Chapter 1
Stick-O
I found solace in solitude.
Even up to this point of my life, I am still amazed by how living alone gave me such peace of mind.
It's more than just the feeling of having no one to nag you about not washing the dishes right after you finished your meal. It's more than just the freedom of lazing around without carrying an ounce of worry for the things that are needed to be done inside of the house. It's more just having the liberty of doing what you want, may it be staying inside of your own world or staying as late as dawn outside.
It's the feeling of living life at your own pace... at your own cost. Iyon bang, kuntento ka na at masaya. Iyon bang hindi mo nararamdaman na parang may kulang at puwang. It's understanding the difference between being alone and loneliness. Because being alone doesn't really mean that you're lonely.
But how I think now is totally different to how I perceive things before.
I never understood Him... God. I never understood why my life was written tragically like those heroines in a book who never found justice at the end of her fairytale. Ilang beses at paulit-ulit ko na ring Siyang kinwestyon. I remember asking Him everyday why I had to suffer multiple losses at once.
My parents died in a car crash on their way home from a birthday party. Si Papa na driver ng sasakyan, dead on the spot. Si Mama na nasa passenger seat, dead on arrival. Three months after that horrific incident my eldest sister died of suicide after not being able to carry the weight of having a miscarriage because of the stress that the death of my parent brought to her. Ang Kuya ko naman na sumunod sa kaniya sa Cebu nagta-trabaho kaya hindi ko rin nakakasama.
Hanggang sa... ako na lang ang naiwan mag-isa.
I was fifteen when all of those happened like a blink of an eye. But the only answer I got amidst all of those rough waves was... because I could survive.
"Pabili," anang pamilyar na tinig ng kapitbahay kong hilaw.
I was pulled back to my reality. Napahinto rin ako sa pagbabalot ng mga libro kong pinagsasama-sama ko sa isang malaking box. Malinaw kong naririnig ang pagkatok niya sa sementong counter ng sari–sari store ko gamit ang barya niya.
Sabi ko na nga ba, eh. Hindi magandang impluwensya sina Elmo sa kaniya na for sure ay siyang salarin sa natutuhan niyang pagkatok ng barya.
"Hello? Is anybody inside? I said, pabili po," he repeated
Sa sobrang baluktot nang pagkakasabi niya sa salitang iyon ay para nang pinipilit ang dila niya. Iyong tipong rinig na rinig mo 'yong letrang "L" sa salita niya. I can even imagine how his tongue rolls inside of his mouth. Lalo na't base sa mga tsismisan na naririnig ko mula sa mga dalagang bumibili sa akin ay kagagaling lang niya galing sa Australia kaya hindi na naman sanay sa pagsasalita ng Tagalog.
Pinanood kong pagharian ng kaniyang tangkad ang munting sari-sari store ko. Naka-flash sa screen ng cellphone ko ang kuha ng CCTV kong galing sa shopee mula sa labas ng tindahan. Halos kapantay na nga niya iyon kahit na bahagya pa siyang nakayuko para makasilip sa loob.
Eh 'di wow naman sa tangkad niya, 'di ba?
Bumbunan na nga lang niya ang nakikita ko dahil sa taas niya. Sa estimate ko ay 6"3 ang height niya. And appearance wise, he looks so much like those leading men that I've written in the past.
"Ano 'yon?" tanong ko mula sa loob, sinasadiya na hindi magpakita sa kaniya.
It's not that I don't want to show myself to him nor to anyone. I just feel more comfortable in hiding. wala rin naman akong problema sa paglabas-labas. Mas komportable lang talaga ako kapag nakatago at nasa bahay lang.
Life still works like a wonder to me. Sa kabila kasi ng kondisyon ko sa balat, hindi ako naging tampulan ng tukso sa maliit na komunidad namin. Siguro effective ang pamimigay ko ng libreng champorado noong bagong lipat ako rito kaya bumango ng kahit kaunti ang image ko sa kanila.
