Chapter 15

Plea


Sa kabila ng saradong mga mata ay nararamdaman ko ang pagtama ng liwanag sa aking mukha. Hindi iyon mainit, sa halip ay nagdudulot ng magandang pakiramdam sa akin. Na para bang isa iyong yakap na nagbibigay paalala ng isang buhay na mayroon ako ngayon.

Huminga ako ng malalim ngunit nanatiling nakapikit. At sa ginawa kong iyon ay nagawa kong malanghap ang pamilyar na amoy ni Tadeo. Mas nagsumiksik ako sa malambot na unan na nasa ilalim ng ulo ko na halos yakapin ko na iyon para lamang mas kumapit pa sa akin ang amoy. Napangiti ako ng walang partikular na dahilan. Basta ang alam ko ay magaan ang pakiramdam ko para sa umagang ito kahit na puyat ako.

I like you, Celemtine. So much.

Napabalikwas ako ng bangon. Ang kaninang nakapikit na mga mata ay nanlalaki na ngayon dahil sa muling pag-alingawngaw ng mga salita na iyon sa isip ko. Tinambol sa hindi ko mapangalanang dahilan ang puso ko at dinomina ang buong pagkatao ko na gumising sa akin.

"Fugebar..." lutang na saad ko, isang salita na ginagamit kong alternatibo para maiwasan ang makapagmura. Natutop ko ang bibig sa kaguluhang nararamdaman dahil sa bulong na iyon na narinig ko bago tuluyang tangayin ng antok. "Totoo ba iyon? O masyado lang akong nabihag ng mga emosyon dahil sa mga narinig mula kay Tadeo kagabi?" pagtatanong ko sa sarili.

Bumaluktot ang tuhod ko palapit sa dibdib ko matapos ay yumakap doon ang mga braso ko. Salubong na salubong na ang kilay ko habang sa isip ay pilit na binibigyan ng linaw ang kahulugang nararamdaman.

Maging ang pagbukas ng pinto ay hindi ko na nagawang pagtuunan ng pansin sa sobrang pagkalunod sa sariling isipin.

"Good morning, sushine," magiliw na bati niya sa akin.

At dahil sa kakaibang timbre ng boses niya ay napalingon ako sa kaniya. Bumati sa akin ang maganda niyang ngiti, salamin ng maliwanag na ekspresyon ng kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.

May nagbago. Iyon ang sigurado ko habang pinagmamasdan ang mukha niyang malayo na sa dilim na nakasanayan ko na. Iba ngayon. Sobrang kakaiba dahil parang ang gaan lang ng pakiramdam niya at tila walang mga emosyonal na bagaheng dala-dala.

"Hungry?" he asked. He took three big steps and was able to easily come close to where I was.

Katulad kagabi ay dumapo na naman sa ulo ko, sa buhok, ang kanang kamay niya. Marahan niyang inalis sa mukha ko ang mga tumatabing na buhok doon dala nang pagtulog ko. The smile on his lips never fade. And if it was still possible to grow bigger, that's probably what I am seeing right now.

"I actually cooked something. Kaso baka hindi mo gusto." Nginiwian niya ako matapos ay binawi ang sariling kamay para lamang mapakamot sa sariling batok. "You see, I am not friends with my kitchen. But I did try make one decent breakfast for you even though it's just simple pancakes."

"I... ahm..." Napangiwi ako sa hirap na makabuo ng kahit isang simpleng salita.

I was overwhelmed by his actions at the same time, I could still hear his whispering voice on my head. At hindi ko alam kung paanong aakto sa harapan niya. His changes was so sudden as if he is finally letting himself be free from what he has been keeping.

Tadeo let out a chuckle and went back stroking my hair. "I'll wait at the kitchen. Do your things first."

With one final storke he took a step backwards until he was out of the room. Tanging ang pagsuklay na lang sa sariling buhok ang nagawa ko matapos muling mapag-isa sa kuwarto. Ngunit sandali lang iyon dahil nauwi sa paggulo ko ng sariling buhok hanggang sa magmukha na akong bruha sa sobrang dami ng emosyong sabay-sabay kong naramdaman.

I gritted my teeth so hard to stop myself from shouting. Naguguluhan ako. Pero mas nararamdaman ko ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko na siya ring naramdaman ko kagabi habang kausap si Tadeo. Hindi naman ako kabado, pero maihahalintulad ang pairamdam sa gano'n. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng dalawang pisngi ko at maging ang muling pagrarambulan ng kung ano sa tiyan ko.

