Chapter 25

A/N: This is the last chapter of A Manacled Patient. Thank you for supporting the story of Tadeo Kraus!


Farewell

Pikit ang mga mata na dinama ko ang malamig na panghapong hangin na dumadampi sa balat at pisngi ko. Sobrang sarap sa pakiramdam at sa kabila ng lamig no'n ay init ang naramdaman ko sa puso ko. Marahan akong nagmulat ng mga mata para lamang batiin ng isang magandang tanawing bumubusog sa paningin ko. Papalubog na ang araw at ang kulay kahel na kalangitan at kapaligiran ay nagdudulot sa akin ng kakaibang pakiramdam, inaapektuhan ako sa emosyonal na paraan.

Gustuhin ko man na pahupain ang lungkot na nararamdaman ko ay hindi ko magawa. Idagdag pa ang malamyos na musikang pumupuno sa buong rooftop ng coffee shop na kinaroroonan ko na lungkot ang dala. Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko sa bahay na lang manatili ngayong day-off ko. Kaso ay nakapangako na ako ng pagkikita sa taong hinihintay ko ngayon.

Isang buwan matapos ang pagbabalik ko sa trabaho nang tuluyang gumaling ang sugat ko ay ngayon lang ako nagpahinga. Wala akong ibang inatupag kundi ang mga kailangang gawin sa ospital at sa bahay. Inabala ko ang sarili ko sa iba't ibang klase ng gawain at paraan. Pinuno ko ang isip ko ng mga bagay na walang kinalaman sa isang partikular na tao. Pinilit kong gawing okupado ang bawat araw na dumadaan sa buhay ko at siniguro kong kailanman ay hindi ako babalutin ng lungkot. Na maging sa pagtulog ay kinakailangan ko pang magpatugtog para ang mga liriko at tono lang ang tanging pupuno sa isip ko.

Pero ang pansamantalang paglimot pala ay kailanman hindi magiging solusyon para tuluyang wakasan ang mga emosyong pumupuno sa isang tao. Katulad ngayon na nabigyan ng laya ang isip ko na muli na namang balikan ang mga bagay na pilit kong iniiwasan. Ang lungkot na matagal kong inalis sa dibdib ko, ang pangungulila, at pag-aalala ay sabay-sabay ko na namang naramdaman.

"Hey," maingat na pagkuha ng pasin ng pamilyar na tinig mula sa likuran ko.

Inihanda ko na ang praktisadong ngiti na siyang ipinakikita ko sa mga taong nakapaligid sa akin nitong mga nagdaang araw. Iyon na ang hangganan ng kakayahan ko kaya kahit hindi buong-buo ang naibibigay ko, sinusubukan kong unti-unting gawing totoo.

"Good afternoon po, Sir Theo," magalang na pagbati ko.

Nginiwian niya ako matapos ay naupo sa bakanteng puwesto sa tapat ko. "You really need to stop addressing me like that, Clementine. Lalo na kung wala naman tayo sa ospital," ngiwi niya.

"But you're my boss, Sir," nag-aalangan na dahilan ko.

"It would sound better if you would drop honorifics when talking to me. Calling me Kuya Theo sounds even better," nakangising turan niya.

Natitigilan ko siyang tinignan. Kumabog sa kaba at kakaibang klase ng tuwa ang puso ko na pinapatay ang lungkot na bumabalot doon. Sa mga salitang iyon ay ipinaramdam niya na tanggap niya ako bagaman wala naman kaming relasyon ng kapatid niya.

Walang dudang magkapatid nga sila dahil noong mga panahong bago pa lang ako sa pagiging nurse sa kaniya ay parehong mga salita ang narinig ko sa kanilang dalawa. "It would take time to get used to not calling you Sir. Hindi tama sa pandinig ko at parang hindi ko kayo nirerespeto."

Nanatiling nakapaskil sa mga labi niya ang makahulugang ngisi na ibinibigay niya sa akin. "Respeto pa rin naman ang pagtawag sa akin ng Kuya, ah?"

Nag-iwas ako ng tingin sa takot na bigyan ko ng kahulugan ang mga ngising nakikita ko sa kaniya ngayon. Binalingan ko ang papalubog na araw at pilit na kinalma ang nagwawala kong puso sa pamamagitan nang pagnonood sa magandang tanawin na iyon.

