Chapter 8

A/N: I am writing this story without any outline. Kaya mabagal ang usad. Hoping for more patience, guys. ♡


Fault


Hindi ko alam kung saan sisimulan. Kung sa pagtatanong ba o sa pagsasabi ng mga nalaman. Nanatili akong nakatayo sa kanina pang puwesto, hindi mahanapan ng tamang tiyempo ang pagpasok sa loob. Sarado ang pinto ngunit kakatwang ramdam kong ang tumatagos na tingin na ibinibigay sa akin ng taong nasa loob.

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang dapat na maunang maramdaman. Ang galit na para sa taong gumawa nito kay Tadeo na ngayon ay lumatad na. O ang mas panaigin ang awa para sa lalaki na habang buhay nang nakakadena sa sakit na nakuha mula sa mapait na insidenteng kinasasangkutan. O kung hayaan na sabay maramdaman ang awa at galit para sa taong naging ugat ng sanga-sangang problema ni Tadeo na nagpapahirap sa kaniya ngayon.

Gusto kong may sisihin subalit hindi ko mahanap ang dahilan para maramdaman 'yon. Nurse lang ako. Kaagapay at ang tungkulin ay umalalay. Hindi na sakop ng trabaho ko ang makaramdam ng kung anu-anong mga bagay na hind naman parte ng job description ko.

Kumatok ako, ipinagbibigay alam ang presensya ngunit walang lakas na pihitin ang seruda. Muli akong napabuntong hininga. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng papalapit na yabag mula sa loob na walang dudang kay Tadeo. Mukhang maging siya ay naiinip na rin sa mabagal na pagdating ko.

"Lunch's over, Clementine," bungad niya, kunot ang noo at halatang sira ang mood.

"Ano..." Napakamot ako sa sentido. "May nangyari kasi sa baba. Kailangan kong tumulong kaya hindi ako nakabalik kaagad," paliwanag ko.

Inaasahan ko na magsusungit pa siya at sisinghalan ako. Ngunit imbes na matalim na tingin ay pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko habang ang mga mata ay kababakasan nang pag-aalala.

"Okay ka lang ba? May nangyari bang hindi maganda?" tanong niya sa mas malumanay ng tono.

Pilit akong ngumiti sa kaniya at nauna na sa pagpasok tulak-tulak ang metal trolley na may lamang pagkain naming dalawa. Inilapag ko ang lahat ng laman no'n sa center table dahil 'yon lang naman ang nag-iisang puwedeng pagkainan sa lugar na 'to.

"Kakain na," sabi ko na hindi siya nililingon.

Narinig ko ang paghakbang niya palapit sa akin at ilang sandali lang ay nakaupo na sa harapan ko. Maging ako ay naupo na rin sa bakanteng single sofa sa harapan niya. Sa pagitan namin ay naroon ang lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain na nakahain.

Tahimik ang naging simula nang tanghalian namin. At hindi ko itatangi na gano'n na lang ang ilang na nararamdaman ko habang kaharap siya. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na may makakasabay ako sa pagkain na maliban sa pamilya ko. At mas lalong hindi ko naisip na magiging si Tadeo ang unang makakasalo ko.

Sa sobrang ilang na nararamdaman, naging maya't maya ang naging pagnanakaw ko ng tingin sa kaniya. Sa sobrang hiyang nararamdaman, hindi ko nagawang enjoy-in ang pagkain ko dahil mas naaagaw ng presensya niya ang atensyon ko. Bagaman seryoso lang siya sa pagkain niya at halos hindi na ako tapunan ng tingin, hindi ko pa rin magawang kumalma.

At dahil sa pagtitig ko sa kaniya ay napansin ko na naman ang pagkain niya gamit lamang ang isang kamay. Ang isa ay nasa arm rest lang ng sofa at paulit-ulit na tumatapik doon.

"Ako na," pag-ako ko nang makitang hirap siyang maghimay ng isda.

Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. "Salamat."

