can't ignore the medical side of this," naiiling kong sagot.
"I'm not ignoring it. But right now, I need to act."
But before I could protest further, he faced Maviel and began to pray with authority.
"In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit—" he sprinkled the water over her and Maviel's body jerked violently. Her voice twisted into a low growl but Hezekiah's voice grew louder, more forceful.
"In the name of Jesus Christ, I rebuke you, spirit of darkness!"
Stop him! My radical mind screamed but I remained dumbfounded.
Biglang bumukas ang pinto sa gilid ko at nakita si Doktora Santos na nagulantang din sa naabutang eksena.
"Doc Jael—" saka ako natauhan at akma kong hahawakan si Hezekiah para awatin nang maramdaman ko 'yung pagpigil sa'kin ni Doktora Santos. "H-huwag, Doc!"
"Anong huwag?!" galit kong sabi sa kanya pero may tinuro siya at napatingin ako roon.
Sa pagkakataong 'yon ay natigilan din sa pagsigaw si Hezekiah at pare-parehas kaming natulala nang makitang umangat sa kama ang katawan ni Maviel.
"Jesus!" dinig kong sigaw ni Doktora Santos. "Father, ituloy mo!"
Natauhan din si Hezekiah at muling tinuloy ang dasal.
"In the name of the Lord, I command you, demon! Leave this child! By the blood of Christ, I command you—depart!"
Napanganga lang ako at nakita kong nakataas din ang kamay ni Doktora Santos, umiiyak, at nagdadasal din. Hanggang sa isang mahabang malalim na sigaw ang kumawala kay Maviel bago bumagsak ang katawan sa kama.
Hinihingal na humarap sa'min si Hezekiah, pawis na pawis, at sinabing, "Kailangan natin siyang dalhin sa simbahan."
"No way—" Pero laking gulat ko nang hilahin ni Doktora Santos ang wheelchair sa gilid at lumapit kay Maviel para alisin ang mga nakakabit sa kanya. "What are you doing?!" Pero hindi nila ako pinakinggan.
Muling sumagi sa isip ko ang nasaksihan kanina, lumutang ng ilang dangkal ang katawan ni Maviel sa kama—paano 'yon mapapaliwanag ng siyensiya?
"Jael." Namalayan ko na lang na nakahawak sa magkabilang balikat ko si Hezekiah. "Please, we need your help."
"P-pero..."
"Please, maawa ka sa kapatid mo."
-xxx-
A/N: Ano na kaya ang gagawin ni Doc Jael? Abangan!
https://youtu.be/dqX4fz_XIpg
"𝐅𝐢𝐧𝐚𝐥𝐥𝐲, 𝐛𝐞 𝐬𝐭𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐋𝐨𝐫𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐢𝐧 𝐡𝐢𝐬 𝐦𝐢𝐠𝐡𝐭𝐲 𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫. 𝐏𝐮𝐭 𝐨𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐮𝐥𝐥 𝐚𝐫𝐦𝐨𝐫 𝐨𝐟 𝐆𝐨𝐝, 𝐬𝐨 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐲𝐨𝐮 𝐜𝐚𝐧 𝐭𝐚𝐤𝐞 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝 𝐚𝐠𝐚𝐢𝐧𝐬𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐝𝐞𝐯𝐢𝐥'𝐬 𝐬𝐜𝐡𝐞𝐦𝐞𝐬."
-Ephesians 6:10-11
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top