Chapter 7
A/N: Hello. If ever man po na may ma-notice kayong errors or wrong information na nailagay ko sa story, please do inform me. So, if ever there's something that I wrote wrongly, technicalities, information, and other things, please correct me po (in a nice way). I don't write stories for it to be perfect but I am doing my best to grow and improve as a writer. Thank you po! :)
Crime
Masyado kong nakasanayan ang isang araw na lumilipas na labas-masok lang ako sa kuwartong nakalaan kay Tadeo. Kung susumahin, humigit-kumulang dalawang oras lang ang kabuuan ng mga oras na nananatili ako sa iisang espasyo kasama siya. Ngayon tuloy ay hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang lalo na at ang dalawang na kadalasang iginugugol ko rito ay nakonsuma ko na... at sobra pa.
Hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin. Kung anong klase ng upo o postura ang gagawin. Kung ako lang ba ang ganito ay hindi ko na alam. Mukha namang wala lang kaso sa kaniya dahil patuloy lang siya sa sariling ginagawa sa lamesa niya. Samantalang ko, pilit mang manghanap ng maaaring gawin ay walang mapala. Kung si Robin o ang ibang pasyente lang sana ang kasama ko ay kanina pa ako nakunsumi sa ligalig nila. Si Tadeo naman kasi ay normal ang pag-iisip at tahimik lang kaya imbes na konsumisyon ay ilang ang aking nararamdaman.
Ang tanging nagagawa ko lang ngayon ay mag-obserba sa kaniya. Sinusundan ang bawat galaw niya mula sa pagsusulat, pagtipa sa laptop, at minsang pagsalungat na naman ng kaliwang kamay niya.
"You could just go downstairs and watch me throuh the monitor, Clementine," he suggested after not minding my presence for a short while.
Nilingon ko ang cctv camera sa likuran ko na nakatutok sa kaniya ngayon. "Are you fine with this setup?" tanong ko na ang pinatutungkulan ay ang camera na nakatutok sa kaniya. "I mean, hindi ba awkward? Don't you feel like your privacy's being invaded?"
Ibinaba niya ang hawak na ballpen. Isinandal niya ang likod niya sa swivel chair matapos ay tumingala at eksaktong dumapo sa camera ang mga mata niya.
"I'm a patient here, too," he reasoned out. "And it's a policy. I've been treated unfairly from the start. Simpleng bagay lang ang ganiyan."
Mataman ko siyang tiningnan, pilit na inaarok ang laman ng kaniyang isipan. "Pasyente ka dahil pinili mong ikulong ang sarili mo sa lugar na 'to."
"Kung wala namang mali bakit ko pa ikukulong ang sarili ko rito?" tanong niya na may himig ng sarkasmo.
Hindi ako nakatugon dahilan para balutin kami ng katahimikan na tumagal ng ilang minuto. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang siya ay nakatingala pa rin sa kisame. Nanatili kami sa ganoong posisyon bago siya nagbaba ng tingin sa akin at sinalubong ang mga mata ko matapos ang ilan pang segundo. He remained silent for a couple minutes, he just keep on staring at me as if there are lots of things that he wanted to say.
A lot of things passed his eyes. Emotions that he has been hiding and truths that he's keeping to himself. Sa kabila ng distansyang namamagitan sa amin ay nabasa ko ang pagsigaw at pagkawala ng mga emosyon sa mga mata niya na pinangungunahan ng takot at pangamba.
"Imagine yourself walking on a busy street, or in a public palce, or simple just strolling around a mall. Then suddenly, your hand would slap someone, unzip someone's jacket, grab someone by his shirt, or throw the things displayed on a store. When you thought it was fine, you'll found yourself disturbing other people with your condition." He took a deep breath before continuing. "It's a big nuisance to have AHS. You won't be able to eat or sleep peacefully for the fear that you might harm yourself would always run in your head. And it would be more complicated if I'll push living outside of this cell. At least sa ganito, ako lang ang argabyado. Sa ganitong paraan, hindi ako magiging pabigat o makakadistorbo ng ibang tao."