Tumikhim ako at kinuha ang pagkakataon para buksan ang paksa tungkol sa mga naging kaganapan kanina sa baba. "Paano kung makita mo ulit ang taong gumawa niyan sa'yo?" mahinang tanong ko, ang paningin ay nakapako sa ulam na hinihimay at inaalisan ng tinik.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan na tanong niya.

Tinapos ko ang ginagawa. Naglagay ako ng kanin sa kutsara at pinatungan ko ng ulam bago itinapat sa bibig niya. He was stunned for a couple of second. And his eyes glistened with an unexplainable emotion. Nagpalit-palit ang tingin niya sa kutsara at sa aking mukha.

"Eat, Tad," masuyong bulong ko.

Tumalima siya at isinubo ang pagkain na nakahain sa harapan niya. Hindi humiwalay ang tingin niya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Walang salitang lumabas mula sa mga bibig namin ngunit katulad noong mga pagkakataong nagkakatinginan kami, parang nandoon sa mga palitan ng tingin na 'yon ang pagkakaintindihan.

"'Yong taong pumalo sa ulo mo ng baseball bat... nandito siya," sa wakas ay nasabi ko.

Kumunot ang noo niya, bahayang tumagilid pakanan ang ulo, tila hinahalukay sa isip kung sino ang sinasabi ko.

"'Yong empleyado mong dahilan ng pagkakaroon mo ng ganiyang kondisyon, nandito rin siya sa ospital," dagdag ko.

"Sino?" naguguluhan niya pa ring tanong.

Gulat ang naramdaman ko sa narinig. Ibig sabihin ay hindi niya kilala kung sino sa mga naging empleyado niya ang may gawa nito sa kaniya?

Napabaling ang atensyon namin sa pagbukas ng pintuan ng kuwarto. Kasisimula pa lang namin sa tanghalin ngunit mukhang matutldukan na agad sa pagdating ng mga kapatid niya at ni Mrs. Celino.

"Brother," pagbati ni Sir Theo kay Tadeo.

Magbibigay daan na sana ako sa kanila para may maupuan sila nang sabay na senyasan ako ni Sir Theo at Doc Tatiana na manatili lang sa kinauupuan at ipagpatuloy ang ginagawa. Naiilang man ay binalikan ko ang kaninang ginagawa habang nakayuko, nahihiya na makita ang mga taong naroon.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong naupo sa nag-iisang bakanteng single sofa si Doc Tatiana. Sa likod niya ay naroon makatayo si Mrs. Celino habang si Sir Theo ay basta na lang naupo sa sahig at nag-indian sit.

"So, brother. May nakarating sa aming balita," panimula ni Sir Theo habang inilalabas mula sa long brown envelope ang ilang pirasong papel. "Dante Rosales. 56 years old. May dalawang anak. Engineer ang isa habang nasa college pa ang isa. Kilalang engineer ang anak niya na siya ring gumawa ng kompanya mo noon. Wala ng asawa, byudo," pagbabasa ni Sir Theo sa mga nakasulat marahil sa papel na dala.

Nag-angat ako ng tingin kay Tadeo na ngayon ay kunot ang noo na nakatingin sa kapatid. "Anong mayroon?" naguguluhan niyang tanong.

Inilipat niya ang tingin sa akin at sumenyas na subuan siya. Naramdaman ko ang pag-apoy ng pisngi ko sa sobrang ilang at hiya ngunit pinili ko na huwag magpadala at tumalima sa nais niya.

Sa tikhim na 'yon ni Doc Tatiana ay gusto ko na lang hilingin na bumukha ang lupa at lamunin ako no'n para makatakas sa lugar na 'to. Hind ko sila binalingan ng tingin. Nanatili akong nakayuko, nahihiya kahit na wala namang ginagawang masama.

"Eight years ago, Tad, amidst the chaos in your company, he flogged your head brutally for countless of times using a baseball bat," mahinang paglalahad ni Doc Katiya.

