He's Meant For Someone Else
May mga panahon at pagkakataong ipapamuka sa atin na 'yong taong sobrang mahal natin ngayon ay hindi panghabang panahon. Sabi nga nila, pinagtagpo lang kayo pero hindi itinadhana. Na kahit anong pilit mo, hindi magiging kayo hanggang dulo.
Life is full of surprises. Darating na lang ang araw na makikita mong nasa kamay na sya ng iba sa bilis ng panahon.
I'M just a simple, ordinary girl who sometimes prioritized studies, even though I'm not that smart and talented enough to make my parents proud. Hindi ako tulad ng mga bidang babae sa isang libro. Walang espesyal sa akin kaya siguro wala sa aking nagkakagusto, lalo na 'yong crush ko.
"Kira, si Nox 'yong crush mo!" Automatic kong tinakpan ng libro ang muka dahil sa kahihiyan. Kahit kailan pahamak talaga 'tong si Janelle.
"Sige, isigaw mo pa," iritable kong sabi. Pinanlakihan ko sya ng mata sa sobrang inis at hiya.
"Okay lang 'yan, hindi naman sya tumingin," nangingiting sabi nya.
"Sino 'yong crush ni Kira?" tanong ng mga lalaking walang matinong ambag sa mundo. Mga classmate naming loko-loko.
Pasimple kong kinurot si Janelle sa tagiliran para pigilan syang magsalita. Pero ang gaga, hindi nagpatinag.
"Si Nox." Napasampal ako sa noo dahil sa kahihiyan. Kung minamalas ka nga naman. Minsan hindi rin pala maganda ang pagiging honest ni Janelle.
"Si Nox? Mas tarantado pa samin 'yon eh. Gusto mo pala ng badboy." Humagikgik sila ng tawa. "Hoy, Nox! Crush ka raw neto!" Eto na nga ba ang sinasabi ko. Hindi sila makokonsensya kahit isigaw pa nila 'yan sa maraming tao. Kasi nga, ganyan sila katarantado.
Lumingon sa gawi namin si Nox na bumibili ng ice cream. Wala naman akong narinig na sinabi nya. Hindi rin nya ako nakita dahil nagtago agad ako sa ilalim ng simentong lamesa.
"Tanga wala na, nakaalis na sya." Patuloy pa rin sila sa pagtawa. Ang galing nga ng kaibigan ko e, dahil nakikisabay pa sya sa pantitrip sa akin.
Malakas ang kabog ng dibdib ko nang makalabas sa pinagtataguan. Nalaglag ang panga ko nang makita si Nox sa harapan ko. Nakangisi ang loko habang ang kaibigan ko at ang mga kaklaseng lalaki ay mas lumakas ang hagikgikan. Wala na, nakita na nya ng tuluyan ang muka ko. Nalaman na rin nya na nag-eexist ako sa mundo!
"Oh." Iniabot nya sa akin ang isang cup ng ice cream.
"Yieehh, kukunin nya na 'yan!" pang-aasar nila. Inuudyok nila akong kunin 'yon habang tinutulak ang katawan ko.
Mariin akong napapikit dahil sa ginagawa nila. Mas lalo lang nila akong nilulubog sa kahihiyan. Punyeta talaga! Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang muka ko sa pinaghalong inis at kilig.
"‘Wag ka nang umarte, crush mo na 'yang nagbibigay oh," wika pa nila.
At dahil wala na akong magawa, tinanggap ko na lang ang ice cream at ang katotohanang kilala na nya ako.
"Yun oh! Hahaha, may pag-asa naman ba si Kira sayo, Nox?" At talagang humirit pa sila!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko't palihim kong sinipa ang pasimuno ng lahat. Si Cedric.
"Aray ko, potah!" masama nya akong tinignan sabay hawak sa binti nyang natamaan.
Nakita ko ang pagkibit ng balikat ni Nox kasabay ng pagtalikod nya. Naglakad na sya paalis. Papunta sa room nila.
