Chapter 13

Handcuff

The day was long for the both of us. Idagdag pa na wala naman kaming ibang mapaglilibangan. Kahapon ay okay naman, abala pa kami pareho dahil sa pag-aayos namin ng mga gamit. Pero ngayon na wala na kaming ibang aatupagin ay halos buong maghapon na lang kaming nakaupo rito at nag-uusap.

Ang pag-uusap namin kanina ay matagal nang natapos at hindi na nasundan pa. Bumalik siya sa paggawa ng trabaho hanggang nauwi na naman kaming pareho sa pagkakaupo rito sa sofa matapos ang ilang oras. Hindi naman ako puwedeng lumabas nang mag-isa at maglibang dahil maiiwan sa Tadeo. Pero nakaplano na sa akin na ilalabas siya alinman sa mga araw na dadating para tulungan siyang bumalik sa dati.

"Movie?" tanong niya habang tutok ang dalawang mga mata sa harapan.

Ang totoo ay naiilang ako sa kaniya. Sino ba naman kasi ang may sabi na yakapin siya? At ang mas malala pa ay nagustuhan ko pa!

"Ahm, pass?" alangan na tugon ko. "Hindi ako mahilig at mabilis akong mabagot."

"Anong gusto mong gawin kung gano'n?" malumanay na tanong niyang muli.

Nagkibit-balikat ako sa kaniya. Iginala ko ang paningin sa buong lugar sa pag-asang may mahahanap na maaaring pagkaabalahan. Pero wala akong nakita maski isa. Halos walang gamit sa buong unit niya. Tipikal na makikita sa isang condo o bahay lang ang halos lahat ng gamit niya. Mula sa sofa, TV, gamit sa kusina, racks, at kung ano pa. Ang kaibahan lang sa tinitirhan niya sa loob ng limang taon, dito ay may buhay kaysa roon.

Sa ospital kasi ay limitado lang ang maaaring ilagay dahil sa pag-iingat. Maging ang kusina at mga kubyertos ay wala. Samantalang dito ay kumpleto, sobra pa nga. Kaya rin siguro gustung-gusto ng magkapatid na alisin siya sa lugar na iyon. Dahil kung patuloy lang siyang makukulong doon, makakasanayan niya ang isang buhay na walang buhay. Hindi katulad sa lugar na ito na ipararamdam sa iyong normal lang ang lahat.

"I'm fine doing nothing," nakangising saad ko.

Inilingan niya iyon na kalaunan ay nauwi rin sa mahinang tawa. "So? We'll just spend the whole afternoon sitting in this couch while staring at each other's faces?"

Nagkunwari akong nag-iisip kahit na nakaramdam ako ng kaba sa narinig. Sunod kong naramdaman ang bahagyang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa hiya na hind ko alam kung bakit kailangan kong maramdaman.

Umayos ka, Clementine! Napailing-iling ako at pinilit ang sarili na muling tuwrin ang pag-iisip kong bahagya atang nagusot dahil sa mga narinig kay Tadeo. Wala namang ibang kahulugan ang mga iyon pero hindi ko inaasahan ang ganitong reaksyon ko.

"Wala ka bang ibang gustong gawin?" balik na tanong ko.

"Read. But I thought you might get bored kaya huwag na lang." Tumagilid siya ng upo. Itinukod ang siko sa ibabaw ng sandalan ng sofa matapos ay sa kamao isinandal ang mukha. Sa ganoong posisyon ay nagagawa niya akong pagmasdan ng buo, at ako rin sa kaniya. "Can I ask you a question?"

"Ano?"

Mas lumalim ang pagkakalapat ng mata niya sa akin. Kung kanina ay normal na tingin lang ang ibinibigay niya, ngayon ay parang may kaakibat nang kahulugan. The way his eyes held so much curiosity and eagerness to ease it made me short-breathed. It was as if he was sucking my strength with the way he looks at me. And if I was standing, my legs would definitely turn into jelly.

"What if someone became your admirer? Or stalker?" he carefully asked.

Nangunot ang noo ko sa pagtataka dahilan para hindi agad ako makahuma ng sagot sa kaniya. Sa isip ko ay ibinabalanse ko ang bigat at gaan ng mga negatibo at positibong bagay tungkol sa naging tanong niya. Kung ako ba ang mas lamang na mararamdaman ko kung sakali ng totoo ang naging sitwasyon.

"Kung wala naman siyang masamang intensyon sa akin, okay lang siguro?" alangan kong tugon. "Ayos lang basta hindi ako mapapahamak at kahit sino man na malapit sa akin."

Dahil sa nakatingin ako sa mukha niya, nakita ko ang pagdaan ng takot sa mga mata niya. Bagaman nagtataka, hindi ko na iyon binigyan ng pansin at hinintay na lang siyang magsalitang muli.

"Does it scares you?"

"Not really," totoong sagot ko. "Wala namang masama na humanga. Huwag lang umabot sa punto na makagagawa na ng masama ang isang tao."

Mataman niya akong tiningnan habang tumatango na para bang ina-absorb ang naging sagot ko. "Paano kung makita mo siya at gustong magpakilala?"