Kung sa ibang pagkakataon siguro ako magpupunta rito ay magagawa ko pang ma-appreciate ang ganda ng tanawin na nasa harapan ko. Mararamdaman ko rin sana ang kapayapaang dulot no'n at giginhawa sana ang pakiramdam ko na dala ng malamig na hanging yumayakap sa akin ngayon.

Kaso hindi pa sa ngayon. Dahil imbes nakaginhawaan, mas napupuno lamang ako ng mga nakalulugmok na emosyon.

"Kumusta ka, Clementine?" maingat na tanong niya sa akin.

Posible bang ngumiti habang walang nararamdaman? Iyong klaseng ngiti na walang kaakibat na emosyon? Kung posible man, iyon na siguro ang nakikita ng mga taong nakatingin sa akin ngayon. I started to feel less and less every passing second. The small hole in my heart started to grow even bigger. The shallow feeling inside my chest grew even heavier.

Mahirap ipaliwanag. Inaasahan ko na magiging maayos ang lahat sa mga lilipas naaraw. Kaso bigo ako, bigo na naman ako dahil kahit pilitin ko mas lalo lamang akong nilalamon ng lungkot ay pangungulila sa kaniya.

"I'm slowly getting better," pagsisinungaling ko.

"That's the truth, right?" umaasang tanong niya. Tumango ako bilang tugon pero hindi ko na siya nilingon. "I'm holding onto that, Clementine."

"Hindi mo kailangang mag-alala para sa akin." May ngiti sa mga labi na binalingan ko siya na saktong dumapo sa mga mata rin niya. "Kaya ko. Hindi naman kami kaya dapat okay lang ako."

"You don't need to have a label just to have a right to feel what you wanted to feel. Kung nasasaktan ka dahil sa ginawa ng kapatid ko, masaktan ka dahil karapatan mo iyon." He leaned his body closer to reach my right hand that was resting above the table. "Smile if you're happy. Grimace if you find something that does not suit your liking. Laugh if someone cracked a joke at you. Cry if you're in pain. Shout if you're fed up with those bottled-up emotions in your heart. Tao ka rin, malayang maramdaman ang mga emosyong dapat mong maramdaman."

Mabilis na napuno ng luha ang mga mata ko. Wala pang isang segundo ay malabo na ang rehistro ng mukha ni Sir Theo sa paningin ko. Pero ngumiti pa rin ako habang nilalabanan ang mga luhang malapit nang tumulo.

Kung mayroon lang sanang ibang paraan para magawa kong ilabas ang mga nararamdaman ko na hindi ko na kinakailangan pang umiyak. Kung may alternatibo lang sana nang sa gayon ay hindi na kailangan pang makita at maramdaman ng iba ang nararamdaman ko. Kung kaya kong solohin ang lahat, sosolohin ko. Hangga't maaari ay itatago kung kaya ko.

Kaso ganoon na lang ata ako kadaling basahin na tingnan lang nila ako ay alam na nila ang nararamdaman ko. Sinusubukan ko namang huwag masyadong isipin siya. Ginawa at ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko sa mga nakalipas na buwan para hindi masyadong mapagtuunan ng pansin ang mga nararamdaman, lalo na ang pangungulila sa kaniya.

Kaso sa isang araw lang, sa sandaling oras na pagkabakante lang, sabay-sabay na ibinuhos sa akin ang lahat ng bagay na iniiwasan ko. Ang nararamdaman ko para sa kaniya at ang nararamdaman ko sa pag-alis niya. At maging ang mapag-usapan siya ay pilit ko ring nililiko ngunit doon pa rin huling destinasyon.

Pinilit kong kinalma ang sarili bago pa man tuluyang magbagsakan ang mga luha ko. Tatlong beses akong humingang malalim bago unti-unting luminaw ang mga mata ko nang sa wakas ay nawala ang mga luhang kanina ay nagpapalabo roon.

"Hindi ka ba magtatanong ng tungkol sa kaniya?" nananatiyang tanong niya.

Mabilis na umawang ang bibig ko upang magsalita ngunit mas mabilis na kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili. Kating-kati ang dila ko na magtanong ng mga impormaasyong magtururo sa akin kung nasaan na siya. Kaso nababahala ako na kapag sinimulan ko ay magtuluy-tuloy na.

