Chapter 18

Validation

Mabilis na namutawi sa akin ang kaba nang makita ang pangalang nakasaad sa cellphone ko na nakapatong sa side table sa gilid ng kama ko. Kaba na hindi ko matukoy kung ano nga ba ang totoong dahilan. Kung dahil ba sa huling memorya ko tungkol sa kaniya kung paano siyang naglahad ng mga nararamdaman. O kaba dahil sa presensya ng isang taong kasa-kasama ko sa iisang bubong.

Nasa isip ko na ignorahin ang tawag ngunit alam kong kabastusan iyon lalo na at wala akong matinong dahilan para gawin iyon. Kaya sa likod ng kaba, sinagot ko ang tawag at itinapat ang aparato sa aking tainga.

"Rehan," malumanay na pagbanggit ko sa pangalang ilang linggo ko ring hindi nasabi o narinig man lang.

"Clem, I hope I am not interrupting something," may himig ng hiya na saad niya.

"Hindi naman." Tumayo ako matapos ay lumabas ng kuwarto ko upang magtungo sa balkonahe ng unit ni Tadeo.

Wala ang lalaki dahil naliligo siya ngayon. Binigyan niya naman ako ng assurance na kaya na niya ang sarili niya kaya hindi na niya hiningi ang tulong ko, lalo na sa pagbibihis niya.

Bagaman alam kong kaya niya na talaga, nag-aalala lang talaga ako dahil likas sa ugali ni Tadeo ay ang madalas na pagkairita. Kaya hindi malabo na kung inis na naman ang mararamdaman niya kung sakali man na papalya ang kamay niya.

"Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko kay Rahan nang sa wakas ay marating na ang balkonahe ng condo.

"I just want to check you out." Buntong-hininga ang naging kasunod nang pagsasalita niya kaya nahinuha ko ang kabang nararamdaman niya. "I actually intended to call you the next day after we met, kaso pinganunahan ako ng kaba kaya umabot ng ganito katagal."

Mahina akong napatawa at hindi inaasahan na dahil sa narinig ay tuluyang naalis ang aking kaba na naramdaman ko nang makita ang tawag niya. "Nakakatakot ba akong tao para abutin pa ng halos tatlong linggo para alisin ang kaba mo?"

Unti-unti kong naramdaman ang kaginhawaan habang kausap siya. Rehan is the type of person na sobrang daling makasundo at magaan kausap. He's gentle and he is always cautious. He would make you feel that you are important for he would focus his attention solely on you when you are with him. Na para bang importante ang lahat ng sasabihin mo.

Katulad ng unang pagkakataon na nakapag-usap kaming dalawa dahil sa graduation picture noong fourth year na kami. Kahit na iyon ang unang beses na nakita ko siya, maingat ang naging pakikitungo niya kasabay nang pagpaparamdam na hindi ako dapat mailang o mahiya.

At kahit hindi kami iyong tipong matagal nang nagkakausap at kung tutuusin ay bilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na nagkasama kami, pero magaan ang loob ko sa kaniya. He's more than just a stranger but I feel shy addressing him as a friend. Baka kasi ako lang ang nag-iisip na nasa gano'n na kami ng punto ng pagkakakilala namin.

He let out a chuckle and I just found myself letting go of a smile. "You intimidate a lot of people, Clementine."

Napangiwi ako lalo na at hindi lang naman ito ang unang beses na narinig ko iyon. "I want to contradict you but I heard that from a lot of people."

"Yeah? I could tell," sabi niya at sinundan nang tawa. "But seriously, Clementine, I called because I want to ask you something. And I am hoping that you would say yes."

"What is it, Rehan?"

"Meet me," may himig ng pakiusap na saad niya, mahina at umaasa.

Bago pa man ako makasagot ay rumehistro na agad ang mukha ni Tadeo sa isip ko. Kung dahil ba sa kailangang palagi akong nasa tabi niya o dahil ba sa mga bagay na narinig ko mula sa kaniya ay hindi ko matukoy ang eksaktong dahilan. Alinman sa dalawa, hindi ko lubos na matukoy at hindi na mahalaga dahil si Tadeo lang naman ang parehong dahilan.

