Chapter 16
Ten Years
"Hindi ka ba nabibilisan?" nalululumong tanong ko.
Nasa akin ba ang mali o sadiyang may ibang persepsyon lang siya patungkol sa mga bagay-bagay kaya hindi nagtutugma ang isipan naming dalawa. Para sa akin ay napakabilis ng mga naging pangyayari. Sa isang kisapmata ay ang dami na agad nangyari sa pagitan namin na hindi ko na magawang masundan o ang masabayan man lang.
Parang isang tulog lang ang nagdaan at ang dami na agad naging pagbabago. Sariwa pa sa memorya ko ang gabi na bumago sa buhay ko, na tila noong nakaraang gabi lang ay inatasan ako ni Mrs. Celino na maging nurse niya sa top floor pero ngayon ay kulang na lang ay magmakaawa siya sa harap ko na layuan siya kung sa dulo ng lahat ng ito ay iiwan ko rin lang naman siya. Ang usapan na dapat namamagitan sa amin bilang isang nurse at pasyente ay nawala sa konteksto at napalitan ng higit pa sa personal na usapan.
Paano ba kami umabot sa ganito? SA ganitong punto na hindi na pagbuti ng kalagayan niya ang iniikutan ng mundo namin. It feels like everything that happened in the past weeks that we spent with each other have been blurred out. Ang tanging nangingibabaw lang sa akin ay ang pag-amin niya at ngayon ay ang pag-uusap naming dalawa.
Kung susumahin ay humigi't kumulang dalawang buwan pa lang simula noong una ko siyang nakita at nakilala sa ospital bilang pasyente ko. At hindi ko mabigyan ng hustisya ang mga nangyayari sapagkat hindi ko talaga kayang kumbinsihin ang sarili ko na maniwala ng buo dahil masyadong mabilis para sa akin ang lahat.
"I met you two months ago, Tad. Only two months ago. Masyadong mabilis," nalilitong dahilan ko pa.
"Mabilis para sa iyo hindi para sa akin, Clementine." He smiled at me after letting those words out. And that smile looks so bitter in my eyes. "Hindi mabilis ang sampung taon, Clementine."
Umawang ang mga labi sa gulat na sinabayan pa ng nakabibingi pagpintig ng puso ko na sa sobrang lakas ay aakalain mong nasa tapat lang iyon ng pandinig ko.
Anong ibig niyang sabihin? Gusto kong isatinig ang tanong na iyon. Ngunit sa gulat ay hindi ako makahanap ng lakas ng loob.
"Sampung taon na kitang gusto, mabilis pa rin ba iyon para sa iyo?" nanlulumong tanong niya, nahihimigam ng lungkot at pangungulila.
"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa silya matapos ay naglakad palapit sa akin. Hindi ako nakakilos sa kalituhan at gulat na idinulot ng mga nangyayari. Ang simpleng almusal lang sana ay nauwi sa isang malalim na pag-uusap. Ang payapang umagang aming dapat na pagsasaluhan ay napuno ng mga tanong at kaguluhan.
Mas lalo kong naramdaman ang malakas na pagpintig ng puso ko nang unti-unti niya putulin ang distansya sa pagitan namin. Maging ang bawat paghinga ko ay naging malalim na para bang anumang segundo ay kakapusin na ako ng hininga. Naging mas malala pa ang ganoong reaksyon ng katawan ko nang marating ni Tadeo ang harap ko ay walang pakundangan itiniklop ang dalawang tuhod para magawa niyang pagpantayin ang mukha naming dalawa sa pamamagitan nang pagluhod.
Mas lalo akong tinakasan ng lakas na makagalaw at inalisan ng kakayahan na makapag-isip ng tama. Halos isang dangkal na lang ang naiwan na distansya sa pagitan ng mga mukha namin na mas lumiit pa nang sakupin ng dalawang palad niya ang aking dalawang pisngi.
Ang gaan, kasabikan, pagpapaintindi, at pakikiusap ay naghahalo sa mga mata niya habang mariing nakatingin sa akin. Gusto kong mag-iwas ng tingin sa kaniya at yumuko na lang dahil hindi ko yata kakayanin ang mas matagal pa na pakikipagtitigan sa kaniya. Pero ang lakas para gawin iyon ay wala dahil katulad ng mga nakaraang pagkakataon na naglapat ang paningin namin, naroon na naman ang puwersa na nagtutulak sa akin na saluhin ang mga tingin niya.