Ayaw kong ipilit kung hindi pa talaga puwede. Ayaw kong magmadali kung hindi pa naman talaga ito ang tamang pagkakataong nakalaan sa akin, sa amin. O kung may tamang oras nga ba talaga. Kung may tiyansa nga ba talaga para sa aming dalawa.

Natatakot akong bigyan ng kapangyarihan ang puso ko na kumapit sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Ayaw kong magkaroon ng dahilan para umasa dahil natatakot akong masaktan. Pero ayawan ko man ang lahat ng bagay para lang protektahan ang sarili ko, talong-talo na ako. Dahil itanggi ko man nang paulit-ulit, sabik na sabik akong makita siya o ang may malaman lang tungkol sa kaniya. Labanan ko man, ang puso ko na rin mismo ang nagpapasiya na maghintay, kumapit, at patuloy na lumaban kahit na walang kasiguraduhan.

"As long as he's fine, I won't ask anything," kuntentong saad ko. Kinalma ko ang sarili ko sa paghinga ng malalim bago isinatinig sa wakas ang talagang pakay ko ngayon. "Dala niyo ho ba ang mga gamit na naiwan ko?"

Tumatangong nginitian niya ako. "Right. Kaya nga pala tayo nagkita ay para maiuwi mo na ang mga naiwan mong gamit sa condo. Ipinadala ko na kay Daniel ang maletang dala mo. What I brought with me right now was the hand carry one. Para hindi ka na mahirapan na magdala. Wait for me here."

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na makaangal nang sa malalaking hakbang ay tinalikuran niya ako. Sinundan ko siya ng tingin mula sa paglalakad niya hanggang sa biglaan niyang paghinto nang mapadaan sa counter na nandito sa rooftop. Naningkit ang mga mata ko sa pagsubok na basahin ang bawat buka ng bibig ni Sir Theo ngunit dahil sa distansya ay naing imposible iyon.

Nanatiling nasa kaniya ang paningin ko, pinanonood ang bawat kilos niya. Kaya bahagyang nagsalunong ang kilay ko nang makita ang paglabas niya ng pitaka matapos ay nag-abot ng pera sa kahera. Sa pag-iisip na panibagong order niya lang iyon ay hindi ko na pinansin pa.

Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng lugar. Wala masyadong tao ngayon, bilang lang sa dalawang daliri kung tutuusin, kaya magaan sa pakiramdam. Pero dahil sa sabay-sabay na paglukob sa akin ng mga iniiwasan kong emosyon, hindi ko magawang maramdaman ang gaan na iyon.

Hindi ko maibalanse kung alin ba ang mas mabigat sa mga emosyong sabay kong nararamdaman. Kung ang bigat ba na matagal nang namamahay sa dibdib ko o kung ang gaan ba na ibinibigay sa akin ng paligid ko.

"One chocolate swirl milkshake for the lady in white," anang tinig na nagmumula sa likuran ko.

Wala sa sariling nagbaba ako ng tingin sa suot ko. Puting loose straight tops ang suot ko kapares ang maong na pantalon. Puting sneakers naman ang sapin sa paa. Nagtatakang tiningnan ko ang crew nang ilapag niya sa lamesa ang isang may katamtamang taas na basong may laman na tsokolateng inumin.

"I didn't order anything," naguguluhang saad ko.

"You're Miss Clementine Guinto, right?" Tumango ako bilang sagot na sinuklian niya ng isang makahulugang ngiti. "For you, Miss."

Naguguluhan man, hindi na ako nakipag-argumento pa. Siguro ay ito ang order na binayaran ni Sir Theo kanina bago bumaba. Pinagmasdan ko ang inumin na iyon na para bang isa iyong kamangha-manghang bagay. I rarely go to coffee shops. Masyadong mahal ang mga inumin. Makapagkape naman ako sa bahay na ang gagastusin lang ay onse pesos, dalawang inuman pa.

Hindi ako pamilyar sa klase ng inumin na iyon kaya nag-aalangan akong inumin bagaman mukha iyong masarap. Kaya hanggang dumating si Sir Theo ay wala pa rin iyong kahit kaunting bawas.

"Thank you for the drink, Sir," pasasalamat ko.

