Chapter 17

A/N: May mga bagong username akong nakikita na nagvo-vote at comment sa story na ito. Maraming salamat po sa inyo! As well as sa mga silent reader. Thank you po! ♡


Healing

"What's that?"

Mabilis na nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang marinig ang nagtatanong na boses na iyon ni Tadeo mula sa likod ko. Hindi naman galit ang tono ng boses niya. Normal lang iyon at nag-uusisa pero ang epekto sa akin ay kakaiba. Para akong ipinasok sa interrogation room at doon ginigisa ng tanong samantalang simpleng kuryosidad lang naman ang dating ng pagtatanong niya sa akin.

Pinanatili ko ang pagkakapako ng paningin ko sa papel na sinusulatan at hindi na siya binalingan sa takot na baka mas lalo lang matuliro kapag nakaharap na siya. Walang oras o araw ang nagdaan na naramdaman ko ang kapayapaan. Normal man ang pagdaloy ng mga lumipas linggo sa aming dalawa ay hindi ako nilubayan nang mga napag-usapan namin dalawang linggo na ang nakararaan. Palagi akong hinihila pabalik sa tagpong iyon at pinaaalala sa akin ang mga salitang narinig mula kay Tadeo.

He kept himself busy for the past two weeks doing his paper works. While I did nothing but stare at him most of the hours that we'll be together. To say that I was bothered would be an understatement to how I was for the past weeks.

Hindi lang kaguluhan na dulot ng mga salita niya ang bumagabag sa akin kundi maging ang kaguluhang nararamdaman ko rin sa sarili ko. Hindi ko magawang mapangalanan ang eksaktong nararamdaman ngayon dahil tila wala ako sa katinuan dahil din mismo kay Tadeo.

Hindi ko alam kung paano aakto sa harapan niya. O kung anong klaseng pakikitungo ang dapat na gawin upang huwag ng gawin pang mas nakaiilang ang sitwasyon. The worst part is, Tadeo is acting as if he was not the cause of my confusion. He has been living his everyday life just fine. Habang ako ay ilang minuto pa munang hahanapin ang tamang posisyon upang agad na makatulog at maiwasang punuuing muli ng mga salita ni Tadeo ang isip ko.

"We are running out of stocks. Plano kong bumili ng supplies natin dito." imporma ko sa kaniya, hindi siya nililingon para tingnan. Pilit kong pinakaswal ang boses ko upang huwag niyang mapansin ang ilang na nararamdaman ko ngayon.

"Tatawagan ko na lang si Daniel para ibili tayo ng mga kakailanganin dito. Ilista mo na lang ang mga gusto mong ipabili," tugon niya.

"Hindi ba puwedeng ako na lang ang ang umalis? Kaya ko naman," tanggi ko. Alam kong nakapako sa akin ang paningin niya mula sa likuran ko kahit na hindi ko siya nililingon. "Let's not bother your right man. I could do it alone."

"Ikaw mag-isa?" Narinig ko ang pag-upo niya sa sofa na sinasandalan ko dahil sa sahig ako nakaupo. At dahil doon ay unti-unti na namang bumilis ang tibok ng puso ko. "At sa tingin mo hahayaan kitang umalis ng walang kasama?"

Napangiwi ako sa istriktong boses na ginamit niya. Ang dating tuloy ay para akong isang bata na may nagawang kasalanan kahit na wala naman talaga. Hindi siya galit pero kaba ang dulot sa akin ng simpleng pag-uusap lang namin. At nagsimula ang lahat ng ito dahil lang sa pag-amin niyang hindi kailanman nawala sa isip ko.

It was as if his words were played repeatedly on my head. Sa tuwing mababakante ako ng kahit na saglit lang na minuto ay palaging iyon na ang pumupuno sa isip ko. He didn't respond to what I said that time. He just smiled at me and assured me that he's fine.

