Chapter 24

Decision

"Dito ka na ulit?" nagniningning ang mga mata na tanong ni Shane sa akin mula sa kabilang bahagi ng nurse's station.

Nasa labas na parte ako kung saan madalas na tumatayo ang mga bisitang naghahanap ng impormasyon. Kaswal na pananamit lang ang suot ko ngayon kabaligtaran kay Shane na unipormado. Tatlong araw pa lang ang nakalilipas matapos akong makalabas ng ospital at kasalukuyang nagpapagaling pa ng sugat kaya hindi pa ako hinayaan na makabalik sa trabaho ni Mrs. Celino maging ni Sir Theo.

I was offered to go back to Osfield, if I would still want to work with the institution. At sino ba naman ako para tumanggi. Pero hindi pa nga lang ngayon dahil sa sugat ko.

"Oo, Shane," nakangiting sagot ko. "I'll just wait for my wound to heal. Then, maybe next week I'll be back to my post."

"Wound?" Kunot ang noo na tumayo siya at lumabas ng nurse's station para magawa akong makita ng buo. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko ngunit dahil nakatago sa ilalim ng damit ko ang sugat ay hindi niya nakita iyon. "Nasaan? Anong nangyari sa'yo?"

Napangiwi ako nang simulan niyang kapkapan ang katawan ko na para bang isa siyang security guard na naghahanap ng delikadong bagay. "Wala lang iyon. Maliit lang at aksidente lang naman."

Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niyang paghahanap ng sugat ko. Nang matunton ang pakay ay mas lalo pang nagsalubong ang mga kilay niya. Masama ang tingin na pinagmasdan niya ang sikmura ko matapos itaas ng bahagya ang damit ko para masilip iyon.

Nagpalinga-linga ako sa paligid para alamin kung may nakakakita ba sa amin at laking pasasalamat ko na walang ibang taong naroon maliban sa amin. Dahil na rin marahil sa oras na nang pagkain ng mga pasyente kaya abala ang mga tao ngayon.

"Anong nangyari rito, Clem? Hindi ito maliit na sugat at sigurado akong malalim ito," pinaghalong pag-aalala at galit ang naririnig ko sa kaniya.

Ang galit marahil ay para sa taong gumawa ng sugat na iyon sa sikmura ko sa ilang pulgada sa ibaba ng pusod. Marahang hinila ko siya pataas pagkatapos ay ibinabang muli ang damit ko para takpan ang sugat.

"Huwag mo nang intindihin. Ang mahalaga, okay na ako ngayon," pagpapakalma ko sa kaniya.

Umayos siya ng tayo at hinarap ako. Seryosong tiningnan niya ako sa mga mata, walang halong pagbibiro at naghahanap ng totoong sagot. "Ang pasyente mo ba ang may gawa niyan sa iyo?"

Pabuntong-hininga na nag-iwas ako ng tingin. Sumagot man ako ng totoo o umiwas sa tanong sa pamamagitan ng isang kasinungalingan, malalaman at malalaman niya pa rin ang katotohanan. Sigurado rin ako na ngayon pa lang ay may ideya na siya at naniniguro lang sa akin.

Puwede akong sumagot ora mismo. Kaso ay ayaw kong masamang imahe ang makikilala niya tungkol sa taong gumawa sa akin nito. Gusto kong makilala siya ng mga tao sa likod ng walang lunas na kondisyon niya. Gusto kong sa unang beses na makikilala siya ng kaibigan at katrabaho ko ay, iyong magandang bagay na makikita nila.

Kaso alam kong imposible. Sobrang labo dahil hindi siya magiging siya kung wala ang sakit niya. Hindi man maiintindihan ng karamihan at hindi man magandang titingnan para sa iba, wala naman na kaming magagawa dahil iyon siya. And I must live with that fact that no matter how I want to coat his image with his goodness, he would never be perfect.