Nagbaba siya ng tingin sa inumin na tinutukoy ko matapos ay napapangiting napailing. "Here's your thing." Ibinaba niya sa lamesa ang may katamtamang laki na hand carry na bag. "And here," malawak ang ngiti na dagdag niya.

Nanlalaki ang mga mata na sinundan ko nang tingin ang ibinaba niyang dalawang paper bag sa lamesa. "Para saan po ang mga iyan, Sir?" nagtatakang tanong ko.

"Para sa iyo, Clementine."

I simultaneously shook my head and both of my hands to decline those things he's giving me. "Hindi ko ho matatanggap ang mga iyan, Sir."

Naupo siya sa kaninang puwesto. Itinulak niya rin ang maliit na paper bag palapit sa akin habang ang isa ay itinabi lang niya sa bag na nasa gilid ko. "That's from Tatiana."

"Sir Theo—"

Inilingan niya ako bilang pagpigil sa mga sasabihin ko. "Tanggapin mo na, Clementine. Magtatampo ang isang iyon."

Puno nang pag-aalinlangan na binuksan ko ang paper bag na galing kay Doc Tatiana. May laman iyong manipis at lagpas ng kaunti sa isang dangkal na lapad na kahon. It's velvet and gray in color. Sa tingin pa lang, alam ko na na mamahalin iyon at maging ang laman ay may ideya na ako.

My eyes moistened with unshed tears as I diverted my gaze back to Sir Theo. A gentle smile formed on his lips that sent warmth in my heart, filling the shallow part of it. Iba ang pakiramdam sa akin. The care that was reflected in his eyes made me feel like I am part of their family.

"Happy birthday, Clementine," he whispered with utmost care.

"A-Ano?" Naguguluhan ko siyang tiningnan.

"It's August twenty-eight today, Miss Guinto."

Nanatiling salubong ang kilay ko, ngunit nang unti-unting luminaw sa akin ang ibig niyang sabihin ay nanlaki ang mga mata ko.

"Seems like you forgot your own special day," he murmured. "Gaano mo inabala ang sarili mo na maging ang kaarawan mo ay nakalimutan mo?" malungkot niyang sabi.

Napapahiyang nagbaba ako ng tingin. Pakiramdam ko ay hubad at lantad ako sa mga oras na ito kaya basang-basa niya ako. Nagbaba ako ng tingin sa kwintas na nakatago sa mamahaling kahon na iyon.

Kulay ginto iyon at manipis ang band. Ngunit hindi ang kinang at gara ng bagay na iyon ang nakakuha ng pansin ko. Napukaw ng pendant ang buong atensyon ko hindi lang dahil sa kakaiba iyon kundi maging sa kahulugang nakadikit na roon.

Hindi ko alam ang intensyon niya sa pagbibigay nito. Kung nais pa ba niyang kapitan ko ang isang taong wala akong balita kahit na ano o ang ipaalala sa akin na minsan sa buhay ko ay nakakilala ako ng tulad niya. Seeing the pendant reminds me of the first time I met that man. It feels like it links me to him. And that it would always be a reminder of his existence in my life

At the center of the thin band of the necklace dangles a pendant shaped into a tiny handcuff. At first glance, it appears as if it was just a simple and common infinity. But as you get closer, you'll see what it really is.

A handcuff that I used to put on his left hand. A handcuff that restricts my patient to have a peaceful sleep. And I know that this thing would always remind me of what condition he has that would always be part of his life.

Alien hand syndrome.

"She was reminded of you when she first saw it," pagkukuwento ng kaharap. "She remembered how hard you tried to think of an alternative way to get rid of that thing to give my brother a good night's sleep."

"Because he deserves it. Kahit sa mga sandali na iyon man lang ay maranasan niya na normal siya," malungkot na usal ko.

"Thank you, Clementine, for not giving up on my brother."

"I'm sorry if I wasn't able to help him until the end," paghingi ko ng paumanhin.

I promised myself that I'll go all out. Na patutunayan ko sa sarili ko na kaya ko siyang matulungan at maiparamdam sa kaniya na walang mali sa kaniya. I could still vividly remember how I said that I would force myself in him if ever he'd force me away.