"Who do you expect me to go with? You?" Tumingala ako at tiningnan siya kahit na baliktad ang rehistro ng mukha niya sa paningin ko. "Eh, alam naman nating pareho na hindi ka pa handa na lumabas at makisalamuha sa iba. Hindi ko gusto na pilitin ka at dagdagan pa ang stress mo lalo na't kaya ko namang gawin ang bagay na ito."

Natahimik siya dahil doon. Nanatiling magkalapat ang mga mata namin pero ako rin ang unang sumuko nang salakaying muli ng ilang. Muli akong yumuko at hindi na naglakas-loob na muli siyang tingnan.

Dati naman ay nagagawa kong matagalan ang titig niya. Kaya kong sabayan at pantayan ang intensidad no'n na walang nararamdamang ilang o kung ano. Pero simula nang araw na iyon na tila binago ang mundong mayroon ako, mas mabilis na akong makaramdam ng hiya lalo na kapag tinitingnan niya ako. Hindi ko alam kung paano kami tumagal ng dalawang linggong halos hindi na tingnan ang isa't isa. O ako lang ang hindi makatingin sa kaniya?

Narinig ko ang hirap na nararamdaman ni Tadeo nang bumuntong hininga siya dulot marahil nang pagtitimbang niya ng sariling nararamdaman sa gagawing paglabas. Sa mga minutong ito nasisiguro kong naguguluhan na naman siya sa kaniyang gusto. At alam ko rin na ang takot na naman ang dahilan kung bakit hirap siyang bumuo ng anumang desisyong may kinalaman sa pagpunta sa pampublikong lugar.

"Sasama ako," mahinang usal niya. "Sasamahan kita."

Mabilis na ibinalik ko sa kaniya ang tingin sabay iling bilang pagtanggi. Maayos na umupo ako at hinarap na siya ng buo sa paraan na makikita ko ang mga naglalarong emosyon sa mga mata niya. "Don't force yourself, Tadeo. Kaya ko na ito. At alam kong hindi ka rin komportable sa ideya na haharap sa iba kaya mas maigi na rito ka na lang."

"Hindi ko na alam, Clementine," mahinang wika niya.

Pinanood ko ang mariing pagsara niya ng mga mata niya at sa ganoong paraan kinalma ang sarili. Pinilit ko ang sarili na huwag maapektuhan sa nakikita, pilit na pinalalakas ang determinasyon ko, kahit na ang dulot nang nakikita ko ay napakibigat.

Nagtagis ang bagang niya dahilan para lumitaw ang litid niya. Isang senyales ng matinding emosyong pumupuno sa kaniya ngayon na ang pinag-uusapan namin ay ang pagsabak niyang muli sa isang mundong minsan na ring yumakap sa kaniya ngunit kaniyang tinalikuran dahil sa mga naging pagbabago sa buhay niya.

"I h-hate this, C-Clementine," garalgal ang boses na saad niya sa akin, punung-puno ng emosyong bigat din ang dulot sa dibdib ko. Sa muling pagbukas ng mga mata niya, puno na iyon ng luha na pilit niyang nilalabanan para huwag tuluyang kumawala. "I f-feel so small. I feel s-scared. Wala ng ibang umiikot sa isip ko kundi takot. Takot na baka may mangyaring hindi maganda o baka may mapahamak na naman sa akin." Itinutok niya ang hintuturo sa dibdib niya habang emosyonal pa rin akong tinitingnan. "Hindi ko kayang pigilan o labanan iyong takot dito. Gusto kong alisin ang lahat ng mga negatibong nararamdaman ko para may mapatunayan din ako sa sarili ko. Kaso sobrang hirap, Clementine... Sobrang sikip na rito at hindi ko na alam ang dapat na gawin ko."

