Chapter 14

Whispher


Ang tanging maririnig lang sa paligid ko ay ang bawat pagpitik ng kamay ng orasan. Maging ang bawat paghinga ko ay marahan ko lang na pinakakawalan. Tutok na tutok ang atensyo ko sa pinapanood na para bang isa iyong thriller movie at ako ay nag-aabang na ng susunod na pananakot. Kung pelikula lang iyon ay malamang kanina ko pa tinapos ang pagsusubaybay dahil sa bagot.

Kaso ay hindi. Sakop na sakop no'n ang atensyon ko at bawat maliliit na galaw ay pinanonood ko mula sa laptop ni Tadeo na nagsisilbing monitor ko. Nahigit ko ang aking hininga sa antisipasyon habang hinihintay ang kanina ko pang inaasahan na makita. Subalit gano'n pa rin ang resulta katulad kanina. Tanging paglilipat lang ng posisyon ang ginawa niya, mula sa pagkakatihaya ay nahiga siya ng patagilid, nakaharap sa kaliwa.

"What if, Doc, hindi naman na naulit ang unang nakita niyong tagpo noon na sinasakal niya ang sarili niya habang tulog?" pagbabasag ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

Mula pa kanina ay naghihintay na akong gumalaw ang kaliwang kamay ni Tadeo na nakaposas. Ngunit wala maski isang segundo lang na kumilos iyon na may rahas. Normal lang iyon para sa isang natutulog na tao.

"That's what I have been telling him, Clementine. He was under observation for a period of time, diba? And I've reviewed some videos of him asleep." Maluwag ba huminga siya na para bang may tinik na inaalis sa lalamunan niya. "Alin man sa napanoon ko ay hindi nagpapakita ng bayolenteng kilos ng kaliwang kamay niya. As if during his sleep, he would also be at peace."

"Posibleng hindi na kailanganin na posasan siya gabi-gabi?" nabubuhayan ng pag-asang tanong ko.

Nakita ko ang pagtango niya mula sa screen ng laptop ko. "You could instead use oven mitts. Pero mahihirapan kang kumbinsihin si Tadeo. Mas lamang ang takot no'n kaysa s tiwalang ibinibigay niya sa sarili niya."

Tumatangong sumang-ayon ako. Napansin ko na rin iyon noon pa man. Pero mas lumalamang sa akin ngayon ang saya dahil sa nalamang iba pang paraan na maaari naming gamitin para kay Tadeo.

Nagpatuloy sa pagdedetalye si Doc Tatiana ng mga bagay na may kinalaman kay Tadeo. Mataman akong napagtuloy sa pakikinig. Bagaman nabasa ko na ang mga bagay na na sinasabi niya, iba pa rin kapag galing sa ibang tao. Nagkalat ang mgs papel sa center table habang ako ay sa sahig nakaupo. Bukas din ang laptop ko kung saan kasalukuyan kong kausap ni Doc Tatiana na siyang nagpapaliwanag sa akin ng mga kailangan kong malaman.

Ilang oras mula ngayon at sisikat na ang araw ngunit heto pa rin ako, abala sa pag-aaral ng kondisyon ni Tadeo. Magmula ata nang maghiwalay ang landas namin kanina nang matulog siya ay hindi na ako umalis sa lugar na ito. Talagang ibinuhos ko ang buong atensyon na kahit ang minsanang pagpaparamdam ng gutom ay binalewala ko.

"His condition is a rare neurological disorder whenin a patient experiences an uncontrollable movement of their less dominant hand, or in some cases, their limbs. There are other possible causes of alien hand syndrome aside from brain tauma na nangyari kay Tadeo. Puwedeng after a person experienced a stroke, or tumor. Associated din ang kondisyon sa cancer, neurodegenerative disease, and brain aneurysms. It is also linked to brain surgeries that separates the two hemisphere of the brain and sometimes surgeries to treat epilepsy. It may also involve incision along the corpus callosum which divides the brain hemispheres and allows communication of two sides."

"Wala po ba talagang paraan para gumaling siya ng tuluyan?" mahinang tanong ko na nababahiran ng lungkot para sa katotohanan na iyon.