"You were eighteen, Clementine," he started.
I thought that the rapid beating of my heart had already reached its peak, but his whispering voice that sounded so sweet and loving in my ears made it beat even faster.
Mahina man ang pagkakasabi niya at sobrang gaan sa pandinig, naiintindihan ko ang bawat bitaw niya ng salita. Malinaw na rumerehistro sa isip at puso ko ang bawat paglalahad niya kahit halos hindi ko na marinig.
"I was twenty-three. You were a freshman while I was in my last year of my college years. You were sitting on one of the seats at the cafeteria with your earphones on. You were eating a sandwich for lunch instead of a decent meal, alone. I was with my friends hanging out and having fun. I saw how men tried to take a step closer to you but your aura shoo people away and you intimidate them. Just like how I got scared approaching you even though what I really wanted was to make my presence known."
Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako naluluha habang nakikinig sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang bigat at sakit kahit na nagsisimula pa lang siya.
"Even though that place was not special to me, I just found myself looking forward to every lunch to see if you'll be there so I could have a chance to steal a glance.. You look so fragile. Para kang galing sa isang problemang hindi mo pa rin natatakasan. Your eyes were always puffy as if you spent the night crying your heart out. And even though I wanted to come close and ask how were you feeling, to comfort you, or to simply just stay beside you, I held myself back because I knew that I am not someone you'll be needing."
Sumagap ako ng malalim na hininga upang kalmahin ang sarili nang unti-unting barahan ng luha ang paningin ko. Paunti-unti na ring nagiging mas malalim ang bawat paghugot ko ng hininga nang maramdaman ang pamilyar na bigat na matagal namahay roon noong mga panahong sariwa pa ang sugat na idinulot nang pagkawala ng taong mas mabigat pa ang halaga kaysa sa buhay ko.
I don't want to picture myself with that look that Tadeo saw before. Because it would always pain me looking back on the days that broke me, the same way that it broke my family. But I could not stop myself from thinking of how we were during those times that we were grieving and slowly dying.
Sobrang sakit. Kung maihahalintulad lang sa isang bagay na piniga ng pino hanggang sa matuyo iyon, gano'n na siguro ang naramdaman ko. I was incapable of thinking straight. Para lang akong nabubuhay na para hindi mamatay. Simot na simot ako na hindi ko na alam kung saan huhugutin ang lakas na lumaban.
And until now, I am still in pain. I am still and forever will be scarred by the memory of my Papa. But I must smile. I must be happy for I know that it is what he would want to see if Papa is still with me. At si Mama, kailangan kong ipakita sa kaniya na okay na ako. Na lumalaban ako kahit na sa kabila ng bawat ngiti ko ay ang lungkot na nararamdaman ko. I must show her that I am tough not to make her worry. But little did she know that the amount of positivity that I am showing during the reigning of the sun doubles when the moon starts to shine.
Years and years may pass, but the pain would always be in my heart. I would still cry. I am still and would always miss him. But the happiness I used to fake before is slowly becoming real.
"I wanted to get close to you. But the whisper of my friends to do things I thought was right was greater. Making my chance to pursue you drift away even more." He let go of a sad smile while still gently looking at my eyes. "You see, Clementine, I wasn't the good guy. I used to gamble. I used to smoke and drink like there is no tomorrow. I used to bed different women whom I don't know. And fuck me for doing that!"
Naiiling na binitawan niya ang mukha ko kasabay nang pagyuko, tila nahihiya sa naging nakaraan niya. I never said a word. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya at naghihintay sa mga susunod niya pang kuwento. Kuwento na sabik akong mapakinggan noon at ngayon ay iba't ibang klase ng pakiramdam ang dulot.
"I wasn't good enough to deserve you so I distanced myself from you. Gustung-gusto kitang lapitan at ipakilala ang sarili ko. Pero alam kong may mas matinong lalaking nararapat sa iyo kaysa sa gagong tulad ko. I intentionally failed my fourth year of being a college student just to have another chance to be with you from afar. And the more seconds I stared at you, the more that my feelings grow," pahina nang pahina ang boses na saad niya. "Hanggang sa napagtanto kong... ang simpleng paghangang akala ko ay mababaw, sobrang lalim na pala."