Mabilis na napuno ng luha ang mga mata ko ngunit pinilit kong huwag iyong tumulo. Malungkot na ngumiti ako sa kaniya, na pilitin ko mang gawing normal at masayang ngiti ay hindi ko magawa kaya iyon lang ang nakayanan kong maibigay. Lumamlam ang mga mata ko nang muli siyang balingan ng tingin. Ramdam ko ang paghihirap at kagustuhan niya. Saksi ako sa pagsusumikap niya na unti-unting ibalik ang sarili niya sa dati dahil na rin sa kahilingan ng nakararami. "Naiintindihan ko," tumatangong tugon ko. "Naiintindihan ko kaya huwag mo nang pilitin ang sarili mo."

Napahilamos siya sa mukha niya at nanaliti sa ganoong posisyon. "Everyone wants me to be fine. And I am trying. This is my way of trying," giit niya habang nakayuko pa rin at nalulunod sa sariling mga emosyon.

Umiling ako bilang pagtutol sa mga narinig. "That is not the proper way of healing, Tadeo," malungkot na pahayag ko. "If you want to heal, heal for yourself. Not for other people nor because of their expectations and aspirations. The only way you'll be healed is if you will allow yourself to be. If you want to get better, then get better. But do it, want it, and act upon it for your own. Hindi ko sinasabi na hindi maganda ang piliing gumaling para sa ibang tao. Walang masama na gawin silang motibasyon. Pero hindi ba mas mainam ang paghilom para sa sariling kapakanan? That way you'll be able to embrace the person you became. You would not have to depend on other people because you'll know that you have yourself."

Bumuntong hininga siya at hinarap ako. Namumiula na ang mga mata niya dahil sa kanina pang pagpipigil kasabay ng mga emosyong naglalaro roon. He kept his mouth shut and just continued to stare at me, letting my words fill him. This has always been our routine, and I don't mind repairing this daily. Masyadong magulo ang takbo ng utak ni Tadeo at maraming bagay na naglalaro roon.

Kaya naiintindihan kung bakit palaging nauuwi sa ganito ang usapan namin dahil madalas na kailangan niya pang marinig mula sa iba ang mga bagay-bagay. Pakiramdam ko rin minsan ay maging siya'y hindi rin sigurado sa gusto para sa sarili niya. He was just trying things out and doing things as instructed because it was easier living that way. Parte na marahil iyon ng personalidad niya na mula pa noong kabataan niya gaya na rin ng mga laman ng kuwento niya.

Kaya maging sa pagpapabuti sa sarili at paggawa ng sariling desisyon ay kailangan niya pa nang magsaasabi sa kaniya kung ano ang mainam at nararapat. Kailangan niya pang gumamit ng ibang tao bilang kasangkapan upang may rason ang kaniyang desisyon. Kaya imbes na para sa sarili ay para sa ibang tao ang ginagawa niya.

"Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto ko," naiiling at gulung-gulong na wika niya.

"Do whatever that you want. Sarili mong choice at desisyon. Para sa sarili mo at hindi para sa ibang tao," kumbinsi ko.

"I want to help myself get better. But I also don't want to fully recover." Sabay ang naging pagkunot ng mga noo ko sa pagpuno ng kaguluhan sa isip ko nang makasalubong ko ang mga mata niya.

"Why not?" naguguluhan kong tanong.

"Dahil alam ko na sa oras na kaya ko na ulit na mabuhay ng mag-isa, mawawala ka."

Naumid ang dila ko, inaalisan ako ng kakayahang magsalita. Sa makailang ulit na pagkakataon ay binibigla niya na naman ako gamit ang mga salita niya.

"I don't want to tie you up with me, but I also don't like a life without you, Clementine. Pero mas takot ako na kung patuloy kitang makakasama, mas tumataas ang posibilidad na maging ikaw ay magawan ko ng hindi maganda. Katulad nila na nauna sa iyo. Hindi ko na alam." Matunog siyang bumuntong hininga sa akin. "I want you to stay but I also want you gone," hirap na saad niya.