Mula sa screen ay nakita kong bumalatay ang lungkot sa nginti na ibinigay niya sa akin. Maging ang mga mata niya ay lumamlam din. "Nothing, Clementine. There are therapies that we could try, yes. But it could never heal him fully. Hindi na siya babalik sa dati. Patients who acquired the condition after a stroke may recover after some times. But on Tadeo's case, it would be hard. And he knows that."

Nahabag ako sa narinig. Alam ko na ang bagay na iyon, pero mas nakalulungkot na muling marinig ngayon na para bang talagang pinuputol na ang pisi ng pag-asang kinakapitan ko. Gusto kong kontrahin ang mga narinig dahil ayokong mawalan din ng pag-asa. Pero sa mga sinabi ni Doc Tatiana, mas luminaw lang sa akin ang mga bagay na pilit kong itinatanggi. Ang paggaling ni Tadeo ay hindi mangyayari.

Pagod na napasandal ako sa sofa na nasa likod ko. Napako ang paningin sa mga papel sa harapan at nakulong sa malalim na pag-iisip. Imagining Tadeo the way I am seeing him breaks a part of me. At kahit na sino sigurong nasa sitwasyon ko ay pareho lang ang mararamdaman. A life where escaping would never be part of the option. A life where you would always be cautious of what could you possibly do to yourself and other people. Ang hirap. Sobrang hirap at ayoko nang isipin pa ang nararamdaman ni Tadeo mismo na siyang lubos na nakararamdam ng hirap at sakit.

"What should I do, Doc?" nawawalan ng pag-asang tanong ko.

Hindi ko na naibalik pa sa kaniya ang tingin ko at maging ang pagkurap ay pigil na pigil ko na rin dahil sa takot na baka kapag ginawa ko iyon ay luha na ang susunod na tutulo.

"Stay with him, nurse. Please stay with him," pakiusap niya. "Ayokong ikulong ka sa isang obligasyon. Pero para sa kapatid ko, kaya kong makiusap sa iyo at maging ang pagluhod ay gagawin ko."

"Doc..."

"Hindi na natin magagawang ibalik sa dati. Pero puwede tayong gumawa ng paraan para huwag niyang mas lalo pang kagalitan ang sitwasyon niya ngayon. He needs someone who would stay with him. A reminder that even if he's flawed, he is still deserving to live. Kaya nakikiusap ako sa iyo, huwag mong iiwan ang kapatid ko."

Mas lalo pang nanlabo ang paningin ko. Sa bawat salitang naririnig ko ay paninikip ng dibdib ang balik sa akin. Parang pinipiga ng isang kamay na puno ng bubog na nagdudulot ng hindi maipaliwanag na sakit. Naroon ang kirot ngunit mas lumalamang ang paninikip.

My heart aches for that man and his situation. Hindi lang dahil ako ang nurse niya kundi dahil alam ko na kahit sinong taong makaririnig ng kuwento ni Tadeo ay lungkot at awa rin ang mararamdaman para sa kaniya.

His story is full of heartbreaks. Tipong kahit na saang anggulo tingnan ay sakit at awa ang mararamdaman mo. Dahil sa mga taon na lumipas sa pagkakaroon niya ng walang lunas na kondisyon, kapalit no'n ay ang laya na mabuhay ng normal at walang takot. Ninakaw iyon sa kaniya. Inalisan siya ng pagkakataon na maging malaya at enjoy-in ang buhay na naaayon sa kagustuhan niya.

"Sapat na po ba ako?" walang kumpiyansang paghingi ko ng kumpirmasyon.

Sino lang ba ako? Simpleng nurse lang naman ako na naitalaga bilang kasa-kasama ni Tadeo ngayon na lumabas na siya sa ospital. Marami pang iba riyan na maaaring humigit pa sa akin. Hind ako tiwala sa sarili ko at kung magagawa ko bang ibigay kay Tadeo ang mga kailangan niya.

"Higit ka pa sa sapat lang, Clementine."

Umawang ang mga labi ko upang sana ay sumagot ngunit walang tinig na lumabas mula roon. Ibinalik ko ang tingin kay Doc Tatiana at ang ngiti niya ang unang bumungad sa akin. Sinubukan ko iyong ibalik ngunit sa takot na baka ngiwi ang maibigay ko ay tumango na lang ako. She waved goodbye to me before cutting the line.