The next day. Nalaman ko na lang na pinagkalat ni Nox sa lahat ng tropa nya at mga kaklase na may gusto ako sa kanya. Pinagkalat nya rin na ako pala ang chat nang chat sa kanya. Pinagmuka nya akong desperada sa mata ng lahat.
Nakaramdam ako ng kahihiyan dahil sa mga pinaggagawa ko sa kanya. Nagsisi akong chinat pa sya. Bakit nga ba kasi sya pa? Syempre nasaktan ako dahil pwede namang ilihim 'yong mga ganong bagay, bakit kailangan pang ipagmayabang?
"Kira, sorry na, ayos ka lang ba?" Tulala ako buong klase dahil iniisip ko pa rin ang nangyari. Biruin mo, pinag-uusapan lang naman ako ng mga kaklase nya dahil sa lintik na conversation namin! Maging ang grupo ni Cedric ay pinagtatawanan ang mga kaekekan na pinagsasabi ko kay Nox!
"Malamang, hindi ako okay Janelle, hindi ba obvious? Pero keri boom boom lang, atleast nalaman ko na ganon pala ugali ng hinayupak na 'yon," salubong ang kilay na asik ko.
"Hehe, mabuti lang pala 'yong ginawa ko. Tara magmiryenda para lumamig 'yang ulo mo."
"Tinatamad ako. Ikaw nalang." Gusto ko mang sumama kaso makikita ako ng mga chismosa, pag-uusapan lang ulit ako.
"Dadalhan na lang kita ng miryenda," wika nya bago umalis.
Bumuntong hininga ako at dumukdok sa upuan. Iniisip ko pa lang ang muka ng damuhong 'yon ay nanggigigil na ako. Kung dati ay kinikilig ako pero ngayon sukang-suka na ako.
"Hoy!" Hindi ko pinansin 'yung timang na tumawag dahil hindi ko naman alam kung sino ang kakausapin nya.
"Kira," tawag nya sa pangalan ko. Base sa boses nya ay nahulaan ko na kaagad kung sino. Si Ice.
"Oh?" iritable kong sabi dahil sa pagkakaalam ko ay hindi naman kami close.
"Balita ko, binasted ka raw ng crush mo," he said while laughing. Tumuwid ako ng upo mula sa pagkakadukdok at hinarap sya.
"Ano ngayon? Umalis ka nga rito. Sampalin ko kaya 'yang bibig mo?"
"Ang pangit mo kasi e. Jejemon pa 'yang mga suot mo. Try mo kaya magbihis pambabae?" nalaglag ang panga ko sa sinabi nya.
Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaengkwentro ng lalaking ganyan katalas ang bibig. Ang straightforward nya, hindi ko keri. Aware naman ako sa outfit ko. At marami na ring nagsabi sa akin na jejemon nga raw ang mga damit ko, pero ni katiting na pagka-offend ay wala akong naramdaman, sa kanya lang! Tumagos 'yong sinabi nya hanggang atay ko't balunbalunan.
"Nilalait mo ba ako, ha?" pasigaw kong sabi.
"Joke lang. Maganda ka naman, kaso..." Tinignan nya ang suot ko at ang buhok.
"Kaso ano?" hamon ko, pinapakiramdaman ang buhok ko. Pasimple ko pa iyong inamoy, mabango naman, kaso ang dry tignan.
"Para ka kasing hindi babae. Tignan mo nga, buhok ba ng babae 'yan? Buhok mangkukulam na 'yan e," panlalait nya pa.
"Namumuro ka na ah?"
"You want me to teach you how to dress properly?" natawa ako sa gusto nyang mangyari. Of all people, why pick me? At saka, bakit ngayon lang?
"Anong nakain mo?" nagsususpetsa kong tanong.
"Nothing, I'm just bored." Nagkibit sya ng balikat.
"At ako ang nakita mong mapaglilibangan ganon?" taas kilay na tanong ko.
"Why not?"
"Okay, wala naman sigurong mawawala."
Marahas nyang tinanggal ang pagkaka pony ng buhok ko.
"Aray ko ha?" pag-iinarte ko. Nagsalubong ang kilay nya at nilagay ang daliri sa kanyang labi, animo'y nag-iisip.