Hindi pa rin ako nakaimik ngunit malinaw kong naiintindihan ang mga naririnig. Hanggang kaya ko na manatili, mananatili ako. Kung kailangan na ipilit ko ang sarili ko, ipipilit ko. I badly wanted to see Tadeo living a life far from his current state. Iyong kasalukuyang Tadeo na laging takot at kabado. I want him to heal and I want to be a witness of his journey.

At hindi mangyayari ang lahat ng iyon kung aalis ako sa buhay niya. Even if a part of me is aching knowing that one part of Tadeo's mind wanted me gone I could still go on and choose this situation repeatedly.

"I'll stay by your side even at the expense of my own life, Tadeo," sinserong tugon ko.

Binigyan ko siya ng ngiti habang pilit pa ring nilalabanan na huwag mag-iwas ng tingin. Sabay-sabay na rumagasa ang iba't ibang klase ng emosyon sa mga mata niya na kakatwang nagawa ko pa ring mapangalan ang lahat. Ang mabilis na pagsilay ng pagkabigla na mabilis na nasudan ng tuwa. Ang paghahanap ng linaw at ang pagdodomina ng takot. Lahat nakita ko.

Kinapa ko ang sarili kong nararamdaman at hindi na ako nagulat pa nang muling maramdaman na naman ang kakaibang kabog ng dibdib ko. Ang unti-unting pagiging pamilyar no'n ay dahilan kung bakit dahan-dahan ko na rin iyong nagagawang pangalanan.

Ngunit hindi pa rin ako sigurado kung totoo ba ang nararamdaman kong iyon. Katulad ng hindi kasiguraduhan kung saan ko nga ba nakuha ang mga salitang binitawan sa harap niya. At habang tumatagal ang mga minutong dumadaan sa pagitan namin na nakapako ang mga mata namin sa isa't isa, mas lalo pang lumalala ang kabog ng aking dibdib.

"Don't," babala niya sa mahinang boses.

"Paano kung gusto ko? Pipigilan mo pa rin ba ako?" hamon ko sa kaniya.

"Ayokong mapahamak ka sa kamay ko, Clementine," nakikiusap na tugon niya.

"Wala tayong magagawa tungkol sa bagay na iyon, Tadeo. It's you, your situation, your condition, and your life. Hindi na natin mababago iyon o mabubura na ang posibilidad na iyon." Muli ko siyang nginitian sa malungkot pa ring paraan. "Kaya ko namang intindihin, bakit hindi ko iintindihin?"

"Clementine..."

Hindi na ako tumugon at ngumiti na lang muli bilang sagot. I know why he's worried and I feel the same way. But just like how people say it, we'll cross the bridge when we get there. Ayokong pangunahan ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari. Babalutin lang kaming pareho ng takot at pipigilan kaming gawin ang mga bagay na gusto naming gawin.

Mataas ang posibilidad na may mangyari ngang hindi maganda sa durasyon nang pananatili namin na magkasama sa iisang bubong. Pero parte na iyon ni Tadeo. Parte ng kondisyon niya na hindi na mawawala. Hindi man ako sigurado kung hanggang kailan kami ganito, I still need to live with the fact that he could do things that could harm the both of us.

***

"Tadeo," masuyong tawag ko sa pangalan niya habang nakadungaw ang ulo sa pintuan ng silid niya.

Mula sa librong binabasa niya ay nag-angat siya ng tigin sa akin. He looked at me behind his lashes the same time that he let his reading glasses down to look at me properly. Hindi ko naiwasang mapalunok nang salakayin ako ng pamilyar na pakiramdam nang makita ang postura at dating ni Tadeo.

Matagal ko nang naamin sa sarili ko may epekto sa akin si Tadeo. Alam ko rin sa sarili ko na may atraksyon akong nararamdaman sa kaniya. At ngayon nga na may mga bagay na narinig at namagitan sa amin sa mga araw na magkasama kaming dalawa, mas nagkaroon ng panibagong dahilan para mas dumoble ang mga kakaibang ipinararamdam niya sa akin.

