Chapter 9
Tadeo's Answer
Ilang ulit kong hiniling na makita kung hanggang saan ang sukdulan ng sakit na mayroon si Tadeo. Kung anong klaseng mga kilos ang magagawa niyang gawin na hindi naaayon sa kagustuhan niya. Ngunit ngayon na nakikita ko na, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Sa isang simpleng bagay lang katulad nang pagkuha ng damit na susuotin niya ay pahirap na sa kaniya.
"It's fine, Tadeo. Ako na," pag-ako ko sa ginagawa niya.
Kung tama ang bilang ko, higit limang minuto na kaming ganito. Siya na kukuha ng damit gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay aagawin at ibabalik sa pinaglalagyan. Nanatili lang akong nakatayo sa gilid niya, pinagmamasdan siya dahil gusto kong makita kung alin ang nakakapagod pagdating sa pag-aalaga sa kaniya. Hindi ko pa lubos na maintindihan sa ngayon at hindi ko rin masukat kung dapat ko rin bang maramdaman ang mga bagay na dahilan nang pag-alis ng mga nauna na sa akin. Marahil ay dahil na rin sa kasisimula ko pa lang kaya hindi ko pa magawang maramdaman ang pagod na kanilang unang naramdaman.
O siguro dahil hindi ko pa lang talaga mahanap ang dahilan kung bakit parang ang bilis naman nilang sumuko imbes na ang intindihin ang kalagayan ni Tadeo. Gusto kong patunayan sa sarili ko na nagkakamali lang sila. Ngunit mas lumalamang sa akin ang kagustuhan na patunayan kay Tadeo mismo na mayroon pang pag-asa. Gusto kong buhayin ang namamatay na lakas ng loob na mayroon siya. Gusto kong buksan ang mga mata niya sa nga bagay na hindi niya nagagawang makita dahil nabulag siya ng konseptong pabigat siya at pahirap sa iba.
Masyado pang maaga para magsalita ako ng tapos. Ayokong umabot sa punto na lulunukin ko rin ang sariling mga salitang binitawan ko. Ngunit higit na ayokong biguin ang taong higit na nangangailangan ng suporta ko, at ng iba pang taong nakapaligid sa kaniya. Dahil kung hindi namin sisimulan ngayon, kailan pa namin mararating ang bagay na gusto namin para sa kaniya at sa buhay na masasayang kung mananatili siya rito at nag-iisa?
"Sir Theo asked me again to help you shave. Okay lang ba?" maingat na tanong ko.
Kung tutuusin hindi ko na kailangang magtanong. Kaso pagdating kay Tadeo ay parang kailangan kong maging maingat sa lahat ng kilos na gagawin ko.
"Will you be okay?" tanong niya pabalik sa akin.
"Bakit naman hindi?" natatawang tugon ko. "Kukuha lang ako ng razor sa baba. Mabilis lang ako."
Hahakbang na sana ako paalis pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Nanatilig akong nakatingin sa kaniya habang ibinabalanse ang dapat na gawin. Kung ang iwan na ba siya o ang mas unahin ang tulungan siya sa pagbibihis.
"Hindi kita sasaktan, Clementine," may bahid ng lungkot na sabi niya sa akin.
Mabilis na kumurba ang ngiti sa mga labi ko para payapain ang kalooban niya dahil mukhang mali ang interpretasyon niya sa matagal na pagkilos ko. Sa huli, napagdesisyunan kong humakbang palapit sa kaniya na siyang dahilan nang pagsasalubong ng dalawang kilay niya.
Muli ko siyang nginitian habang paunti-unting lumalapit. Nang sa tingin ko ay sapat na ang distansya sa pagitan namin na kung susukatin ay lalagpas lang ng kaunti sa isang dangkal, iniangat ko ang dalawang kamay ko para magawa ko siyang maitulak paupo sa kamang naroon.