It was a genuine confession. Not really a confession, but more like sharing one's hidden story. At habang nagsasalaysay siya na diretsong nakatingin sa aking mga mata, sabay na naramdaman ko ang sakit at awa para sa kaniya.
Dati na akong nahahabag at nalulungkot para sa kaniya. Dahil alam kong sa likod nang pagkukulong niya rito ay ang lihim na paghiling niya na lumaya. Dahil na rin siguro sa mga taon na pananatili niya rito kaya natatakot na siyang makihalubilo sa iba. Dala na rin nang matagal na pag-iisa ay nakalimutan na niya ang pakiramdam nang may kasama.
Gusto niya, pero wala na siyang kakayahan na isakatuparan dahil sa takot na maakapekto sa iba. His left hand would always act up, as if it has its own mind. Kaya naiintindihan ko ang parte na gusto niyang mag-isa dahil hindi natin alam kung anong puwede niyang magawa sa ibang tao na kaharap at maging sa sarili niya.
"You could still try, Tadeo," bulong ko.
"I did try, Clementine," mariin niyang putol sa sasabihin ko pa. "Sumubok ako dahil gusto ko rin mabuhay katulad ng kung ano ako noon. But it brought me nowhere. And I am so damn tired trying to live like nothing's wrong because there's definitely no right for me in this world."
"Hindi mo ba gusto na magkaroon ng sariling pamilya? Ayaw mo ba na mag-asawa at magkaanak?" pagpipilit ko.
Nakita ko kung paano siya natigilan kasabay nang lalo pang pagbigat ng tingin na ibinibigay niya sa akin. Naging sunud-sunod ang bigat ng paghinga niya habang ang tingin ay hindi inaalis sa akin. It was as if he was speaking through his heavy stares. As if he was weighing the answer to my questions, or if there would be an answer at all.
"Would you marry a man like me, Clementine?"
It was like a bomb thrown and exploded right in front of me. It shook my world the same way that it made my heart beats faster. Wala namang ibang kahulugan pero sa bigat nang pagtatanong niya ay para bang sa likod no'n ay may nakatagong pag-aasam.
"Would it be okay for you to spend your life with a man like me? A man with an incurable disorder?" muli ay pagtatanong niya ngunit sa mas mabigat nang tono sa pagkakataon na 'to.
Napipe ako. Tinakasan nang kakayahan na makapagsalita o makabuo man lang ng pangungusap. Alam ko ang sagot sa tanong niya. Ngunit wala akong lakas na sabihin dahil baka iba ang maging dating.
Nanatiling magkadaop ang mga mata naming dalawa. Sabay na naghihintay kung sino ang muling magsasalita. Alam kong naghihintay siya nang isasagot ko. Pero natatakot akong sumagot kahit napakadali lang nama ng tanong.
Nakita ko ang naging pagbabago sa mukha niya. Mula sa bigat na kaninang naroon na ngayon ay nauwi sa ngisi na ang ibig iparating ay panghihinayang. Napayuko siya, at bago tuluyang naitago ang mukha ay nagawa ko pang masilip ang dismayado niyang ekspresyon. Pagkadismaya sa sagot na hindi ko nagawang ibigay.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang pusong nagwawala bago sumagot na kanina ko pa dapat ginawa. "Marrying you would just be the same as marrying the man I would love in the future. E, ano naman kung may sakit ka?" I took another deep breath and focused on my answer even though thinking straight became hard with him intently listening to every words I speak. "If I need to live with the fact of you having an incurable disorder, then there's nothing wrong with that. Parte ng pagmamahal ang pagtanggap. Kaya handa akong yakapin ng buo ang sakit, o anumang bagay na kakaiba, na mayroon ang taong nakalaan sa akin. At hindi 'yon hahayaan na maging hadlang para makasama ang taong mamahalin ko."
Katahimikan ang sumunod na namagitan sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya, naghihintay ng reaksyon habang siya naman ay tuloy pa rin sa pagyuko. Gusto ko pang sundan ang mga nasabi na ngunit hindi ko na mahanap pa ang mga tamang salita na hindi mauuwi sa maling pakahulugan.
"How I wish I could hear those words in a different scenario," he whispered inaudibly that made it impossible for me to hear.