"Ano ba 'yan. Ang pangit mo pa rin!" Pigilan nyo 'ko sasapakin ko na 'to.
"Eh kung dibdiban kaya kita dyan?" iritable kong singhal saka sya sinapak sa braso.
"May mga damit ka bang matino? Try mong isuot 'yon bukas. 'Tsaka, magsuot ka ng fitted pants. Muka kang rapper sa suot mo. Do you have a curler? Tingin ko magmumuka kang tao kapag kinulot ng bahagya 'yang buhok mo." Nakangiwi nya akong tinignan mula ulo hanggang paa.
"Sigurado ka sa sinasabi mo?" May pagdududang kuwestyon ko.
"Muka ba akong nagbibiro?" Yes, muka kasi syang gago kaya naninigurado lang ako.
"I suggest, blouse and jeans for tomorrow. And, try putting some make up, light as possible." Nagtaas baba ang kilay nya.
Parehas kaming napatingin kay Janelle na pumasok ng room. Dumako agad ang gulat nyang tingin sa amin ni Ice.
Humila sya ng upuan at umupo sa harapan namin.
"Anong meron?" nakangiti nyang tanong.
"None of your business." Hinablot ni Ice ang pagkain kay Janelle.
"Ehh! Para kay Kira 'yan!"
Hindi sya nagsalita at tinalikuran na kami.
Tumikhim ako bago alanganing tumingin kay Janelle. "Pangit ba ako?" Ngumiti ako at nagpa-cute.
Naibuga ni Ice ang kinakain sa tinanong ko. Tumawa sya na parang wala nang bukas. Ang hina ng pagkakatanong ko pero narinig nya pa rin!
"What the hell?! You're funny!" si Ice. Sinamaan ko sya ng tingin pero hindi natinag ang loko.
"Sinong nagsabi na pangit ka?" kunot noong tanong ni Janelle. "I mean... Oo, p-pangit ka pero sinong nagsabi?"
Mas lalong humagalpak ng tawa si Ice sa sinabi ng kaibigan ko. Sa inis ko ay binato ko sya ng notebook. Sinimangutan ko si Janelle na hanggang ngayon ay nagtatanong pa rin kung sino ang nagsabi.
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para maghanap ng isusuot. Luckily, mayroon akong mga damit pambabae. Inumpisahan kong maglagay ng make up pagkatapos kong magbihis. Hindi ako eksperto kaya nanood ako sa youtube. Nang matapos ay kinulot ko ang buhok ko. Nagkanda paso-paso pa ang kamay ko dahil don.
Nang tignan ko ang kabuuan ko sa salamin ay napanganga na lamang ako.
Huminga ako nang malalim bago nagpasyang pumasok sa gate ng school. Marami agad ang napatingin sa akin.
"Ano 'yan? Nagpaganda para isipin nyang sya ngayon 'yung sinayang ni Nox?" Rinig kong usapan ng mga kaklase ni Nox.
Kadiri naman sila. Ako nga nakamove on na sa nangyari pero sila hindi pa. Inyo na 'yang Nox nyo.
Inirapan ko lang sila at ni-flipped ang buhok. Maglalakad na sana ulit ako nang muntik akong masubsob sa simento dahil sa lakas ng impact ng pagkakaakbay sa akin ni Ice.
"Pucha! Ang bigat ng kamay mo!" singhal ko.
Ngumisi sya at pinakatitigan akong mabuti.
"Muntik kitang hindi makilala ah?"
"Talaga? Kung ganon, effective 'tong turo mo," nakangiti kong sabi.
Sa sobrang distracted ko sa usapan namin ni Ice ay hindi ko namalayang nakasalubong namin sa daan si Nox.
Ganoon palagi ang tagpo namin. Ice will wait for me on the gate, and we will go together to our classroom. Hindi naman pala sya nakakainis kakwentuhan at kasama.
"Try mong sumali sa mga pageants, mas mahahasa ka roon," suhestiyon nya.