Isang halimbawa na ay ang kiliting nararamdaman ko sa dibdib ko at maging ibang parte ng katawan ko ay umaabot din. Kung ano nga ba ang dapat na ipangalan sa pakiramdam na iyon ay hindi ko na alam.

"Handcuff?" tanong niya sa akin na ang tinutukoy ay ang paglalagay ko ng posas sa kamay niya dahil oras na nang pagtulog naming dalawa.

Napangiwi ako kasabay nang pag-iling ko bilang sagot. "Not this time. Could we try an alternative instead?" naiilang na suhestiyon ko.

"What alternative?" Kumunot ang noo niya sa akin. Isinarado niya ang librong nasa kandungan niya inilagay iyon sa bedside table. Inayos niya ang pagkakaupo at ang pagsandal sa headboard ng kama niya. "Come here, Clementine."

Bagaman kabado ay pumasok pa rin ako sa loob ng kuwarto niya. Pinanatili ko ang dalawang kamay sa likod ko bitbit ang isang bagay na taliwas sa dapat na ginagamit namin tuwing gabi sa tuwing matutulog na siya.

Mabagal akong naglakad palapit sa kaniya habang siya naman ay mataman lang akong pinagmamasdan at matiyaga akong hinihintay. Nang marating ang gilid niya, sinigurado ko ang kalahating metrong distansya sa pagitan naming dalawa. Unlike the usual days where we would be in one place where I would not hesitate to get close to him, I feel awkward now that we are not in different circumstances.

"Would you be fine not using the handcuff tonight?" alangan na tanong ko.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

Kumunot ang noo niya sa akin at inilahad ang kamay niya sa harapan ko. Napako roon ang mga mata ko kasabay nang pagkabog na naman ng puso ko. My hand began to itch and the want to reach for Tadeo's hand started to dominate me. Pero ang hiya ang mas nangingibabaw sa akin ngayon at hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin iyon o magkunwari na hindi iyon nakita.

A grin appeared on Tadeo's lips as he looked at my reaction. Hindi na rin niya hinintay na iproseso ko ang mga nangyayari dahil siya na mismo ang kumuha ng kamay ko at marahan akong hinila palapit sa kaniya. Umusog siya ng kaunti para mabigyan ng espasyo ang gilid ng hinihigaan niya. He pulled me once more until I ended up sitting on that space he provided me.

"What is this?" tanong niya at siya na ang kumuha ng oven mitt na hawak ko sa bakanteng kamay ko.

"The alternative," sagot ko sa kaniya. Binawi ko ang bagay na iyon at kinuha na rin ang kaliwang kamay ni Tadeo matapos ay inilagay sa ibabaw ng sikmura tiyan niya. Umayos ako nang pagkakaupo paharap sa kaniya. "This would be enough. Subukan lang natin."

Pinanood ko ang reaksyon ng mukha niya at nakita ang alangan na nararamdaman niya. "Paano kung—"

"Tama na muna ang kaiisip ng mga paano. Subukan muna natin. At saka na natin isipin ang mga negatibong bagay kung may nangyari na. Kung epektibo, ituloy natin. Kung hindi, itigil na agad natin at ibalik natin ang nakasanayan na."

Hirap na sumandal siya at tumingala sa kisame na para bang naroon ang sagot na hinahanap niya. Kumunot ang noo niya at umalon ang adams apple niya sa ginawang paglunok. Ilang minuto siyang gano'n bago nagbaba muli ng tingin na eksaktong dumapo sa kaliwang kamay niya.

Hinila ng ginawa niyang iyon ang atensyon ko kaya maging ako ay napatingin na rin sa kamay niya ngayon. Payapang nakalapat iyon sa tiyan niya ngunit ang mga daliri ay paminsan-minsang gumagalaw ng kusa.

