Chapter 6

Proposition

"You've got to try, man. She will understand. I know she will."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang usapan ng dalawang lalaki na nanggagaling sa loob ng kuwarto ni Tadeo. Ang boses ng isa ay nasisiguro kong sa pasyente ko habang ang isa naman ay marahil nanggagaling kay Sir Theo.

Nasa salas ako habang silang dalawa naman ay naroon sa loob. Bahagyang nakaawang ang pinto kaya nagagawa kong  marinig ang palitan nila ng mga salita. At base sa usapan nila ay mukhang kanina pa sila nag-uusap.

It's already lunch time and it's time for him to eat. Galing na lang sa canteen ang dala ko para kay Tadeo hindi katulad ng kanina sa almusal niyang arroz caldo na ako pa mismo ang nagluto.

Papasok na sana ako sa kuwarto niya para tawagin siya nang marinig ko ang pag-uusap ng dalawa. Wala sa intensyon ko ang makinig ngunit nadadala ako ng kuryosidad sa mga salitang naririnig mula kay Sir Theo.

"Of course she will," sagot ni Tadeo na ang dating ay sarkastiko. "But on a different scenario, she would not."

Narnig ko ang pagbuntong hininga ni Sir Theo dahil sa naging tugon ng kapatid. "You know why? Because you never let yourself be close to anyone, especially to her. Duwag ka kasi, lalo na ngayon na ganiyan ang kalagayan mo. You fear rejections, especially coming from her."

Walang akong maintindihan. Pakinggan ko man nang pakinggan ay hindi ko magawang sabayan ang nagiging takbo ng usapan nilang dalawa. Ang tanging malinaw lang na rumerehistro sa akin ay ang babaeng sentro ng usapan nila.

The way they talked sounded like they are used to this kind of conversation. Naroon ang inis ni Tadeo at naroon din ang pagtitimpi ni Sir Theo.

"No one would ever understand the broken and dysfunctional man that I am."

A surging wave of emotion consumed me with what he said. My eyes instantly went blurry with unshed tears because of the effects of his emotions that was hidden behind his words.

Gusto niya. Naririnig ko sa boses niya ang kagustuhan na sumubok muling mabuhay sa labas ng lugar na ito. Nararamdaman ko ang llihim na paghiling niya sa bagay na 'yon ngunit siya rin mismo ang pumipigil sa sarili niya dahil sa mga bagay na nagagawa ng kamay niya.

I wanted to curse his disorder. I wanted to confront the man who repeatedly hit his head that caused him to be liked this. I would never understand how he feels with his situation. I would never understand how he's coping up. His disorder is incurable. He would never be back to normal again. He would grow old stucked with his situation.

And maybe that's the reason why he shut himself out. Maybe that's what's stopping him to move forward.

"Paano kami?" mahina ang boses na tanong ni Director. "We understand you that's why we have been doing this. Dahil alam namin na may buhay pa na naghihintay sa'yo sa labas ng gusaling 'to," nanunumbat na sagot ni Sir Theo na pinipigil ang magtaas ng boses. "You still have a company to handle. Foundation, projects, scholarship programs, and a lot more. Alam kong kaya mong gawin ang mga 'yan habang nandito ka. Pero hanggang kailan, Tad?"

"You know why I am doing this."

"I know but that doesn't mean I understand. You have a disorder, fine. Your hand does things that you can't control. You can hurt yourself and you can also hurt other people. But you can still live your life. You said you're dysfunctional. The more that you need someone to be with you and assist you by your side." Ang marahas na pagbuntong hininga niya ang sunod na namutawi sa loob. Ramdam na ramdam ko ang pinipigil na galit niya sa bawat malalim na paghinga niya. "You, having that fucking disorder is not a sin, brother. Stop punishing yourself."

Nakarinig ako ng pagkilos mula sa loob ngunit nanatiling nakapako ako sa kinatatayuan ko. Nanatiling tutok lang ang paningin ko sa pintuan na para bang kayang tumagos doon ng tingin ko upang magawang makita ang nangyayari sa loob.