He is flawed. He is imperfect just like any other individual in this world. But he is his own identity.

"Si Robin?" pag-iiba ko ng usapan.

Tinaasan niya ako ng isang kilay, pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib, at sinamaan ako ng tingin. "Makakapaghintay si Robin. Ngayon, sagutin mo ang tanong ko, Clementine. Siya ba ang may gawa niyan?" masungit na tanong niya. Sumusukong sinalubong ko ang mga mata niya matapos ay marahan akong tumango bilang sagot dahilan para umawang ang mga labi niya. "Anong... paano? Bakit niya ginawa iyan?" naguguluhan niyang tanong. "Akala ko ba ay normal ang pag-iisip niya?"

"Hindi siya baliw, Shane," naiinis na giit ko.

"Kung ganoon naman pala ay bakit nauwi ka sa ganiyan?" Naghahanap ng linaw na binalingan niya ako at sa mukha niya ay mababasa ang pagakalito.

"Because of his disorder, Shane." Lantang isinandal ko ang katawan ko sa front desk. Napayuko ako sa mga paa ko at sa ganoong posisyon nagpatuloy sa pagkukuwento. "It's called alien hand syndrome. His affected limb would do involuntary movements that would, most of the time, contradict the unaffected hand or limbs. And worse comes to worst, the patient might end up hurting himself or the people around him. Katulad ng mga naunang nurse sa akin. Katulad nang nangyari sa akin na nagresulta sa pagkakaroon ng hiwa sa balat ko."

Tadeo's condition has always been a secret to most people. Sobrang limitado lang ang may alam na umiikot lang sa pamilya niya at mga nurse na nakasama niya. But it should not be kept as one. It must be known, people must know.. Dahil paano magkakaroon ng ideya ang mga tao sa eksistensya ng ganoong klaseng kondisyon kung ililihim iyon?

Everyone should be aware of that disorder as well as the other kind of sickness that most people are not familiar with. That way, there would be awareness. Hindi na sila mangangapa at hindi na matatakot ang mga taong may espesyal na kondisyon na ihayag ang sarili nila sa takot na mahusgahan ng kapuwa. Sa ganoong paraan mas magkakaroon sila ng laya at mas maiintindihan sila ng kanilang kapuwa.

"And you still agreed to be his private nurse despite knowing all that?" Ang pagkamangha, respeto, hindi pagkapaniwala, at bilib ay sabay-sabay kong narinig sa boses ni Shane. "Wow, Clementine. Ano ka? Superhero?"

Napangisi ako sa narinig. "Kung hindi ako ang gagawa, sino? You were the witness of how people got repeatedly replaced. Sa iyo na rin nanggaling, sa mga obserbasyon mo at mga naririnig na napapagod ang mga tao sa kaniya at kinatatakutan siya. Sawa na iyong tao... pagod na. Kung kaya ko namang intindihin, bakit hindi ko gagawin? Kaya ko namang lawakan ang pag-intindi ko at paulit-ulit na habaan ang pasensya ko kaya pumayag ako. Para rin naman sa kaniya iyon."

Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin sapat kung sarili niya mismo ay kinakalaban siya. Ilang beses ko naman iyong sinabi sa kaniya. Paulit-ulit ko siyang binibigyan ng assurance na kaya kong umintindi kahit ulit-ulitin pa niya ang mga kilos niya.

I thought that everything has been sorted out already for the both of us. Kaso ay hindi talaga kami inaayunan ng tadhana at panahon. Palaging wrong timing. Palaging wala sa hulog. Hindi nawawalan ng sagabal at hindi nawawalan ng paalala ang reyalidad sa kung anong klaseng sakit ang mayroon si Tadeo.