Kaya noong nagkaroon ng event sa school ay ako ang pinagtulakan nyang lumaban. He was there, all the time. Napapangiti at napapatawa nya ako kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa nya. Ngumiti lang sya ay napapangiti na rin ako.
It's not that hard to fall for him. Pakiramdam ko nga ay mas malalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya kaysa sa naramdaman ko kay Nox.
Natalo ako sa sinalihang pageant pero ni-celebrate pa rin nya dahil natuto ako at naging confident.
I get that he's not a showy person, pero hindi sya sumasablay sa pagpaparamdam sa akin na special ako, kaya nahulog ako. He's tall, smart and freaking handsome. Parang kasalanan yatang magkagusto sa kanya kaya sa abot ng makakaya ko ay tinatago ko ang nararamdaman ko. Which is hard, dahil hindi lang naman ako ang nagkakagusto sa kanya. Nakakatakot na baka isang araw ay makuha sya sa akin kahit hindi naman talaga sya sa akin.
We are just friend. Nothing more, nothing less.
I am nothing compare to our president. Matalino sya, parehas sila ni Ice. Hindi ito pumalya ng pagpaparamdam kay Ice na gusto nya ito. Pero ganon pa man ay nakiki-epal pa rin ako.
"Si Ice mismo ang nagsabi na hindi sya interisado kay president. Narinig ko kasi ang pag-uusap nila nung isang araw. Umamin si president pero binasted ni Ice," chismis ni Janelle.
Doon lang ako napanatag at nakahinga ng maluwag.
Nagliligpit na ako ng gamit ko nang puntahan ako ni Ice sa upuan ko.
"Kira, are you going home straight after the class?" Hindi sya makatingin ng diretso sa mata ko. Kumabog ang dibdib ko sa kaba at excitement.
"Hindi naman, bakit?" nakangiti kong tanong.
"Sabay tayo, I have something to tell you." Pagkasabi nya yan ay umalis din agad sya.
Ngayon lang ako ninerbyos ng bongga. Kinakabahan ako sa kung ano ang sasabihin nya. Aamin na kaya syang may gusto sa akin? Ay, ang assuming ko sa part na 'to. Kalma, Kira.
Gaya nang usapan ay magkasabay kaming lumabas. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya nanatili akong tahimik. Nagsisidaanan ang mga tric sa gilid ko kaya pumagilid pa ako. Sanay naman ako na super close kaming dalawa ni Ice dati pa man pero ibang level na kasi ngayon. May gusto na ako sa kanya at kahit pagdikit lang ng balat ko sa balat nya ay iba na ang epekto sa akin.
Nagulat na lamang ako nang pagpalitin nya ang pwesto namin. At para mabawasan ang awkwardness sa pagitan namin ay tumikhim ako at nagsalita.
"Ano nga pala 'yong sasabihin mo?" Tinignan ko sya.
"Kira! Halika na, sumabay kana sa aming umuwi. Wala ka nang masasakyan mamaya." Sigaw ng pinsan ko mula sa malayo. Napangiwi ako, gabi na rin kasi at mahihirapan talaga akong maghanap ng masasakyan mayamaya.
"Sige na, sumabay kana. Bukas ko nalang sasabihin."
Naghintay akong sabihin nya iyon kinabukasan pero wala. Ayoko namang itanong ulit sa kanya dahil baka isipin nya ang desperada ko.
"What's with your look? Come here, let me fix your hair." Nasa labas kami ng room nakatambay. Lumapit ako sa kanya saka tumalikod para mapony nya ng maayos ang buhok ko.
He braid my hair. Pinipigilan ko ang ngiti ko dahil sa ginagawa nya.
"Marunong ka pala nito?"
"I watched videos on youtube, para mai-apply ko sayo. Boplaks ka pa namang mag-ayos ng buhok." Hindi ko na napigilan ang ngiti ko.
Napawi lang yon nang makita kami ni Nox. Inirapan ko sya at nagfocus na lamang sa pagka-usap kay Ice.
"Uy Ice, marunong ka pala nyan? Ayusin mo rin ang buhok ko," kumunot ang noo ko sa sinabi ni Angel.