Alam ko na darating ang pagkakataon na kakailanganin naming mag-usap. Sa punto pa lang na umamin siya ng nararamdaman niya ay malinaw na sa akin na masusundan at masusundan ang pagkikita namin. And I know that we both needed that to give answers and to make things straight.

"Kailan?" tanong ko sa kaniya.

"Tonight? Over dinner?" umaasang tanong niya.

Ang mahinang tunog nang pagbubukas ng pinto ang pumutol sa gagawin ko sanang pagsagot. Mabilis na hinarap ko ang direksyon na iyon at hindi nga ako nagkamali nang mabungaran si Tadeo na bagong ligo.

Mula sa asul na tshirt na suot niya kanina, kulay itim na ngayon. Cargo shorts ang pang-ibaba niya at tsinelas ang sapin sa paa. Simple lang pero dahil siya ang may suot ay naging mamahalin at magara ang dating no'n.

"Is everything fine?" he asked audibly and I felt like even Rehan on the other line heard him.

Salubong ang dalawang kilay niya at may kadiliman ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Bahagya ring nakataas ang kanang kilay niya na nagpapahiwatig ng iritasyong nararamdaman niya ngayon. Hindi na ako nag-abala pa sa pagpapahirap sa sarili ko sa pag-iisip ng posibleng dahilan ng pagbabago ng timpla niya.

Alangan na nginitian ko siya matapos ay pasimpleng tumagilid para pagtuunan muli ng pansin si Rehan. "Kailangan ko nang ibaba ito. Next week na lang tayo magkita. Text me the location, I'll be there," pagbibitaw ko ng pangako.

Wala akong sagot na narinig agad. Ngunit nagpatuloy akong maghintay sa kabila nang kaalamang may isa pang taong nakaabang sa likod ko. Ramdam ko ang tingin ni Tadeo mula sa likod ko. Ang bigat no'n at ang paghihintay ay ramdam na ramdam ko. But I remained at my position while still listening on the other line.

I heard him clear his throat. "Alright, Clementine."

I was the one who ended the line after that. Hindi agad ako nakaharap muli kay Tadeo na tahimik lang na naghihintay. I felt bad towards Rehan. Although hindi ko rin naman inaasahan ang tawag niya ngayong araw.

We may not be friends but he is someone who first approached me throughout my college years. Kaya masasabi kong may koneksyon pa rin kaming dalawa. Gusto ko man siyang kausapin pa tungkol sa detalye ng magiging pagkikita namin sana, kaso ay walang kahirap-hirap na agad naokupa ni Tadeo ang atensyon ko.

"Who was that?" he asked, in a mellow voice this time. Hindi na katulad kanina na dominante at nagpapakilala. Ngayon ay malumanay na repleksyon nang kaniyang pagkalma.

"Rehan," sagot ko sa tanong niya. Hindi ko alam kung kilala niya ba kung sino ang tinutukoy ko pero hindi rin naman masama na sabihin kung sino ang nakausap ko.

Muling nagsalubong ang kilay niya sa narinig. "A man?" Tumango ako bilang tugon na mas lalo pang nagpalalim sa gitla sa noo niya.

Naguluhan ako sa nakikitang reaksyon niya dahil hindi ko alam ang laman ng isip niya. When it comes to this man, you'll just found yourself seeking the possible reason for the changes in his moods.

Siguro dahil na rin siguro sa tagal niyang napag-isa na kahit ang simpleng paghahayag lang ng saloobin ay napakahirap na para sa kaniya. Kaya madalas na sa pabago-bagong timpla ng mood niya naibabaling ang mga nararamdaman niya.

Katulad ng kung paano niya ipinakita sa akin ang iritasyong nararamdaman niya sa unang beses na nagkita kami. At maging ang pagbabago ng mood niya nang napakinggan ang laman ng mp3 player na bigay ni Rehan. Kakailanganin mo pang manghula para masabayan at maintindihan siya. At walang reklamong iintindihin ko siya kung iyon ang kailangan sa paghilom niya.

"Alam mo, Tadeo," mahinang pagsisimula ko matapos ay humakbang na palapit sa direksyon niya.

"Hmm?"

"I feel like I know you more now compared to how stranger you were to me before," manghang saad ko.