Kaya rin siguro siya napagod kumapit sa pag-asang magiging normal din siya ulit. Na magagawa niyang mabuhay na para bang walang mali sa kaniya. Masyadong masakit ang balik ng mundo sa kaniya, masyadong mapait ang reyalidad na mayroon siya. Na sa bawat lingon na kaniyang gagawin ay nanghuhusgang tingin ang kailangan niyang saluhin. Sa bawat paghakbang niya paabante ay siyang pag-atras ng kaharap niya. Na sa bawat pagtalikod niya ay awtomatikong may manghuhusga.

"Anong nangyari ngayon? Bakit nandito ka kung ganoon naman pala na kaya mo?"

"Kayang-kaya ko pa. Hindi ang sugat na natamo ang pipigil sa akin para tulungan siya. Pero kung siya na mismo ang lumayo at umayaw, ipipilit ko pa ba? Lalo na ngayon na ni anino niya ay hindi ko makita?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at maliit na ngumiti. "Wala, eh. Napagod siya ulit. Nasaktan at nasugatan na naman dahil sa mapanghusgang komunidad."

Puno nang paghangang tinapik niya ang balikat ko. "You've already done your part, sis. Hindi lahat ng tao may lakas ng loob na gawin ang nagawa mo na. Katulad ng sinabi mo, saksi ako kung paanong magpapalit-palit ng nurse ang pasyente mo. Kailangan ng tapang at dedikasyon. At iyon ang mayroon ka na wala sila."

"Pero hindi ko napanindigan hanggang dulo, Shane," lugmok na saad ko, punung-puno ng pagsisisi at lungkot sa kinalabasan ng mga nangyari sa pagitan ko at ng pasyente ko. "Nabigo pa rin ako. Sumablay pa rin ako sa huli."

"Diyan ka nagkakamali, Clementine." Gamit ang hintuturo niya ay iniangat niya ang mukha ko sa pamamagitan nang pagtaas niya sa baba ko. "There are battles in a person's life that need the aid of a comrade. To fill the lacking part of that person and to give a hand when things get out of control. And you were that help he needed. But there are the kinds of battles that need to be solved on our own. By ourselves and for ourselves. Because that way, we would grow. We would know how to be brave not to get defeated by our demons. We would learn how to stand on our own, to be resilient, to find the peace of mind that we needed. Minsan, hindi sapat na may tulong na nakaabang. Kailangan, nasa sa atin ang kagustuhan na matulungan at tumanggap ng tulong. Tulong na hindi lang nanggagaling sa iba kundi iyong klase ng tulong na handa nating ibigay sa mga sarili natin. Tapos na ang parte mo. It's his battle now."

Malinaw na rumehistro sa isip at puso ko ang bawat salita niya. Tama siya sa lahat ng sinabi niya. At alam ko iyon. Sadiyang mahirap lang tanggapin sa parte ko dahil masyadong biglaan ang lahat. Katulad nang isang gabing nabago ang mundo ko nang maging nurse niya ako ay ganoon din kabilis na nabago ng isang araw lang ang buhay naming dalawa.

Alam ko na noon pa na higit na kailangan ni Tadeo ang sarili niya. Pero iba kapag nanggaling sa ibang tao. Shane was right. It is Tadeo's battle now. Ang kailangan ko na lang gawin ay maghintay ng tamang panahon kung kailan handa na siyang muling huamrap sa mga tao.

Hati ang isip ko kung babalik pa ba siya o hindi na. Gustung-gusto ko ang nauna, pero mataas din ang posibilidad na hanggang dito na lang talaga.

Only He knows what would happen with Tadeo and me. And I am deeply hoping that it would be in my favor. Kahit na gaano pa katagal ang aabutin kakayanin kong maghintay. Kahit masimot pa ako, okay lang kung siya rin naman ang magiging kapalit sa dulo ng lahat ng ito.

"He's here," bulong ni Shane na gumising sa diwa ko.

Nabuhay ang pinaghalong saya at excitement sa dibdib ko na nagpabilis nang tibok ng puso ko. Hindi man iyon buo, pero totoo. Hindi man iyon ang saya na gusto kong maramdaman ngayon, masasabi kong sapat na iyon para kayanin kong maging masaya para sa ibang tao.