Ang kaninang naguguluhang ekspresyon na mukha ni Tadeo ay napalitan ng rekognasyon nang sa wakas ay rumehistro na sa kaniya ang mga pahaging ko kanina pa.

"Nandito siya? Bakit? Paano?" naguuluhang tanong niya sa akin.

Imbes na ako ang sumagot ay si Sir Theo ang nagsalita, "Wala kaming ideya na siya nga ang taong dahilan ng sakit mo. Wala namang nakakaalam kung sino talaga sa rami ng tao noong araw na 'yon ang may gawa. His face was covered the same with everyone who started the riot. Kaya hirap kami, tayo, na tukuyin ang pagkakakilanlan niya. Then earlier this day, he went to the pulis to confess what he did."

"Paano siya nakapasok dito kung matino naman siyang tao?" naguguluhang tanong ni Tadeo na siya ring kanina ko pa gustong itanong.

"It was the staff's fault for lacking. My fault for not making sure that every details and information forwarded to me was true. According to his papers, he was diagnosed with disruptive disorder along with depressive episodes," pagbibigay alam ni Mrs. Celino. "Dinala siya rito four years ago. Inabandona, mas tamang sabihin. Simula nang dalhin siya rito ay ni minsan hindi man lang siya binisita ng mga anak niya. Noong una wala namang mali sa kaniya talaga na aakalain mong normal lang. Kaso habang tumatagal, nakikita namin kung paanong naging pabago-bago ang mood niya. Madali rin siyang mairita at madalas na nagagalit at nagwawala. Kung hindi naman ay nasa isang sulok at nagmumukmok, umiiyak at malungkot. I do believe that the diagnosis about his condition was all true. But things beyond that, I could not be certain if it was just an act. Hindi siya pansin dito dahil halos katulad lang din naman siya ng iba. Hindi na namin napagtuunan ng pansin dahil akala namin normal lang. At humihingi ako ng dispensa sa naging pagkukulang ko."

Pinangibabawan kaming lahat ng katahimikan. Maging ang pagkain ay amin nang nakaligtaan. Walang sinuman ang umimik. At para bang naghihintayan lang kung sino ang unang magsasalita.

Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang mga taong nandoon. Si Sir Theo, Doc Tatiana, at Mrs. Celino ay kapuwa nagpapalitan ng tingin, marahil ay sa ganoong paraan nag-uusap. At nang si Tadeo na ang babalingan ko ay ganoon na lang ang pagwawala ng puso ko nang makita na nasa akin nakapako ang pangingin niya, walang imik na pinagmamasdan ako na hindi ko alam kung kailan nagsimula.

Malugod kong tinanggap ang tingin na ibinibigay niya ngunit bigo ako na intindihin ang laman ng isip niya. Salubong ang kaniyang kilay at tila ang isip ay maraming laman. Bumuka ang bibig ko upang magtanong ngunit walang kahit na anong lumabas mula roon. Kaya sa huli ay muli ko na lamang 'yong itinikom.

Ang pagtatanong ni Sir Theo sa nakababatang kapatid ang pumutol sa katahimikan na bumabalot sa amin. Na siyang ipinagpapasalamat ko dahil hindi ko alam kung paanong tatagalan pa ang tingin na ibinibigay ni Tadeo.

"What's your call on this one, bro?"

Matiyaga kaming naghintay sa sagot niya matapos ang mahabang segundong lumipas matapos ang tanong na 'yon ng kaniyang Kuya. Yumuko siya at ipinirmi ang mga mata sa kaliwang kamay na nasa arm rest ng mahabang sofa.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang awa na nararamdaman ko habang pinagmamasdan siyang tinitimbang kung ano ang tamang desisyon. Malalim ang gitla sa noo niya, malalim ang bawat paghinga, at puno ng kaguluhan ang mga mata. Sa likod ng isip ko ay tinatantiya ko rin kung ano nga ba ang mainam na gawin sa kinakaharap na sitwasyon ni Tadeo bagaman wala iyong koneksyon sa akin.