Hanggang sa bumukas ang pintuan at iniluwal si Sir Theo na salubong ang dalawang kilay ay hindi pa rin ako nakagalaw. Paulit-ulit na naririnig ko ang inis na sigaw ni Sir sa kapatid niya. Ang matinding kagustuhan na maialis ang kapatid dito ang siyang nagdodomina sa boses niya habang kausap si Tadeo.

Nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya na agad din namang nawala. Ngumiti siya sa akin matapos ay hinimas ang panga at batok na para bang kinakalma ang sarili.

"Kanina ka pa?" tanong niya na.

Tumango ako bilang sagot. "Pasensya na po kung nakinig ako."

"Nah, it's fine."

Napatingin kaming dalawa nang bumukas ang pituan at lumabas si Tadeo. Katulad ng kuya niya ay rumehistro rin ang gulat sa mga mata niya ngunit ang kaibahan lang ay ang pangingibabaw ng pangamba.

Alam kong hindi ako nagkakamali sa mga nakikita kong emosyon dahil naging mailap ang mga mata niya at bahagya rin siyang namutla. Ang ikinapagtataka ko lang ay kung bakit naging ganito ang reaksyon niya samantalang wala naman akong makitang dahilan para maging ganito siya.

Kung ang usapan naman nila kanina ay hindi ko makitang sumasapat para matakot siya gayong wala naman akong maintindihan maski isa.

"Okay ka lang ba?" tanong ko bago ko pa man mapigilan ang sarili ko.

Sa pagkakataon na 'yon ay nilingon na niya ako ngunit ang pamumutla ay bakas pa rin sa mukha niya. "I'm fine."

"I better get going." Muli kong nilingon ang Director na matamang nakatingin sa nakababtang kapatid. "You better straighten out your mind, brother. Masasapak na talaga kita."

Muli lang nag-iwas ng tingin si Tadeo bago nakapamulsang umalis sa kinatatayuan para magtungo sa maliit na opisina niya. "I'm not a kid, Kuya."

"But you act like one, dumbass." He just shrugged his shoulders off as his answer. Sir Theo just hissed at his action before looking back at me. "Please help him shave."

Tumango ako bilang sagot. "Sige po."

Tango na lang ang isinagot niya bago tuluyang umalis. Awkward silence filled the room when we were left alone. Hindi ko alam kung paanong magbubukas ng usapan.

I just stood to where I was and just stared at his back as he look at the view outside over his glass window. Tahimik lang din siya na para bang maraming bagay ang pumupuno sa isip niya. Ang kanang kamay ay nakapasok sa bulsa habang ang kaliwa naman ay paulit-ulit na pumipisil sa stress ball na hawak.

Hindi ko alam ang gagawin gayong tila wala siya sa mood at mukha pang iritado. Matapos dumaan ang ilang segundo ay nakita ko ang ginawang pagbitaw ng kaliwang kamay niya sa stress ball matapos ay kumuha ng ballpen. Akala ko ay gagamitin niya 'yon bilang panulat ngunit gumalaw ang kamay niya para sumulat sa lamesang puti na nasa gilid niya, walang partikular na iginuguhit maliban sa paulit-ulit na pabilog at tila walang sariling kontrol.

"ARE YOU REALLY sure about this?" Doc Tatiana asked full of worry.

Hindi ako nakasagot agad. Ramdam ko ang panlalamig kg kamay ko maging ang butil ng pawis na namumuo sa noo ko. I asked for this pero sa kabila no'n ay nararamdaman ko pa rin ang takot at kaba na siyang pumipigil sa akin noon. Samahan pa ng mga nag-aalalang tingin ka ibinibigay sa akin nina Doc at Mrs. Celino.

Malapit nang dumilim at halos oras na rin para bumalik ako aa kuwarto ni Tadeo para sa pagtulog niya. Ngunit bago 'yon ay sumadiya muna ako rito sa quarters para makausap si Mrs. Celino at Doc Tatiana.

"Yes, Doc. Sigurado po ako," walang kumpiyansang sagot ko.

Napayuko ako nang makita siyang bumuntong-hininga. "We understand the confusion you're feeling right now. At maiintindihan din namin kung tatanggi ka. Yes, we want to make our brother's life to be normal again. But we don't want to put anyone in discomfort."