Kumilos palapit ang katawan ko para sana ay magawang marinig ang sinabi niya ngunit tapos na siyang magsalita at hindi na nasundan pa. "Anong sinabi mo?" tanong ko na naghahanap ng linaw sa mga bagay na hindi narinig at hindi naintindihan.
Umiling siya. At sa wakas ay nag-angat ng tingin matapos ay tipid na ngumiti sa akin. "Nothing, nurse."
Natigilan ako. Napako sa kinauupuan at bahagyang nagulat nang marinig muli ang itinawag niya sa akin noong unang araw na umapak ako rito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang hindi ko gusto ang naging dating no'n. 'Yong tipong tila nabagabag ako sa normal lang naman kung tutuusin na pagtawag sa akin.
It is my profession and it would be inevitable to be called that way. Nurse. Pero bakit parang iba ang epekto sa akin ngayon? Bakit parang hinahanap ko ang nakasanayan nang natural na pagbanggit niya sa pangalan ko? The way he said those words even sounded so different now. It's as if he was reminding the two of us what am I in his life. The job that I should be doing and the limit of my connection to him.
Mahina akong umubo, inaalis ang bara na nabuo sa lalamunan ko. "Ikukuha lang kita ng pagkain sa baba," mahinang sabi ko.
Tumango siya, nagbibigay ng permiso sa pag-alis ko. "Okay. Bring some for yourself also. Sabay na tayong kumain dito."
Ako naman ngayon ang tumango. "Anything you want to eat in particular?"
Umiling siya sa akin at bumuntong hininga. "The food here is always the same. Anything would be fine."
Isang tango pa ang isinagot ko bago tumayo at lumabas na. Dali-dali akong lumabas sa lugar na 'yon. Lutang ang pag-iisip na sumakay ako sa elevator na magdadala sa akin pababa sa cafeteria.
Ang mga taong nagkakagulo sa unang palapag ng gusali ang unang bumungad sa akin. Mga lalaking nurse na nagtatakbuhan. Habang ang mga babae naman ay kani-kaniya ng tingin sa kung saan-saan. Maging si Shane ay nakikita ko pa na aligagang iniikot ang paningin sa buong lugar, tila may hinahanap.
Agad na nagkaroon ng ideya sa isip ko kung anong nangyayari ngayon. Ang tanong lang ngayon ay kung sino.
"Shane," pagtawag ko sa kaibigan na ngayon ay nakalapit na sa direksyon ko.
Nahahapong sinalubong niya ako. Lanta ang dalawang balikat habang nakatukod ang mga kamay sa dalawang tuhod. "May tumakas," imporma niya, kinukumpirma ang nasa isip ko kanina.
Napabuntong hininga ako, sanay na sa ganitong klase ng pangyayari ngunit kinakain pa rin ng kaba sa takot na baka mapahamak ang kung sino man ang nakatakas na tinutukoy niya.
"Sino?" tanong ko.
"Si Robin."
Mas lalo akong napabuntong hininga. Minasahe ko ang sentido ko kasabay nang paghalungkat sa isip kung saan puwedeng magtago si Robin. Hindi ito ang unang beses na may nangyaring ganito na tatakas siya o mawawala. Katulad ng nakaraang taon at noong mga nakaraan pa ay may pagkakataon talaga na bigla siyang tumatakas ngunit bumabalik din naman siya ng kusa.
Tinapik ko sa balikat si Shane, nagpapaalam na aalis. Tuluyan ko nang nakalimutan ang siyang dapat na gagawin ko. Imbes na sa canteen ay nagtungo ako sa nurse station at hinanap ang kalendaryo noong nakaraan taon na nasa ilalim ng cabinet doon. Nang makita ang pakay ay agad na kinuha ko 'yon at hinanap ang petsa ng araw na mismo na 'to. Hindi ako nagkamali. Tama ang hinala ko na sa kaparehong araw noong nakaraan taon din siya nawala.
"Na-check niyo na ba ang cctv?" tanong ko sa lalaking nurse na dumaan sa harapan ko.