"Okay lang ba?" nangangapang tanong ko.

Marahan siyang nagpakawala ng buntong hininga. Nag-angat akong muli ng tingin sa kaniya kasabay nang pagtingin niya rin sa akin. "Thank you, Clementine."

Kumunot ang noo ko sa kaguluhang naramdaman sa narinig na tugon mula sa kaniya. "Bakit ka nagpapasalamat sa akin? Ginagawa ko lang naman ang sa tingin kong makagagaan sa iyo."

Umangat ang kanang kamay niya upang marahang haplusin ang buhok ko. Ilang ulit niyang ginawa iyon hanggang sa nauwi sa marahang pagkabig niya sa akin upang magawa niya akong ikulong sa mga bisig niya.

Hindi ako nakaimik at nakapag-react sa ginawa niya nang pangibabawan ako ng gulat sa ginawa niya. Pumorma ng kamao ang dalawang kamao ko na nasa magkabilang gilid ko sa kawalan ng lakas ng loob na gantihan ang yakap na iginagawad niya sa akin.

Isang kamay lang niya ang gamit niya ngunit ramdam na ramdam ko ang pagkapuno sa puso ko. At sa higpit ng yakap niya, hindi ko napigilan na paligiran na naman luha ang mga mata ko.

"Maraming salamat, Clementine," bulong niya, direkta sa tainga ko. "Thank you for the effort and for understanding my situation. I never imagined giving myself another chance to have my life back. Wala akong halaga o silbi. Alam ko iyon pero nandito ka sa tabi ko, pinaaalala sa akin ang mga bagay na hindi ko makita."

Hindi pa umaabot ng tatlong segundo matapos niyang magsalita ay nagbagsakan na agad ang mga luha sa mga mata ko. "Anything for you, Tadeo."

He tightened his embrace on me and pulled me even closer. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko matapos ay ang pagplanta niya ng halik sa tuktok ng ulo ko. "Thank you, sunshine, for being the cure that I need to calm me down in this chaotic battle of mine."

Tinanguan ko siya bilang sagot at umalis na sa tabi niya. Pinanood ko siyang mahiga bago ako lumabas ng silid niya. Hinayaan kong lumipas ang trenta minutos bago siya muling binalikan. Lihim na napangiti ako nang makita ang bahagyang nakaawan niyang mga labi na simbolo nang mahimbing na pagtulog niya.

Sa maingat na mga galaw ay lumapit ako sa sofa na nasa kanang bahagi ng kuwarto niya at tahimik na naupo roon. At doon hinayaang lumipas ang oras habang nagmamasid ako kay Tadeo.

"Until four o'clock, Clementine," mahinang bulong ko na animo hinihipnotismo ang sarili.

Nagpatuloy ako sa panonood sa kaniya, sa kaliwang kamay niya, kung may mangyayari ba habang tulog siya ngayon at walang posas na nakakabit sa kaniya. Ilang oras pa ang nagdaan at ang antok ay unti-unti ko nang nararamdaman.

Lumabo ang paningin ko nang mapuno iyon ng luha bunsod ng paghikab na ginawa ko nang muling maramdaman ang antok na kanina ko pa pilit na nilalabanan. Ayoko nang uminom ng kape sa pakikipagtagisan ko sa antok ngayong gabi. Kaunting oras na lang din naman ang palilipasin ko para makatulog na ako.

Minasahe ko ang batok at balikat ko nang makaramdam nang pangangalay sa parte na iyon ng katawan ko habang ang paningin ko ay nakapako sa mahimbing na natutulog na si Tadeo. Ang tanging ingay na pumupuno sa apat na sulok ng kuwarto niya ay ang worship song na nanggagaling sa maliit na bluetooth speaker sa side table ng sofa na inuupuan ko.

