Paubaya

I'm one of a thousand woman who thinks that forever doesn't exist. I don't believe in love, because that's bullshit. You'll only hurt yourself. Kaya mo namang mag-isa, you don't need a man in order to be happy in life.

That's what I said back then, noong hindi pa ako pumapasok sa isang relasyon. I don't do boyfriends. I don't have any crushes. I'm the type of girl who focuses studies. Mas busy ako sa pagpapataas ng grades ko kaysa ubusin ang oras sa mga walang kwentang bagay.

Of course I have reasons why I hate the word 'love', why I'm so bitter in life. My Mom and Dad separated when I was in college. We used to be happy back then, not until my father cheated and got the woman pregnant. My Mom and I wasn't enough to fill my Dad's contentment, and I really hate him for that.

He fell out of love at nakahanap sya ng bagong mamahalin na alam nyang panghabang buhay na. That's what he said when my Mom's begging on her knees, huwag lang syang iwan ni Dad, pero hindi pa rin sya nito pinakinggan. Instead, he filed an annulment.

Ako ang mas naapektuhan sa hiwalayan nila. My grades got lower, I'm so stressed and exhausted as hell. Bumagsak ako sa minor and major subjects ko at kailangan ko iyong isummer class or else babalikan ko ulit iyon at hindi ako makakagraduate. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.

"Ganon na lang ba kadali ang lahat sa 'yo, Dad? You're unbelievable. Your reasons are bullshit!" Binalingan ko ng tingin ang babae at dinuro. Inis na inis ako sa pagmumuka nya at sa buong pagkatao nya. Ang kapal ng muka nyang humarap sa Mommy ko at sya pa talaga ang nag-udyok sa Daddy kong magfile ng annulment. "Ikaw babae, gumagana pa ba 'yang utak mo at sa pamilyadong tao ka pa talaga pumatol? Kasing edad lang kita, ah?"

"Divine! You're too much!" galit na sigaw sa akin ni Daddy. I was looking at him unbelievably.

Pinili kong magpakatapang sa harapan ni Mommy para hindi na sya mas masaktan pa.

"Bernardo, I'm begging you, don't leave me, don't leave us. Hindi ko kaya! Please, I will do everything. Tatanggapin ko ang babae mo, 'wag lang ganito." Para akong sinaksak sa dibdib sa paraan ng pagmamakaawa ni Mommy.

Kaya nyang tanggapin ang babae at ang batang nasa sinapupunan nito 'wag lang syang iwan ni Daddy.

But Dad was persistent, gusto nyang pirmahan na agad ni Mommy ang annulment paper para maikasal na sa babae.

Isang buwan din mahigit nang magpasya si Mommy na pirmahan ang annulment. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya nang mga panahong iyon, pero isa lang ang napansin ko, wala nang buhay ang kanyang mga mata at pagod na pagod na.

They were so happy, while us are suffering with so much pain that they caused us. Ang tahanang dati lamang ay sobrang saya, ngayon ay tahimik na at napakalungkot.

Palagi nang nagtatanong sa akin si Mommy kung ano ang naging pagkukulang nya bilang asawa. Ano ang maling nagawa nya para iwan kami ni Dad ng basta-basta.

Ang sakit marinig iyon sa kanya habang umiiyak sya. She's blaming herself, baka raw naging pabaya na syang asawa kaya nagawang mangaliwa ni Daddy. Paulit-ulit kami sa ganon at araw-araw kong pinipilit magpakatatag kahit ako mismo ay durog na durog na. I can't even tell my problems to her dahil ayoko nang dagdagan pa ang iniisip nya.

Kay Rain ko iniiyak ang lahat ng sakit dahil sya lang naman ang nag-iisa kong kaibigan sa school. Nasa tabi ko lang sya habang kinukwento ko sa kanya ang lahat, nakikinig at pinapadama na naiintindihan nya ako. Na hindi nya ako iiwan at kasama ko sya sa laban. And I thanked him for that because it gives me comfort and it calmed me.