Ngunit kahit pag-isipan ko pa ata ng ilang oras, araw, linggo, o buwan, wala akong makukuhang nararapat na sagot. Bukod kasi sa hindi ko naman alam ang nararamdaman niya at ang mga bagay na pinagdaanan niya ng dahil sa walang lunas na kondisyon niya.

"Magagawa pa ba nating habulin gamit ang batas?" tanong ni Doc Tatiana.

"No," mabilis na tutol ni Tadeo. "No one's going behind bars."

Hindi lang ako ang nagulat. Lahat ng taong naroon ay natahimik at nakatingin sa kaniya.

"Pero siya ang may kasalanan kung bakit ka ganing ganiya. Kaya dapat makulong-"

"That's final," pinal na putol niya sa sasabihin pa sana ni Doc Tatiana. "Kung maghahanap ako ng taong sisisihin kung bakit naging ganito ako, sisimulan ko sa puno't dulo. Dahil kung ako ang tatanungin, hindi niya buong kasalanan. Nadala lang siya ng galit at kagustuhan na ingatan ang ikinabubuhay para sa pamilya. I am not justifying what he did. I am just simply weighing the reasons behind everything. Dahil kung susumahin, mas malaki pa ang kasalanan ko sa kanila."

Naguguluhang nag-angat ako ng tingin sa kaniya na sakto namang nasalubong ang mga mata ni Tadeo. Puno ng pagtatanong ang mga mata na sinalubong ko ang kaniya. At nakuha niya ang ibig sabihin ng tingin ko na 'yon kaya kusa na niyang dinugtungan ang paliwanag niya.

"Masyado akong nabulag ng bisyo na siyang buhay ko noon. Walang tigil. Walang patid na uhaw para sa mga bagay na akala ko noon ay importante. Nalulong ako sa sugal. Sa alak, casino, at babae. Napabayaan ko ang sarili kong negosyo. Nauwi sa patung-patong na utang at kaliwa't kanang pangako na hindi ko natupad. I was just starting and I envisioned my company to soar high within a span of two years. But even before I could do that, I cut my own wings... bringing the whole Cuddle Bears along with me."

"Pero paano ka?" mahinang tanong ko, sa unang pagkakataon ay nagsalita.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang awang nararamdaman ko para sa kaniya gayong bago pa lang kaming nagkakilala. Hindi ko rin alam kung sa ibang pagkakataon ba na ibang nurse ang naka-assign sa kaniya o ibang pasyente ang inaalagaan ko ay magiging ganito rin ba.

Naaawa ako sa kalagayan niya at pigilin ko man ay hindi ko mapagtagumpayan. Dahil bukod sa pag-intindi ay 'yon lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Awa.

Sa isang ngiti na pinakawalan niya ay mas bumigat ang nararamdaman ko. Sa tunay na ngiti na 'yon... mas dumoble ang awa ko para kay Tadeo. Hindi ko alam na masakit din palang makita ang isang taong nagpapakatotoo. Gustuhin ko mang isipin na peke ang ngiti na iyon, hindi ko magawa dahil alam ng lahat ng taong nadito na tunay iyon.

"Okay lang ako, Clementine," nakangiting sabi niya. "I am used to this kind of life. Five years with this condition, I began to learn how to cope. I got used to it. Kaya hindi mo ako kailangang intindihin dahil okay lang ako."

Ayokong maniwala ngunit alam ko sa sarili kong totoo ang sinasabi niya. Gusto kong itanggi ang mga narinig ngunit nasa boses niya ang pagpapaintindi. Nagbaba ako ng tingin, hindi na kinaya ang katatagang nakikita sa kaniya sa gitna ng kaguluhang nangyayari sa buhay niya.

"Okay lang maging hindi okay, Tadeo. Okay lang na mangailangan ng tulong. Okay lang na mapagod. Okay lang na huwag masanay. At okay lang na magkaroon ng taong aagapay sa iyo." Nag-angat akong muli ng tingin sa kaniya. Ngumiti ako at sa pagkakataon na ito ay siya naman ang natigilan. "Walang masama kung hindi mo kaya. Para saan pa at nandito kami kung wala lang din naman kaming silbi."

