Chapter 4
Normal
Tahimik na nakasunod lang ako sa tatlong taong nasa harapan ko at naglalakad. Gusto ko na sanang umalis at bumalik sa pagta-trabaho dahil sa rami ng mga bagay na nalaman ko ngayon araw kaso ang sabi ni Mrs. Celino ay may isa pang sasabihin ang magkapatid sa akin.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. We want to give you an offer, Miss Guinto." Napabaling ako kay Sir Theo nang magsalita siya matapos naming marating ang lugar kung saan naka-park ang kani-kaniyang sasakyan nila ni Doktora Tatiana.
"What offer, Sir?" nagtatakang tanong ko.
Nasa gilid ko sa Mrs. Celino at nararamdaman ko ang pagkakalapat ng kamay niya sa likuran ko, tila pinaaalam ang presensya niya sa akin. Nginitian ko ang ginang bago muling binalingan si Sir Theo na bagaman seryoso ang ekspresyon ng mukha ay kababakasan ng pag-aalala na alam kong para sa kapatid niya.
"We want to hire you as Tad's private nurse," pagtatapos ni Doktora.
Bahagyang umawang ang labi ko sa gulat na hindi ko nagawang itago pa. Hindi ko inaasahan na ito ang maririnig ko mula sa kanila. Private nurse? Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na maging private nurse ni Tadeo. Ako man ang naka-assign na nurse para sa kaniya, parte pa rin ng trabaho ko ang mag-alaga ng ibang pasyente bukod sa kaniya.
Nakamaang ko silang pinagmasdan dalawa na namamag-asang nakatingin sa akin. Hindi ako agad nakahuma ng saot para sa katanungan na 'yon. Ngunit isang bagay lang ang paulit-ulit na umiikot sa utak ko habang pinoproseso ang mga bagay na gusto nilang mangyari. Bakit ako?
Muli ay naalala ko ang napagkuwentuhan namin ni Shane. It can be any nurse, anyone of us. Nagkataon lang na ako ang libre ng mga panahon na 'yon kaya ako ang naa-assign nang gabing 'yon. Pero hindi ko naman naisip na aabot pa sa punto na aalukin ako na mahing private nurse. Ganito rinnba ang nangyari sa mga nurse bago ako?
"Our whole family badly wanted Tad to live a normal life, again. We want him out of this place that has been his home for five years now," kababakasan ng lungkot na wika ni Sir Theo habang ang paningin ay nakapako sa pinakataas ng gusali kung saan marahil naroon ang kapatid. "We don't want him to be here in the first place, anyway. But he insited on burrying himself in this institution despite our disapproval. There was no need for Tad to be here simple because my brother is no crazy. But damn, we just woke up one day with a call from the former director, who happened to be a friend of mine, that my brother was here admitting himself in this psychiatric hospital."
Wala sa sariling sinundan ko rin ng tingin ang tuktok ng gusali at doon hinanap ang sagot sa kaninag tanong nila sa akin. I feel pity for Tadeo upon hearing his story. Hindi niya kasalanan na nauwi siya sa pagkakaroon ng ganitong klaseng kundisyon na nagpapahirap na sa kaniya sa loob ng maraming taon.
He can still have a normal life, that's for sure. There's still a life waiting for him outside of this place. Pero siya na mismo ang nagkulong sa sarili niya rito sa takot marahil na baka masaktan niya ang mga taong nakapaligid sa kaniya. I can't fully understand his situation for it's a very complicated one. Not even the little knowledge and information I have about him can enlighten my understanding about what he is going through.
Pero naiintindihan ko ang pamilya niya sa kagustuhan nilang maging normal muli ang buhay ng kaanak nila. A normal life. Yet it was made possible because of the disorder that Tadeo has.
"There will be an increase in your salary if you'll agree. You just need to be with him and assist him whenever he needs assistance, especially when his left hand is acting up," paliwanag ni Miss Tatiana. "And you need to be with him 24 hours."
Mabilis na bumaba ang paningin ko mula sa gusali na tinitingnan ko kanina patungo kay Doktora. Gulat ang nangingibabaw sa halo-halong nararamdaman ko sa narinig na sinasabayan ng biglaang pagbliis ng tibok ng puso ko sa isang estrangherong dahilan.
