Sa Susunod Na Habang Buhay

It was raining that day when you handed me an umbrella. I glanced at you, confused. Nakakapagtaka na sa dami ng mga estudyante sa loob ng waiting shed ay sa akin mo pa inalok ang payong.

Maybe because you were mesmerized by my beauty? I don't know.

I didn't take it as I stay away from you. As if you were some pervert or addict guy. I heard you chuckled.

"Ang arte, sya na nga 'yong inaalukan," narinig kong bulong ng mga babae sa tabi ng lalaki.

Tinignan ko sila at inirapan. Kasalanan ko pang maarte ako? Atleast maganda.

At saka, bakit ba sa akin ibinibigay ng lalaki 'yong payong? Pwede namang gamitin nya nalang para makaalis na sya rito. Ano bang tumatakbo sa utak nya? Gusto nyang makita ng ibang babae rito na gentleman sya? Nagpapasikat sya ganon?

Mga lalaki nga naman oo.

Unti-unting nagsi-alisan ang mga taong kasama naming nag-aantay ng sundo sa waiting shed. Hanggang sa kaming dalawa nalang ng lalaki ang natira.

Sa tagal tumila ng ulan ay naiirita na ako. Nagsasalita na ako mag-isa, habang inilalabas ang inis ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ng lalaki. Matalim ko syang tinignan, na para bang kinukulam ko sya sa aking isipan.

Itinikom nya agad ang kanyang bibig at umiwas ng tingin. Mukang natakot.

Huminto ang itim na sasakyan sa harapan namin. Akala ko sundo nya ngunit hindi.

"Miss, alam mo ba kung saan ito?" Lalapit na sana ako para tignan ang address sa maliit na papel na hawak ng lalaking mukang naka-laklak ng ihi ng kabayo, nang pigilan ako ng lalaking may payong.

"Don't," seryoso nyang sabi habang pinagmamasdan ang lalaki.

"Oh sige, ikaw tumingin. Tutal desisyon ka eh," prangka ko.

May sinabi 'yong lalaki sa loob ng sasakyan kaya lumabas 'yong dalawa nyang kasamahan. Nagsuspetsa na kaagad ako dahil iba ang galaw nila. Tumingin sila sa paligid kung may mga tao.

Kinuha ko naman ang pagkakataong 'yon para tumakbo, hawak ang lalaking may-ari ng payong.

We run as fast as we can, wala na akong pakialam kahit basa na kami ng ulan, makalayo lang sa mga taong 'yon.

"Umupo ka rito para walang maka agaw ng pwesto," utos ko sa kanya nang makarating kami sa labas ng 7/11.

Hindi ko na sya inantay pang magsalita. Pumasok na ako sa loob para bumili ng dalawang noodles na naka cup at dalawang slurpee, nang mabayaran ko na ay lumabas na agad ako. Hindi naman kami pwedeng sa loob tumambay dahil basang basa kami ng ulan.

"Oh," I gave him the noodle and slurpee.

"Thank you. How much is this? I'll pay you back." Dudukot na sana sya sa pitaka nya ng pambayad nang pigilan ko sya.

"Hindi na," I said as I start eating.

"What's your name? Base on your uniform, we're schoolmates," nakataas kilay na tanong ko.

"I'm Ian, and you?"

"Hazel."

And that is the beginning of our love story. Kahit nakakairita at prangka akong kausap, tinatawanan mo lang ako. Kahit ang sungit-sungit ko ay pinagtiyatiyagaan mo lang ako. Hindi ko alam kung dahil ba naaawa ka lang sa akin kaya mo ako iniintindi? Because you know where family I came of. I came from a broken family. While you, hindi mo naranasang maabandona.

"Bakit mo nga pala ako inalukan ng payong noon?" I asked him all of a sudden. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit sa akin nya iyon gustong ibigay.

"I have a crush on you, that's why. I don't want you to catch a cold."

Napipilan ako sa sinabi nya. I was surprised. Kumabog bigla ang dibdib ko, kahit wala ako non.

Natawa sya sa naging reaksyon ko. Kaya pinitik nya ang noo ko.

"Don't tell me, crush mo pa rin ako hanggang ngayon?" Nag-init ang pisngi ko at hindi na masyadong makatingin sa kanya.