Kusang kumilos ang katawan ko para tumayo hanggang sa tanagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad patungo sa kuwarto ni Tadeo. Maingat na binuksan ko ang pinto at sinikap na huwag gumawa ng kahit na anong ingay habang naglalakad papasok. Mahimbing na natutulog na siya sa kama. Nakatagilid paharap sa direksyon ng kaliwang kamay na kasalukuyang makaposas sa bed post ng kama.

Hindi katulad sa ospital na may kataasan ang kailangang pagkabitan ng isang dulo, ngayon ay halos kapantay na lang iyon ng kamay niya. Mas komportable kung titingnan ngunit limitado pa rin ang kaniyang paggalaw.

Huminto ako sa paglalakad sa gilid ng kama niya at naupo sa sahig para magawa kong mapagmasdan ang mukha niya. He looks so peaceful while sleeping. Unlike how he actually feels when he's wide awake ang suffering.

"What should we do to make your life a bit easy, Tadeo?" tila isang hangin na bulong ko sa kaniya. "Kung may kapangyarihan lang sana ako para magawa kong pagalingin ka. Kaso ang kaya ko lang gawin ay samahan ka."

Nag-panic ako nang makitang bahagyang kumunot ang noo niya marahil ay dahil sa pagsasalita ko. Kumabog sa kaba ang puso ko at nataranta sa kung ano ang dapat na gawin. At sa takot na maabutan niya akong nasa ganitong sitwasyon ay dali-dali akong tumayo. Pero bago pa man ako makahakbang palayo, nagawa na niyng hawakan ang kamay ko.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya, ang boses ay garalgal. Binalingan niya ang orasan na nasa bed side table niya at nagsalubong ang kilay nang makita ang oras na nakatala roon. "It's quarter to four, Clementine," kunot ang noo na puna niya.

"A-Ano... patulog na sana ako. I was just checking on you," utal ba sagot ko.

"Patulog pa lang? At this hour?" Binitawan niya ang kamay ko at pupungas-pungas ba naupo. Kahit na konektado pa rin ang kamay niya sa posas ay humanap siya ng komportableng posisyon at sumandal sa headboard ng kama. "What were you doing na hanggang ngayon ay gising ka pa?"

Napangiwi ako sabay kamot ng baba dahil ang dating sa akin ay para akong pinagagalitan na bata. "I was talking to Doc Tatiana."

"Tungkol sa akin at sa kondisyon ko?" mapait na tugon niya kahit na kulang na kulang ang binigay kong impormasyon.

"Yes," pag-amin ko sa kaniya. "I was hoping to find a way to help you have a more comfortable life. Kasi ang hirap naman kung palagi kang ganito at limitado lang galaw."

"Clementine..."

"I know... I know we have talked about this already. At paulit-ulit lang naman ang laman ng mga pinag-uusapan natin. Siguro nagsasawa ka na rin at napapagod na sa akin. Pero ayoko kasing huminto. Ayokong makuntento lang sa kung anong mayroon ka sa kasalukuyan. Gusto kong humanap pa ng paraan kung mayroon man. Gusto kong patunayan sa iyo na hindi lang ito ang buhay na nararapat mong maranasan," sunud-sunod at mabilis na lintanya ko.

Huminga ako ng malalim kasabay nang muling pag-iinit ng magkabilang sulok ng mga mata ko sa halo-halo nang nararamdaman. Nariyan ang inis sa sitwasyong mayroon siya. Ang prustrasyon sa paghahanap ng solusyon na maging ang siyensya ay hindi kayang ibigay. Ang awa at lungkot na matagal nang namamahay sa kalooban ko. Ngunit lahat ng iyon ay pinangingibabawan ng paghanga sa tapang na mayroon siya.

Choosing to continue living when every reason to quit was already thrown at you. Iyon ang ginawa ni Tadeo. Hinahanggan ko ang tapang na mayroon siya nang magdesisyong sumubok muli. At ang tapang niya na isakripisyo ang sarili parasa pakananan ng iba.