"Mom, always remember na wala kang nagawang mali. Hindi ka nagkulang. Sadyang hindi lang nakuntento si Dad. You did your best as a loving mother and wife, and your best was enough," yakap-yakap ko sya habang sya ay umiiyak.

At kung alam ko lang sana na iyon na pala ang huling pagkakataon na mayayakap, makakausap at masisilayan ko sya... Sana hindi na lang ako pumasok nang araw na iyon para bumawi sa grades ko.

Tuwang-tuwa ako nang makauwi sa bahay dahil may maganda akong ibabalita sa kanya. Makakagraduate na ako this year dahil nakahabol ako. Hindi ko alam na ako pala ang mas maso-sorpresa sa madadatnan ko.

My Mom commited suicide. I was so drained, devastated and feeling empty. Pagod na pagod na ako sa pagsubok na bigay ng mundo at gusto ko na lamang din mamahinga para sundan sya.

Umuwi ang Tita ko galing abroad para asikasuhin ang burol ng Mommy ko. Rain contacted her because wala na akong lakas para gawin pa iyon. Hindi na ako makausap ng matino at tulala na lamang, dahil siguro masyado pa akong nabigla at hindi pa tinatanggap ng utak kong wala na talaga sya at hindi ko na makikita pa.

Doon lang ako nagkabuhay nang masilayan ang Daddy ko na kasama ang bago nyang asawa. Bumugso ang galit ko at halos magwala ako dahil alam kong sila lang ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni Mommy.

"Ang kapal ng muka nyong magpakita pa rito! Umalis kayo!" sigaw ko habang umiiyak. "Hindi man lang ba kayo tinubuan ng hiya?" Itinumba ko ang upuan at hinagod ng kamay ang buhok ko.

"Divine, that's enough," pigil sa akin ni Rain.

"Hindi, Rain. Kailangang makarinig ng dalawang 'to." Dinuro ko sila.

"Divine, I'm sorry," nasasaktang hingi ng paumanhin ni Dad.

"Tang ina, sorry? Patay na 'yong Mommy ko ngayon ka lang hihingi ng sorry?! Sige nga, Dad. Sabihin mo sa akin kung ano ang naging pagkukulang ni Mommy, bakit mo ginawa 'yon? Nangako ka sa kanyang mananatili sa tabi nya sa hirap at ginhawa, pero anong ginawa mo? Naghanap ka ng iba!" panunumbat ko pa. Tahimik lang silang mag-asawa habang nakapirmi ng maigi ang labi nya.

"Ano? Masaya ka naman ba?" humina ang boses ko. Halos kapusin na ako ng hininga dahil sa paghikbi.

Hanggang sa mailibing si Mommy, wala syang salitang sinabi. Nakatahimik lang sila kahit na panay ang bato ko ng mga masasakit na salita. Rain was there, all the time, hindi nya ako iniwan. Kasama ko sya noong mga panahong sukong-suko na ako sa buhay, sa paghihinagpis at sa kalungkutan. I was fighting for my life because of depression, and I overcome all of that with Rain's help.

"Vine, you have me. Hindi ka mag-iisa." Iyan ang salitang binitiwan nya na pinanghawakan ko.

Hanggang sa unti unti ko nang nabuo ang sarili ko. Nakakatawa na ako at nakakangiti na nang dahil sa kanya. Right after I recovered, he confessed. Matagal na raw nya akong mahal from the very first time he saw me.

I hesitate first 'cause I'm scared of commitment. Natatakot akong pumasok sa isang relasyon dahil sa nangyari sa parents ko. Baka makahanap din sya ng iba at ipagpalit din ako. Hindi ko kaya.

But he knows me well. Pinaghirapan nyang kunin ang tiwala ko, at sa isang taon na 'yon. Nabuo na ang pasya kong sagutin sya. Hindi naman sya ganon kahirap mahalin, he's so loyal at akala mo makukuha ako ng kung sino sa tuwing hindi nya ako nakikita.