Maraming bagay ang dumaan sa isip ko dahil sa sinabi niya. Mas nabuhay ang pagtatalo sa puso ko at mas lalong lumalim ang takot sa puso ko.

I don't know how far his situation can get in the future. Maaaring magkatotoo ang kinakatakot ng lahat at maaaring masaktan ako ni Tadeo. The articles about someone's experience having the same disorder like Tadeo that I've read on the internet has no validation. But the truth about the possibility of him, harming himself or other people scares everyone.

"It's okay to take your time, Clementine." Mrs. Celino held my hand that made me look at her. Marahan niya akong nginitian matapos ay tumango na tila pinaaalala ang presensya niya.

Malalim na hininga ang sunod kong pinakawalan bago ko pinagsalit-salit ang tingin sa dalawa. "Pinal na po ang desisyon ko. Tinatanggap ko po ang alok niyo," nakangiting wika ko.

Relief immediately surface on both of their faces but worry was still evident. Gusto ko mang payapain ang mga kalooban nila, alam kong walang sasapat na salita para humupa ang pag-aalalang narardaman nila.

Kahit ako naman na hindi maiwasan ang mag-alala. But I need to do this for I know no one else will. Wala akong ideya kung saan nanggagaling ang kumpiyansang mayroon ang mga nakatatandang kapatid ni Tadeo at todo ang suporta sa akin na ako ang maging personal na nurse niya. Nonetheless, it wouldn't hurt to try and extend my hand to help someone.

"You knew that alien hand syndrome is incurable, right? Hindi na makakalaya ang kapatid ko sa sitwasyon niya. The reason why we want to hire you is for him to have his life back outside of this institution. We need someone to be by his side in case something happen."

Tumango-tango ako bilang sagot sa mga sinabi ni Doc Tatiana. "I know, Doc. We may not be able to cure him but we can lessen the symptoms through therapies. And to do that, we need to make him leave this place."

"His both hand would mostly act contrary to one another. Most specifically, his less dominant hand would always do things to contrary to what his dominant hand wants to do. Katulad nang pagsarado niya sa pinto gamit ang kanang kamay na agad ding isasarado ng kaliwang kamay niya," pagpapaliwanag ni Doc. "It would feel strange... foreign. As if his hand wasn't part of his body. There will be a point that he would unintentionally hurt himself using his left hand which is his left dominant one. And even when sleeping, kaya niya pinoposas ang sarili niya para maiwasang maulit ang dating pananakal niya sa sarili."

"Sabihin mo lang sa amin kung may mga kailangan ka, Clementine para makatulong sa'yo," paalala ni Mrs. Celino.

Hindi ko nagawang makatugon dahil nahulog na ako sa malalim na pag-iisip. Bagaman nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan namin ni Doctora, hindi pa rin ibig-sabihin na tapos na ang problema.

The problem now is Tadeo. I am well aware of how stubborn he can be when it comes to this. Lalo na at saradong-sarado ang isip niya at wala sa plano niya ang umalis sa lugar na 'to. Mahirap baguhin ang isip niya.

I need to be more stubborn; I need to be persistent, and I need to make an effort. But will that be enough?

"Sa tingin niyo po ba makakaya ko?" kinakabahang tanong ko sa mga kaharap.

Nagkatingin sila at tila sa ganoong paraang lihim na nag-usap. Ang sagot na hinahanap ko ay nabasa ko na sa mga mata ni Doc Katiya bago pa man siya makapagsalita. Naroon ang pagsang-ayon at ang malaking tiwala na kaya ko.

Sa mabibilis na araw na nagdaan sa pag-aalala kay Tadeo ay hindi iisang beses na nakaramdam ako ng kalituhan dahil sa mga kilos niya. Ilang beses na ipinakita niya sa akin na para bang kilala niya ako ng higit pa sa pagiging nurse sa ospital na ito.

At ngayon na nakikita ko ang kaparehong reaksyon mula sa kapatid niya ay mas lalo akong naguguluhan at nalilito.

"Kaya mo, Clementine," puno ng kumpiyansang tugon niya sa naging tanong ko.

"Bakit po parang ang taas ng tiwala niyo sa akin gayong sa mga naririnig ko ay hindi basta-basta nababali ang desisyon ni Tadeo?" hindi ko napigilang itanong. "Kilala niyo po ba ako ng higit pa sa pagiging empleyado ko rito?"

