Kabanata 17 : 2 plus 1
(Just play the theme song for this chapter)
Weeks later
“Sino kaya iyon?” tanong ni Ellie sa sarili.
Kanina pa si Ellie sa labas ng site at tama ang sinabi ng mga kapatid niya noong mga nakaraang araw na nakasarado nga ang site na ginagawa. May inilagay pa kasi na malaking harang na tila gate sa palibot ng site.
"Ilang araw na siya diyan." sabi ni Ellie sa isip.
Hindi pa rin umuuwi si Orion. May nakapagsabi sa kanya na sa site ito natutulog.
“Pinapasok siya.” sabi ni Ellie sa sarili.
Nasa tagong mga puno siya at nagmamanman sa labas ng site. Mataas ang harang nun kaya hindi niya makita ang loob. Isa pa may isang babaeng pinapasok at maganda at seksi iyon na nakaagaw ng atensyon ni Ellie.
“Ano kaya ang nangyayari sa loob.” sabi ni Ellie sa isip.
May nakapagsabi sa kanya na kahit gabi may gumagawa sa naturang gusali.
Bente kuwatro oras ang paggawa. Pero kahit sino sa grupo hindi pinapapasok doon kahit nga ang kapatid o magulang ni Orion ay hindi nakakapasok sa naturang construction site.
“Kailangan ko makapasok? Pero paano?” sabi ni Ellie sa isip sabay tingin sa tiyan niya na malaki na.
“Aiisssst, baka may babae na siya sa loob at baka may anak siyang magawa doon.
Site Valiente.
Aissst! Ang pangit ng pangalan buweset.” natawang sabi ni Ellie habang nakatutok sa ginagawang konstruksiyon.
Kita naman mula sa labas ang ikalimang palapag na gusali na ilang linggo lang ay nagawa.
Ang inaasahan ngang dalawang gusali lang ay naging tatlo na ipinagtataka niya.
“Ilang milyong piso kaya ang ginastos niya.” sabi ni Ellie sa sarili.
Curious talaga siya sa presyo ng lugar na iyon dahil malaki ang sakop.
Ilang sandali pa nang sa pagmamanman ni Ellie may isa pang grupo ng mga kababaihan ang pumasok na nakasakay naman sa isang van na hindi naman tinted.
“Ang gaganda ng mga iyon.”.sabi ni Ellie ng makita ang mga babae na nagtatawanan pa.
“Langyang Orion ito, baka cabaret ang ginagawa nito.” sabi ni Ellie sa isip ng makaramdamn ng selos sa naiisip habang nakatingin sa mga babaeng pumapasok sa loob ng site.
“Matawagan nga.” sabi ni Ellie at kinuha nito ang cellphone.
Ilang linggo na rin niyang hindi nakikita ang asawa at matatapos na nga ang isang buwan niya sa Hotel. Pero tulad ng inaasahan napatakbo niya iyon ng maayos.
“Nagriring lang.” sabi ni Ellie at hinaplos nito ang tiyan.
……………….
Kanina pa nakatingin si Orion sa isang kotse na nasa labas ng site, at alam niyang ang asawa niya iyon.
Nasa likuran si Orion nito at kung nagtatago ito ganoon din siya dahil ilang minuto lang naman ang pagitan ng pagdating niya.
Nakamotor kasi si Orion kaya hindi rin alintana ni Ellie na isa sa mga dumadaan na motor ay siya dahil mumurahin lang naman ang motor na gamit niya.
“Sige magmanman ka pa.” sabi ni Orion sa isip at napangisi ito ng makitang binuksan ng bahagya ni Ellie ang bintana nito kaya nakikita na niya ang asawa mula sa labas.
“Ilang oras ka pa kaya diyan.” sabi ni Orion. Hindi siya puwede magpakita dahil malalaman nito na gumagamit siya ng mumurahing motor at hindi na niya masusundan ito ng palihim.
Ilang araw na rin niyang hindi nayayakap si Ellie, nakikita naman niya ito sa malayo at lumaki nga lalo ang tiyan nito. Kinakamusta rin niya ito kay Autumn na madalas din na palihim na pumupunta sa site.
Ilang sandali lang ng makaisip ng paraan si Orion para paalisin si Ellie roon. Kailangan na kasi siya sa loob ng site.
Nakakita ng bato si Orion at binato nito ang kotse ni Ellie.
“Ayyy sino iyon?” sabi ni Ellie at tiningnan nito ang pinanggalingan ng bumato sa kotse niya.