Ilang minuto pa akong nagtagal sa pagkakaupo habang pilit na ginagawang normal ang tibok ng puso ko bago ako nagdesisyon na tumayo. May sariling banyo at kuwarto ni Tadeo kaya roon na lang din ako nag-ayos ng sarili ko. Mula sa paghihilamos at pag-aayos ng buhok gamit ang suklay niya. Ang hindi ko lang nagawa ay ang magsepilyo kaya nauwi na lang sa pagmumumog dahil isang sepilyo lang ang naroon.

"Come here, Clementine. Let's eat," nakangiting wika ni Tadeo na katatayo lang mula sa pagkakaupo sa sofa. Parang ang dating tuloy sa akin ay talagang hinintay niya ang paglabas ko para lamang makasabay ako papunta sa kusina.

"Tara," mahinang tugon ko, nilalamon ng hiya.

Sabay na naglakad kami patungong kusina at kapuwa tahimik. Ngunit agad din akong napahinto nang mapansin ang malinis na ngayong lamesa na pinagkalatan ko kagabi.

"Ikaw ang naglinis?" paghingi ko ng kumpirmasyon habang pinagmamasdan ang maayos na magkakapatong na mga papel at ang laptop naming dalawa na nagkatabi rin.

"Yes. Kaya ko naman at ayoko nang dagdagan pa ang trabaho mo lalo na a puyat ka," paiwanag niya.

Tumango ako at nagpatuloy nang muli sa paglalakad. Ang pansinin siya ay hindi ko na nagawa dahil mas lumalamang sa isip ko ang mga narinig na salita mula sa kaniya kagabi. Bagaman bulong lang iyon at patulog na ako, malinaw pa rin iyong rumehistro sa pandinig ko.

Gusto kong magtanong at manghingi ng kumpirmasyon pero sarili ko rin mismo ang pumipigil sa kagustuhan ko. Ipahihiya ko lang ang sarili ko kung sakaling mag-uusisa pa ako. Bakit naman niya iyon sasabihin, diba? Siguro ay talagang nahihibang na ako at kung anong klaseng bagay na lang ang sumasagi sa isip ko.

"Sorry kung ito lang ang nagawa kong maihanda para sa iyo," nahihiyang pahayag niya nang marating namin ang dining area.

"Sapat na sa akin ang mga ito. Kung tutuusin ay ako pa nga dapat ang gagawa nito sa iyo." Isa-isa kong tiningnan ang mga nakahain sa lamesa. Mula sa ilang pirasong pancakes, hotdogs, at sunny side up. May kanin din na nasisiguro kong para sa kaniya. "Salamat, Tadeo," nahihiyang wika ko.

"This is nothing compared to what you have done for me, Clementine. " He was standing behind me and it was so easy for him to reach for my hand. He held it tightly while his thumb was gently caressing the back of my hand. "You have no idea how your presence changed my world, sunshine."

"I did nothing, Tadeo." Humarap ako sa kaniya at nginitian siya. Hindi ko binigyan ng pansin ang naging pagtawag niya sa akin na dati ko nang naririnig. Dahil kung iintindihin ko iyon ay mas lalo akong hindi makapag-iisip ng tama. "Ginawa ko lang naman ang sa tingin kong tama. At kung sa ibang pagkakataon man na hindi ako ang nasa tabi mo, sigurado naman ako na magagawa ka nilang mailabas sa lugar na iyon."

Naiiling na nagbaba siya ng tingin sa magkahawak naming mga kamay. "A few nurses have tried. But all of them failed."

"Dahil masyadong sarado ang isip mo," dahilan ko.

"And you made it easy for me to free myself," maramdaming bulong niya. Isang magaan na pisil pa ang iginawad niya sa kamay ko bago niya tuluyang binitawan iyon. "Let's eat."

Pinagharian kami ng katahimikan nang magsimula kaming kumaing dalawa at sa puntong iyon ay natuon na sa kaniya ang buong atensyon ko. Pasimple ang naging pag-obserba ko sa kamay niyang nakaipit na naman sa pagitan ng hita niya at ng silya.