"Wait lang," paalam ko matapos ay mabilis na tumalikod para kuhanin ang damit niya na kanina niya pang pilit na kinukuha. Inilapag ko 'yon sa gilid niya sa maayos na paraan. "Kung kaya mo, do it on your own. Pero kung hindi at nagpasaway na naman ang kamay mo, wait for me. Huwag mong ipilit kung ayaw at huwag mo ring pahirapan ang sarili mo. Okay?"
Hindi ko agad natanggap ang tugon na inaasahan ko. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang napakahirap unawain ng mga sinabi ko gayong simpleng utos lang naman 'yon.
Naiiling na humakbang ako paatras sa kaniya ngunit ang mata ay patuloy na sinasalubong ang kaniya. "Mabilis lang ako. Babalik ako agad."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Nagmamadaling tumalikod ako at nang makalabas ng pinto ay halos magtatakbo na para makababa. Sa elevator ay halos isumpa ko na ang bagal ng usad no'n kahit na noon ay nabibilisan pa ako.
Pilitin ko man na maging kalmante, nagagawa ko lang ata 'yon sa tuwing kaharap si Tadeo. Pero ngayon na ako na lang at wala siya, lumalabas ng kusa ang taranta at pag-aalala. Ayokong mag-isip ng masama. Pero pagdating sa kaniya'y hindi ko mapigilan dahil palaging mas nauuna ang takot na baka masaktan lang niya ang sarili niya. Kaya niyang kontrolin o awatin, oo. Pero kapag naunahan ay ayoko nang isipin kung ano ang posible pang mangyari.
"Nagmamadali ka naman ata masyado, sis," puna sa akin ni Shane na lalagpas na sana sa elevator nang saktong bumukas 'yon.
"Kailangan ko lang ng razor," sagot ko na hindi ko na alam kung tama pa ba sa naging pahayag niya.
Kumaway na lang ako at nilampasan siya para magtungo sa stock room ng ospital na nasa dulo ng unang palapag lang. Nilagpasan ko ang mga nadaanang tissue rolls, sabon, face masks, at kung anu-ako pa na maayos na nakasalansan aa estante na nasa kanan. Alam ko naman kung nasaan ang sadiya ko at doon na agad ako nagtungo.
Sa dulo ng babasaging estante ko natagpuan ang kumpol ng mga razor na nasa isang cylinder. Mabilis na kumuha ako ng isa matapos ay mas mabilis pa sa ginawang pag-alis kanina ang paglalakad ko para agad na makabalik sa taas. Kaya tuloy ay hingal ako nang makabalik sa elevator. Pinilit kong gawing normal ang bawat paghinga ko at inalis ko rin ang pawis na namunuo sa noo at leeg ko.
Kailangan ay maayos akong haharap kay Tadeo at baka ano na naman ang isipin niya kapag nakita niya akong ganito.
"Tadeo!" aligagang sigaw ko sa nabungaran pagkapasok ko pa lang sa loob ng kuwarto niya. Atubiling lumapit ako at basta na lang inilapag sa kama ang dala.
"Clementine," malumanay na tawag niya sa akin, kabaligtaran ng kaguluhang nararamdaman ko habang tinitingnan siya.
"Sabi ko naman kasi sa'yo kung hindi kaya huwag mong ipilit," pagalit na anas ko. "Tingnan mo tuloy ang nangyari sa iyo."
Napabuntong hininga ako tsaka sinimulang alisin ang kaliwang kamay niya na humihila sa shirt na isinusuot niya pataas mula sa likuran. Tuloy ay nasasakal na siya sa collar ng shirt niya na hanggang leeg pa lang ang naisusuot.
"This would happen most of the time, Clementine. Would it be fine with you?" mahinang bulong niya, nakayuko at tila nahihiya.
Marahang inalis ko ang pagkakahawak ng kaliwang kamay niya sa damit matapos ay ibinaba 'yon sa gilid niya. Ang damit na naiwan sa bandang leeg niya ay ako na ang tumapos sa pagsusuot sa kaniya. Nang sa wakas ay suot na niya iyon ay humakbang ako ng isang beses paatras para mabigyan ng distansya ang pagitan naming dalawa.