A ghost smile appeared on his lips, liking the statement that I said. At halos mapabuntong hininga ako nang sa tingin ko ay naalis na sa isip niya ang ginawa kong pakikipagtawagan kay Rehan. Nawala na ang pagkakakunot ng noo niya at kalmante na rin ang anyo niya.

"Because you do, Clementine." His smile faltered and slowly started to fade away. "And please do tell me if you're getting tired with my mood swings. I would gladly let you leave."

At isa ito sa mga bagay mga bagay na hindi pa rin mawawala. The fear of being left alone and the fear of being a nuisance to other people. Dala na rin siguro ng mga pagkakataon na naging madalas ang pagpapalit-palit ng nurseniya kaya maging ang tingin niya sa sarili niya ang pabigat ring talaga.

"Kung mapapagod man ako, magpapahinga lang ako sandali tapos lalaban na ulit." Nginitian ko siya na naging dahilan nang pag-usbong ng kaunting ligaya sa mga mata niya. "Mapapagod ako, oo. Pero hindi ako magpapatalo dahil kapalit naman no'n ay ang ikabubuti mo."

Bumukas ang mga labi niya upang sana ay magsalita ngunit bago pa man siya makapagbitaw ng isang salita ay nauna na ang pag-iingay ng cellphone kong hawak ko. Pareho kaming napatingin sa aparato na iyon.

Kumabog sa kasabikan at tuwa ang dibdib ko nang makita ang nakarehistro na pangalan doon. Kusang pumorma ang ngiti sa mga labi ko nang mabasa ang pangalan ni Kuya Cael.

Sinenyasan ko si Tadeo na sasagutin ang tawag na ngayon ay naguguluhang nakatingin sa akin ngayon. Bumalik ako sa loob ng balkonahe at doon sinagot ang tawag ni Kuya.

"Clementine," pagtawag niya sa pangalan ko.

"Kuya," nangungulilang sambit ko.

Agad na binalot ng kalungkutan ang puso sa isang salita pa lang na iyon at nabura ang kaninang saya na naramdaman ko. Ramdam na ramdam ko ang pagka-miss sa kaniya at kay Mama dala na rin ng mga lumipas na panahong hindi ko sila nakikita. Hindi naman ako sa abroad nagtatrabaho pero ang pakiramdam na malayo sa kanila ay ganoon din kabigat ang ang lungkot ay parehas.

Nasa iisang bansa pa rin naman kaming pamilya pero hindi ko sila nakakasama dahil sa trabaho na para rin naman sa kanila. We rarely talk on the phone. Abala kasi siya sa trabahong napasukan niya tatlong linggo na ang nakararaan dahil na rin sa bago lang siya at wala pang eksperyensya sa bagay na iyon.

Kuya Cael became a fastfood chain crew. Malayo sa trabaho niya noon bilang isang call center agent. Mahirap sa parte niya na makahanap ng trabaho dahil hindi naman siya nakapagtapos. Hindi na rin niya nagawang balikan ang pagiging call center agent dahil mas nauna siyang natanggap bilang crew.

"Naipasa ko na sa account mo ang pera, Kuya. Check mo na lang ang balance mamaya," imporma ko sa kaniya.

"Maraming salamat talaga, Clementine," mahina ang boses na tugon niya, repleksyon ng hiya na marahil ay nararamdaman niya.

"Para kang sira, Kuya," pagpapatawa kong pilit kahit ang totoo ay nalulungkot na ako. "Responsibilidad ko kayo ni Mama kaya kung anong kailangan ninyo ibibigay ko."

"Pero wala ka nang tinira sa sahod mo, Clementine. At obligasyon ko kayo lalo na at ako ang mas matanda," rason niya sa akin.

Bumuntong-hininga ako sa bigat na kaakibat ng mga salita ni Kuya. Palaging ito ang sentro ng mga pagtatalo namin noon pa mang nagbigay raan siya sa akin sa pagtungtong ko ng kolehiyo. Mas lalo na noong mga panahong nawalan siya ng trabaho.

Palaging nauuwi sa pag-ako niya ng responsibilidad na puwede naman naming pagsaluhan. Responsibilidad na hindi naman niya kailangang buhatin ng solo gayong may kapatid naman siyang aagapay sa kaniya. Kuya Cael has always been like that. Madalas na maliit ang tingin sa sarili dahil sa hindi siya makahanap ng trabaho noong una.

