July 12 (Tuesday)
---
Wala. Si. Cara. Sa. Klase.
Wala siya, and I don't know what to feel--whether to feel sorry or lonely.
I feel sorry all on a sudden. Noong mga nakaraang araw lang, natutuwa ako na absent siya, and now, I feel lonely.
This is bad. I have to admit. Sana pumasok na si Cara sa university tomorrow.
Oo nga pala, dumating si Kuya Ken galing ng Tagaytay. May mga dala siyang pasalubong, pero hindi ako bumaba para sa mga 'yon. Sadyang na-miss ko lang si Kuya.
Ngayong kumpleto na ang family namin, kahit kami lang nila Mama, Papa, Kuya, at ako, naging happy ako.
Pero hindi pa rin matatanggal sa isip ko ang pag-absent ni Cara. I don't know, and it's so disturbing na I'm so concerned about her while she is probably not. You know what I mean. She's... bubbly yet unpredictable.
There's a mask, probably hers (but I believe I have one, too), that is keeping us away from each other. Kahit na matagal na kaming magkaibigan, I believe, hindi ko pa siya masyadong kilala. Hindi ko naman sinasabing fake siya or anything similar...
I feel distant lang talaga. Tulad na lang ng pag-absent niya... Hindi naman talaga siya gan'yan, e. Sinasabi niya lagi sa akin kung bakit siya naga-absent. Sometimes, para nga siyang employee. Haha. A day or two before the date na maga-absent siya, ini-inform niya na agad ako. Parang magfa-file ng leave.
Pero wala na siyang mga pa-gano'n ngayon, e. AND I seriously FIND IT DISTURBING.
Anyway, Kuya's here. May makakakuwentuhan na ulit ako rito, at home.
---
➡ This is republished on December 15, 2017. Sorry for some loss and inconvenience.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top