Prologue: Where Do I Begin
(Just play the theme song for this chapter)
Balwarte, Unang Bayan
El Paradiso
“Lolo, sino po siya?” tanong ng walong taong gulang na si Ellie ng makitang may kausap si Ralph Cheung na babae sa opisina nito sa Balwarte.
Si Ralph Cheung,ang lolo ni Ellie. Bilyonaryo ito sa murang edad pa lang. Napalago nito ang negosyo hanggang sa makapagpatayo ito hanggang sa ibang bansa. Tinitingala ito ng lahat sa husay at galing nito sa paghawak ng negosyo at pamilya.
"Apo..." napapikit na sabi ni Ralph kay Ellie ng pumasok ito ng biglaan sa opisina niya.
Nakaupo si Ralph sa silya nito habang ang babae ay nakatayo sa harapan ng mesa ni Ralph.
“Ahhhmm,” napatikhim na sabi ni Ralph at napatingin ito sa babae saka muli bumaling kay Ellie.
Napatingin ang babae kay Ellie. At sinuri ng babae si Ellie sa isip. Ang batang nasa harapan niya ay tsinita, may maamong mukha, kahit walong taong gulang pa lang ito makikita mo ng kakaiba ang bata. Ang tinig nito ay malambing. Namumula ang mukha nito dala marahil sa init ng araw, may mahabang buhok na halatang malambot ito at mabango. Umuusbong na rin ang maliit na dibdib ng bata dahil halata ang baby bra nito sa loob ng dress na suot nito. Ang nakatayo sa harapan niya ay ang perpektong kombinasyon ng dugo ng mga Tuazon at Cheung.
“Kaibigan ko siya.” seryosong sabi ni Ralph sa apong si Ellie.
Napatingin si Ellie sa babae. Hindi naman katangkaran ang babae, kasing edad ng Momy niya kung titingnan. Maganda ang babae, petit ang pangangatawan, mapusyaw ang kulay ng balat. Nasa gitna ng maputi at kayumanggi. Nakasuot ng jeans ang babae at t-shirt na halatang hindi naman kamahalan.
“Kaibigan po? Ang bata po naman ng kaibigan niyo.” nakangiting sabi ni Ellie at tumingin ito sa babae na nakatitig sa kanya.
“….lolo puwede ko rin po siya maging kaibigan?” pagpapatuloy na tanong ni Ellie kay Ralph.
“Hindi mo siya puwedeng maging kaibigan.” seryosong sabi ni Ralph at lumapit ito kay Ellie
“Bakit po?” inosenteng tanong ni Ellie sabay tingin sa babae.
“Bakit ka nandito apo?” tanong ni Ralph kay Ellie na hindi sinagot ang tanong nito.
Napatingin si Ellie sa pinto, ng biglang marinig niya ang pag-lock ng pintuan ng opisina ng lolo niya.
“Wala sila kuya Ice at Kuya Rain kasama po ni dady sa Hotel, kaya isinama po ako dito ni lola Me….” udlot na sabi ni Ellie ng biglang yumuko ng bahagya si Ralph at tiningnan siya.
“Nandiyan ang lola mo?” tanong ni Ralph.
“Opo.” nakangiting sabi ni Ellie sa lolo niya at napatingin ito muli sa babae na nakatitig lang sa kanya mula pa kanina.
“Apo, puwede ka ba magtago ng secret?” nakangiting sabi ni Ralph.
“Opo naman lolo.”.nakangiting malambing na sabi ni Ellie.
“Wala kang nakita at hindi mo siya kilala.” sabi ni Ralph kay Ellie sabay turo sa babae.
“Hindi ko po siya kilala?” nagtatakang tanong ni Ellie at tumingin ito sa babae.
“…bakit naman po? Saka…”.sabi ni Ellie at kumawala ito sa pagkakahawak ni Ralph sa braso niya at lumapit sa babae.
“….ako po si Ellie.” nakangiting sabi ni Ellie sa babae.
“Ellie!”
Napatingin ang tatlo ng marinig ang tawag mula sa labas. Hindi pa soundproof ang opisina ni Ralph dahil ginagawa pa ang parteng iyon ng gusali sa Balwarte.