“Loko iyon ha.” sabi ni Ellie at lumabas ito ng kotse para tingnan ang kotse niya.
Nang napamura si Ellie ng makitang nagasgasan ang kotse niyang mamahalin.
“Grabe, may loko-loko pa pala sa isla. Ang mahal pa naman nito.” inis na sabi ni Ellie at pinunasan nito ng laylayan ng maternity dress ang gasgas ng kotse.
“Aiiiisssst, bumaba pa talaga.” sabi ni Orion ng bigla siyang napangiti ng makita ang tiyan ng asawa.
“Ilang buwan na lang manganganak ka na at sa buwan na iyon nakatayo na ang emperyong binubuo ko na tatalo sa Cheung Corp.” sabi ni Orion sa sarili.
“Ang init naman.” sabi ni Ellie at mula sa kotse kinuha nito ang carrot juice na may buo-buo pang carrots na ikinatawa ni Orion ng palihim.
“Walang keso?” tanong ni Orion sa sarili ng makitang tinungga ni Ellie ang Carrot Juice nito.
“Keso?” sabi ni Ellie sa isip at mula sa kotse kinuha nito ang keso at kinain iyon kahit walang tinapay.
“Hahaha, kaunti na lang maipapakita ko na sayo ang para sa akin.” sabi ni Orion ng biglang napatitig ito ng biglang kinuha ni Ellie ang cellphone nito at sinagot iyon kaya lumapit pa ng bahagya si Orion ng tumalikod si Ellie para sagutin ang tawag.
……………….
“Ikaw na naman.” nakangising sabi ni Ellie ng masagot ang tawag ng nagpalit na naman na number ni Doc Hynes.
“Magkita naman tayo.” sabi ng doctor sa kabilang linya.
“Aiisssst, buntis na ako Hynes. Susme naman tantanan mo na ako.” sabi ni Ellie at napahimas pa ito sa tiyan na ikinakunot ng noo ni Orion ng marinig ang sinabi ni Ellie.
“Aalis na ako, kaya ngayon na lang tayo magkikita.” sabi ni Hynes kay Ellie.
“Hynes naman.” naiinis ng sabi ni Ellie na tila walang kapaguran ang doctor sa kanya.
At kung tutuusin hindi lang naman ito ang makulit at minsan nga naiisip niya marahil sa mana niya kaya ganito ang mga lalaki sa kakalapit sa kanya.
“Please Ellie.” sabi ni Hynes.
“Sige isang beses na lang tapos aalis ka na di ba?” sabi ni Ellie na ikinatiim ng bagang ni Orion.
“Oo.” sabi ni Hynes.
“O….” putol na sabi ni Ellie ng may humablot ng cellphone niya.
“Magnanakaw!!!!!" sigaw ni Ellie ng hablutin ang cellphone niya ng nakamotor na pangit.
“Asar.” sabi ni Ellie at sumakay ito sa kotse niya.
“Makaalis na nga at baka patayin pa ako dito.” sabi ni Ellie at nagmamadali itong umalis sa lugar.
………………..
Site
“Magnanakaw. Hahaha.” natawang sabi ni Orion at kinalikot nito ang cellphone ni Ellie.
“Buweset kang Hynes ka.” sabi ni Orion at nag send ito ng message kay Hynes.
“Umalis ka na at huwag ka ng magpakita para mas masaya. Good bye.” sabi ni Orion at sinend iyon kay Hynes.
“Siguro naman patatahimikin mo na ang asawa ko.” nakangising sabi ni Orion at kinalkal pa nito ang cellphone ni Ellie.
Nang ilang sandali may napansin itong 3D ultrasound na ikinakunot ng noo niya.
“Ellie Cheung 28weeks.”.sabi ni Orion at nanlaki ang mga mata ng makitang tatlong baby ang nasa ultrasound na sunod-sunod na nasa gallery ng cellphone ni Ellie.
“Shit.” sabi ni Orion at mabilis itong lumabas ng opisina
“Nagsinungaling ka na naman.” galit na sabi ni Orion.
“Sir…” sabi ni Glenn.
“Mamaya babalik ako agad.”.sabi ni Orion at pinaharurot nito ang sasakyan paalis sa site.
…………….
Ellie's Cottage
“Aiissst, naiihi na ako.” sabi ni Ellie ng makarating siya sa Cottage at nagmamadali itong pumunta sa banyo para umihi.
“Grabe naman mga babies. Nagtatadyakan kayo sa loob ko, nawiwiwi tuloy si Mama niyo.” sabi ni Ellie sa sobrang galaw ng mga baby niya madalas siyang maihi.