Binaha ng katahimikan ang buong lugar. Hindi sila nakaimik at mas lalong hindi sila makatingin sa akin. Kung ako ang tatanungin alam ko na ang sagot. Na kilala nga talaga nila ako. Ngunit gusto ko ng kumpirmasyon.

Kung paano? Kung bakit? O kung saan nagtagpo ang mga landas namin.

"Ask Tadeo. He's the answer."

Buong araw akong binagabag sa naging tugon na 'yon ni Doc Tatiana. Kinakain ako ng matinding kuryosidad at lumalala ang kagustuhan na mahanapan ng sagot ang mga katanungang nabubuo sa isip ko.

Hanggang sa lumipas ang panibagong linggo ay mas lumalala lamang ang kuryosidas ko sa naging pag-uusap namin na 'yon. Ngunit nasasapawan 'yon ng iritasyon ko dahil sa pagtangging paulit-ulit na narinig ko kay Tadeo na ilang araw ko na ring sinusuyo para mapapayag sa kagustuhan kong alisin niya rito.

Aburidong ginulo ko ang buhok ko habang pinupukol ng matalim na tingin ang lunchbox na dadalhin ko sa kaniya. Ang mga katanungang nasa isip ko na itatanong ko sana sa kaniya ay hindi ko nagawang isaboses. Maging ang hanapan ng tiyempo kung kailan magtatanong ay hindi ko napagtagumpayan  dahil mas lamang ang pag-iisip ko ng mga paraan para mapapayag siya.

Katulad ng nakagawian sa nakalipas na isang linggo ay ako muli ang nagluto ng kakainin niya para sa almusal. Isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang naging pag-uusap namin ni Doctora at Mrs. Celino.

Dala-dala ko pa ang putaheng niluto ko mula sa bahay na iniinit ko na lang sa canteen bago dalhin sa kaniya. At katulad din ng isang linggo na lumipas ay maaga na naman akong nagising para lang makapagluto.

Maging ang buhok ko na kadalasang maayos na nakapusod ay magulo pa rin hanggang ngayon dahil kinulang ako ng oras para ayusin 'yon bago umalis kanina. Walang ganang inayos ko ang pagkakalagay ng afritada sa mangkok na styro at ang kanin kasama na ng kutasara at tinidor.

Tadeo is a heavy breakfast eater kaya hindi nakapagtatakang kanin ang hanap ng tiyan niya tuwing almusal. Ayon na rin 'yon kay Miss Tatiana na talagang inabala ko pa para lang alamin ang mga bagay na 'yon. Mabuti ba lang at nandito rin si Mrs. Celino kaya hindi ako nahirapan na hagilapin ang numero ni Miss Tatiana.

Nang matapos sa ginagawa ay tumayo na ako at tinungo ang kuwarto ng lalaking hindi mabali-bali ang desisyon. Kasing tigas ng bato ang bawat pagtutol niya at kasing kipot ng butas ng karayom ang tiyansang mababago ko ang isip niya.

Pero hindi sapat ang pagiging matigas ng ulo niya para sumuko ako. Isang linggo pa lang ang lumilipas kaya hindi maaaring sumuko na agad ako. He has a life outside this place and I'll make sure that he'll live it. I just need to make him choose to step out of this place.

"You're getting thinner each day, Clementine," bungad niya sa akin nang mabuksan ko ang pintuan ng kuwarto niya. "I suggest, you stop waking up early just to cook me food and get some decent sleep."

Hindi ko pinansin ang paglilintanya niya at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa kaliwang kamay niya matapos ay tahimik na inalis ang posas doon. I really don't find it necessary to handcuff his hand whenever he's sleeping. Although Sir Theo already said that his left hand once attempted to choke him, Tadeo, in his sleep. Siguro dahil hindi ko pa nakikita ang mga malalalang bagay na kayang gawin ng kaliwang kamay niya kaya ko nasasabi ang ganito.

But how can I see it if he's not letting me? Bilang lang ang oras ng pananatili ko rito sa tabi niya ba kadalasan ay sampong minuto lang ang tinatagal. It is his rule that I should not stay in his room for more than thirty minutes.