“Si lola.” nakangiting sabi ni Ellie pero akmang tatakbo ito sa pintuan para puntahan ang lola niya ng bigla itong hawakan ng babae sa kamay.
“Po?” tanong ni Ellie sa babae.
“Umalis ka na.” sabi ni Ralph sa babae na lalo ipinagtaka ng batang si Ellie.
“Paano siya?” tanong ng babae kay Ralph ng mapatingin uli ang babae kay Ellie.
“Ako ng bahala sa kanya. Umalis ka na.” sabi ni Ralph at nilapitan nito ang babae.
Nakamasid lang ang batang si Ellie sa dalawa at nagtaka siya dahil sa lagusan ng opisina lumabas ang babae.
Ilang sandali pa ng balingan ni Ralph si Ellie at kinarga nito ang apo.
“Wala kang nakita. Tayo lang ang nandito.” masuyong sabi ni Ralph kay Ellie.
“Pero lolo may mata ako.” sabi ni Ellie.
“Hahaha." napatawang sabi ni Ralph sa sinabi ni Ellie at muli ito nagsalita habang nakatitig kay Ellie.
"Minsan kailangan mong isara ang mga mata mo at maging bulag para maging payapa ang lahat.
Minsan kailangan mo itikom o isara ang bibig mo para hindi ka masakit.
At minsan kailangan mong maging binge para hindi marinig ang talim ng mga maririnig mo.” makahulugang sabi ni Ralph na ikinatitig ng batang si Ellie kay Ralph.
“Minsan kailangan po maging manhid ako para hindi ko po maramdaman ang kirot.
Tama po ba?” tanong ni Ellie kay Ralph.
“Oo.” nakangiting sabi ni Ralph at niyakap nito si Ellie.
“Bakit pa tayo nabuhay kung lahat ay hindi natin magagamit ng tama?” tanong ni Ellie habang nakatitig ito sa lolo niya.
“Kasi minsan ikaw ang mali at maitatama mo ang lahat kapag naunawaan mo,
....na hindi lahat ng bagay ay kailangan gamitin ng wasto sa paraan ng paggamit nito.” makahulugang sabi ni Ralph.
“Kapag nagkamali po ba ang isang tao, maitatama niya po ba ang lahat?”tanong ni Ellie.
“Oo naman. Pero hindi niya maaalis ang pilat ng pagkakamali niya.” sabi ni Ralph.
“Kapag nagkamali po ako at hindi ko man po maalis ang bakas pipintahan ko naman iyon ng magandang panimula.
Iyon po ang kahalagahan ng art sa mundo.” sabi ni Ellie na ikinangiti ni Ralph.
“Alam kong mabait kang bata, at sa paglaki mo...
.... kahit sa tingin mo naibigay mo na ang lahat, hindi mo maiiwasan ang masaktan.
Pero tandaan mo, sa lahat ng sakit na mararamdaman mo magiging dahilan iyon para maging matapang ka lalo.” sabi ni Ralph.
“Ellie, nandiyan ka lang pala, apo.” bungad ni Menchie ang lola ni Ellie na asawa ni Ralph.
“Opo lola mag date po tayo ni Lolo Ralph.” nakangiting sabi ni Ellie.
“Sige.” sabi ni Menchie at tiningnan nito si Ralph na napangiti sa kanya.
“Lola, kiss kayo ni lolo parang sila momy at dady.” sabi ni Ellie.
“Ay sus! Ang momy at dady mo, ganoon talaga ka-sweet kahit noong mga bata pa sila.
Kami ng lolo mo ay.... hahaha
....katatanda na namin.”natatawang sabi ni Menchie.
“Pagbigyan mo na.” nakangiting sabi ni Ralph.
Lumapit si Ralph kay Menchie at niyakap ito saka dinampian ng halik sa labi.
“Ang sweet.” nakangiting sabi ni Ellie habang karga pa rin ito ni Ralph.
“Hahaha, lokong bata ka. Halika na nga.” natatawang sabi ni Menchie habang hawak ito sa kamay ni Ralph.
March 31, 2021 9.02am
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top