Kabanata 4
🅼🆈🅲🅰
Nakarating kami sa nurse station na saktong nag-ring yun bell at nagsilabasan ang mga estudyante. Natigilan ang ilan sa paglalakad, especially ang mga girls na nakatingin sa amin.
"Sino yan?"
"Bakit niya yan kasama?"
"Tignan mo naman! Ang arte! Nakaalalay pa sa kaniya!"
Rinig ko ang mga bulungan nila. Naniningkit na mga matang tinignan ko sila.
"Ang laki naman ng mata niyan! Nakasalamin pa!" Sabi nung isa at nagsitawanan sila.
"You can let me go now."
Hindi na ako masyadong nahihilo pero masakit at kumikirot pa rin ang noo ko. Malamang bukas mamamaga 'to at magkakaroon ng bukol.
"Baka matumba ka na naman at konsensiya ko pa kapag nangyari yun. Malapit na rin naman na tayo." Halata sa boses niya ang pagkairita sa akin na medyo humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Hindi na lang ako umimik pa. Inirapan ko na lang yun mga babaeng nakatingin sa akin. Tinaasan nila ako ng kilay at yun iba ay nagf*ck you sign pa sa akin. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nila, haharapin ko sana sila pero tinalikuran na nila ako at nagsimulang maglakad papalayo sa amin.
May araw din kayo saken!
Nang makapasok kami sa nurse station, pinaupo niya ako sa isa sa mga bed na nandoon then may lumapit na babae sa amin.
"Anong nangyari sa kaniya Hero?"
"Eh, ma'am natamaan po kasi siya ng bola sa noo."
I scoff when I heard his name.
Hero?
Bigla akong natawa ng malakas nang hindi sinasadya at nagkatinginan silang dalawa saken. Hindi ko mapigilan ang tawa ko kaya napahiga ako sa kama sa kakatawa. Naalala ko kasi kanina na sinabi ko na, Hero ba siya?
And it's exactly what his name was!
Manghuhula na pala ako ngayon!
Napaluha na ako sa kakatawa.
"I'm so sorry. I just can't help it!" I said while still laughing and lifting myself to sit.
Napakamot sa ulo si Hero then shrugged his shoulders sa babae na nurse and at the same time teacher siguro dito.
"Mukhang masama ata tama nung bola sakaniya ma'am" Then he turns to look at me and then back to the nurse "Kayo na po ang bahala ma'am, I need to go back to the field." Tinanguan siya nung nurse atsaka naglakad na palabas na hindi man lang ako nilingon.
Tsk. Thank you ha? Hero?!
Tumayo na din ako sa kama at lalabas na din sana pero pinigilan ako nung nurse.
"Dito ka lang, I need to check you first." Sabi niya at pinaupo niya akong muli sa kama. "Ako nga pala ang namamahala dito sa station. My name is Joy." Nginitian niya ako atsaka tinungo ang table niya na may kinuhang mga gamit to check up on me but I didn't bother to look at what she's doing bagkus tinuon ko ang atensiyon ko sa labas. The students walking past the station, some of them napapasulyap sa gawi ko but once they see me iniirapan nila ako.
I don't know why? Ni hindi nga nila ako kilala at mas lalong hindi ko sila kilala! Kaya naman tinatarayan ko din sila ng tingin.
"Mukhang hindi okay ang pagkakatama ng bola sa noo mo" sabi ni nurse Joy sa akin na may pinapahid sa noo ko dahilan para mapaatras ako at umaray "You should go home and rest and take this with you." Bumalik siya sa table niya at may ibinigay sa akin, "Drink this medicine after meal and before you go to bed and this cream, ipahid mo sa area kung saan tumama yun bola para mabawasan ang pagkabukol at pasa niyan bukas" sabay abot niyon sa akin. "Don't worry about you class today ipagpapaalam na lang kita. By the way your name is...?"
"Myca-" ay mali! Buti na lang at napigilan ko pa ang bibig ko. Naalala ko, nagpapanggap nga pala ako. Napabuntong hininga ako at walang ganang binigkas ko ang pangalan "Gloria" sabay tayo ko sa kama.
Tinititigan lang ako ni nurse Joy na tila naghihintay pa sa sasabihin ko.
"Gloria. Gloria Molero."
"Okay, Gloria Molero. It's a bit sad at sa ganito pa tayo nagkakilala, as much as possible ayokong may estudyanteng nasasaktan or nagkakasakit or pumupunta dito sa station na may hindi magandang nangyari but anyways hindi naman iyon maiiwasan. Just next time be extra careful." Nginitian niya ako at inayos ang salamin ko, "Nice meeting you. You can go home now at bukas ka na lang pumasok."
Tinanguan ko na lang siya at lumabas na. Biglang nag-vibrate ang phone ko, signaling that I have a text message so I took it out of my pocket. I look at my phone's screen while walking out of the nurse station.
Your first day in school and look what you did. Tomorrow you better not mess around!
Kumunot ang noo ko sa nabasa ko at nilinga-linga ko ang paligid then stared back at my phone. How does tita Divine know what happens to me? Napailing na lang ako sa sarili.
Hay naku malamang may tauhan yun na nagmamatiyag saken. Bakit ba nagtataka pa ako, eh lahat naman walang imposible sa kaniya.
I was about to put my phone back in my pocket ng biglang may bumundol sa balikat ko dahilan para mabitawan ko ito at mahulog.
"What the hell?" Galit kong nilingon kung sinong bumangga saken.
"Haharang-harang ka kasi!" Sigaw nung babae sa aken at nagsitawanan yun mga kasama niya pati na rin mga nasa paligid.
"Are you blind? Ang luwang ng daanan bakit kailangan mo pa akong bungguin?"
"Ikaw ang bulag!" Humakbang siya palapit saken "Ikaw tong nagbabasa diyan sa bulok mong selpon habang naglalakad!" Dinuro-duro niya ang noo ko hanggang sa napaatras ako dahil sa sakit ng pagkakaturo ng daliri niya sa noo ko kung saan ako natamaan ng bola kanina. "Sa susunod tumabi ka! Know your place!" Bulyaw niya sa mukha ko na feeling ko natalsikan pa ako ng kadiri niyang laway.
Tinalikuran na niya ako at sinipa pa papalayo yun phone ko bago siya tuluyang naglakad. Susugurin ko sana siya kaso natigilan ako ng malalakas na tawanan sa paligid ko. Nakatingin silang lahat sa akin na tumatawa at nagbubulungan.
"What?!" Iritang sigaw ko sakanila.
"Hmp!" Sabi nung isa sabay talikod.
"Freak!"
"Loser!"
"Panget!!"
At sabay-sabay silang nagsialisan.
Anong meron sa mga kumag na 'to? Sila nga yung freak! Loser at panget!
Ang weird ng mga 'to!
Dinampot ko na lang yun phone ko at nagmadali na akong makalabas sa weird na eskwelahan na 'to. Buti na lang at makakauwi ako ng maaga.
Humanda sila saken bukas! I am going to show them who is the loser!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top