Hindi ko magawang isatinig ang mga bagay na gusto kong sabihin. Pinupuno ng iba't ibang katanungan at senaryo ang isip ko na hindi ko alam kung saan nanggaling. An image of me with Tadeo in one place, one house, brought a tingling sensation in every fiber of my body.
I flinched when a foreign heat invaded a part of my being and I am sure as hell that I should not be feeling this. Pagiging nurse ang trabaho ko at hindi ang kung anu-anong nga bagay na walang kinalaman doon.
Malalim akong huminga at pasimpleng inilapat ang kamay sa dibdib kung saan nararamdaman ko ang mabilis at halos nagwawalang pagtibok ng puso ko. I almost sigh in relief when five seconds passed, calmness finally took over me.
"We will be living in one place, in other words?" tanong ko kahit na 'yon naman ang talagang pinupunto ng kundisyones ng pagiging private nurse ko kung sakali.
"Technically, yes," sagot ni Sir Theo.
Ang pagtutol ang unang kong naramadaman sa naging tugon niya. At alam ko na hindi lang ako ang makararamdam no'n sa oras na sabihin ko ang tungkol dito sa pamilya ko. This isn't the first that I was offered to be a personal nurse. Na-offer-an na rin ako noong kapapasa ko lang sa licensure exam ko na maging private nurse ng isang matandang may Alzheimer's pero tumanggi ako.
Not because the patient will solely be on my care and that means a lot of job to be done. But because I don't want to leave my family. We've already lost one pillar of our family, and that happened unexpectedly. At hanggang ngayon ay tahimik na nagluluksa pa rin kami dahil sa nangyari. Kaya hangga't maaari ay ayaw kong malayo sa pamilya ko ng matagal. I want to be with them for we don't know when accident would happen.
But a greater part of me wanted to say yes to their offer. At hindi ko na kailangan pag-isipan pa kung bakit gano'n na lang ang mas nangingibabaw sa kagustuhan ko. Dahil kay Tadeo.
"Bakit po ako?" naguguluhang tanong ko.
"That..." Napalingon ako kay Sir Theo nang bitinin niya ang mga salita niya. I saw how a playful glint of emotion crossed his eyes that doubled my confusion. Sa kabila ng seryosong mukha nito ay mababakas ang kakaibang kislap ng tuwa at kapilyuhan sa mga mata niya, na itago man ay hindi lubusang mapagtagumpayan. "Is something I cannot disclose to you, Miss Nurse," pagpapatuloy niya.
"Ho?" Mas lalo lang akong naguluhan nang ngitian niya lang ako bilang sagot.
Tumikhim si Doktora Tatiana kaya napabaling ako sa kaniya. "We need you to convince our brother to leave this place and live his life the way he used to. It hurts us seeing him here isolating himself as if he did a horrendous crime. Kaya naman niya na mabuhay ng normal. He can still have it, a normal life, but he refuse to." Malungkot na napabuntong hininga ang babae at naiiling na nagbaba ng tingin.
"We will give you time to think, hija." Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Mrs. Celino. Siya naman ngayon ang binalingan ko at ang palad niya ay nananatiling nakalapat pa rin sa likod ko. "Hindi mo kailangang sumagot ngayon."
Tanging pagtango lang ang naging tugon ko sa kawalan ng iba pang sasabihin sa kanila. I can't come up with a decision now. Kailangan ko muna 'tong iparating sa pamilya ko at hingin ang opinyon nila.
Nang magpaalam ang dalawa na aalis na ay sabay na pinanood namin silang dalawa na lulan ng kani-kaniyang mga sasakyan hanggang sa hindi na namin magawang matanaw ang mga sasakyan nila. Sabay na bumalik kami ni Mrs. Celino sa loob ng ospital at naghiwalay lang nang pumunta siya pabalik sa quarters habang ako naman ay paakyat sa kuwarto ni Tadeo.