Minsan napapaisip ako... kung nagkulang ba ako. Kung saang parte ako nagkamali dahilan para umabot sa ganito. Siguro nga ay hindi pa sapat ang mga nagawa ko, na hindi ko naibigay ang isang daang porsyentong mayroon ako. Dapat ibinigay ko pa ang lahat. Sana ay sinagad ko na. Dapat ay sinimot ko na ang mayroon ako para ibigay sa kaniya. Kahit na maubos ako, okay lang kung para rin naman sa kaniya.

Ngunit kalaunan ay napagtanto ko, hindi pala sapat ang determinasyon lang. Kulang ang kagustuhan kong tulungan siya kung siya mismo ay hindi handang tulungan ang sarili niya. Siguro ito talaga ang kailangan niya. Ang matutuhan kung paano mabubuhay ng mag-isa sa kabila ng kondisiyong mayroon siya. Kailangan sa kaniya mismo manggagaling ang kagustuhan na gumaling para sa sarili niya.

Tama si Shane. It's a battle within himself now. He's fighting on his own battlefield and is the captain of his life and he needs to rule it in accordance with how he wants it to be.

Malamlam ang mga mga mata na tiningnan ako ni Sir Theo, ang pasasalamat at pag-intindi ay naroon sa mga mata niya. "We were thankful enough that you've made him escape that place. No need for apologies, this is what he needed. All we need to do now is to wait for him."

"Paano kung hindi na siya bumalik? I don't even have the slightest idea where he is now," I choked. Nawawalan ng pag-asa na tumingin ako sa mga mata niya, nanghihingi ng impormasyon.

Ngunit ang mahinang apoy ng pag-asang buhay sa puso ko ay tila binuhusan ng tubig at pinatay iyon ng walang alinlangan. "Hindi rin naman alam. Knowing about his plans to leave was the limit of everything we knew."

Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko sa pag-asang mapupunan no'n ang kakulangan na nararamdaman ko roon. Pero kahit ata langhapin ko na ang lahat ng hanging kaya kong langhapin, hinding-hindi no'n mapupunan ang puwang na naroon dahil siya lang ang tanging may kakayahan na gawin iyon.

Napukaw ni Sir Theo ang atensyon ko sa ginawa niyang pagtayo na agad ko ring sinundan. May lungkot man na mababasa sa mga mata niya ngunit sinikap niyang itago iyon sa pamamagitan nang pagngiti sa akin. "I'll go ahead," paalam niya. "Don't walk me out. Stay here for a while. Ubusin mo muna iyang inumin mo para naman hindi sayang ang paglabas mo."

Binalot ako ng pagtataka nang idipa niya ang dalawang kamay niya na para bang inaanyayahan ako sa isang yakap. Ngunit dahil sa hiya ay natulos ako sa kinatatayuan ko. Napangisi siya dahil sa ginawa kong iyon. Hindi siya nagpatinag, sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya pero hindi pa rin mabura sa akin ang hiya..

Dala marahil ng inip, siya na ang marahan na humila sa akin papalapit. Nanlamig ang mga palad ko sa paglukob ng hiya ngunit sa pagkakataon na ito ay sinabayan iyon ng init dahil sa pagtanggap na ipinararamdam niya. "Gusto kong ipakiusap sa iyo na maghintay pa sa kaniya. Na kahit abutin ng gaano katagal, hihintayin mo pa rin siya hanggang sa makabalik siya." Marahan niyang hinagod ang likod ko gamit ang mainit niyang palad, ipinararamdam sa akin ang pagdamay niya. "But that would be selfish. Maiintindihan ko kung sa proseso ng paghihintay mo ay makakatagpo ka ng iba. Kung sa mga lilipas pa na panahon ay mapapagod ka. Your own happiness matters. As long as you are happy, then everything's fine."

TInanguan ko siya ngunit hindi na ako nagtangka na sumagot pa. Hindi na ako magbibitaw ng salita o ang pangunahan man lang ang mga mangyayari dahil wala namang kasiguraduhan kung ano ba talaga ang mangyayari sa mga susunod na bukas.

I'll just let everything flow at its own pace. I'll let the universe decide how we would both end up. Whether we'll find our way back into each other's life. Or may it be having our own happiness with the absence of one another.

"Mauna na ako." Isang tapik pa ang ginawa niya sa balikat ko. "I'll see you on my next visit to Osfield."