"Sinabi ko naman sa'yo, diba? Kaya ko. Kung hindi ko kaya, titigil naman ako," marahang pagpapaintindi ko sa kaniya. "Kung nahihirapan na ako, aalis ako. Katulad ng mga nauna sa akin, magre-resign din ako. Pero hangga't kaya ko, gagawin ko 'to. Kaya huwag mo akong itulak palayo dahil lang ang tingin mo sa sarili mo ay pabigat. Hindi gano'n 'yon, Tadeo."
"Ano kung ganoon, Clementine?" Matapang na sinalubong niya ang mga mata ko. Ang mga mata niya ay puno ng intensidad habang nakatingin sa akin. "Ipaliwanag mo dahil ayokong bigyan ng mga kahulugan ang sinabi mo."
Hindi ako agad nakaimik kahit sa isip ko ay may sagot na sa kaniya. Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa subalit ang magsalita ay hindi ko magawa. Bumukha ang bibig ko ngunit agad ko ring itinikom nang matantong walang tinig na lalabas doon.
Bakit ba ako nahihirapang sumagot samantalang ang dali-dali lang sabihin na nurse niya ako kaya trabaho ko na intindihin siya at manatili sa tabi niya? Hind ko maipaliwanag kung bakit parang ayokong sa akin mismo manggaling ang katotohanang 'yon.
Bahagya akong umubo sa takot na baka mautal o pumiyok sa gagawing pagsagot. "Nurse mo ako, diba?" alangan na tanong ko. "Kaya kailangan kong intindihin ang sitwasyon mo. Kailangan kong lawakan ang pasensya ko kasi 'yon ang trabaho ko."
Tumango siya sa akin. Nauna siyang nag-iwas ng tingin at pabuntong hininga na tumayo at nakatalikod na nang magsalitang muli. "Keep reminding me that, Clementine. Baka makalimot ako."
***
Kung mayroon lang salita na kayang higitan ang bigat ng salitang ilang, 'yon na siguro ang nararamdaman ko ngayon. Ang maliit na distansyang nakapagitan sa aming dalawa ay nagbibigay daan sa akin para matitigan ang itim na pares ng mga mata niyang mariing nakatitig din sa akin. Bagaman baliktaran ang nakikita naming pareho ay pareho kaming walang reklamo at nananatili lang sa kani-kaniyang puwesto.
Hindi ito ang unang beses na gagawin ko ito para sa isang pasyente pero iba ang epekto sa akin ngayon dahil sa uru ng tingin na iginagawad niya sa akin. Parang hinila ang panahon at ibinalik kami sa pagkakataon na bagong kita lang naming dalawa. Ang Tadeo na kaharap ko ngayon ay kalmado, malayo sa kaharap ko kanina na isang taong ang isip ay napakaraming laman, tila bumalik siya sa pagiging siya na nakakasama ko noon.
Tadeo na palaisipan sa akin dahil sa mga bagay na parang alam niya tungkol sa personal kong buhay. Kung tingnan niya ako ay para bang isang bagay 'yon na kathang-isip lang niya noon. The way he stares at me speaks of the familiarity he has for me. Pero bakit hindi ko siya kilala? O maski ang mamukhaan man lang?
"Huwag kang gagalaw," babala ko matapos ay inalalayan ang ulo niya sa tamang anggulo. Bahagya ko 'yong itinagilid paharap sa kanan kaya naputol ang pagtitig namin sa nga mata ng isa't isa.
Pumikit siya at hinayaan ako sa ginagawa. "Have you done this before?" he asked.
"Hmm," tugon ko. I began to spread the cream on his jaw down to the upper part of her neck. "Kay Jude."
"Jude?" tanong niya at agad na nangunot ang noo.