"Clementine, I'm talking to you," may bahid ng inis na sabi niya.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Don't worry. Huling beses ko nang gagawin 'to. After this day, no more home cooked meals for you," pagbibigay alam ko.

"Really?" nananantiyang tanong niya.

Nagbunyi ang kalooban ko nang makarinig ng kaunting panghihinayang sa boses niya dahil sa ibinalita ko. I guess, he, somehow, got used to the setup even if it only lasted for a week.

It's not part of my plan to stop, it's just that, I need to think of a new way to change his mind. Kung hindi naman umuubra ang ginagawa ko, bakit ko pa ipagpapatuloy? Nagsasayang lang ako ng oras at lakas gayong wala rin naman akong mapapala.

But his reaction isn't what I've expected. Mukhang mami-miss niya ang luto ko kahit pa makailabg beses niya na rin akong pinatigil na dalhan at lutuan siya.

"You can just say yes if you'll be missing my food." Napangiti ako sa malokong paraan nang matantong puwede kong gamitin ang pagkakataon para kumbinsihin siya. "You see, Tad, the moment that you say yes, hindi lang almusal ang ipagluluto ko sa'yo. Kasama na rin ang tanghalin, hapunan, miryenda, o maski pulutan."

Natawa ako sa naging tono nang pananalita ko. Why do I sound like I flirt? Tsk.

Nang lingunin ko siya ay nakakunot na ang noo, tila hindi nauunawaang mabuti ang sinabi ko. "And why would you do that?"

Napairap ako sa hangin. "Of course, I'll do that. We will be staying at one place while I am your hired private nurse. 'Yon ay kung papayag ka lang naman. Na mukhang malabong mangyari dahil desidido kang tumanggi nang tumanggi."

"No. Still, no," mariing sabi niya na ikinabuntong hininga ko.

"I have a proposition." Tumayo ako sa gilid ng kinahihigaan niya habang siya naman ay kumilos para umupo.

"What?"

"Let me stay here for the whole day." Mabilis na dumaan ang pagtutol sa mga mata niya ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon at nagpatuloy sa pagsasalita. "Just one day. Gusto kong maranasan mo, at maranasan ko, kung paano ang magiging takbo ng araw natin nang magmasama. I want us to have a simulation. Kung hindi mo pa rin gusto, kung hanggang lumubog ang araw kapag sumapit ang dapit-hapon at hindi ka pa rin kumbinsido, titigilan ko na. Hahayaan na kita at hindi na kita pipilitin."

Panandalian kong nakita ang pagsang-ayon sa mga mata niya na mabilis ding nasapawan ng pagtutol sa suhestiyon ko.

Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya at pinanood siyang tila tinitimbang ang isasagot sa akin. His eyes dropped to his left hand on top of the table squeezing a stress ball. It lasted for a couple of minutes with silence filling the air surrounding us.

Pilit ko mang gawing kalmante ang nararamdaman ko ay hindi ko magawa dahil talagang nakaksramdam ako ng kaba habang hinihintay ang desisyon niya. I want him to say yes, not just on my suggestion but for the whole thing I am bothering him with. Pero maliit lang ang porsyentong nakikita ko na papayag siya.

"I'll think about it," he said.

Nanlaki ang mga mata ko at napahakbang ako palapit sa kaniya sa gulat sa narinig. He didn't say yes but hia answer equates to an agreement already. Ibig-sabihin may tyansa na pumayag siya.

"Wala nang bawian," wala sa sariling tugon ko, hindi pa rin nakakabangon mula sa gulat.

Mula sa mga kamay niya ay umangat muli ang tingin niya para salubungin ang mga mata ko. Bumuntong hininga siya at inabot ang kamay ko gamit ang libreng kamay. He held on it tight with no intention of letting go.

---
A/N: Maraming salamat po sa matiyagang paghihintay! ♡ As much as I want to elaborate his condition further, I'm afraid that I might give wrong information. I'll read about this disorder more and a chapter tackling about Alien Hand Syndrome will be out soon for us to better understand this kind of rare disorder. You can always correct me anytime and I would highly appreciate it. Thank you, ulit! :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top