Paulit-ulit na umuukilkil sa isip ko ang mga bagay na nalaman ko mula sa mga kapatid ni Tadeo at maging kay Mrs. Celino. I don't know what to feel exactly about all of the bombarding facts that they have told me. Hindi rin nakatulong ang mga bagay na nabasa at napood ko sa internet na mga pag-aaral tungkol sa sakit ni Tadeo noong isang araw.
Truth to be told, it's scaring the hell out of me. Lalo na nang mabasa ko ang isa article na isinalaysay ng taong may katulad ng kalagayan ni Tadeo na nasaktan nito ang sarili niyang ina nang dahil sa sakit niya. There was no confirmation whether it was true or not and there was even an argument that it maybe just his unconscious self that was wanting to kill his own mother.
But the possibility remains that Tadeo may end up hurting me physically, or any other people that would be near him. Pero hindi 'yon ang lubos na ikinakatakot ko. Dahil katulad nang narinig ko mula kay Sir Theo, mataas ang posibilidad na masasaktan ni Tadeo ang sarili niya nang dahil sa kaliwang kamay niya.
Muling nanumbalik ang diwa ko sa pagtunog ng elevator hudyat na narating ko na ang palapag na pakay ko. Walang dala na kahit anong tinungo ko ang kuwarto niya at pumasok sa loob.
"What did you all talk about?" pambungad na tanong niya habang nakapamulsang nakatingin sa babasaging bintana.
Naguguluhang tiningnan ko ang likod niyang nakaharap sa akin. "Ha?"
Seryoso ang mukhang humarap siya sa akin. Ang dalawang kilay ay bahagyang magkasalubong tanda ng inis na marahil ay kaniyang nararamdaman. "What did you talk about with my brother and sister?"
Unti-unting lumukob sa akin ang reyalisasyon sa bagay na pinatutungkulan ng naging tanong niya kanina. "You," simpleng tugon ko.
Tumiim ang bagang niya at dumaan ang inis sa mga mata niya sa naging sagot ko na ikinabahala ko. Nasundan ko ng tingin ang makailang ulit na paghinga niya ng malalim na para bang kinakalma ang sarili sa pamamagitan no'n.
"Stay here," malamig niyang utos matapos ay seryosong tinungo ang kuwarto niya.
Mabilis na sumunod ako sa kaniya nang tuluyan na siyang makapasok sa loob. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi niya tuluyang naisarado ang pintuan kaya sa maliit na siwang na 'yon ay nagagawa kong makita ang ginagawa niya.
He frustratingly combed his hair using his right hand before getting his phone from the bedside table. Seryoso ang mukha na tumipa siya sa aparatong 'yon at ilang sandali lang ay inilagay niya 'yon sa tapat ng tainga niya.
"You asked her to be my private nurse, didn't you?" nagpipigil ng galit na tanong niya sa nasa kabilang linya.
Hindi ko magawang mapakinggan ang naging tugon nang kausap niya kaya tanging ang mga salita lang niya ang naririnig ko sa pag-uusap na 'yon.
"I could puch you hard right now, Theo. Hindi niyo na dapat ginawa 'yon!" Napaigtad ako sa gulat nang umalingaw-ngaw ang galit na sigaw niya kasabay nang lalo pang pagdilim ng kaniyang mukha. Ano ba kasi ang problema? "My answer is no, brother." Natahimik siya sandali, marahil ay nagsasalita ang nasa kabilang linya. "You're asking me, why?" Sarkastiko siyang nagpakawala ng tawa na naghatid ng kakaibang pakiramdam sa akin dahil nararamdaman ko ang pinipigil na galit at lungkot sa ginamit niyang tono ng pananalita sa kausap. "Should I remind you what happend to my previous private nurse, Reign?"
Natahimik ang kuwarto at hindi na nuling nagsalita pa si Tadeo. Ilang minuto pa akong naghintay na masundan ang pag-uusap ng dalawa ngunit tanging ang mahinang pagmumura na lang ng lalaki ang narinig ko.
Kinain ng kuryosidad ang buong sistema ko sa mga kulang na impormasyong napakinggan. What happened to his previous private nurse? And why is so reluctant about the thought of her being his private nurse this time?