Pamilyar at sanay na siya sa ganoong posisyon, iyon ang nasisiguro ko. Nagagawa niyang kumilos gamit lang ang isang kamay at kahit na hindi iyon madali ay nagagawa niya ng walang problema. Natural na natural na. Marahil ay dahil na rin sa ilang taon na ganoon ang kaniyang ginagawa.

"I found something that could be an alternative instead of using handcuff when you're sleeping," nakayukong imporma ko sa kaniya.

"What?" sagot niya na ang tono ay hindi kababakasan ng interes.

"Oven mitt." Kumunot ang kaniyang noo bilang pagpapakita na hindi niya ako naintindihan. "Pinanood ka namin ni Doc kagabi habang natutulog ka. Maging ang mga video noong inoobserbahan ka pa lang. At lahat ng iyon ay nagpapakita na hindi mo magagawang saktan ang sarili no habang tulog. There was no violent movement of your hand kaya hindi mo na kailangang iposas ang sarili mo dahil mayroon namang alternatibo kung takot ka pa rin."

"Paano tayo nakasisiguro na epektibo nga iyon?" salubong pa rin ang dalawang kilay na tanong niya. "Paano kung masaktan ko pa rin ang sarili ko?"

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan, Tadeo," nakangiting tugon ko. "I could watch you while you sleep so we could still ensure your safety."

Sumandal siya sa silyang inuupuan kasabay nang pagbitaw sa mga kubyertos na hawak. Mabigat ang naging sunod na lapat ng mga mata niya sa akin. Ngunit nilabanan ko ang kagustuhan na magbaba ng tingin. Buong tapang kong ibinalik ang bigat ng tingin niyang parang ang daming gustong iparating.

"Do you really think that I would let you sacrifice having a decent sleep just to keep an eye on me?" Umiling siya sa akin. "I'd rather have my nights chained, Clementine."

Mayroon nang babala galing kay Doc Tatiana. Ilang ulit ko na ring narinig mula kay Shane ang hirap ng mga nauna sa akin para kumbinsihin siya. At maging ako mismo ay naranasan na rin ang hindi mabali-baling mga desisyon niya.

But I could still try. Dahil wala namang imposible kung gusto mo talaga. Lalo na kung para rin naman sa kaniya.

Tinganguan ko siya bilang senyales na naiintindihan ko siya at hindi na pinilit pa ang bagay na iyon. "May gagawin ka ba ngayon?" sa halip ay pagtatanong ko.

"Nothing. Daniel handled everything in my company already," sagot niya.

Tumango ako sa kaniya. Gumagana ang isip ko sa paghanap ng tamang pagkakataon upang magtanong ng isa pang pakay ko. Isama pa na tinataniya ko kung ano ang magiging reaksyon niya oras na ayain ko siyang lumabas ngayon.

Malamang na pangungunahan na naman siya ng takot. At sigurado rin ako na mas mauuna sa kaniya ang pagtutol. Ayoko ko siyang biglain pero kung patuloy lang naming patatagalin ang pananatili rito, ano pa ang pinagkaiba sa ospital? I want him to go out and be surrounded by strangers. I want to let him see the things that he left after entering the hospital.

At hindi namin magagawa alinman sa mga iyon kung mananatili lang kami rito. Kailangan niyang lumabas at makisalamuha para magawa naming trabahuhin ang pag-aalis ng takot sa puso niya.

"Pasyal tayo," pag-aaya ko.

Nabitin ang ginagawa niyang pag-iipon ng kanin sa gilid ng pinggan niya. At maging ang pagkurap ay tila nakaligtaan niya. Nanatili siyang walang kilos, nakapako lamang ang paningin sa sariling plato at doon ibinubuhos ang atensyon.

"Ayaw mo ba?" alangan na tanong ko. "Hindi naman kita pipilitin kung hindi mo pa kaya. Maiintindihan ko," pag-aalo ko sa kaniya.

Umalon ang adams apple niya sa ginawa niyang paglunok. Mababakas din ang pamumuo ng pawis sa noo niya kahit na hindi naman mainit ang paligid. Isang senyales na pinangunahan na naman siya ng takot at kaba.

"Kalimutan mo na," agap ko. "Huwag mo nang isipin. Sa susunod na lang."

Sa kabila ng lamesang naghihiwalay sa amin ay pilit na inabot ko ang kamay niya para hawakan nang mahigpit. Doon lang niya ako muling tiningnan, hinahayaan akong makita ang takot na nasa mga mata niya at kaba na kaniyang nararamdaman.