"I badly wanted to seek for a solution para gumaan ang buhay mo at mabawasan ang bigat na dala-dala mo. At para na rin huwag sumagi sa isip mo na wakasan na lang ang lahat." Mas lalong nanlabo ang paningin ko. Ang kaninang imahe niya na malinaw kong nakikita ay hindi ko na maaninag ngayon. Tanging pigura na lang niya ang rumerehistro sa paningin ko dahil sa mga luha na pumupuno roon. "Natatakot ako, Tadeo. Natatakot ako na baka mapagod ka. Nakakatakot na baka isang araw ay magigising ka na lang na sawa ka nang mamuhay na palaging takot na makasakit ng iba."

Dahil sa kawalan ng kakayahan na makakita ng malinaw, hindi ko inaasahan ang naging pagdampi ng kaniyang mga kamay sa pulsuhan ko. Marahan niya akong hinila para mapaupo ako sa espasyo sa gilid niya. At mula sa pulso ko ay bumaba ang kamay niya sa kamay ko at sinakop iyon ng buo.

"Don't cry for me, Clementine," muling pagsasaad niya ng linyang nasambit niya na sa akin noon.

Umiling ako nang umiling dahilan para tuluyan nang bumigay ang mga mata ko sa pagpipigil. Sa paghinto ng ulo ko ay sunod na naghari ang mainit na likido sa magkabilang pisngi ko.

"I would gladly cry for you, Tadeo. Ako na lang ang iiyak para sa iyo. Ako na lang ang maiinis at magagalit para sa sitwasyon mo. Ako na lang ang aako ng mga bagay na hindi mo magagawang ipakita sa iba, mga nararamdaman mo na hindi mo magawang maipahayag."

"God, Clementine," he exclaimed after hearing my sentiments. "Binabaliw mo ako sa mga sinasabi mo."

Hindi ako nabigyan pa ng pagkakataon na makahuma ng sagot. Dahil wala pang limang segundo matapos niyang sabihin iyon ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakapaloob sa isang bisig niya, damang-dama ang init ng balat niya.

Sa bisig niya, unti-unti kong naramdaman ang pagkalama. Sa yakap niya... nakaramdam ako ng ginhawa.

It was as if he was reassuring me that I don't have to worry about everything. Every stroke he was making on my back calms me and my chaotic emotions. The way his breathe slowly fans my cheek brings me peace. And for the second time, I let myself be a prisoner of his hug.

"You don't have to worry yourself too much, sunshine," bulong niya malapit sa tainga ko.

Nagkarambola na naman sa dibdib ko ngunit ngayon ay iba na ang dahilan. Malakas na naman ang pintig ngunit ngayon ay sa mabilis ng paraan. Hindi katulad sa mabagal at malakas na tibog na ang dulot ay sakit, nagyon ay kakaiba ang dulot sa akin.

The way he used that endearment again felt foreign... yet familiar. Matagal na noong una at huling beses na tinawag niya ako sa ganoong paraan. Ngunit malinaw sa akin ang malaking pagkakaiba ng noon sa ngayon.

Kung noon ay tila dala lang ng pagkabigla ang naging pagtawag niya. Ngayon ay malambing, puno ng suyo, at sinasadiya na niya.

"Calm down now. I am assuring you that whatever negative thoughts you have in your mind would never come true." Gamit ang isang kamay ay iniangat niya ang mukha ko. Siya na ang umako nang pagtutuyo ng mga luha ko gamit ang hinlalaki niya. Habang ako ay nabigyan lang ng laya na mapagmasdan ang mukha niya.

"I admit that I was once tempted to resort to that. Because it was the cure that science would never give me. I was close. Kaunting pitik na lang magpapatangay na ako sa mga bulong na nasa utak ko. Pero paano ko pa gagawin iyon kung nandito ka na?"

Binalot ako ng matinding kaguluhan. Sa isip ko ay nalinaw na rumehistro ang mga salita niya. Ngunit ang intindihin iyon ng lubos ay hindi ko magawa.

"Liwanagin mo, Tadeo," paghihingi ko ng linaw sa mga bagay na bumabagabag sa akin noon pa man. "Ilang beses mo na akong nililito sa mga salita mo. Umamin ka man na kilala mo na ako noon pa, nalilito pa rin ako dahil pakiramdam ko ay may higit pa na hindi ko sinasabi sa akin."