Sure there were times na naging favorite clown ako ng mga tao rito sa amin. Pero hindi rin naman naging mahirap ang makibagay lalo na't mababait naman silang lahat. Lalo na ng mga batang ka-tsismisan ko tuwing hapon na madalas bumibili ng ice candy at frosty sa akin.
"Do you have Ice available po?" he asked in return.
Tangina talaga. Yelo lang naman ang binibili ingles pa! And my God! Ang po ng ferson may w sa dulo!
Kahit na favorite customer ko siya dahil hindi siya marunong kumuha ng sukli, hirap pa rin akong makipag-usap sa kaniya. Mahigit dalawang buwan ko na rin siyang kapit-bahay pero hanggang ngayon hindi pa rin ako masanay-sanay sa pagkausap sa kaniya. Naging tourist attraction na nga siya ng mga batang suki ko tuwing tumatambay siya sa tapat ng tindahan ko.
"Mineral o hindi?" kunot ang noo na tanong ko.
"Tap water," he answers.
Tanginang 'yan! Nawasa lang kasi ine-english pa ng animal! Sheez, bakit kasi walang ref ang taong 'to, eh, ang yaman-yaman naman?
Oh, right. Maglilipat na nga rin pala sila katulad ko. Isa kasi iyon sa unang bagay na inasikaso niya pagkauwi galing Australia, ang mabilhan ng bahay ang Nanay niya.
"Ilan?" tanong ko. Sinilip ko siya mula sa butas sa pagitan ng mga display ko sitsirya.
And I can't help but feel speechless because of his beauty. For a man that he is, with a muscled body, he looks beautiful more than being handsome. He's half-Australian but his foreign blood screams more in every feature of his face. Lalo na sa kulay asul niyang mga mata. He has natural chocolate brown colored hair. His lashes are curled and long highlighting the sleepy shape of his eyes. At sa totoo lang... ang halay niya tumingin!
I mean, ang lagkit kasi tingnan dahil ang pungay niyang kumurap. Para ka niyang hinuhubaran sa simpleng tingin lang. O baka masyado lang colorful ang imagination ko? Pero hindi kasi, eh. Ang hilig pa kagatin ang mga labi! And he likes meeting people's eyes when speaking to them.
At ang ilong? Tangina, sana all! Sa kaniya ko lang napatunayan na totoo pala at hindi gawa-gawa lang nag pointed nose! Malaking sana all talaga! Ang taas ng bridge. Walang-wala ang cute size kong ilong.
"Isa lang," he answered.
"Sandali." Tinalukuran ko na siya at nagtungo sa ref na nasa kusina pa ng bahay ko.
Malapit lang naman din iyon. Nasa may maliit na pahabang area kasi ang tindahan ko, pinasadiya ko iyon para nakahiwalay siya sa mismong bahay. Saglit lang naman akong nawala at nang datnan ko siya ay nakaupo na siya sa pahabang upuan na kahoy sa harapan ng tindahan. Nakalapat pa ang dalawa niyang braso sa sementong counter kung saan niyang pinapatok ang baba niya habang sunisilip sa butas. At ang mokong, binuhat na naman siguro ang upuan at nilipat ng pwesto.
Ugali niya na 'yan, eh. Naging pas time na kasi niya ang tambayan ang tindahan ko habang bili nang bili ng kung ano-anong mahahagip ng mga mata niya.
"Ito, oh." Nilusot ko sa parisukat na butas ang yelo para iabot sa kaniya.
"Why only one?" His forehead creased.
Kahit ako ay nangunot din ang noo. 'Di ko rin napigilan ang sarili kong kilay na umarko. "Eh, sabi mo isa lang?"
He gasped. "Isa is one?"
I nodded even though he couldn't see me. "Oo. Ano ba sa tingin mo? Ilan ba kailangan mo?"