"Nope. . ." Bahagya akong nakaramdam ng pagkadismaya at kirot.

"I don't have a crush on you. But I built deep feelings for you." He stared at me with so much love and admiration.

Hindi ako nakapagsalita kaagad.

"Hazel. . . Can you also give me the same feeling I feel for you?" umaasang sabi nya.

"We'll see." Ayoko naman syang masaktan kung sasagot ako ng oo tapos wala akong nararamdaman sa kanya. Magiging pilit ang relasyon namin kung sakali at hindi magtatagal.

"I'll stay on your side, while you gradually develop your feelings for me. I won't pressure you, we will still be the same. Nothing can be changed."

Ikaw na yata ang pinaka-perpektong lalaki na nakilala ko. You are the walking green flag. Kaya marami akong kaagaw sayo. But your eyes will still look for my presence. Your gaze were still focused on me, whenever I walk, I talk and do stupid things.

And then finally after a year, I am proudly saying that I am inlove with you. You start courting me until I answer you with yes.

Ang tagal na rin pala natin. Nagsimula lang dati sa pag-alok ng payong, hanggang sa maging tayo.

I still can't believe until now that I am walking on the aisle, papunta sa altar kung saan ka naroroon.

"Sandali! Hazel anak, wala pa si Ian," natatarantang tumakbo papunta sa akin ang Mommy nya.

Unti-unting nawala ang ngiti ko at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Paano pong wala pa? Tinawagan nyo na po ba sya?"

"Hindi sya sumasagot." I can sense her fear.

Kinuha ko ang cellphone sa bag na dala ko at sinubukan syang tawagan. I felt relief nang sinagot nya ang tawag. I was about to say something but the man on the other line spoke first. He's crying.

"My s-son... Hazel, my son is gone. He's dead." Nabitawan ko ang cellphone at tumakbo palabas para magpunta sa bahay nila.

"Hazel, what's happening? Anong sinabi ni Ian?" sumisigaw na tanong sa akin ni Tita habang pilit akong hinahabol.

But I didn't answer. Nagpahatid ako sa bahay nila and to my horror, nakasakay na sya sa ambulansya.

Sumakay ako kasama ni Tito kahit nakasuot ako ng wedding dress. Nang makarating sa hospital ay idiniklara na kaagad syang dead on arrival. I could feel my heart... slowly shattered into tiny pieces. Gumuho ang mundo ko kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko. I can't believe na sa araw pa talaga ng kasal namin.

"Ang sakit. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo ginawa 'yon," I said in between my sobs.

Ngayon ay nasa altar ulit ako. Ngunit nasa harap na ng kabaong mo. As I remember those painful memories, gusto ko nalang magkaroon ng amnesia. It's too painful for me because kung hindi kita nakilala at kung hindi ka pumasok sa buhay ko ay siguro hanggang ngayon, masaya pa rin ako.

Doon mo pa talaga nakuhang sumuko sa araw ng kasal natin?

"Why? Hindi ko maintindihan! Ni hindi ko man lang nalaman na mag-isa kang nagdurusa. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit mo tinago? Bakit hindi mo man lang ako naalalang tawagan para magpaalam man lang?"

Hanggang sa lumipas ang panibagong taon. Hindi ko pa rin masagot ang mga katanungan sa isip ko. Nandito ako ngayon, hinihintay na tumila ang ulan sa dating waiting shed kung saan tayo unang nagkakilala. I am crying right now dahil naaalala ko ang mga panahong 'yon. Wala na akong pake kahit na pinag-uusapan na ako ng mga tao rito.

Ang sakit lang isipin na nauwi sa tragic story ang happy ending na pinangarap ko.

"Miss." May lalaking nag-alok ng panyo sa akin. May nakaburda na Ian sa gilid niyon kaya mas lalo akong naiyak.

"W-Wala akong ginawang masama sa kanya," agad na dipensa ng lalaki sa kanyang sarili dahil pinagtinginan sya.

Siguro sa kabilang buhay, hinihintay nya ako. Siguro doon, masaya na sya. Nakamit na nya ang kapayapaang hinahangad nya. Hindi ko pa alam hanggang ngayon ang sagot sa mga tanong ko pero isa lang ang sigurado ko. Sa susunod na habang buhay... Sya at sya pa rin ang pipiliin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top