Ngunit saludo ako sa kaniya. Dahil sa kabila ng mga bagay na humahadlang sa kaniya para magawa niyang makatulong sa pamilya, nagpupursige pa rin siya na makatulong sa amin ni Mama.

"Kuya, hindi ibig sabihin na mas matanda ka ay aakuin mo na ang lahat. Masyado ka nang maraming naisakripisyo sa amin, sa akin lalo na, noon pa. Kaya ako naman ang gagalaw para sa atin ngayon." Tumingala ako habang nagpipigil na huwag humikbi nang magsimula nang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigil. "Kaya ko na, Kuya."

"Pasensya na, kapatid ko, ha? Babawi na lang si Kuya kapag kaya ko na."

"Kuya naman, eh..." Napaupo ako at napatakip sa bibig nang tuluyan nang mauwi sa isang matunog na iyak ang pagpipigil ko.

Masakit sa akin na marinig sa kaniya ang mga ganitong bagay lalo na at hindi naman siya makuwento na tao. Lungkot ang siyang namamayani sa dibdib ko ngayon na sa unang pagkakataon ay inihahayag niya ang sarili niya sa akin. Mas lalo lang nagtuluy-tuloy ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko nang marinig ang ginawa niyang pag-ubo upang mapagtakpan ang sarili niyang emosyon.

Pinahihina ako ng ganitong pag-uusap sa pagitan ni Kuya. At nasisiguro ko na kung magkaharap man kami ngayon, doble-doble pa ang mararamdaman ko. Parang may pumipiga sa dibdib ko sa paninikip no'n maisip lang ang mga nararamdaman niya. Malakas at maingay na pumipintig ang puso ko sa sakit para kay Kuya. Ibang klase ng sakit ang dulot lalo na kung pamilya na ang involve. Mahirap pigilan at labanan lalo na at malaking parte ng pagkatao ko ang umiikot sa kanila dahil sila ang buhay ko.

Ilang sakripisyo na ang nagawa niya para sa amin. Mula sa paghinto sa pag-aaral para sa akin hanggang sa pagpupuyat niya at sa pagod sa paghahanap ng trabaho. Walang reklamo niyang ginawa iyon para sa amin ni Mama. Kaya ngayon na nabigyan ako ng pagkakataon na masuklian iyon, bakit hindi ko gagawin?

Kung puwede lang na pasanin ko ang mga responsibilidad para lang gumaan ang bigat na dinadala ni Kuya gagawin ko. Mas gugustuhin ko nga na bumalik siya sa pag-aaral kaso ay ayaw ni Kuya na mas gusto namang magtrabaho para sa pamilya.

"Sige na, magpahinga ka na," paalam niya.

"Ingat kayo ni Mama," bilin ko sa kaniya.

"Salamat ulit, Clementine."

Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang siya na putulin ang linya. Hindi ako kumilos at iniyuko ang ulo sa tuhod at doon nagpatuloy ng pag-iyak.

Narinig ko ang yabag na papalapit sa direksyon ko ngunit nanatili ako sa posisyon ko. Mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa pagkakayuko sa tuhod ko at itinago ang sarili. Hindi ko mapigil ang mga luhang patuloy na naglalandas sa magkabilang pisngi ko.

Naninikip ang dibdib ko sa pangungulila kay Kuya at Mama bagaman hindi pa ganoong katagal simula nang magkahiwalay kami. Pero para sa akin ay napakatagal na ng panahon na napalayo kami sa isa't isa. Lalo na at buong buhay ko ay idenepende ko sa kanila.

"You know that you are always free to visit your family, Clementine," Tadeo whispered close to my ears.

Even without looking at him, I could feel him kneeling on his knees just to have a better reach of me. Marahang humahaplos ang mainit na palad niya sa lantad kong braso.

"Come here, sunshine," he urged me.

Maingat na itinayo niya ako sabay nang pakukulong niya sa akin sa loob ng kaniyang mga braso habang takip-takip pa rin ng mga palad ko ang mukha ko. "Tadeo..." saad ko sa pagitan nang paghikbi.