Confident naman ako na naiintindihan niya ako dahil tagalog din ang pagkausap niya kay Tita Alice, Mama niya, na kakilala ko na simula noong tumira ako dito. Hindi lang siya sanay sa tagalog pa ulit dahil halos buong buhay niya ay doon na siya nakatira sa Australia.
"I need ten," problemado niyang tugon. Kunot pa rin ang noo niya habang nakatingin sa yelo na para bang tinutunaw niya na 'yon gamit ang tingin.
Using his forefinger he drew small circles on top of it, feeling its coldness on his fingertips.
"Sampu sana sinabi mo," pangaral ko pa.
"I thought sampu is shampoo?" Gulong-gulo na tiningnan niya ako. Nanghihingi ng kaliwanagan sa problema niyang pagtatagalog.
"Sampu is ten. Shampoo is shampoo. Magkaiba 'yon." Napakamot ako sa pisngi ko. Umagang-umaga sumasakit ang ulo ko sa taong 'to.
He sighed defeatedly. "Tagalog is hard."
"Your English is harder to understand," I rebutted.
Kung hindi mo kasi siya pakikinggan ng mainam, hindi mo siya maiintindihan. Lalo na at hindi naman ako sanay nanakakarinig ng native Australian speaker. Iba kasi ang ingles nila kung ikukumpara standard na english.
"Aanhim mo ba ang sampung yelo?"
"I'll take a bath. It's hot here in the Philippines. I need a cold bath," he replied.
Hayop talaga. Maliligo lang deyelo pa! Totoo naman kasing mainit talaga. According to the news earlier papalo ng 37° ang init ngayong araw. Pero never kong naisip na maligo ng may yelo ang tubig. Sapat na kasi sa akin ang katamtamang lamig ng tubig galing gripo. Isa pa, gabi naman kasi ang ligo ko kaya mas presko sa pakiramdam.
Iba talaga ang sapi ng kano na 'to. Sanay sa lamig, eh.
"Akala ko may shot kayo, eh. Isusumbong kita sa Nanay mo," pananakot ko. Takot kasi siya sa nanay niya na lagi siyang pinipingot.
"Pardon?"
Kingina, nag-pardon pa nga!
"Shot, inom. Alak. Mag-iinom kayo?" Ang aga-aga pa kasi. Wala pa ngang tanghalian, eh.
"Not now. But maybe tomorrow night. Ikaw sama?" tanong niya.
Kinumpas ko ang aking kamay sa kaniyang harapan bilang pagtanggi. "No. Ayoko nga. Mamaya kung saan na naman kayo mag-happy-happy," tanggi ko.
He shrugged his shoulders. "Sayang. We'll eat barbeque pa naman."
Sasagot na dapat siya pero umalingawngaw ang boses ni Tita Alice mula sa bahay nila sa tabi lang naman. "Lake! Iyong tubig mo umapaw na! Giatay!" Nagmamartsang lumapit sa kaniya si Tita Alice at namaywang sa harapan niya. At walang kaabog-abog na piningot na naman ang pobre niyang anak. "Kapag nag-500 ang tubig natin, pag-iigibin talaga kita sa kanto! Reading pa naman sa makalawa. Nako ka talaga!
Nakita kong ngumiwi siya. "Aw! 'Nay, naman! You're embarrassing me!"
Pilit niyang tinaggal ang pagkakapingot ni Tita Alice sa tainga niya. Hindi naman na pinahaba pa ang paghihirap niya at binitawan na rin siya. Paulit-ulit niyang kinuskos ang tainga niya para pawiin siguro ang pinong pagkakapingot ng Nanay niya.
I can't help but to smile at the sight of them. Para silang aso't pusa talaga kahit kailan. Pero kitang-kita mo sa mga kilos niya na mahal niya talaga si Lake. Talagang magkaiba lang sila ng ugali pagdating sa pera. Kung gaano kasi katipid si Tita ay siya namang kabaliktaran ni Lake na sobrang gastarol kahit kailan.