Isa rin sya sa nagkakagusto kay Ice. At hindi lang sya basta-basta dahil pinapangalandakan talaga nyang gusto nya ang lalaki.
"Ayoko nga," masungit na wika ni Ice.
Natawa ako nang sumimangot si Angel saka nagpapadyak na umalis.
It was my birthday when he gave me a simple but meaningful gift. A wristwatch. A chocolate and a chuckie. Iyon na yata ang pinakamasayang birthday sa buong buhay ko.
"Kira, nakakahalata na ako ah? Anong meron sa inyo ni Ice?" tanong ni Janelle nang minsang hiramin ni Ice ang phone ko para maglaro ng clash of clans.
"Huh? Wala."
"Talaga? Eh daig nyo pa mag jowa, teh."
"Wala nga." Wala naman kasi talaga, anong magagawa ko?
Lumabas kaming tatlo para magmiryenda. Dumaan si Nox sa harapan namin kaya hinampas ako ni Janelle.
"Si Nox, yung crush mo!"
"Tumigil ka nga, ang tagal ko nang walang gusto dyan!" iritable kong sabi saka tinignan si Ice na nakatingin din pala sa akin.
Tumikhim sya saka nagsalita.
"Kilala nyo ba si Lian? Reto nyo nga ako don." Napilitan akong ngumiti sa sinabi nya. Seryoso ba sya?
Hanggang sa dumating 'yung araw, nagising na lang ako na hindi na kami nagkakasama. Napabarkada sya at palaging wala sa klase. Napabayaan nya rin ang grades nya, kaya inis na inis ako sa kanya. Isa pa, kapag late syang pumapasok ay hindi na nya ako pinapansin o kaya ay kinakausap man lang. Sa sobrang inis ko ay pinatago ko kay Janelle ang regalo nyang relo. Naging padalos dalos ang desisyon ko dahil galit ako.
Nasaktan kasi ako at hindi alam ang gagawin. What did I do wrong? May nagawa ba akong mali na hindi nya nagustuhan? Na offend ko ba sya?
Nag overthink ako at sinisi ang sarili. Dapat ba, umamin nalang ako dati pa?
Dahil nagmatigas din ako ay hindi ko rin sya pinansin. Hindi ko sya kinausap, kahit ang bigat bigat ng loob ko. Namimiss ko yung kakulitan nya at ilang beses kong hiniling na bumalik kami sa dati.
At nang hindi ko na natiis ay nagchat na ako sa kanya. Tinanong ko kung may problema ba sya, bakit ganon ang trato nya sa akin. Sinagot nya naman na wala lang. Nagkausap ulit kami ngunit pakiramdam ko ay may harang nang pumapagitna sa amin. Hindi na kami tulad ng dati at mukang hindi na maibabalik ang dati.
Wala na akong magawa at tanging alaala na lang ang nanatili. Which is nawala pa. Nang kunin ko kay Janelle ang relo ay umamin syang nawala ito. Sana pala tinago ko nalang iyon, I regret it so much. Iyon na lang ang tanging alaala nya na maiiwan sa akin ay nawala pa. Sana pala ni-treasure ko iyon gaya ng pagtreasure ko sa kanya.
Until the day we graduated. We remain as friends. Nothing more, nothing less.
Umalis sya ng probinsya para mag-aral ng kolehiyo sa Manila. And there, he fell in love with another girl. Doon, naging matino sya at natigil ang pagiging babaero at pagbubulakbol.
And now, kaya siguro ganon na lamang ako naging dakilang keeper ay dahil sa nangyari. Everytime I received a gift from people na mahalaga sa akin ay itinitreasure ko na, kahit na anong galit ang bumalot sa akin. He taught me so many things in life.
At kahit ganoon ay nandoon pa rin ang regret. What if umamin ako sa kanya noon? May pag-asa kayang maging kami kahit sa maikling panahon?
Pero kaya siguro hindi ipinahintulot ng tadhana na hindi kami magkatuluyan ay dahil he's not meant for me, because he is meant for someone else. Someone better and deserving of his love.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top