“Makaligo na nga.” sabi ni Ellie.
Matapos magshower lumabas ng banyo si Ellie at dahil nasa kabilang cottage ang mga anak niya kaya siya na naman mag-isa sa bahay na iyon.
“Aiisssst, malalaki na ang kambal ko, kung dati kasama ko lang sila at kabuntot si Winter, ngayon heto nag-iisa na lang ako.
Pero may babies naman akong bago.” nakangiting sabi ni Ellie habang nakaharap sa salamin.
Pero nanlaki ang mga mata ni Ellie ng makita ang repleksyon ng kanina lang na minamanmanan niya kaya napalingon siya.
“Ahhhhhhh!” sigaw ni Ellie ng makita si Orion at madilim pa sa bagyo ang mukha nito na tila sisila ng kalaban.
“Kamusta ka na liar?” galit na tanong ni Orion na nagpaatras kay Ellie.
“Onion.” sabi ni Ellie at napahawak siya sa tiyan niya. Naka-suot lang siya ng bathrobe at wala siyang panloob at pakiramdam niya naiihi na naman siya sa kaba.
“May sasabihin ka ba kaya mo ako minamanmanan o balak mo rin kunin ang gagawin ko?” sabi ni Orion.
“Onion, naiihi ako.” sabi ni Ellie at akmang aalis siya para pumunta sa banyo ng harangan siya ni Orion.
“Sabihin mo na ang sasabihin mo, Liar.” sabi ni Orion kay Ellie.
“Naiihi na ako.” naluluhang sabi ni Ellie.
“Mamaya na.” seryosong sabi ni Orion at lumapit pa ito kay Ellie.
Napatingala si Ellie kay Orion at akmang hahawakan niya si Orion ng tabigin ni Orion ang kamay ni Ellie.
“Onion, iihi muna ako.” sabi ni Ellie at hinawakan nito ang sentro niya.
Tiningnan ni Orion si Ellie at napatiim ng bagang ito kaya binuhat nito si Ellie at inihiga sa kama.
“Onion, naiihi ako.” sigaw na sabi ni Ellie kay Orion.
“Sabihin mo muna ang bagay na hindi ko alam.” sabi ni Orion at binuka nito ang mga hita nit Ellie.
“Orion huwag.” nahihintakutang sabi ni Ellie.
“Hindi naman kita gagawan ng masama tulad ng ginawa mo sa akin.” sabi Orion at napasinghap si Ellie ng hawakan ni Orion ang sentro niya.
“Orion, iihi na talaga ako.” sabi ni Ellie at niyakap nito si Orion.
“Please.” sabi ni Ellie.
Napabuntung hininga si Orion at binuhat nito si Ellie papuntang banyo. Pagkababa ni Ellie sa banyo agad siyang umihi habang nakatingin kay Orion.
“Ang dami kong ihi, kasi sumisipa na sila.” sabi ni Ellie.
Pinagmamasdan lang ni Orion si Ellie, halatang kinakabahan ito dahil mabagal lang ito kumilos na halatang sinasadya nito.
“Orionnnnn!” sigaw ni Ellie ng buhatin siya muli ni Orion at ilabas ng banyo.
Inilapag siya ni Orion sa kama at kinubabawan siya nito.
“Ano ang sasabihin mo, Liar?” sabi ni Orion kay Ellie.
“Wala.” sabi ni Ellie.
“Magbihis ka.” seryosong sabi ni Orion
“Bakit?” tanong ni Ellie.
Aiisssst, hindi na pala kailangan.” sabi ni Orion at muli nitong biniuhat si Ellie.
“Saan mo ako dadalhin?” tanong ni Elllie kay Orion.
“Wala akong reyna. Kaya kukunin na kita.” sabi ni Orion.
Pagkalabas ng bahay agad isinakay ni Orion si Ellie sa kotse nito.
“Wala akong suot na panloob.” sabi ni Ellie na nakasuot lang siya ng bathrobe.
“Okay lang iyon.” sabi ni Orion at pinaharurot nito ang sasakyan.
Pagdating sa highway bumagal ang takbo ni Orion at napatingin ito kay Ellie na nakatulog na.
“Kailan mo sasabihin sa akin?
At saan mo balak dalhin ang isa kong anak?” sabi ni Orion sa natutulog na si Ellie.
“Hindi na kita pakakawalan.” sabi ni Orion at deneretso nito sa site si Ellie.
April 4, 2021 9.16pm
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top