Sa buong tatlong taon naming magkarelasyon ay hindi sya nagbigay ng ikaseselos ko. Syempre may mga times na nag-aaway kami at kahit kasalanan ko ay sya ang humihingi ng sorry, gagawin nya ang lahat mapatawad ko lang sya. Kaya nang magpropose sya ay um-oo kaagad ako. Ipinangako nya sa akin na hinding-hindi mangyayari ang nangyari sa parents ko kaya napanatag ako. Hindi sya magiging katulad ng Tatay ko dahil alam nya at nasaksihan nya kung paano ito naka-apekto sa buong pagkatao ko.

Nagtagal ang pagsasama namin. Napapansin kong palagi na syang late umuwi sa gabi, madalas ay lasing sya pero iniintindi ko at hindi na ako nagtatanong. Hihintayin kong sya ang magpaliwanag at magkwento. One time, hindi sya umuwi. Sobra ang naging pag-aalala ko kaya tinawagan at pinuntahan ko ang lahat ng katrabaho nya pero hindi raw nila alam kung nasaan si Rain dahil maaga raw itong umalis ng office nya.

I have doubts but I set aside it. Iniisip na hindi ganoon ang lalaking pinangakuan ako na hindi ako iiwan at hindi nya gagawin ang pinaka ayoko.

3 years of being in a relationship and 7 years of being happily married he confessed that he cheated.

Once again, ang pusong sya ang bumuo, sya rin pala ang wawasak. Nandon lang ako sa harap nya, pinakikinggan at tinitignan syang sobrang guilty sa nagawa. Wala ng luhang tumulo, maybe because they are already tired for falling many times.

Nakita ko ang pagiging bothered nya sa pananahimik ko.

"Hindi ka ba magagalit? Vine, saktan mo ako, sampalin mo ako o suntukin," he begged.

Instead na gawin ko ang sinabi nya ay kalmado ko lang syang tinanong.

"Masaya ka ba sa ginawa mo?"

"Half of me e-enjoyed her company, that's why I d-did it," mariin akong pumikit sa isinagot nya. Huminga ako ng malalim nang magpa-ulit ulit iyon sa utak ko. Still, I wasn't enough.

"Do you really loved me? O naawa ka lang talaga sa akin noon?" tanong ko pa.

"I really love you, don't doubt that."

"Why did you cheated, then?"

"I don't know. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Maybe because naakit ako?" bahagya akong natawa sa sinabi nya.

"No, it's your choice at ginusto mo 'yan. Kung isang beses mo lang iyong ginawa at hindi mo na inulit, maiintindihan ko pa. Pero 'yong paulit-ulit mong ginawa, knowing na masasaktan ako, hindi na tama. Iniisip ko kung paano mo nasasabing mahal mo ako ng ganon kadali, samantalang may ibang babae kang inu-uwian? Pampalubag loob ba 'yon?"

"Sinasabi ko 'yon dahil iyon ang nararamdaman ko," he pointed out.

"Now, you made the biggest mistake. You only have one choice left. Choose her, 'cause I'm done with all of these shits."

I left him. At lahat na yata ng paraan ay ginawa nya huwag ko lang syang iwan. Pero masyado nang bato ang puso ko para pakinggan pa ang lahat ng paliwanag at panunuyo nya. Simula umpisa pa lang, alam na nya kung ano ang pinagdaanan ko, nasaksihan nya ang lahat but here he is, repeating the same mistake's my father did.

Hindi ako nagkulang. Hindi lang sya nakuntento. Wala sa akin ang problema, nasa kanya. Hindi ako 'yong tipo ng tao na nagbibigay ng second chance, kung mahal nya talaga ako, kusa syang lalayo sa mga tukso. Hindi sya titingin sa iba because he have me. Pinaghirapan nya akong makuha tapos ganon lang pala ang gagawin nya?

No one deserves to be cheated.

This time, I'm choosing a different direction without him. I will set ourselves free. Pinapaubaya ko na ang lahat sa tadhana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top