"Pasyente rin dito. 'Yong mahilig kumanta ng My Heart Will Go On."
He didn't respond and just let me do my job. Hindi ito ang unang beses na ginawa ko ito. Kahit kay Kuya ay minsan na rin akong inutusan na ahitan siya sa kadahilanang tinatamad siya.
Tadeo remained still, allowing his body to become one with cold bathtub while I do my job. Nasa labas ako habang nakatupi ang tuhod para magpantay ang mukha naming dalawa. It was really awkward at first but I tried my best not to feel uncomfortable. Kahit na ilang na ilang na talaga ako sa lapit naming dalawa, pilit na ipinagsawalang bahala ko iyon at nagpatuloy sa ginagawa.
"I don't want to get used to this," maya-maya ay bulong niya.
"Get used to what?" I asked, confused.
Malalim ang hininga na sunod niyang pinakawalan na siyang ikinapagtaka ko at mas lalong nagpaigting ng kuryosidad ko. "You—" He sighed again before speaking, "Nevermind."
Dahil sa pagputol niya sa sasabihin ay nanumbalik sa akin ang mga katanungang pumupuno sa isip ko noon pa man nang magsimulang mapansin ko na para bang kilala niya ako. Muling napuno ng nga katanungan ang isip ko at alam kong siya lang ang makasasagot. Maging ang usapan na namagitan sa amin ni Doc Tatiana noon kung saan nagtanong na rin ako ngunit hindi niya sinagot ng diretso.
Bumalik ang lahat sa akin na pansamantala kong nalimutan dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.
"Puwede ba akong magtanong?" tanong ko nang hindi na niya dugtungan pa ang sinasabi.
I saw him stilled. And even with his lids covering his eyes, the fast movement of it was still visible.
"What?" tanong niya sa akin pabalik.
Imbes na magbato ng tanong ay nawalan lang ako ng imik. Hindi ko mahanap ang tamang mga salita para buuin ang itatanong sa kaniya sa takot na baka iba ang maging dating no'n. Ayokong magmukhang asumera kahit na nalilito na ako sa mga ipinakikita niya sa akin noon.
Ang segundong katahimikan ay napalitan ng minuto. Hanggang sa nadagdagan nang nadagdagan. Marahil ay dala ng inip ay nagmulat siya at direktang tumingin sa akin. Tila kabisado ang tamang lalapatan ng paningin.
"Anong itatanong mo, Clementine?" tanong niya sa malambing na paraan.
Ang ingat at kaba ay naghahalo sa mga mata niya habang hinihintay ako na magsalita. Kaba na mas madalas na niyang ipakita ngayon sa akin. Magmula nang maabutan ko ang pagtatalo nila ni Sir Theo ay hindi na 'yon nawala.
Malakas ang kutob ko na kilala niya ako. Malakas din ang paniniwala ko na hindi rito sa ospital ang unang beses na nakita niya ako. Pero mahirap sa parte ko na alamin kung paano at bakit niya ako kilala dahil wala naman akong naging kaibigan maski isa.
Sa labas, mula noon hanggang ngayon, si Kuya Cael lang ang tanging nakakasama ko. Most of my acquaintances in college says that I have a huge and sturdy wall surrounding me, making it difficult for them to approach me before. Maski isa wala akong naging kaibigan. Hanggang sa batian lang, kawayan, at ngitian. My relationship with them were casual, never turned into something special.
Hirap akong makipaglapit katulad ng kung paanong hirap silang lumapit. And I grew up so used with the setup of me being alone, or just with my brother. Kaya hindi na ako naghangad pa na mapalapit sa iba. Mahirap kasi talaga.
"Kilala mo ba ako?" kinakabahang tanong ko. "I mean, technically kilala mo ako for I am your nurse. But beyond that? Do you know me way before?"
"Yes," agad na pag-amin niya.
Inaasahan ko na. Pero iba pa rin pala talaga kapag galing sa kaniya. "How? Dito sa ospital kita unang nakita."