May maliit na ngiti sa mga labi niya na ngumiti siya sa akin matapos ay umiling. Ang hinlalaki niya ay hindu huminto sa paghaplos sa pisngi ko kahit na tuyo na ang luhang kanina'y naroon. "Wala akong ibang sasabihin kundi mahalaga ka sa akin, Clementine. At wala sa plano ko na sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa akin na makasama ka. Sa ngayon, sa akin na lang muna ang kuwento na iyon kung paanong nakilala kita."

Mahalaga ka sa akin.

Agad na binaha ng mga tanong ang isip ko. Nangangati ang dila ko, ata na ata na magtanong. Pero alam kong kahit na pilitin ko pa siya ay desidido na siyang manahimik na lang muna. Pabuntong hininga na marahan akong umalis mula sa pagkakapaloob sa bisig niya. Inaasahan ko na ang pagbitaw niya ngunit hind iyon ang nangyari dahil nanatiling nakahawak ang kamay niya sa kamay ko. Mas hinigpitan niya pa ang kapit doon nang mapansin na naroon na ang paningin ko.

Sa ilang minutong dumaan sa pagitan namin, ang dami ko na agad naramdaman. Ngunit hindi katulad kanina na ang bigat sa pakiramdam ngayon ay napalitan na iyon ng gaan. Matapos niya ako bigyan ng kasiguraduhan na hindi niya sasadyain na ipahamak ang sarili niya ay sapat na sa akin. Panatag na ako ngayon at okay na ako sa bagay na iyon.

Ang hindi ko lang inaasahan ay ang pakiramdam na hindi ko magawang maipaliwanag. Kaina ay sa puso ko lang nararamdaman ang kakaibang bilis at lakas ng bawat pintig ng puso ko. Maging sa tiyan ko ay nakararamdam na rin ako ng wirdong pakiramdam. Hindi naman ako nasusuka pero parang may kung anong elemento roon na binibigyan ako ng pakiramdam na hindi ko pa nararanasan kanino man.

"Sleep now, Clementine. Mag-uumaga na. Pagising na ang mga tao samantalang patulog ka pa lang," natatawang saad niya.

Naangiwing tumango ako, sang-ayon sa mga narinig. "Bumalik ka na rin sa pagtulog. Pasensya na at naabala kita."

Maagap ang naging pag-iling niya."Kailanman ay hindi ka magiging abala." Inilahad niya sa harapan ko ang kamay niya na pinagkunutan ko ng noo. "Give me the key."

"Bakit?" naguuluhang tanong ko.

"I'm done sleeping." He motioned his head towards his hand.

Walang pagpipilian na kinuha ko sa bulsa ng jogging pants na suot ko ang susi. Ako na rin ang nagbukas ng posas na siyang ikinangiti niya. Matapos ay agad ko iyong inilapag sa bed side table na para bang nakapapaso iyong bagay at kasalanan ang hawakan iyon ng matagal.

Tadeo massaged his wrist as we both look at each other's faces. "You sleep here, Clementine. I'll do my stuff outside."

Umiling ako bilang pagtanggi. "May lilinisin pa akong kalat sa labas. Mayroon din naman akong sariling tulugan kaya roon na lang ako."

Si Tadeo naman ang umiling sa akin. Tumayo siya at sa isang mabilis na kilos ay nasa harapan ko na agad siya. Masuyo niyang inalis ang mga buhok kong nakakalat sa mukha ko habang matamang sinasalubong ang tingin ko. Sinadya niya pang iniangat ang mukha ko para magawa niyang mas matitigan iyon.

He gently guided me to lay my back on the soft mattress of his bed by carefully pushing ng shoulders. Siya na rin ang nagbalot sa akin ng kumot niya, tinatakpan ang halos buong katawan ko.

"Sleep now, sunshine," he whispered softly.

Funny how it sounded like a lullaby making me feel sleepy even though I wasn't feeling it earlier. Mula sa balikat ko ay ibinalik niya ang kanang kamay sa ulo ko. He began to stroke my hair making me more sleepy. Nagsimula na ring bumigat ang talukap ng mga mata ko na kahit labanan ko ay hindi ko na maawang manalo pa.

As the effect of the coffee I drank slowly wear off, I found myself becoming one with darkness as I finally closed my lids. But even before I could drift off to sleep, a faint whisper of confession was said right on my ears.

"I like you, Clementine, so much."

———

A/N: Tadeo... ♡ Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top