Pinilit ko ang sarili na ngumiti upang ibalik ang kaninang gaan na bumabalot sa amin bago kami binalot ng bigat na dulot ng simpleng tanong lang. Oo at hindi lang ang sagot. Pero para kay Tadeo, iyon na ang isa sa pinakamahirap na sagutin dahil sa nga konsekwensya na kailangan niyang isaalang-alang.

Simpleng pamamasyal lang iyon na madaling mapagdesisyunan. Pero para sa isang taong matagal na ikinulong ang sarili kung saan limitadong tao lang ang nakakasalamuha niya, isa iyong bagay na kailangan pang pag-isipan.

"I also want to take you out, Clementine," mahinang saad niya habang direktang nakatingin sa mga mata ko. "Pero hindi ko alam kung kailan. Hindi ako sigurado kung kailan ako magiging handa, kung kailan mawawala ang takot."

"Hindi mo kailangang puwersahin ang sarili mo. Nagbabakasakali lang naman ako at naiintindihan ko ang pagtanggi mo," wika ko.

Mataman niya akong tinitigan. Sa mga mata niya mababakas ang pagtatalo na nagaganap sa isip niya. "Will you hold my hand?" parang bata na nag-aasam na tanong niya sa akin.

"Anytime that you need it, Tadeo," I assured him.

Muli siyang napalunok. Mariin ang naging pagpikit niya na sinasabayan nang paghigpit din nang kapit niya sa kamay ko. Hindi ko na tuloy alam kung ako pa ba ang nakahawak sa kaniya o siya na ang nakahawak sa akin.

Isang beses siyang sumagap ng hangin at marahang pinakawalan gamit ang bibig sa paraan na kinakalma niya ang sarili. "Let's go out," mahinang turan niya na ikinalaki ng mga mata ko. "Kahit sandali lang."

"Maiintindihan ko kung tatanggi ka. Sarili mo ang isipin mo, Tadeo. Kung kaya mo ba o kung handa ka na," masuyong sagot ko. "Basta lagi mo lang itatak sa isip mo na kahit anong mangyari, nasa tabi mo lang ako at hahawakan ang kamay mo."

Katahimikan na naman. Pero sa pagkakataon na ito ay napalitan ng panliliit ang nakikita kong emosyong dumaan sa mga mata niya. Naroon din ang matinding hiya at ang paghahanap ng sagot. At naintindihan ko lamang ang lahat ng iyon nang isatinig niya ang kaniyang tanong.

"Why would you go this far just to help me redeem myself?" Binitawan niya ang kamay ko at muling iniyuko ang ulo.

Ang katanungan niyang dapat ay sasagutin ko ay naging tanong din sa isip ko. Mas humaba pa ang katahimikan na namagitan sa amin na maging ang pagkain ay hindi na namin nagawamg intindihin. Alam kong hinihintay niya ang sagot ko habang ako naman ay humahanap pa rin ng tamang mga salita para ibigay sa kaniya.

Bakit nga ba? Bakit umabot sa puntong ganito? Kung tutuusin ay simple nurse lang ang trabahong in-apply-an ko nang pumasok ako sa Osfield. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na aabot sa puntong ganito. At hindi ko na rin magawang mapangalanan ang higit pa sa determinasyong mayroon ako sa pananatili ko rito kasama si Tadeo.

Maraming dahilan para mapagod at umayaw pero bakit nandito pa rin ako? Binigyan nila ako ng laya at karapatan na umalis kung gugustuhin ko pero mas pinili ko pa rin sa tabi niya at samahan siya. Kung noon ay agad na masasagot ko ang katanungan niya dahil kung tutuusin ay isang salita lang naman ay sapat na.

Obligasyon.

Obligasyon ko siya dahil trabaho ko na alagaan siya. Pero ngayon na muling ibinato sa akin kung bakit hanggang ngayon ay desidido pa rin ako, hindi ko na magawang makasagot. Sa isip ko ay alam na dahil pa rin sa responsibilidad ko bilang private nurse. Pero sa puso ko ay iba na ang ibinubulong kaya hindi ko magawang magsatinig ng kahit na ano.

"I could go even farther than this," sagot ko na hindi ko alam ang pinanggalingan. "I want to see how you were before when things were still fine. I want to watch how big you could smile not minding all the complications you have in life. Maybe after all that, I would be done."

"What if I don't want it to be done?"