From the way he sounded it seems like having a personal nurse is the last thing that he wanted for himself. Naririnig ko ang matinding pagtutol niya sa bagay na 'yon. I can't understand his reason because from how I see it, he needed one. Lalo na sa nga pagkakataon na hindi magkasundo ang mga pagkilos niya. If he has no one by his side, he won't be able to do anything.
Bumalik ako sa kaninang kinatatayuan ko at sakto naman na bumukas ang pinto at lumabas si Tadeo mula roon. Ang kaseryosohan ng mukha niya at ang malalim na gitla sa pagitan ng salubong niyang mga kilay ay hindi pa rin nawawala. Isang patunay na hindi niya nagustuhan ang naging pag-uusap sa nakatatandang kapatid.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa marating niya ang maliit na opisina niya at hinila ang swivel chair gamit ang kanang kamay. Ngunit wala pang isang segundo ay muli 'yong itinulak ng kaliwang kamay niya para muling pumaloob sa ilalim ng lamesa. Mas nalukot ang mukha ni Tadeo at makailang ulit pang ginawa ang paghila at muling pagtulak sa upuan bago ako nagdesisyon na lumapit sa kaniya.
May maliit na ngiti sa mga labi na kinuha ko mula sa bulsa ng uniporme ang isang dilaw at pabilog na stress ball na may muka ng isang emoticon na nakangiti. Inilagay 'yon sa kaliwang kamay niya matapos ay ako na ang humila ng upuan para sa kaniya.
"Fuck this life," he said through gritted teeth as he finally take his seat.
"Just keep your left hand occupied," sabi ko habang unti-unting lumalayo mula sa kaniya.
I settled a meter away from him and just let the silence took over the four corners of his room. Maging siya ay tahimik lang din at tila may malalim na iniisip. Gusto ko mang magtanong para pahupain ang kuryosidad ko tungkol sa mga bagay na narinig ngunit mas pinili ko na lang na manahimik. It's not good to pry on someone else's life.
"My answer is no," he said after a short while.
Naguguluhang tiningnan ko siya, hindi masundan ang pinupunto ng mga salita. "No for what?"
"No as in I don't want you to be my private nurse." Nag-angat siya ng tingin sa akin at sinalubong ng seryosong mga mata niya ang nagtatanong na mga mata ko. "And you won't be able to convince me."
"How sure are you with that?" naiinis na tanong ko.
"A hundred percent." Pagod na isinandal niya ang likod sa kinauupuan at pikit ang dalawang mga mata na tumingala. "Ano sa tingin mo ang dahil kung bakit nandito ako sa mental hospital na 'to?"
Now that he asked, that got me more curious about him. Nabanggit na 'yon kanina nina Sir Theo at Miss Tatiana pero hindi ako kuntento sa mga narinig. Tadeo shielding his family from his own hands is just the basic reason for me. Sa tingin ko at may mas malalim pang dahilan sa likod ng pananatili niya rito.
To isolate himself, maybe. To keep his distance from other people and having less attachment to anyone, another maybe. To stop himself from given ng physical damage to himself and other people, another maybe. Kahit na ano pa ang dahilan na isipin ko, alam kong tanging siya lang ang may alam kung ano ba talaga ang dahilan niya.
Mataman kong pinakatitigan ang seryosong anyo niya. Nakapikit pa rin siya ngunit ang pagod ay walang dudang nakabalatay sa mukha niya na kanina ay salamin ng pinipigil na inis na nararamdaman. The image of him eating with his hand as the soup flows im between his fingers down to his arm on our first meeting came rushing through in my memory.
Bigla ay nanikip ang dibdib ko sa awa para sa kaniya. I don't think I'll be able to forget that moment. At sa bawat araw na pumapasok ang imahe na 'yon sa akin ay hindi pumapalya ang ang awa na nararamdaman ko para sa kaniya. Parang may sumasakal sa akin sa tuwing naaalala ko ang imaheng 'yon na hindi na ako nilubayan pa maging sa pagtulog kom
"Don't you want to try?" mababa ang boses na tanong ko.