"Puwede mo silang puntahan, Clementine. I'll be fine," pag-aalo niya sa akin.

Mariing umiling ako sa kaniya bilang pagtanggi. "Hindi puwede," tutol ko. "Ayokong iwan kang mag-isa."

"Pero alam kong gusto mong makasama sila," hirap na bulong niya sa tainga ko.

Hindi ko nagawang sumagot dahil totoong iyon ang gusto kong mangyari ngayon. Pero alam ko rin na responsibilidad ko si Tadeo at kailangan niya ako. "Okay lang ako, Tadeo."

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at hindi na muli pang nagsalita. Inalis ko ang dalawang palad ko sa mukha at isinandal na lang ang noo sa dibdib ni Tadeo. Walang imik na nanatili kami sa ganoong posisyon at bagaman hindi na siya nagsalita pa ay naramdaman ko ang unti-unting paglukob ng kapayapaan sa kalooban ko.

"Clementine," masuyong pagtawag niya sa akin.

"Hmm?" mahinag sagot ko.

"I need you."

Tuluyang nabura sa isip ko ang kaninang mga bagay na umiikot doon at napunta sa kaniya ang buo kong atensyon. Umalis ako mula sa pagkakasandal sa kaniya ngunit bigo na tuluyang makawala.

Nanatiling nakapaikot sa baywang ko ang isa niyang kamay, mahigpit na nakahawak doon senyales na wala siyang balak bitawan. Bagaman naroon na naman ang ilang ay hindi ko na iyon inintindi pa at itituon na lang sa kaniya ang atensyon ko at sa sasabihin niya.

Nag-angat ako ng tingin nang sagayon ay magawa kong makita at basahin ang mga naglalarong emosyon sa mga mata niya. At hindi na ako nagulat pa nang ang mabungaran ko ay takot at kaba. Ngunit hindi katulad noon na dominanteng-dominante ang mga iyon, ngayon ay mayroon nang siwang para sa tapang at determinasyon.

"May pupuntahan tayo," imporma niya, ang paningin ay nakatanaw sa malayo.

"Saan?" puno ng kuryosidad na tanong ko.

"Cuddle Bears."

Malaking bahagi ng isip ko ay puno nang pag-aalala dahil sa narinig. Ngunit sa likod ng isip ko, naroon ang saya at pagdiriwang dahil si Tadeo na mismo ang nagkusa sa pag-aya sa pag-alis sa lugar na ito.

Sariwa pa rin sa isip ko ang mga nakitang reaksyon kay Tadeo sa unang beses na may makasalubong siyang estranghero. Ang takot at kaba na naramdaman maging ang kagustuhan na itago ang sarili niya. At sa tuwing maiisip iyon ay naninikip ang dibdib ko sa sakit para sa kaniya.

Para siyang naliligaw na bata na takot na masaktan ng iba. Ngunit sa sitwasyon niya, takot siyang makasakit ng iba. Kung puwede lang siguro na bakuran niya ang sarili upang walang makalapit sa kaniya ay ginawa na niya sa sobrang takot na kumakain sa pagkatao niya.

"Change your clothes, Clementine," utos niya sa akin.

Parang isang robot na tumango ako kasabay nang tuluyang paglayo. Ngunit bago pa man ako tuluyang makaalis ay may pahabol pa siyang mabilis na halik sa likod ng kamay ko na muli na namang yumanig sa mundo ko.

Lutang ang pag-iisip na pumasok ako sa sariling silid at kumilos na parang wala sa sarili. Wala sa sariling nagpalit ako ng simpleng t-shirt at jeans. Mabuti na lang at nakaligo na ako kanina matapos ang tanghalian kaya hindi ko na kailangang magtagal pa.

Balot pa rin ako ng takot pero hindi ko na inintindi iyon. Magtitiwala na lang ako na kaya ni Tadeo. Na walang mangyayaring masama at aayon sa amin ang tadhana.

***

I was wondering how it would feel to see him blend with the crowd. Or to simply just take the courage to come out of his shell and allow himself to be surrounded by strangers. But maybe I thought... too shallow. And got way ahead of the reality we are living.

