Epilogue

---

Nanatili akong tahimik nang matapos na akong magbasa ng huli kong entry sa July 2016. Nakatitig lang si Cara sa diary ko.

'Wag kang magagalit, besh, I thought. Please. No, no, no, no.

Kahit na inaasahan ko na, nagulat pa rin ako sa paggalaw ni Cara. Tapos na siyang magbasa. No, no, no. Please don't be mad.

Lumingon siya sa akin... at ngumiti. Dahil do'n, nakahinga na ako nang maluwag.

"Grabe naman po pala mag-Ingles," ang natatawa niyang sabi.

Nakuha pa niyang mag-joke? Ayos 'tong si besh, ah.

"H-hindi ka... na-offend?"

"Nah," ang matipid niyang sagot sabay tawa.

"Sorry, Cara. I'm so sorry." Halos maiyak na ako noon dahil naalala ko ang mga nangyari. Kung kaya ko lang isulat ang lahat ng bigat at nararamdaman ko noon, malamang ay... basta! Hindi kasi ako biniyayaan ng creative writing skills, e.

"Ang OA mo, besh." Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko.

"Pero in fairness, besh," ang pagpapatuloy niya habang nakangiti, "nag-iba ka na. You're sweeter, more positive, and happier."

"Of course, dahil 'yon sa'yo," ang natatawa kong sabi, pero totoo lahat 'yon. Malamang, kung hindi ako natuto kay Cara, I'll be living with this stupid insecurity forever. Let's accept it. Medyo... parang may gano'n ako noon.

Dati 'yon. I'm alright na.

"Basta, besh, let's do better for the this upcoming school year, ha?" ang sabi ko.

"Oo naman!"

"Not only studying but also pure learning!" ang sabay naming recite. Well, August ng 2016 namin nabuo ang motto na 'yan, at stay strong pa rin siya. Kami rin.

Nakita ko namang may kinukuha si Cara sa pocket niya. Aw... 'yong bracelet. Sinuot niya ito agad habang nakatitig lang ako sa ganda ng pagiging gray ng moon na ito. It's realistic. Yes, ito ang bracelet na binigay sa akin ni kuya. Pakiramdam ko kasi, ang selfish ko kapag sa akin ang dalawang iyon.

One hangs close to my heart; one hangs close to her pulse.

Wow, I'm being poetic. Hey, I'm improving!

"Thank you, besh," ang sabay naming sabi, at saka kami napatigil.

"... dahil sa bracelet," ang pagpapatuloy niya.

"... dahil you let me see things in a more beautiful way, for me," ang sabi ko. "Thank you rin do'n sa book na gift mo sa akin."

Oh, yes, the book has both parts one and two in it. She gave it to me after I became the champion in the quiz bee. She was happy for me. She didn't hurt, she said. Optimism and appreciation.

"Ano, besh?" ang tanong niya. "August naman?"

"Wait. I just want to say something."

"Ano 'yon, besh?"

"I didn't know that I was wrong.
Anyway, thank you for making me realize," ang sagot ko. "August naman!"

What happened on July taught me that Cara is smarter than me, and being next to her is enough. Being her best friend is more than enough.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top