Umukit ang ngiti sa mga labi ko nang harapin ang papalapit na pamilyar na sasakyan sa entrada ng ospital.

"Akala ko talaga wala nang pag-asa," tila nabunutan ng tinik na saad niya. "Hindi pa rin ako makapaniwala na nangayayri na ito sa wakas."

"How do you think he would feel?" nangangapang tanong ko.

Sabay na naglakad kami para salubungin ang bagong dating na kabababa lang ng sasakyan niya. Ang kaba ang una kong nabasa sa mukha niya na hindi niya nagawang itago pa. Bahagya ring maputla ang kulay niya at may butil-butil na rin ng pawis sa noo niya.

I have no expectation as to how Robin would react later. I imagined it to be the worst. Iyong tipong hindi niya kikilalanin o kaya ay ipagtatabuyan niya ang taong palapit na sa amin ngayon. Masyadong nakakalungkot ang nangyari sa pagitan nilang dalawa na kahit gustuhin ko mang maging positibo ngayon ay hindi ko magawa.

"Let's just hope for everything to turn out well. Masyado nang maraming oras ang nasayang para sa kanilang dalawa. It's time to reconcile, to ask for forgiveness, and to start a new," positibong tugon ni Shane. "Hindi man natin siya nakakausap ng matino, alam kong matagal na niyang gustong mangyari ito. He loves his son. Hindi naman siguro niya isusuplong ang sarili niya kung hindi, diba? Hindi naman niya gagawin ang lahat ng ito para maprotektahan ang anak niya, diba? Everything will work out just fine, Clementine."

Unti-unti akong nakaramdam ng kapanatagan sa narinig. Naniniwala naman ako na mas mananaig ang pagmamahal ni Robin sa anak niya. Kung may sama man siya ng loob kay Rehan, nasisiguro ko na gagawa ng paraan ang huli para bumawi sa ama para sa mga pagkakamaling nagawa at mga panahon na nasayang.

Pinanood ko ang paglalakad ni Rehan palapit sa kinaroroonan namin ni Shane. Maya't maya ang pagkiskis niya sa dalawang palad bilang pampakalma marahil sa sarili niya.

Hindi ko napigilan ang sarili na humanga sa nakikitang ayos niya ngayon. Bagaman simpleng kulay asul na long-sleeved polo ang suot niya na ang manggas ay itinupi hanggang siko na pinarisan niya ng itim na slacks ay mahahalata ang paghahandang ginawa niya para sa araw na ito na muling magkikita sila ng ama. Maging ang leather na sapatos nito ay makinang at napakalinis tingnan.

Nilamangan ng excitement ang pag-aalinlangan na nararamdaman ko kanina maisip pa lang na magkikita na silang muli. Ngayon ay gusto kong hilahin na siya at dalhin sa silid ng ama. There's no doubt that Rehan wanted to make it up to his father. Nakulangan lang talaga siya ng lakas ng loob noon. Nabahag lang ang buntot at pinangunahan ng takot. Pero ngayon na nakikita ko siyang pormado at presentable ang ayos, nasisiguro kong pinagsisisihan na niya ang mga nagawa noon.

"Ready?" excited na tanong ko.

Sinubuka niya akong ngitian ngunit ngiwi ang naging dating no'n sa akin dahil na rin siguro sa sobrang kaba na nararamdaman niya ngayon. "Mas lamang ang kaba ko, Clem," pag-amin niya, kinukumpirma ang hinala ko.

Nagkatinginan kami ni Shane at sabay na napailing sa narinig. "Natural na iyan, Mister David. Ilang taon din kayong hindi nagkita ng ama mo kaya kakabahan ka talaga."