"Nandoon na si Leon. Kaso kanina pa 'yon, wala pa rin siyang ibinabalita sa amin," sagot ni David na kausap ko.
Tumango ako sa kaniya na agad niyang sinuklian sabay talilis ng alis para ipagpatuloy ang paghahanap. Sunod na hinarap ko si Shane na muling tumabi sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagod dala na rin ng butil ng pawis na namatuo sa noo at leeg niya sa kabila ng lamig ng buong lugar.
"Ilang oras na bang nawawala?" kinakabahang tanong ko.
"Magdadalawa na."
Mas lumala ang kabang nararamdaman ko. Kung tama ang tanda ko ay trenta minutos lang ang itinagal nang paghahanap noon kay Robin. Pero ngayon ay mas matagal na ang inilalagi niya sa labas.
"Sure ba na wala rito sa loob?" tanong ko pa ulit.
"Wala. Kahit ang alarm na nakakabit sa paa niya ay tinanggal niya. Pilit niyang tinaggal mas tamang sabihin. May mga bakas ng dugo ang anklet, mukhang nagasgas sa paa niya sa pagpipilit na alisin."
Hindi ko na alam kung pang-ilang buntong-hininga na ba ang pinakawalan ko ngayon lang. Palagi namang ganito sa tuwing may nagtatangkang tumakas na hindi naman madalas mangyari. Nariyan na kakabahan ka sa mga posibilidad na may masamang mangyari sa kanila. At nariyan din na matataranta ka sa kahahanap sa kanila.
Sumenyas ako kay Shane na lalabas upang tumulong sa paghahanap. Tinanguan niya rin ako at nagtungo sa taliwas na direksyon na tutunguhin ko. Mabilis ang naging paglalakad ko, ang ulo ay pabaling-baling pakaliwa at kanan sa paghahanap ng pamilyar na pigura ni Robin. Ngunit nasuyod ko na ata ang buong lugar at naikot na ang kabuuan ng labas ng ospital, wala akong nakita ni anino niya.
Pagod na sumandal ako sa pader malapit sa bukana ng ospital. Hinabol ko ang hininga ko at pilit na pinakalma ang mabilis na tibok ng puso. Ilang minuto akong nanatili roon at magtatagal pa sana kung hindi lang dahil sa sirena ng police mobile na unti-unti nang lumalakas sa aking pandinig.
Salubong ang kilay na lumabas ako sa gate, sa likod ko ay naroon ang guard na hindi nagampanan ang trabaho at hindi napansin ang pagtakas ni Robin. Sabay na hinintay namin ang papalapit na sasakyan. Sa likod ng isip ko ay umaasa akong hindi 'yon hihinto at magtutuluy-tuloy lang sa takot na baka masamang balita ang dala no'n. Ngunit hindi 'yon nangyari dahil eksaktong-eksakto ang paghinto no'n sa tapat mismo namin.
"May tumawag ho ba ng pulis?" tanong ko sa guard.
"Wala ho, Ma'am Guinto."
Ang kaba na nararamdaman ko kanina ay napalitan. Nilukob ako ng matinding pagtataka at pinuno ang isip ko ng maraming katanungan. Mula sa pagbaba ng pulis ay pinanood ko. Hanggang sa nagtungo siya sa likurang bahagi at binuksan ang pinto. Lahat, sinundan ko ng tingin.
Ang naka-hospital gown na si Robin ang nabungaran namin. Walang naiba sa ayos niya, malinis pa rin tingnan. Ngunit ang lubos na nagpagulo sa isip ko ay ang dalawang kamay niya na nasaharapan, na binuklod ng posas.
"Ano pong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ko.
Mula sa likuran ko ay narinig ko ang mga nagmamadaling yabag ng mga taong patungo sa direksyon namin. Mula sa isang pares hanggang sa dumami nang dumami. Maging ang tinig ni Mrs. Celino ay narinig ko na rin.
"Robin?" tinig ni Mrs. Celino 'yon.