"Naiintindihan ko, Clementine." Tinanguan niya ako matapos ay binalingan ang mga taong nasa kaliwa namin. "Naiintindihan ko rin kayo. Pero intindihin niyo rin ang kagustuhan kong protektahan kayo mula sa sarili ko. Have you forgotten how I repeatedly slapped myself during my waking hours? Have you forgotten how I throw things at you all when all you wanted was to ask if how my day went by? And please freshen up your memories and remember that day that, out of nowhere, I smack Tatiana's head while we were just supposed to enjoy dinner."

Sabay na nag-iwas ng tingin ang mga naroon. Habang ako ay muli na namang napayuko habang naghihintay kung ano ang magiging kasunod ng mga sasabihin niya.

It was his story that I wasn't aware of. It was a story of a reality that greeted him after the struggles he had gone through. At gusto kong alamin ang lahat. Lahat-lahat ng nga bagay na napagdaanan niya para mas maintindihan ang nararamdaman niya. Baka sakaling may maitulong ako. Baka sakaling may magawa ako para magawa siyang alisin sa lugar na ito.

Ngunit hindi ko inaasahan ang kirot na biglang nabuhay sa puso ko habang pinagmamasdan siyang magkuwento ng mga karanasan niya sa loob ng mga taon na nakakulong siya sa sakit niya. Normal na paglalahad lang naman ang ginagawa niya pero ang epekto no'n sa akin na nakikinig ay kakaiba. Ramdam ko ang pagsisi niya sa sarili maging ang sakit na nararamdaman niya ay nagawa niyang maisalin sa akin sa pamamagitan lamang nang pagpapakatotoo niya sa sarili at sa sariling nararamdaman.

"Remember why I asked for a handcuff to be used every time I'll be sleeping? Kasi maging sarili ko kaya kong saktan ng higit pa sa simpleng pagsampal lang. I want you all to understand how hard it is on my part to see you get hurt because of my own hand. Please do understand how it would feel like to be stared at by people with fear in their eyes. Dahil baka sila rin ay masaktan ko. Na baka bigla na lang akong mag-alburoto at pagbabatuhin sila ng kung anu-ano. Imagine being looked at as if you're the biggest nuisance on Earth. Dahil sa paulit-ulit na mga kilos ko. Sa paulit-ulit na paglalagay ko ng mga bagay-bagay sa paligid ko, sa paulit-ulit na pagbubukas at sara ko ng pinto. Nakakapanliit."

For the second time today, he let go of a smile. At hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na hindi na iyon ngiti ng tuwa. O ang mas malungkot dahil sa sakit na kaakibat ng ngiting ngayon ay ibinibigay niya.

"This isn't the life I pictured to have. But this is the life I was given. Kuntento na ako rito. Kaya kong mabuhay dito kahit gaano pa katagal. Kaya hayaan niyo na ako rito. Hayaan niyo akong mabuhay sa paraan na gusto ko... dito sa lugar na mas nababagay ako."

***

"Tadeo," mahinang tawag ko sa kaniya.

Nakatayo siya sa tapat ng bintana sa likod ng maliit na opisina niya. Nakapasok sa bulsa ng kupas na maong na pantalon na suot niya ang dalawang kamay. Hindi katulad kanina na naka-itim na t-shirt siya, ngayon ay kulay abong hoodie ang suot niya. Nakasaklob sa ulo niya ang hood at sa ganoong paraan nagtatago.

Hindi rin tulad kanina na marami kami rito sa loob, ngayon ay naiwan na muli kaming dalawa rito. Tatlong oras na ang nakakalipas matapos ang usapang namagitan sa amin na hindi namin nagawang tuldukan dahil sa biglaan pagpasok ni Tadeo sa sarili niyang kuwarto. Ilang oras siyang nanatili roon at lumabas lang matapos ang isa't kalahating oras at bago nang paligo.