"Paano kung hindi niya ako tanggapin ulit bilang anak niya?" Takot na nagbaba siya ng tingin sa sapatos matapos ay nagpakawala ng isang malalim na hininga

"That's the price you have to pay for abandoning you father, Rehan," direktang saad ko, hindi na pinaganda pa ang mga salitang dapat niyang maintindihan. "Kung hindi ka man niya magagawang tanggapin agad o ang mapatawad sa mabilis na panahon, do everything in your power to work on the forgiveness of your father." Mahinang tinapik ko siya sa balikat na siyang nagtulak sa kaniya na muli akong tingnan. "But I doubt it. Hindi kayang tiisin ng magulang ang anak niya. I could feel your father's love for you and that's for sure. Everything would be fine."

Minsan pang dumaan ang takot sa mga mata niya bago iyon napalitan ng determinasyon. Inayos niya ang pagkakatupi ng sleeves ng polo siya bago kami tinanguan bilang senyales na handa na siya.

Pinangunahan kaming dalawa ni Shane sa paglalakad. Tahimik ang buong paligid at walang pakalat-kalat na pasyente, tanging bilang na nurse lang ang nakakasalubong namin. Dinala kami ni Shane sa pantry na nagsisilbi ring resting area ng mga nurse sa ospital. Doon ay pinaghintay niya kami ng ilang minuto dahil aakyatin niya pa si Robin na nasa second floor ng gusali nakapuwesto.

Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay namin dahil wala pang sampung minuto ay muling bumukas ang pinto. Tatlong tao ang sunud-sunod na pumasok sa pangunguna ni Shane kasunod ang head nurse na si Missus Celino. At ang panghuling pumasok ay walang imik at nakayukong si Robin.

Tumayo ako bilang pagbibigay raan sa pagpasok ng ama ni Rehan. Si Robin naman ay inalalayan ni Shane na maupo sa pang-isahang sofa na katapat ng kinauupuan ng anak niya.

"Let's give them some space," mahinang wika sa amin ng head nurse.

Nauna na siyang lumabas na agad sinundan ni Shane. Isang tango pa ang ibinigay ko kay Rehan bago sumunod din sa kanila.

Hindi kami tuluyang umalis sa lugar na iyon. Nanatili kami sa labas habang nagmamasid mula sa babasaging pintuan ng pantry kung saan kita namin ang mga nangyayari.

"Babalik na po muna ako sa front desk," paalam ni Shane. Tinanguan siya ni Mrs. Celino bilang permiso.

Sinundan ko ng tingin ang papalyong pigura ni Shane at ibinalik lang ang mga mata sa mag-ama ng tuluyang mawala sa paningin ko ang babae. My heart melted in awe when I saw how Rehan kneeled in front of his father while tightly holding the latter's hand as a sign of his apologies.

Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko nang inalalayan ni Robin na tumayo ang anak niya matapos niyakap ng mahigpit na nasisiguro kong matagal na niyang gustong gawin.

"Puwede na ho bang iuwi ni Rehan si Robin, Ma'am?"

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagtango niya. Agad sumikdo ang puso ko sa tuwa para kay Rehan at sa ama niya. Napuno ng galak ang dibdib ko at magingi ang ngiti sa mga labi ko ay hindi na rin mapawi.

"Yes. The papers have been processed already, noong isang buwan pa. Nakadepende na lang kay Dante ngayon kung sasama na ba siya sa anak niya," paliwanag ng ginang.

Nakaramdam ako ng ilang sa pangalang binanggit niya. Wala na ang nakasanayang Robin na madalas naming tinatawag sa kaniya noong mga panahong wala pa siyang pagkakakilanlan. Bago sa pandinig ko ang pangalan na iyon na itinawag niya sa isa sa mga pasyenteng nasubaybayan ko sa loob ng ilang taon ko rito sa institusyon.

"Kamusta ang pagpapagaling mo, Clementine? Ang sugat mo?" tanong niya ilang sandali ang makalipas.