Narinig ko ang halos magkakasabay na pagsinghap ng mga taong nasa likod ko. Na maging ako ay hindi rin napigilan. Ang nakasanayan naming nakangiting mukha ni Robin at puno ng buhay na mga mata ay wala na ngayon. Tila naging ibang tao ang Robin na kaharap namin. Wala ng emosyon ang mga mukha niya. At sa kabila ng ngiti na nakapaskil sa mga labi niya ay pawang lungkot na lang ang mababasa mga mata.
Naguguluhan ako. Hindi ko magawang maipaliwanag ang dahilan ng pagiging kakaiba niya ngayon. Paanong sa loob lang ng nga oras at minutong nawala siya ay ganito na lang ang pagbabagong nangyari sa kaniya.
"Maaari po ba naming makaausap ang namamahal sa ospital?" magalang na panimula ng pulis ba nakatayo sa gilid ni Robin.
"Ano nangyari? Bakit hawak niyo ang pasyente ko?" seryosong tanong ni Mrs. Celino.
"Pumunta siya sa estasyon namin kani-kanina lang. Umamin sa isang kasalanan. Siya raw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ng dati niyang boss," paliwanag niya ngunit hind nakatulong para alisin ang kaguluhan sa isio ng mga taong naroon.
"Po? Anong kasalanan po? At bakit kailangang posasan?" gulung-gulong tanong ko, magkakasunod.
"Nagpipilit siyang ikulong namin at nagwawala at halos makapanakit na ng nga kabaro ko. Nakita namin ang ID na suot niya ka nalaman namin na pasyente siya rito."
"Anong kasalanan naman ho ang dahilan niya?" singit na tanong ni Shane.
"Walang linaw ang bagay na 'yan. Basta ang sinasabi lang niya ay siya ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sa boss niya. Iniisp namin na dala ng sakit niya kaya ganiyan ang mga sinasabi niya. Balisang-balisa siya kanina at kumalma lang noong pabalik na kami rito sa ospital," paliwanag muli ng pulis. "Ibabalik na ho namin siya rito. Walang beripikasyon ang bagay na sinasabi niya. Naghalungkat na kami ng records at tumawag sa mga kalapit na siyudad ngunit wala talagang nakasampang kaso o warrant of arrest na naghihintay sa kaniya. Hindi rin namin matukoy kung totoo ba o gawa-gawa lang ng isip niya ang isinusuplong sa amin."
Hindi ko na nagawa pang mapakinggan ang iba pang palitan ng salit ng pulis at ni Mrs. Celino. Nanatili lang nakapako kay Robin ang paningin ko, sinusundan ang bawat galaw niya habang hinahanap ang dating siya. Ngunit wala na talaga. Hindi ko masabi na naging normal na siya at bumalik sa katinuan. Naroon pa rin kasi ang ilap ng mga nata niya na dumadapo kung saan-saan.
Pero ang pagbabago niya ang nasisiguro ko. Dahil wala na ang mapaglarong kinang sa mga mata niya ngayon. Napunta ang tingin niya sa akin at muli na naman akong nginitian sa malungkot na paraan.
Kusang humakbang ang mga paa ko palapit sa kaniya, 'di alintana ang mga matang nakasunod sa aming dalawa. Nang sumapat na ang lapit namin sa isa't isa ay doon lang siya nagsalita. At sa lahat ng kaguluhang nangyari sa araw na 'to, sa simpleng salita lang niya ay nabigyan ng linaw ang lahat ng 'yon.
Sa kabila ng haba ng ibinulong niya, bawat salita ay tumatak at agad kong naintindihan. Sa kabila ng bigay ng emosyong nakapaloob sa bawat bukas ng bibig niya, tinatagan ko ang loob ko para pakinggan siya habang pilit na iniintindi ang mga salitang binibitawan niya.
"Ayokong magkaroon ng kriminal na ama ang anak ko. Propesyonal siya, tinitingala at hinahangaan ng lahat ng tao. Kung kailangan kong magpanggap na baliw para matakasan ang pagkakasala ko, gagawin ko. Noon 'yon. Pero gusto ko sa malinis na paraan na gawin ngayon... para sa anak ko. Ihingi mo ako ng tawad sa kaniya. Ipakiusap mo ako na huwag ilagay sa loob ng selda. Nagmamakaawa ko. Tulungan mo ako kay Tadeo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top