"Embarrassed, embarrassed! Wala ka ngang ligo tumatambay ka dito! Get back inside now!" Tita Alice replied, still in a shouting voice. "Ano bang binibili mo, ha?"
Mas lalo tuloy umasim ang mukha ni Lake sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa dahil sa pangangasim ng mukha niya. Para siyang toddler na napahiya sa harap ng crush niya dahil pinapagpalit siya ng diaper ng Nanay niya.
"I'm buying yelos for my bath, Nanay," nakasimangot niyang sagot.
"Kahit kailan ka talaga." Mahina niyang pinalo sa balikat ang binata. Pagkatapos ay humarap siya sa akin. Ngunit hindi katulad ng pagalit niyang itsura habang kausap ang anak ay napalitan na nang nakangiti niyang mukha. "Nako, pasensya ka na sa anak kong 'to, Isla, ha? Ang hirap kasing pangaralan kailangan in english pa."
Napangiti ako sa kaniya. "Okay lang po, Tita, ano ka ba. wala naman po sa aking 'yon."
"O siya, sige na. At baka ang sinaing ko naman ang mapabayaan." Minsan niya pa akong nginitian bago binalik ang tingin sa anak. "At ikaw, bumalik ka agad. Baka mamaya tanghalian na nandito ka pa rin."
"Okay, Nanay, masusunod po!" Sumaludo pa siya kay Tita Alice na naiiling na tumalikod na pabalik sa bahay nila na katabi lang ng akin.
"Sandali lang nga. Kukuha akong sampung yelo mo," paalam ko bago tumalikod.
Kinuha ko ang naunang yelong binigay ko sa kaniya para palitan. Nagmamadaling nagtungo agad ako sa kusina para sa mga yelo niya. Nahirapan pa akong ipagsisiksikan ang siyam na yelo sa plastic na halos lumalabas na. Hirap na hirap din akong bitbitin iyon dahil sa bigat para lang makauwi na siya bago pa siya habulin ng walis tingting ng nanay niya.
Pero limang hakbang ang layo sa mismong tindahan ay napahinto ako sa paglalakad.
Napasinghap ako ng malakas na ikinatigil niya. "Kawatan ka talaga!"
Nalaglag ang panga ko kay Lake na prenteng nakayakap sa cylinder na lalagyan ng chocolate na Stick-O habang may hawak na dalawang pirasong sabay niyang kinakagatan. Mula sa CCTV ay kita kong nakadekwatro pa ang baliw at nangungyakoy pa!
Mabibigat ang hakbang na nagtungo ako palapit sa kaniya kahit na bigat na bigat na ako sa plastic ng yelo. Pabagsak na ibinaba ko iyon sa counter at marahas na tinulak palabas at palapit sa kaniya.
"Lakelyn Kade!" I hissed.
He flashed me an awkward smile. "I'll pay double, don't worry."
"Dapat lang! Baliw na 'to! May makakita pa sa 'yo na dumedekwat sa paninda ko. Mamaya gayahin ka pa," inis na sabi ko.
May kalakihan kasi ang square na butas ng tindahan para kahit ganitong mga maramihang order ng yelo ay kakasya. Around a ruler in height and width ng butas. Marami kasing lasingero dito sa amin at halos gabi-gabi ang inuman kaya bulto kung bumili minsan. Iyong iba nga may dala pang sariling ice chest.
Sakto naman na nasa pinakagilid at pinakaharap ang Stick-O dahil paborito ng mga bata, lalo na iyong pulang takip, kaya madali lang niyang nakuha. Favorite niya kasi yata 'yon. Palagi na kasi siyang binibili araw-araw simula noong matikman niya noong bago siyang dating. Minsan nga isang cylinder pa ang binibili niya.
"Oh, yelo mo. Umuwi ka na sa inyo," taboy ko sa kaniya.
"How would you convince me to stand up in Tagalog?" he asked instead.