Ang kaninang luha na nagbabadiya ay tuluyan nang kumawala sa pagkabasag ng boses ni Tadeo nang sabihin niya ang mga huling salitang binitawan niya. Ang bigat ng mga salitang iyon ay mas dumoble dahil sa sinserong pagsasalita niya. Ang lalim ng kahulugang nakapaloob doon ay mas lalo pang lumalim dahil sa matagal niyang pagkikimkim.
"I never thought I would still see you again. Akala ko hindi totoo. Pilit na kinukumbinsi ko ang sarili ko na isa ka lamang isang magandang ilusyon." Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. "But your eyes still shine the same way as before. Until it finally sank in that you were real."
Napailing ako sa hindi pagkapaniwala sa nga narinig sa kaniya. Everything sounded so surreal as if it came out from a fairytale book. "That was ten long years, Tadeo. You could've met people, other women that you could love."
Siya naman ngayon ang napailing at nagpapaintindi akong tiningnan. "You were the last woman who got my interest. You were the memory I had before all the chaos happened in my life. I never had the chance to be surrounded by other women because for the last years... I've spent it dealing with my sufferings."
Hindi ko alam kung alin ba sa mga narinig ang uunahing bigyan ng reaksyon. Ang pag- amin ba niya, o ang katotohanang sa kabila ng maraming taong lumipas ay hindi nagbago ang nararamdaman niya. Gusto kong paniwalain ang sarili kong hindi totoo pero kung sa ganitong paraan siya magkukuwento, anong karapatan kong pagsinungalian ang nararamdaman niya.
Masyadong nakalulunod ang lahat na sabay-sabay niyang isiniwalat. Nililito ako ng pag-amin niya at inaalisan ako ng kakayahan na makapag-isip ng diretso at tama. Alam kong pawang katotohanan ang mga narinig mula kay Tadeo ngunit ang mahanap ang dahilan ng mga iyon ay hindi ko magawa.
Hindi ko mahanap sa sarili ko ang kalidad at katangian na kahanga-hanga. Wala akong mahanap na rason para sa mga nararamdaman ni Tadeo. I am nothing but a woman working her ass off to provide for her family. Wala sa akin ang hahangaan ng iba at mas lalong wala akong maipagmamalaki sa kaniya.
Kaya bakit ako? Bakit sa isang katulad ko?
"Bakit ako? Walang-wala ako sa mga babaeng kapantay mo, Tadeo," nanliliit na tanong ko.
"Dahil nag-iisa lang naman ang Clementine Guinto sa buhay ko." Umangat ang kamay niya upang hawakan ang sa akin sa mahigpit na paraan. "You are someone who I could never be. Hindi ka takot maging mag-isa. You are someone who is not afraid to be different, to act and think differently. You feel fine being alone and locked up in your own world. While I feel so greedy with attention. And maybe opposites really do attract because I found myself drawn to you. Hindi ka mahirap gustuhin dahil totoo ka."
Gusto kong ngumiwi dahil hindi ko inaasahan na ganito ang maririnig mula sa kaniya. The way he said those words made me want to believe those are true. Na mahirap para sa akin dahil ilag ako sa mga tao. How can he see those things when I could not even see it myself?
"Hindi ko alam ang dapat na sabihin, Tadeo," nawawalan ng pag-asang bulong ko.
Hindi ko mahanap ang tamang salita. O kung talaga bang may salita na sasapat para mapantayan ang mga narinig mula sa kaniya. I don't know if I deserve this kind of emotion he is showing me. An emotion so true that it almost felt like a fantasy. Wala akong masabi sa takot na pagkadismaya ang maigaganti ko sa kanya sa pagbukas ng bibig ko.
When I agreed in this set up, what I had in mind was my job alone. Ilang araw pa lang ang lumilipas at nahahaluan na agad ng ibang bagay ang sanang simpleng trabaho lang. Relationships were never in my mind. Wala rin naman akong kikitain mula roon kaya bakit ko pa pag-iinteresan.