Pinagmasdan ko ang naging pagbabago sa mukha niya. Mula sa kalmadong ekspresyon ay napalitan ng ilang na halos itago na niya ang sarili niya. Ngunit dahil sa limitadong espasyong mayroon sa kinaroroonan namin ay naging imposible iyon.
Maging ang bahagyang pamumula ng mukha niya at ang paglunok niya ay napadoon ko rin. Tuloy ay hindi ko maiwasang mas lalo pang lukubin ng pagtataka at kuryosidad kung paano niya ba ako nakilala.
"I was your senior, from different college though. Different colleges and different campuses. Kaya hindi malabo na hindi mo ako kilala," paliwanag niya.
"Pero kilala mo ako. Paano? Bakit?" naguguluhang pa ring tanong ko.
I knew how to read people based on their action. I would know if they are hiding, lying, or avoiding something. And Tadeo falls on the last one. Sa ginawa niya pa lang na pagtayo at pagkuha sa akin ng razor, alam ko na agad na umiiwas siya.
Bumuntong hininga ako at hindi na pinilit pa na magtanong. Bagaman may nagawa siyang sagutin at kumpirmahin, naroon pa rin ang mga katanungan sa akin. At bakit ba ayaw niyang sabihin?
Sumunod ako nang tayo at mula sa likod niya ay pinanood ko siyang akuin na ang pag-ahit niya sa balbas. Sa repleksyon niya ay nakikita ko ang hiya at bahagyang pamumula ng mukha niya na hindi ko mawari kung ano ang dahilan. At sa kabila nang kaalaman na nakatingin ako sa kaniya, hindi man lang dumapo sa akin ang paningin niya.
I remained slient and just watched him do his thing. Sharp objects are usually banned from the room of a patient. Dahil nga delikado dahil sa pabago-bagong takbo ng isip ng mga pasyente. Nangyari na rin kasi na nang-agaw ng gunting ang isang pasyente na gugupitan lang sana ng buhok. Ginamit niya 'yon panakot sa nurse para huwag siyang lapitan at mabuti na lang at agad na resolba.
We are always wary when it comes to situation like this. But I think Tadeo would be fine. Wala namang mali talaga sa kaniya, sa pag-iisip niya. He would not harm himself intentionally. Or maybe I was just too complacent that I forgot his condition.
His left hand that was on top of the sink went up to grab the razor. His right hand immediately followed to hold his left risk. But his less dominant hand shove it away freeing itself from the grip. And in the next second I witnessed how dangerous his condition could really be.
Akala ko normal lang. Dapat hindi ko inalis sa isip ko na may problema rin sa kaniya. I was stunned to see how his left hand shaved the clean jaw of Tadeo with no cream at all. But it wasn't just a simple action, because it was done with force creating a scar on his face.
"Bollocks!" Tadeo grunted frustratedly.
And that was my que to move that I should've done earlier. Pilit na kinalma ko ang sarili ko kahit na grabe na ang pagwawala ng puso ko.
I am nervous. And I am silently blaming myself for just standing there... watching him hurt himself.
"Stop," I whispered to his left hand. I restrained it with my one hand while the other made its way to take the razor away. Mabilis na ibinulsa ko 'yon. "Okay ka lang ba?" tanong ko kay Tadeo na nakatingin na sa akin ngayon.
Nararamdaman ko pa rin ang pagpupumiglas ng kaliwang kamay niya ngunit mas mahina na kumpara sa kanina.
"I'm fine, Clementine," he answered.
Gusto kong maniwala na totoo ang sagot niya. Pero iba ang nakikita ko sa pag-agos ng dugo mula sa panga niya pababa sa leeg niya. The cut his left hand created was deep, maybe because of the force it exerted. And damn me to hell for not doing any action to stop it.
"Let's clean your wound," mahinang bulong ko.
"Okay nga lang ako," pagpipilit niya.