Nakapatong sa ibabaw ng sofa ang dalawang paa ko at yakap-yakap ko iyon habang nakikinig sa kantang pinaghuhugutan ko ng lakas ngayon. Give Me Faith by Elevation Worship has always been the song that gives me overflowing emotion. Dahil sa kanta na iyon, at maging sa iba pang worship song na pinakikinggan ko, ramdam ko na hindi ako nag-iisa at may karamay ako kahit hindi ko nakikita.

Kahit noong mga panahon pa na nawala si Papa, ganitong uri ng mga kanta ang palagi kong pinakikinggan upang kumuhang muli ng lakas na lumaban. And this particular song never fails to make me cry with every lyric of the song. Sobrang tagos, at saktong-sakto para sa katulad kong hindi alam kong unti-unting hinihigop ang lakas sa bawat araw na lumilipas.

Sa tuwing natatapos ang kanta, pakiramdam ko panibagong tao ako. Pakiramdam ko, mas tumatapang ako.

"Clem?" Pupungas-pungas na binalingan ako ng bagong gising na si Tadeo.

"Nagising ba kita?" nag-aalalang tanong ko matapos ay hininaan ang kanta.

Inilingan niya ako at sinenyasan na lumapit sa kaniya. Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon ang kaba sa dibdib ko dahil nauna na ang pagkilos ko para makalapit sa kaniya.

"Pasensya na," paghingi ko nang paumanhin.

"It's fine. Bakit gising ka pa? Huwag mong sabihing pinanonood mo ako habang natutulog?" Napayuko ako at tumango na umani ng isang buntong-hininga mula sa kaniya. "Clementine naman," hirap na usal niya.

"Gusto ko lang namang masiguro na magiging maayos ang tulog mo," dahilan ko.

"So, you're going to stay up until I wake up, again?"

Hindi na ako sumagot sa kaniya. Nanatili lang akong nakayuko kaya hindi ko na nagawang makita pa ang ginawa niyang pag-upo. At gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang maramdaman ko ang ginawa niyang marahan na paghila sa akin hanggang sa mapahiga na lang ako sa kama.

Nanlalaki ang mga mata na binalingan ko siya ngunit wala sa akin ang atensyon niya. Nakapako na ang paningin niya sa mga unan na kanina ay nasa bandang ulo niya na ngayon ay inilalagay na niya sa pagitan namin gamit ang isakg kamay. Inihilera niya iyon sa pagitan namin at gumawa ng tuwid na linya na nagsisilbing barikada na humahati sa kama.

"Anong ginagawa mo?" nagugulahang tanong ko.

Hindi siya sumagot sa akin at nagpatuloy lang sa paglalagay ng mga unan sa pagitan namin. Kunot na kunot na rin ang noo niya na para bang napakaimportanteng bagay ng ginagawa niya at walang lugar para magkamali siya.

"I know you won't sleep until it's morning." Tinapos niya ang ginagawa matapos ay nahiga sa kaliwang bahagi ng kama. "Let's spend the rest of the night like this, then."

Gulat na nagpabangon ako at nanlalaki ag mga mata na binalingan siya. Prenteng nakahiga siya habang ang kanang braso ay ginawang unan samantalang ang kaliwa naman ay nananatiling nasa gilid niya. Walang imik at payapang pinagmasdan lang niya ako taliwas sa histeryang nararamdaman ko sa kalooban ko.

"Babalik na lang ako sa kuwarto ko," saad ko.

Sumilay ang isang ngisi sa mga labi niya sa narinig. Inayos niya ang pagkakahiga sa paraan na maayos niyang mapagmamasdan ang mukha ko. Nakatutok sa direksyon ko ang mukha niya habang tuwid pa rin ang pagkakalapat ng katawan sa kama.

"Will you sleep peacefully, not thinking about how I am doing?" tanong niya sa timbre na naghahamon.

Sinimangutan ko siya bilang tugon. Kahit ako ay alam sa sarili na malabo ang salitang payapa kung matutulog ako ngayon. Babalik at babalik pa rin sa isip ko si Tadeo at kung maayos ba siya kahit na nasa iisa bubong lang naman kami. I would surely find it hard to fall asleep.