I was so sure that no one would take notice of me for I am just a nobody. And I never took interest in those things. Even the idea of having a man beside me is just so absurd. Until Rehan proved it otherwise.
Now, Tadeo proved what I have in mind to be the total opposite only using his words. I don't want to spoil the moment. But I could only be honest with myself... and my own feelings.
"T-Tadeo, I," utal na simula ko. Sumagap ako ng hangin gamit ang bibig at marahan iyong pinakawalan upang hanapin ang pagkalmang kanina pa ako tinakasan. "I honestly don't know what to say. Binigla mo ako." Nag-iwas ako ng tingin sa pamamagitan nang pagyuko. "Pero hindi ko alam kung paanong susuklian ang lahat ng mga narinig mula sa iyo. I... I don't—"
"It's okay, Clementine," maagap na putol niya sa sasabihin ko. "I am not expecting anything in return. I'm fine loving you alone." Marahan niyang iniangat ang mukha ko upang magawa niya iyong makita ng buo. "Don't force yourself to feel something when you clearly feel nothing. Naiintindihan ko. Sapat na sa akin na nabigyan ako ng pagkakataon na makasama ka."
Bakit ako nasasaktan? Bakit ang bigat sa dibdib? Bakit sobrang sakit na makita siyang pinipili na ngumiti kahit na hindi naman iyon ang gusto niyang gawin?
It would be a lie to say that I feel nothing towards him. Alam ko iyon sa sarili ko. The attraction and the invisible bind the holds us together. Ramdam ko iyon noong mga unang araw pa lang na nakilala ko siya.
Kaso... sapat na ba ang simpleng atraksyon lang? Okay na ba kung hanggang doon pa lang?
Hirap akong iproseso ang lahat ng narinig sa iilang minuto lang na dumaan sa pagitan namin. Katulad ng hirap sa pagkilala sa sariling nararamdaman. I know that I feel something but I also know that it is not something that would weigh the same way as his feelings.
"I'm sorry," gulung-gulong usal ko. Napahilamos ako sa sariling mukha habang naguguluhan sa dapat na maramdaman.
"It's okay, Clementine," nakauunawang bulong niya sa akin.
I know that it is not okay. Sino ba naman ang gustong hindi masuklian ang damdamin niya? Pero hindi ko gustong puwersahin ang sarili ko na suklian agad ang lahat ng mga ipinahayag niya. Tadeo doesn't deserve that. I don't deserve that, too.
"Why tell me now, Tadeo?" Puno ng kataungan ang mga mata na tiningnan ko siya at walang hirap niya akong ginantihan ng tingin.
A sad smile appeared on his face again as he gently looked at my eyes. "I was hoping to create a different result now that I was given another chance to be with you, again. I want to pick up the fragments of my courage that were broken years ago. Para kahit sa iyo na lang maging matapang ako. Kahit sa iisang tao na lang ay magawa kong lakasan ang loob ko. I am no longer wanting to be accepted by the whole world. I only want you... to accept me for who I am, Clementine."
Sa bawat pagbitaw niya ng linya, kasabay na bumibigat ang pakiramdam ko dahil alam ko na isang bagay lang ang kaya kong maisukli sa ngayon. Kung puwede lang piliin ang mga salitang naririnig ko mula sa kaniya para magawa kong makapag-isip ng matino. Kaso ay lahat naririnig at naiintindihan ko.
"Tanggap kita, Tadeo. Hindi mo iyon kailangan hilingin dahil kahit sino ka pa, tanggap kita." Marahang kinuha ko ang kamay niya at ikinulong sa dalawang palad ko. Ayokong dagdagan ang bigat ng loob niya ngunit ayoko rin na pagaanin ang nararamdaman niya gamit ang kasinungalingan. "Kaya kitang intindihin at kahit hindi mo hilingin tatanggapin kita... pero hindi ang mahalin ka."
Hindi muna. Hindi pa dahil ayokong umasa siya sa isang bagay na hindi ko mabibigyan ng kasiguraduhan. Sa akin na lang muna hangga't hindi ako sigurado sa sarili kong nararamdaman. Pero sa oras na kaya ko nang isukli ang mga salitang narinig mula sa kaniya, walang pagdadalawang-isip na ipahahayag ko iyon sa kaniya.
———
A/N: Thank you for reading! ♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top