Walang babalang kumabog nang malakas ang puso ko. Gulat ang naghahari roon pero sa bawat malakas at mabilis na pintig no'n ay kakaiba ang dulot sa akin. Para akong kinakabahan na nahahaluan ng antisipasyon sa karugtong ng sasabihin niya. Ayoko siyang pangunahan ngunit ang isip ko na mismo ang kusang naglilista ng mga dahilan sa likod ng mga salita niya.

Ang mga wirdong kilos niya noon at ngayon. Ang mga pag-amin niya sa pagkakakilala sa akin bago pa man kami magkita sa ospital. At higit sa lahat... ang bulong nang pag-amin niya kagabi. Lahat ng mga iyon ay iisa lang ang tinutumbok pero ayokong intindihin dahil baka mapahiya lang ako sa huli.

Lumunok ako at pilit na inayos ang timbre ng boses ko upang hindi iyon mabasag at hindi ako pumiyok
. "Anong ibig mong sabihin?"

Sa pag-angat ng tingin niya ay mas dumoble lang ang bilis at mas lalo pang lumakas ang kabog sa aking dibdib. Seyoso ang mukha niya at direktang nakatingin sa mga mata ko. Walang lugar ang biro sa ekspresyon niya ngayon kaya maging ako ay nagahawa na rin sa seryoso niyang anyo. At para bang ipinahihiwatig niya na anuman ang sasabihin niya ay totoo.

"What if I want to externd your contract? Not just for a few years and not as a nurse this time," seryosong saad niya.

"Kung hindi nurse, eh, ano?" Muli akong napalunok nang mas lumalim ang tingin niya sa akin. Gustuhin ko man ang mag-iwas ng tingin, hinihila ako ng mga mata niya at ikinukulong ako sa mundo naming dalawa.

"I don't want you to just be my nurse, Clementine." Huminga siya nang malalim at marahas na ibinuga angñ hangin. "What I said last night were all true."

"Alin sa mga iyon ang totoo, Tadeo?" gulung-gulong tanong ko.

Masyadong mabilis ang mga naging pagbabago na isang gabi lang ang dumaan at parang bumaliktad ang mundo. Hind ko magawang mahabol o masabayan man lang ang bilis niya dahil bukod sa naguguluhan pa ako ay binabagabag pa rin ako ng mga katotohanang hindi niya pa rin sinasabi sa akin. May mga lihim pa siya na nasisiguro kong may kinalaman sa akin ngunit hindi ko magawang mag-demand na sabihin niya dahil ayokong magmukhang desperada.

At ngayon na nagiging ganito ang takbo ng usapan, hindi ko na alam ang dapat na isipin at maramdaman. Malinaw kong narinig ang sinabi niya at naiintindihan ko rin ang kahulugan no'n kahit na hindi niya sinabi ng diretso. Pero alinman sa mga ipinahahayag niya ay hindi lubusang rumerehistro sa isip ko dahil sa sobrang bilis at gulo.

"Lahat, Clementine. Totoo ang lahat nang lumabas mula sa bibig ko. Your importance in my life. Your impact. And how I like you so much, sunshine." Lumamlam ang mga mata niya habang tinititigan ako. At sa sobrang intensidad na naririnig ko mula sa boses niya at maging sa nakikita ko sa mga mata ni Tadeo, muli na namang nag-ulap ang paningin ko.

"You are my cure, Clementine." He reached for my hand that was on top of the table. Pinanatili ko ang mga mata sa kaniya kahit na pigura na lang niya ang nakikita ko. "You helped me big. You made do things I intend not to do. And I could not stop myself anymore from hiding what I feel for you that I have been longing to show you. That's why I am begging you, Clementine."

Sa tuluyang pagkawala ng luha sa mga mata ko ay siya ring paglinaw ng paningin ko. At dahil do'n ay nabigyan ako ng pagkakataon na makita kung paanong napuno ng luha ang mga mata niya habang nakikiusap na nakatingin sa akin.

"Nakikiusap ako sa iyo. Kung may plano ka rin naman na iwan ako... gawin mo na ngayon habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko upang huwag nang mas mahulog pa sa iyo."

———
A/N: Ako talaga ay kinakabahan sa kung natutuwa pa ba kayo sa mga recent updates ko o hindi na. But thank you po to those who are reading the story of Tadeo! Sending virtual hug to everyone! ♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top