Napipe ako at hindi agad nagawang tumugon. Hindi dahil sa hindi ko alam ang sagot. Sadiyang malinaw lang sa akin ang katotohanan na hind iyon kailanman magkakatotoo.

"Ang labo, Tadeo," natatawang tanggi ko. "Loner akong tao mula pa man noong nasa elementarya ako. People get intimidated kahit na ang ginagawa ko lang naman ay tingnan sila. I was even called boastful kahit na naglalakad lang naman ako sa normal na paraan. Never in my life that I was befriended by someone nor I befriended anyone. Kaya malabo iyang sinasabi mo."

The least thing that would happen in my life during my student days would be me, mingling with my peers. Nakagawian na rin siguro ang pagiging mapag-isa ko kaya hindi na rin ako naghangad na mapalapit kahit kanino. I was not setting a wall, I am just simple not interested to interact with people. Madalas na wala akong ideya sa paligid ko. Madalas din na palagi lang akong sabit kapag may activity na para sa grupo.

I was not mistreated or bullied, or anything that would be similar to that. I was simply contented to just be by myself all throughout my journey. Kaya maski ang usaping pag-ibig ay hindi ako interesado. Never akong nakipagrelasyon o ang makatanggap at tumanggap ng alok ng panliligaw. Siguro dahil pa rin sa kaparehong dahilan na nai-intimidate sila sa akin.

Kaya hindi ko ma-imagine na may taong hahanga sa akin na aabot pa sa puntong magiging stalker ko. Although, I am not creeped out by the idea, I just simply find it impossible to be a reality. Pero paano nga kaya kung mayroon? At humarap pa sa akin para magpakilala? Anong sasabihin ko? Paanong pakikitungo ang gagawin ko? Dapat ba akong magpasalamat o dapat ba ay hayaan ko na lang?

"Who knows, Clementine, someone was silently yet deeply in love with you?"

***

Staring at the glistening lights of the metro from where I was standing feel so therapeutic. Parang ang gaan lang sa mga mata at ang liwanag ng paligid kahit madilim na ang kalangitan. Ang dating sa akin ay para bang nagpapahiwatig siya na may liwanag kang matatanaw sa kabila ng kadilimang bumabalot sa iyo.

Alas nuebe na ng gabi at gising na gising pa rin ang diwa ko dahil sa iniinom kong kape. I know how coffee affects my system that's why I am seeking for its aid tonight. Plano ko na magpuyat at abalahin ang sarili sa isang bagay na maaaring makatulong kay Tadeo ng malaki, at sa akin din. A little lost of sleep as a sacrifice won't hurt kaya heto ako at ginigising ang diwa ko.

"You won't be able to sleep at this rate, Clem," Tadeo stated.

Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko dahil na rin sa mainit na singaw ng katawan niya na malapit lang din sa katawan ko. At sunod kong naramdaman ang paglapat ng tela sa lantad kong balikat at braso, pinapawi ang lamig na dulot ng panggabing hanging humahampas sa amin. I was standing at the balcony of his unit and I am only on my sando. Kanina ko pa talaga ramdam ang lamig pero ipinagsasawalang bahala ko lang dahil sa ganda ng tanawing nakahain sa akin.

"And it's cold. Why don't you stay inside?" alok niya na may halong pagkukumbinsi.

"Mamayang kaunti. Let me savour the beauty of this place," nakangiting tugon ko. Buntong-hininga ang naging sagot niya sa sinabi ko na mas ikinalapad ng ngiti ko. "I just realized now..."

"Hmm?" he urged me.

Mula sa likuran ko ay nagpunta siya sa gilid ko at doon tumayo. Pero imbes na katulad ko na nakaharap sa liwang ng mga gusali at sasakyan, siya ay nakaharap sa akin at ako ang pinagmamasdan. His arms were folded in front of his chest making his biceps more defined. Nakasando lang din siya tulad ko at naka-jogging pants, handa na sa pagtulog ngunit nandito sa tabi ko.

Panandalian kong nakalimutan ang tanawing kanina'y aking tinatanaw sa mas maganda pang tanawin na nasa aking harapan. Madalang man ang mga pagkakataon na napapalapit ako sa isang lalaki, marunong pa rin naman akong maka-appreciate ng kung ano ang nasa harapan ko.

Noon pa man ay nakukuha na ng tikas ng katawan niya ang atensyon ko, iniignora ko lang talaga dahil kailangan kong gawin ang trabaho ko. Idagdag pa na talaga namang malakas ang karisma ni Tadeo. Sa makapal niya pa lang na kilay na madalas nagsasalubog. Isama pa ang may katamtamang tangos niyang ilong at ang mapulang mga labi. At ang alon-alon niyang kulay itim na buhok. Lahat ng iyon ay bumagay sa kaniya, hindi ko lang talaga binibigyan ng atensyon dahil trabaho ang kailangan kong unahin at hindi ang kung ano pa.

"Okay ka lang ba?" kababakasan ng pag-aalala na tanong niya nang hindi ko na masundan ang sasabihin sana.