"Ano? Uupo ka na lang? Hindi ka na matutulog?" pang-aasar niya sa akin.

Mas lalong nalukot ang mukha ko habang pilit na binubura ang kabang namamayani sa puso ko. Umakto man akong normal ay hindi naging epektibo iyon para pahupain ang eratikong pagkabog ng dibdib ko.

Sino ba naman ang hindi maiilang at kakabahan kung matutulog ka sa iisang kama kasama ng isang lalaki na hindi mo naman nobyo? Sa buong buhay ko, si Papa at Kuya Cael lang ang nakatabi ko matulog at bata pa ako noong mga panahon na iyon. At ngayon na nasa hustong gulang na ako at nasa iisang kama kasama si Tadeo, hindi ko magawang alisin o ignorahin man lang ang ilang na nararamdaman ko.

Nanatiling tutok ang paningin ko sa mukha niya, nag-oobserba kung tulog na ba siya. Sarado na ang talukap ng mga mata niya ngunit sigurado akong gising pa siya. Ibilnaling ko ang paningin sa unan na aking gaagamitin. Sa isip ko ay ibinabalanse ko ang dapat na gawin. Kung babalik na lang ba sa sariling silid o ang susundin ang gusto ni Tadeo.

Pero tama siya. Bumalik man ako roon at iwan siya rito, hinding-hindi magiging payapa ang buong gabi ko. Nasisiguro ko na sa pagpikit pa lang ng mga mata ko, si Tadeo ang unang pupuno roon. Hindi katulad na nandito ako. May mangyari man, mararamdaman ko at maaagapan ko. Kampante naman ako na walang mangyayari na hindi maganda. Subalit mas maigi na ang nag-iingat kaysa magsisi sa huli kung may mangyari man na ikapapahamak ni Tadeo.

Bumalik sa reyalidad ang isip ko nang maramdaman ang pagbalot ng imit sa kamay kong nasa gilig ko. Nagbaba ako ng tingin doon at nabungaran ang kamay ni Tadeo na mahigpit na nakakapit doon. Ang ginaw na nararamdaman ko kanina dahil sa lamig ng aircon ay napalitan ng init na hindi lang doon nagtatapos dahil maging ang puso ko na narating no'n.

His warmth.

"Let's sleep, sunshine," pikit ang dalawang mata na saad niya.

"Okay lang ba sa iyo?" nag-aalangan na tanong ko.

May maliit na ngiti sa mga labi na binuksan niyang muli ang paningin niya. "Huwag mo nang tanungin ang nararamdaman ko dahil baka mabigla na naman kita sa isasagot ko."

Masuyo niya akong nginitian kasabay nang pag-angat niya ng ko na hawak pa rin niya. Inilapit niya iyon sa mukha niya at mas lalo lang nagwala ang nagwawala ko ng puso nang lumapat ang labi niya sa likod ng kamay ko. Saglit lang naman iyon pero parang nakulong ako sa mundo iyon na ang tanging nakikita ko lang ay siya habang nakalapat ang labi sa kamay ko.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa ginawa niya. Ngunit tila balewala lang iyon sa kaniya dahil muli lang siyang pumikit at ibinaba ang magkahawak namin mga kamay sa gilid niya. Buong akala ko ay bibitawan niya na iyon. Ngunit ang maingat na paghaplos ng hinlalaki niya sa likod niyon ay nagpapahiwatig na wala siyang intensyon na pakawalan iyon.

"Good night, sunshine," he softly whispered.

Kinolekta ko ang tira-tirang tapang na mayroon ako ay sa wakay ay humiga na sa espasyong inilaan niya sa akin. Patagilid akong nahiga at sa ganoong paraan pinagmasdan ang mukha niya.

"Good night, Tadeo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top