Mula sa sugat niya ay nag-angat ako ng tingin sa mukha niya. He was smiling as if the cut didn't hurt.
Siguro nga talagang hindi masakit. Na totoong okay lang siya. Pero para sa akin sobrang sakit. His situation himself hurts knowing that he has a handicap restricting him to live freely outside of this place.
Sa trabahong pinasukan ko, hindi maiiwasan na may masasaktan. Mentally lost people tend to be aggressive at times. And I also experienced it once or twice. And everytime it happens, it pains me.
Pero iba ngayon. Kakaiba sa sitwasyon ni Tadeo. Walang mali sa pag-iisip niya pero nandito siya. Normal siyang nakakapag-isip pero dahil sa abnormal na kilos ng mga kamay niya ay nawalan siya ng laya.
Yumuko ako nang maramdman ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng mga nata ko. I don't know why it hurts differently with him. Hindi ko maipaliwanag basta nasasaktan ako para sa kaniya. Seeing him act as if nothing was wrong. Hearing him say that he was fine when his situation was far from that. Masakit. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
"Mauna ka na sa labas. O kaya bumaba ka na. Ako na ang bahala rito," pagtataboy niya sa akin.
Mabilis na umiling ako bilang pagtutol. "No, ako na ang maglilinis ng sugat mo."
Bumuntong hininga siya at mataman akong tiningnan. "Clementine," nahihirapang usal niya.
The corner of my eyes heated more. Ang dating sa akin nang ginagawa niyang pagpapaalis ay para magawa niyang maitago ang sariling sakit. At nasisiguro kong tama ako dahil 'yon mismo ang nababasa ko sa mga mata niya.
Pagod at awa.
"Alam mo ba kung bakit madalas na magpalit ng nurse dito?" tanong niya, ang paningin ay ibinaba upang maiwasan ang mga mata ko.
"Bakit?" tanong ko pabalik kahit na alam na sagot sa itinanong niya sa akin.
Matunog ang sunod na paghinga niya, isang senyales ng magulong isipan. At sa muling pag-angat niya ng tingin ay mataman pa rin niya akong tiningnan, hindi inaalis sa akin ang paningin niya kaya nagagawa kong mapanood ang mabilis na pagpapalit ng emosyon niya.
Nariyan na makikita ko ang pagod na agad masusundan ng kalituhan. Ngunit mas pinangingibabawan ng takot ang lahat. Takot na siya lang ang may alam ng dailan.
"Umalis sila. Wala pang isang buwan sa pagtatrabaho, nag-resign na sila. Hindi pa man sila nagtatagal sumusuko na sila. Alam mo kung ano ang dahilan?"
Kung kanina ay buhay na buhay na ang sakit at awa na nararamdaman ko para sa kaniya, mas dumoble 'yon ngayon na nakikita ko ang pagpula ng mga mata niya tanda ng matinding pagpipigil ng luha. Ang bawat diin sa mga salitang binibitawan niya ay representasyon ng hirap na kinaharap niya sa bawat taon.
Naaawa ako sa kaniya, 'yon ang totoo. Ngunit ginawa ko ang makakaya ko na huwag ipakita 'yon sa kaniya dahil alam kong mas lalo kang niyang kaaawaan ang sarili niya.
"Tadeo," mahinang sambit ko nang mahanap ang nawawalang tinig.
"Napagod sila. Pero mas lamang ang takot na nararamdaman nila. Takot sila na sila ang saktan ko sa tuwing nakikita nilang nag-iiba na naman ang kilos ng kaliwang kamay ko," paliwanag niya na may diin sa bawat salitq. "That was the cycle for years and years that passed. May aalis, at may panibagong papalit. Pero ang pagod at takot pa rin ang dahilan sa bawat nurse na umaalis. And I don't want that now. I don't want you to get tired. I don't want you to fear me."
"Iba ako sa kanila, Tadeo. Hindi sila ako," mariing tugon ko.