Ang totoo ay natatakot akong kausapin siya. Dahil hindi ko alam kung mapapanatili ko ba na buhay ang usapan o katulad kanina ay mawawalan na lang ako bigla nang sasabihin. Gusto ko siyang kausapin at alamin ang nararamdaman niya pero takot din ako na maramdamang muli ang mga bagay na ipinaramdam niya sa akin kanina. Ang awa at kakaibang bigat na ngayon ko lang naramdaman.

"Sa tingin mo..." mahinang panimula ni Tadeo, ang paningin ay nananatiling nasa harap at tila malalim ang iniisip. "May buhay pa kayang nahihintay sa akin sa labas ng lugar na 'to?"

Nakaramdam ako ng lungkot at muli na namang nasapawan ng awa para sa kaniya. Sa pandinig ko ay natutunog bata na nag-aasam ng isang bagay ang naging tono ng boses niya. At nahahabag ako sa kalagayan niya dahil nakukulong siya sa isang sitwasyong hindi siya kailanman makakalaya.

"Kapag ba sinabi kong oo, maniniwala ka?" umaasang tanong ko.

Nagkibit-balikat siya sa akin. "Siguro."

"Kung gano'n ay oo ang sagot ko sa tanong mo, Tadeo. Oo, may buhay na naghihintay sa iyo sa labas."

"Paano kung makasakit ako ng iba? Paano kung mawalan na lang ako ng kontrol at bigla na lang maging sanhi ng kaguluhan para sa kanila?" takot na tanong niyang muli.

"We need to make them understand that there are people out there with special condition. Rare disorders that they haven't encountered before." Humakbang ako palapit sa kaniya. "Hindi magiging madali ang lahat, Tadeo. Huwag kang umasa na lahat ng tao kaya kang intindihin. Huwag na rin tayong umasa na magiging payapa ang bawat araw mo dahil alam nating pareho na hindi. But give yourself a chace, Tadeo. Free yourself."

Nakita ko siyang huminga ng malalim. Sa isang hakbang lang ay nagawa na niya akong lingunin. Dahil sa hood ng jacket na suot niya ay hindi ko nagawang makita ang mukha niya ng buo. Madilim din dahil taliwas sa sinag ng panghaping araw ang mukha niya. Gustuhin ko man siyang makita para alamin ang posibleng nararamdaman niya ay ninakaw ng dilim na bumabalot sa mukha niya dahil sa pagkakatakip doon ang pagkakataon ko na matitigan siya.

"Paano kung mapagod na ang lahat ng tao sa kakaintindi sa sitwasyon ko? Paano kung hanggang umpisa lang pala si Kuya at Tatiana? Paano kung hihinto rin naman pala sila kalaunan?" naghahamong tanong niya na hindi ko magawang atrasan.

"Paano kung mapagod na silang lahat pero ako hindi pa?" balik na paghahamon ko kahit na nalilito ako sa sarili kung bakit idinawit ko ang sarili ko.

Oo nga pala. Nurse niya pala ako at tungkulin ko na alagaan siya.

Nakita ko siyang natigilan sa naging tanong ko sa kaniya. Mas yumuko pa siya kaya mas lalo kong hindi nakita ang mukha niya.

Huminga ako ng malalim at bumuga ng marahan. "Maaaring masyado pang maaga para sabihin ko na kaya kong samahan ka kahit na gaano pa katagal at kahit gaano pa kanakakapagod para sa iba. Maraming puwedeng mangyari sa loob ng mga natitirang oras sa kasunduan natin at gusto ko lang sabihin na handa akong manatili. At sana, kapag natapos ang araw na ito... may desisyon ka na. Kung papayag ka man o hindi, rerepstuhin ko, namin. Pero sana, pumayag ka dahil naniniwala akong may buhay ka pa sa likod ng seldang ipinalibot mo sa sarili mo. Higit lang dito ang buhay na mayroon ka, Tadeo."

Please, Tadeo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top