Imposible nga pala bagay na iyon dahil si Tadeo ang kasama ko. Ang tapang na kanina ay ipinakita niya sa aki'y akala ko ay magtutuluy-tuloy ay agad naupos. Tinatahak pa lang namin ang daan patungo sa sasakyan na gagamitin namin ay nagsusumiksik na siya sa akin. Kung hindi lang sa malaking bulto niya ay maaari pang isipin na tila isang bata ang kasama ko na takot mawala o makuha ng kung sino man.

Nasa parking space pa lang kami ng condo pero ganito na ang reaksyon niya. Paano pa kaya kung marating na namin ang destinasyon naming dalawa? Kung ngayon na simpleng paglabas lang sa halos walang taong dinadaanan namin ay halos mamutla na ang kamay ko sa higpit ng kapit niya, paano pa kaya kung dagat ng mga tao na ang aming kaharap?

Only if words would be enough to calm his fear. Only if encouragement would suffice to reciprocate the fear with the courage to face the world head-on and fight. But Tadeo being Tadeo, those would never be enough.

"Kaya mo," determinadong bulong ko sa kaniya. "Kaya mo, Tadeo," pagkukumbinsi ko hindi lang para sa kaniya kundi maging para sa akin mismo.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at sa mga mata niya ay naroon pa rin ang hindi masukat na takot na matagal na niyang dala-dala. "Paano kung may mangyari hindi maganda? Paano kung bigla na lang akong manghablot at makasakit ng iba?"

I forced myself to give him my best smile to give him comfort. "The more you'll think of your situation negatively, the more you'll attract those things you're afraid of to happen." Marahan kong niluwagan ang pagkakahawak niya sa kamay ko hanggang sa tuluyan iyong maalis sa pagkakakapit sa kamay ko. "Just live your life, Tadeo. Kung may mangyayari man, ipaliliwanag ko. Ihihingi ko ng dispensa at hihingi ako ng pag-intindi dahil ito ang buhay na mayroon ka. Komplikado at kailangan iyong maintindihan ng iba."

Kasabay nang huling salitang binitawan ko ay siyang pag-atras niya. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag mag-iwas ng tingin nang sumigid ang sakit sa dibdib ko nang makita ang ginawa niya upang magawang maitago ang sarili kahit na wala namang ibang taong naroon.

Ilang beses ko nang nakikita ang ganito pero hindi ko pa rin makuhang masanay. Gano'n pa rin ang epekto. Ang sakit at lungkot na ipinadarama sa akin ng bawat takot na ipinakikita niya sa tuwing may makahaharap ng iba. I wonder if this would ever stop. If his scars would eventually get healed. Or would it be like this indefinitely? Nakakatakot isipin at ang bigat sa kalooban makita na ganito siya. Paano pa kaya kung hindi na talaga niya mahanap ang ang tapang na ibalik ang sarili niya sa dati.

"I can't do the convincing alone, Tadeo. You can do it, right?" pilit na pinapatapang ang boses na saad ko sa kaniya.

Muli niya akong tiningnan at bagaman naroon pa rin ang takot ay may sumisilip ng determinasyon. "Would people understand? Would they accept me?"

Marahan ko siyang inilingan bilang tugon. "Hindi, Tadeo. Mahirap ipaintindi dahil mahirap intindihin ang kalagayan mo. Bago sa mga tao ay hindi kapanipaniwala. Mas marami pa ang huhusga at mag-iisip ng masama kaysa sa mha taong tatanggap at maniniwala." Masuyo ko siyang nginitan. "Don't seek validation from other people. Be enough for yourself. If no one would be able to understand, at least you know where you're coming from, your situation and your condition. Naiintindihan ka ng pamilya mo. Naiintindihan kita. Dapat intindihin mo rin ang sarili mo, Tadeo. Iyon ang mag alaga."

Nanatili siyang nakatingin sa akin at walang imik. Mataman lang niya akong pinagmamasdan habang ipinoproseso sa isip ang mga narinig. Matiyaga akong naghintay. Walang reklamong tumayo lang ako roon habang hinahayaan siyang makuhang muli ang pira-pirasong tapang na mayroon siya.

Kusang kumawala ang isang magandang ngiti sa mga labi ko nang makita ang ginawa niyang paglalahad ng kamay niya sa harapan ko. Umalpas rin mula sa bibig ko ang isang magaan na buntong-hininga na repleksyon ng kaluwagang naramdaman ko sa dibdib ko dahil sa ginawa niya.