"Alam ko. Alam ko, Clementine." Humakbang siya sa palapit sa akin. Matapos ay nagpababa ng tangkad para nagawang salubungin ang mga mata ko. "Iba ka. Higit sa lahat ng tao, alam ko na iba ka. Kaya mas natatakot akong mauwi ka rin sa mga nauna sa'yo. Dahil nakakasawa na, Clementine. Nakakapagod na."
Pareho kaming nawalan ng imik. Nanatiling nakapako ang paningin sa isa't isa ba para bang iisang emosyon lang ang nararamdman naming dalawa.
He clenched his jaw that made the vains on his temple and neck more visible. Nababasa ko sa mga mata niya ang pagod na sinasabi niya. Pagod na pagsawaan at katakutan.
Sa tindi ng mga emosyong nababasa ko sa mga mata niya ay mabilis na nanlabo ang paningin ko. His image became blurry in the next moment. Hindi ako kumurap sa takot na magbagsakan ang mga luhang 'yon.
"Don't cry for me, Clementine," he pleaded.
I know that pity would always be the least thing that he wants to receive, especially now. Pero hindi ko maiwasan. Lalo na sa nakikita kong awa na nararamdaman niya rin sa sarili niya.
I swallowed hard to remove the lump on my throat. Pinilit kong kumalma, at alisin ang mga nagbabadiyang luha sa mga mata. Even though I wanted to cry for him, hindi ko ginawa sa takot na makadagdag lang sa bigat na nararamdaman niya.
"Say yes, Tadeo," udyok ko. "What I saw earlier was downright scary. I know, that. Kaya nga mas kailangan mo ng taong palaging nasa tabi mo. Paano kung wala ako rito at mas malala pa ang nangyari sa'yo? That would haunt me on my sleep, Tad."
Hindi siya nakaamik. Damaan ang pagtatalo sa mga mata niya na para bang tinitimbang kung ano ang mainam na maging desisyon.
"Paano kung masaktan kita?" nag-aalalang tanong niya.
Mabilis na nanumbalik sa akin ang pagtatanong niya kanina kung paanong kapag dumating sa punto na makakasakit siya ng iba. Ngayon ay ako naman ang inaalala niya. Hindi naman na ata matatapos ang pag-aalala niya. What would be the right words that I must say to convince this man?
"Alam ng lahat na mas mataas ang porsyento na baka masaktan mo ako kaysa sa hindi." Umangat ang kamay ko upang kumuha ng bimpo na nasa ibabas ng sink at ginamit 'yon para pahupain ang pagdurugo ng sugat niya. "I know what I am expecting when I agreed to be your private nurse. The consequences, the possible pain, the outcomes, everything. Pero pumayag pa rin ako kasi gusto kitang tulungan. And I would never succeed if you'll keep on pushing people away. Alam ko na puwede akong masaktan sa pisikal na paraan. Pero puwede naman nating agapan o bawasan ang sintomas ng sakit mo. Ngunit walang silbi ang mga 'yon kung hindi mo rin tutulungan ang sarili mo, Tadeo."
"Do I still have a chance, Clementine?" tanong niya, marahan at puno ng ingat. Tumango ako bilang sagot, hinahayaan ang sarili na makulong sa mga mata niyang malalim ang pagkakatingin sa akin. "Would you help me get better?" tanong niyang muli na sinuklian ko ulit ng tango. "Then, yes, let's do it. Hindi ako komportable. Natatakot ako. At higit sa lahat natatakot ako para sa nga bagay na maaaring mangyari sa'yo. But I could only accept this setup on one condition."
"What condition?" I asked.
"Kung dadating man ang pagkakataon na masasaktan kita, maliit man na sugat, daplis, o maski maliit na hiwa lang. Umalis ka. Talikuran mo ako. At huwag ka nang babalik pa."
Tumango ako bilang sagot. "Aalis ako, tatalikuran ka, at magpapagaling."
Pero babalik pa rin ako.
———
A/N: Thank you! ♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top