Ilang segundo siyang hindi umimkl at nanatiling pikit ang mga mata. I didn't get tired waiting for his response even though ten minutes have already gone by. Nanatili akong nakatayo isang metro mula sa kaniya at nanatiling nakapako ang paningin sa kaniya.
Nahigit ko ang hininga nang matapos lumipas ang panibagong limang minuto ay nagmulat siya ng mga mata at eksaktong dumapo sa akin. "I don't want to harm other people." Bumuntong hininga siya. "Harming myself is fine, I can take the pain. But the possibility of me harming other people is a big no, definitely not part of my list of choices. I'd rather be alone in this hell than to take someone with me, and make that person experience hell in my own hand."
My heart clenched in pain upon hearing his words. Alam ko ang gusto niyang iparating. And the information that his brother have told me is finally making sense. Naalala ko ang sinabi nitong mga pagkakataon na sinasaktan ni Tadeo ang sarili. And that just made me more eager to convince him to have a private nurse.
Mas nanaig sa akin ang kagustuhan na mapapayag siyang gawin akong personal nurse niya. Maging ang pag-intindi sa maaaring maging reaksyon ng pamilya ko ay nawala sa isip ko at napalitan ng kagustuhan na mapapayag siya.
"There are therapies that can ease it, nabasa ko 'yon. We can try mirror box therapy, or other muscle control therapies just to reduce the symptoms," suhestiyon ko.
Naiiling na nagbaba siya ng tingin sa kaliwang kamay kung saan naroon pa rin ang stress ball na ibinigay ko sa kaniya kanina. "But that won't cure me," mahinang tugon niya. "Nothing can, not even science."
Muling nanikip ang dibdib ko nang biglang pangibabawan ng sakit ang puso ko. There is no hope in his voice. Hindi na siya lumalaban. He's surrendering his life already. At hindi ko 'yon kayang tanggapin dahil hindi naman nakamamatay ang diperensya na mayroon siya.
He can live until his hair turns gray. He can do the things that he loves doing. He can be with the people whom he wanted to spend his days, months, and years with. He can marry the woman he loves and build a family. He can have a child. But those will only be possible if Tadeo will let himself experience those.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko nang makaramdam ng kirot sa puso ko sa mga bagay na naisip ko. A wife? His child? A family of his own? He can definitely have thos. But why does my heart beats in pain just with those thoughts.
"You'll live," puno ng kumpiyansang sambit ko na ikinaangat niya ng tingin sa akin. "I'll make sure of that. Hindi nakamamatay ang sakit na mayroon ka. Walang taning ang buhay mo. And I've seen a documentary where a woman even got married and spent her life with the man she loves. Kaya naniniwala ako na kaya mo ring mabuhay na katulad ng ibang may sakit na katulad mo."
Mapakla siyang natawa matapos ay muling sinalubong ang mga mata ko. "Sure, I'll live. But I'd rather live alone."
Unti-unting kinakain ng inis ang sistema ko dahil sa paulit na kinalalabasan ng bawat usapan namin. Palagi lang kaming nauuwi sa kawalan niya ng pag-asa. At 'yon ang higit na ikinaiinis ko.
He can live a normal life. Alam ko 'yon at alam niya rin 'yon sa sarili niya. Pero mas pinipili niyang pinaniniwalaan na wala na siyang pag-asa. Na mas maigi at mas makabubuti sa nakararami ang pananatili niya sa lugar na 'to. And he's not seeking for a life outside of this room anymore.
Sure, he might do things that can put other people at risk. He can do actions that can be a nuisance to other people. But he can still have a normal life. He just needs understanding from other people, and assistance.
"Just try, will you?" Humugot ako ng isang malalim na hininga at naglakad papalapit sa kaniya. I slowly raised my hand to reach his left hand that is currently gripping on the stress ball. Ang kaninang nakangiting emoticon na nakaimprenta roon ay lukot na. Marahang humawak ako sa kamay niya at pinakatitigan ang bawat anggulo no'n. His left hand. "Try to live outside of this cell. Wala namang masama kung susubukan mo. I do believe that you can still have it. Ikaw lang ang pumipigil sa sarili mo."
He let out a lifeless chuckle. "The last time I check nothing's normal when you pointed a knife at yourself."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top