"Okay naman na po ang pakiramdam ko. Paminsan-minsan na lang din po ang pagkirot ng sugat ko," magalang na sagot ko.

"Eh, ang puso mo?"

Napatuwid ako nang tayo sa narinig mula sa kaniya. Napalunok din ako kasabay nang pagkablangko ng isip ko. Walang sagot na nabubuo at hindi ko alam kung saan hahagilapin ang mga salitang dapat na isagot ko.

"Would you be fine working here again?" maingat niyang tanong matapos ang hindi ko pagsagot sa kaniya. "Everything started in this place. Kaya mo ba?"

Mas lalo akong nawalan ng sagot. Kusang kumilos ang mga mata ko patungo sa direksyon ng mag-amang naroon sa loob. Seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Robin samantalang maingat ang lapat ng mga mata ni Rehan sa kausap.

Tama si Mrs. Celino. Dito sa lugar na ito nagsimula ang lahat sa pagitan namin. Kung paano ako pinuno ng kuryosidad kung sino ang misteryosong pasyente na nasa top floor. Kung paano ako kinabahan nang maatasang magtrabaho roon. Lahat ay rito nag-umpisa.

At hindi mangyayari ang lahat ng iyon kung hindi nagkaroon ng kondisyon si Tadeo.

Ilang araw na akong napapaisip sa mga nangyari. Ilang mga katanungan na rin ang dumaan sa isip ko na hindi ko pa rin nagagawang bigyan ng eksaktong mga sagot. Kung dapat ko bang ikasaya ang nangyari kay Tadeo na siyang naging ugat kung bakit kami nagtagpo. Kung dapat ko bang ipagpasalamat ang ginawa ng ama ni Rehan na siyang dahilan kung bakit napunta rito si Tadeo.

Alam kong mali na maramdaman ang mga iyon. Ang sama kong tao kung ikatutuwa at ipagpapasalamat ko ang dahilan kung bakit hirap mamuhay si Tadeo ngayon. Pero kung hindi dahil doon... magkikita ba kaming dalawa sa ibang pagkakataon?

"Kung hindi ho siguro dahil sa lugar na ito, hindi kami magtatagpo," wala sa sariling saad ko. "Kung hindi dahil sa nagawa ni Robin, hindi ako makikilala ang isang Tadeo."

"Siguro. Puwede ring sa mas maagang pagkakataon kayo nagtagpo. O puwede ring hindi talaga kayo mapagbibigyan ng pagkakataon na magkita kailanman," makahulugang pahaging niya. "Nakadepende ang lahat sa mga desisyong gagawin ninyo. Depende kung may lakas na ba ng loob ang batang iyon na harapin ka at ipakilala ang sarili niya noon pa man. Katulad ng mga nangyayari na naman ngayon."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan tanong ko.

"Hawak na ni Tadeo and desisyon kung babalik siya. Kung kapag handa na ba siya ay babalikan ka niya."

Napayuko nang walang babalang nagbagsakan ang mga luha ko. Ramdam na ramdam ko ang mga salitang binibitawan ng ginang. Tumatagos sa dibdib ko at pinanghihina ako.

Walang kasiguraduhan ang lahat ngayon sa pagitan naming dalawa. Wala akong kinakapitang kahit na ako, kahit na isang pangako, upang piliin na lumaban at patuloy na maghintay. Kung sa gagawin ko bang paghihintay ay may nakaabang na resultang papabor sa akin, natatakot akong masaktan sa huli. Pinanghihinaan ako ng loob at pinapatay ang pag-asa sa dibdib ko.

Paano kung hindi na siya muling magpakit? Paano kung hanggang dito na lang pala talaga?

Ito ba ang sinasabi nilang pinagtagpo pero hindi itinadhana? Kasi sobrang nakakaloko. Sobrang sakit sa puso. Para kang pinagkaisahan. Pasasayahin sa umpisa pero hindi papanindigan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top