"Tara na?" tanong ko na tinugunan niya ng tango.

Sumikdo ang puso ko sa kakaibang tuwa sa unang pag hakbang na ginawa naming dalawa. Ang antisipasyon, kaba, at tuwa ay naghalo-halo sa akin. Hindi man ako sigurado sa kalalabasan ng araw na ito, sapat na sa akin na may ginawang bago si Tadeo na makatutulong sa kaniya.

Nang marating ang sasakyang siya ring ginamit namin noon papunta rito, sa backseat kami dumiretso. Katulad noong unang beses kaming naging laman ng sasakyan, sa likod pa rin siya mauupo. At hindi gaya ng sa mga pelikula kung saan ang lalaki ang magbubukas ng pinto sa babaeng kasama niya, baliktad sa akin dahil ako ang gumawa ng bagay na iyon para sa kaniya.

Imbes na sumakay agad na siyang inaasahan kong kaniyang gagawin ay huminto siya at humarap sa akin. Hinarap ko rin siya kasabay nang pagpapakawala niya ng isang buntong hininga.

"Hindi ganito ang inaaaahan ko," nanghihinayang na wika niya.

"Anong ibig mong sabihin, Tadeo?" nagtatakang tanong ko.

"I was supposedly the one to drive you. But I couldn't even do it now withmy situation," may bahid ng iritasyong dugtong niya. "Only if I wasn't a coward before. I would still have a chance to treat you the I imagined it to be."

Muling napuno ng kakaibang pakiramdam ang dibdib ko na hindi ko pa rin magawan pangalanan hanggang ngayon. Ang kakaibang kabog ng dulot ng mga salita niyang iba na naman ang tinutumbok ay ramdam na ramdam ko na maging ang malakas na tibok no'n ay ang lakas sa pandinig ko. Hindi man buo ang mga salita niya, alam na alam ko kung ano ang ipinupinto niya.

Iwas na iwas akong tahakin ang ganoong usapan lalo na at hindi pa rin malinaw sa akin ang sarili kong nararamdaman. Magulo pa rin sa akin hanggang ngayon at hindi pa rin ako nakapaniwala sa mga nalaman kahit ilang linggo na rin ang lumipas mula nang araw na iyon. At ngayon na muling lumilihis patungo sa direksyon na iyon ang diretsong daan lang sana na dapat naming naybaying dalawa, napupuno na naman ako ng kakaibang mga pakiramdam na hindi ko kilala.

Kung kaba ba ito o iba na. Kung ang kiliti bang nararamdaman ko sa dibdib ko ay may kahulugan na. Maging ang kakaibang pakiramdam sa sikmura ko na para bang may mga elementong naglalaro roon ay estranghero pa rin sa akin ngunit unti-unti ko nang nakakasanayan dahil sa kaniya.

"Things don't always happen the way we wanted it to be. But we could make new experiences through those detours we were given." Napakamot ako sa pisngi ko habang kinakalma ang sarili upang makapag-isip ng matino. "At wala namang kaso sa akin kung ako ang magmamaneho."

Puno ng panghihinayang na bumuntong-hininga siyang muli bago tumango sa akin. "Huwag mo nang intindihin ang mga lumalabas sa bibig ko. I just became a man full of regret and what if's that's why I'm like this."

Hindi na ako sumagot pa dahil hahaba lang ang usapan at mas pupunuin ako ng mga kakaibang pakiramdam na hindi ko alam kung kaya ko pa bang tagalan. Masyadong nakalulunod ang mga iyon at nasisiguro ko na masusundan pa iyon kung hindi ko puputulin ang usapan ngayon.

Binuksan ko ang pinto ng backseat at pinanood siyang pumasok sa loob. Nang masigurong na maayos na siya ay nagtungo na ako sa sariling puwesto. I took my spot at the driver's seat and adjusted the seat. Maging ang rear view mirror ay inayos ko rin na nauwi sa pagsasalubong ng mga mata namin ni Tadeo sa bagay na iyon.

"Ready?" nakangiting tanong ko.

Tipid na nginitian niya ako at tumango. "I'm not but... let's do this."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top