Kununot ang noo ko nang hindi siya maintindihan. Ano na namang trip ng siraulo na 'to?
He nonchalantly got himself another piece of chocolate Stick-O from the container and ate it continuously. Sa maliliit at mabibilis na kagat ay inisang kain niya 'yon. Para siyang woodpecker.
At mukhang hindi pa siya nakuntento dahil kumuha pa siyang panibago. Dalawa pa!
"Ano na namang trip mo?" pagsusungit ko.
"Just answer me," he insisted "How would you convince me to stand up in Tagalog? I forgot the term."
Kunot ang noo na pinagmasdan ko ang kinang ng mga mata niya. He looks, literally, like a mischievous kid ready to pull a prank on someone. Buhay na buhay ang pilyong kinang ng mga mata niya at ang malawak niyang ngiti ay nauwi na sa ngisi dahil sa pagpipigil niya na huwag kumawala 'yon.
I've seen a lot of his faces but I never saw him like he's about to burst into laughter any minute from now. Para siyang tuwang-tuwa sa laman ng isip niya.
"Just answer me." Lake leaned forward to take a peek inside of my store.
Agad tuloy na napaatras ako. Pero kahit sa pag-atras ko ay nagkasalubong pa rin ang mga mata namin. He gave me a wide smile. "Tumayo ka na dyan," sumusukong pagsakay ko sa trip niya.
Lakelyn shook his head, not satisfied with my answer. "No, make it shorter."
"Tumayo ka?" hindi siguradong sagot ko.
Again, he shook his head. "No, shorter pa. And make it sound like you are my preschool teacher. Like a command but in a softer voice."
Nagsalubong ang kilay ko sa paghahanap ng tamang mga salita para i-satisfy ang trip niya. "Tayo na?" I tried again.
"Good. But say it in a softer manner," he commanded again.
Naguguluhan na ako sa tama ng isang 'to. "Kung umalis ka na kaya sa harapan ko?"
"Come on. I'll go but say it first in a softer voice," he bargained.
I sighed. Wala talagang panalo sa isang 'to kahit kailan. "Tayo na," sumusukong saad ko.
Kung kanina ay nagpipigil pa siya ng ngisi niya, ngayon ay sobrang lawak na ng ngiti sa mga labi niya. He nodded repeatedly while still smiling like a fool. And his laughter finally turned into a soft chuckle later on. A satisfied on.
Tumayo na rin siya at kinuha ang plastic ng sampung yelo. Yakap niya pa rin gamit ang isang braso niya ang na-snatched niyang Stick-O mula sa paninda ko. Pero hindi pa rin siya umalis sa kinatatayuan niya.
"Okay, Dariel Isla, tayo na," ngisi niya bago tuluyang umalis.
Nalaglag ang panga ko sa aking narinig. Umalingawngaw din sa isip ko ang sinabi niya, pinipigilan akong makakilos. Kaya kahit wala na siya sa harapan ko ay nakatanga pa rin ako sa pwestong iniwan niya.
Ngunit hindi lang ang banat niya ang dahilan nang pagkahinto ko pero dahil sa isang bagay. Hindi niya pa bayad ang yelo at Stick-O!
=========================================================================
A Monster on the Loose will probably be the lightest story out of all the stories included in the series. This is not the official start for Lakely Kade and Dariel Isla, our LaLa couple. Pero baka isabay ko sa pagsusulat ng A Warior's Inescapable Defeat.
I have decided to post this as a snippet to what this story would be like in the future. :)
Share your thoughts on this chapter!
Also, I am inviting everyone to our recently created telegram channel, Aerasyne Corner. Announcement and updates will be posted there and it will also serve as my means of communication to you guys.
Thank you so much! ♡
with endless love & appreciation,
aerasyne ♡
Social Media:
Facebook: Aerasyne WP
Instagram: aerasyne
X: aerasyne
TikTok: aerasyne
Telegram Channel: Aerasyne Corner
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top