"Have a safe drive, Sir," paalam ko. "Send my regards to Doc Tatiana."

Bumitaw na siya sa akin matapos ay tinalikuran na ako. Bumalik ako sa pagkakaupo at pinagmasdan ang inumin na nakahain sa harapan ko. Mabagal na sinimulan ko iyong inumin iyon sa ganoong paraan kinakalma ang sarili. Bago iyon sa panlasa ko kaya wala akong mapagbasehan para isalarawan ang nalalasahan ko maliban sa normal na pinaghalong tamis at pait ng tsokolateng inumin.

Pansamantala akong huminto at binalingan ang bagaheng nasa paanan ko. Sinubukan kong huwag makaramdam ng kahit na ano habang tinitingan iyon. Sinubukan kong klaruhin ang isip ko ngunit nagsisilbi iyong paalala sa akin nang pagtatapos ng ugnayan namin ng taong minsan ay ginawa kong sentro ng mundo ko.

Bumigat ang pakiramdam ko sa tila pamamaalam ang ipinapahiwatig sa akin ng araw na ito. Na katulad ng papalubog ng araw, ang mga memoryang pinagsaluhan naming dalawa ay unti-unti na ring mawawala.

Ngunit maparaan ang mundo. May sarili siyang plano upang gisingin ang natutulog kong puso. Binibigyan ako ng pag-asang kumapit pa, pinaaalala sa akin na nandito pa rin siya.

Kung kanina ay nagagawa ko pang pigilan ang bawat pagbabadiya ng mga luha sa dalawang mata ko. Ngayon ay wala pang isang segundo nang mag-init ang dalawang sulok no'n ay sunud-sunod na nagbagsakan na ang mainit na likidong mabilis na gumuhit sa magkabilang pisngi ko.

Mabilis na iginala ko ang paningin sa paligid, hinahanap ang taong laman ng at puso't isip ko sa loob ng higit pa sa isang buwan. Napatayo na rin ako sa pag-aakalang makatutulong iyon upang mabigayan ako ng magandang pagkakataon na makita ang buong lugar. Ngunit nasuyod ko na ata ng tingin ang malaking espasyong nakapalid sa akin pero ang taong inaasahan kong makita ay wala. Pilit na inabot ng paningin ko ang dulo ng buong rooftop kaso ay wala talaga.

Mahigpit na napahawak ako sa parte ng dibdib ko nang maramdaman na parang pinipiga ang parte na iyon na nagpapahirap sa akin na makahinga ng maayos. Mabilis na pumipintig ang puso ko at sa sobrang lakas ng bawat tibok no'n ay parang may dumukot no'n mula sa dibdib ko at itinapat sa taingan ko para marinig ko ng buo.

Hindi ko na magawang mapangalanan kung alin pa ba sa mga emosyong parang bagyo na bigla akong sinalanta ang mas humihigit sa dibdib ko. Kung ang lungkot ba at sakit na matagal ng naroon. O ang pangungulila na mas lalo kong naramdaman ngayon.

Parang isang talunan na napayuko ako sa lamesa nang mapagtantong wala na siya rito. Binalingan ko ulit ang basong wala ng laman at binasang muli ang mga salitang nakasulat roon. Nanlalabo na ang paningin ko ngunit malinaw pa ring rumerehistro sa sa isip ko, mas lalo na sa puso ko, ang bawat letrang naroon.

HBD - ILY, sunshine.

Hindi ko alam ang intensyon niya sa ginawa niyang ito. Gusto kong kapitan ang mga salitang nabasa ko ngunit ang pamamaalam ay nasa likod ng mga salitang iyon. At hindi ko maiwasang masaktan gayong nandito naman siya, puwedeng mamaalam sa harap ko mismo pero hindi niya ginawa.

Nasasaktan ako sa ideyang narito lang kami sa iisang lugar pero ang makausap siya ay hindi pa rin posible. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko at bigyan ng kaunting oras pa para maghintay sa pagdating niya ngayon sa harapan ko. Gusto kong ubusin ang mga oras na puwede kong ilagi rito para lamang makita siya.

Ngunit kumbinsihin ko man ang sarili ko, alam kong hindi pa talaga ito ang tamang panahon para sa aming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top