Mabilis na napakurap ako at agad na pinilit ang sarili na ibalik sa katinuan ang pag-iisip na bahagyang naligaw ng direkyon dahil mismo kay Tadeo. Ibinalik ko ang paningin sa harapan kasabay nang muling pag-alala sa reyalisasyon ko ngayong gabi dahil sa katitingin sa liwanag ng mga natatayog ba gusali.

"Light," panimula ko. "I just realized that there would always be light."

"What do you mean, Clementine?" naguguluhang tanong niya.

"Tumingin ka sa harapan mo, Tadeo. Kahit saan ka lumingon, may liwanag na maaabot ang mga mata ko." Sumunod siya sa akin. Katulad ko ay humarap din siya sa dagat ng mga nagkikislapang ilaw na pumupuno sa siyudad. "At kapag natapos na ang gabi, liwanag pa rin ang unang babati sa atin."

"I don't think so," tutol niya.

"Bakit naman?" Humarap ako sa kaniya at isinandal ang katawan ko sa barandilya habang siya ay nananatili lang sa puwesto niya.

Nakalapat ang dalawang siko niya sa kahoy na sinasandalan ko habang magkasalikop ang mga kamay at bahagyang nakayuko. "What if you get stucked in a place where no light would be able to pass through? That's darkness, Clementine. No signs of light. No signs of life."

Umiling ako sa kaniya bamagan hindi niya iyon nakita. "Sa lugar na iyon, siguro tama ka na pinaghaharian ng kadiliman. Pero sa ibang lugar, sa labas no'n, may liwanag na nakaabang. Kailangan mo lang hanapin. Kailangan mo lang maging masigasig dahil kung gugustuhin naman ay posible."

Hindi niya ako nagawang sagutin. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya kaya nagawa kong makita ang pagsasalubong pang lalo ng kilay niya. Siguro nga hindi pa tuluyang nabubuksan ang kaisipan niya sa mga bagay-bagay katulad ng pag-asang kinakapitan namin na nakapaligid sa kaniya na babalik pa rin siya sa dati. Hindi pa lang siguro lubos na rumerehistro sa kaniya na ito na. Malaya na siyang muli at maaari nang balikan ang buhay na tinalikuran niya.

"Halika na, pasok na tayo sa loob," anyaya ko bago pa man mas lumalim pa ang pag-iisip niya.

I don't want him to think too deeply about the things that we could just let remain as free flowing. Darating at darating pa rin naman kami sa destinasyon na gusto naming marating. Hindi namin kailangang magmadali at puwersahin kung hindi pa talaga puwede. Mabagal man ang pag-usad na nagagawa niya sa bawat araw na dumadaan ang mas mahalaga ay umuusad siya.

Tinanguan niya ako bago nagpatiuna sa paglalakad papasok. Ako na ang nagsara ng pintuan ng balkonahe habang siya naman ay dumiretso na sa kaniyang silid. Hindi ko siya nagawang sundan kaagad. Napako ako sa kinatatayuan habang sa isip ay tinitimbang kung dapat pa rin bang gamitin iyon sa kaniya.

Iyon ang tanging laman ng isip ko habang mabagal na naglalakad ako palapit sa kaniyang pinto. Sa gilid ng kuwarto niya ay may isang pabilog na lamesa kung saan nakalagay ang alcohol, bulak, wipes, at iba pa. Sa lamesa rin na iyon nakalagay ang isang bagay na karugtong na ata ni Tadeo sa bawat pagtulog niya.

"Kailangan pa ba talaga nito?" tanong ko pagkapasok matapos magpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Naguguluhang tiningnan niya ang mukha ko, hindi nakuha ang tanong ko. "Kailangan ang alin?"

"Ito." Itinaas ko ang hawak na halos pumantay na sa mukha ko. Napabaling doon ang mga mata niya at sa wakas ay nakuha na ang naging tanong ko kanina.

"Alam nating pareho ang posibilidad ng mga maaaring mangyari habang tulog ako. We couldn't be too complacent," sagot niya sa mababang boses.

"Tapos ano? Habang buhay ka na lang mamumuhay na parang isang preso na kailangang posasan?"

"If that would guarantee my safety, then yes. There's no better way than this, Clem," naiiling na tugon niya.

Bumuntong hininga ako at nagbaba ng tingin sa malamig na poses na nasa palad ko. Gusto kong itago na lamang iyon at huwag nang ipakita sa kaniya. O kung maaari lang ay itapon na lang sa basurahan para hindi na mapakinabangan. This handcuff is a big reminder of Tadeo's condition. How he was handicapped by having alien hand syndrome.

"You'll be stucked in an uncomfortable life, Tadeo," malungkot na payayag ko.

Isipin ko pa lang na sa bawat gabing dadaan sa buhay niya na palaging may posas na nakalagay sa kamay niya ay binabalot na ako ng awa. Hindi ko ma-imagine kung paanong nakasanayan niya ang ganito. O kung talaga bang nasanay na siya o umaakto lang para hindi na mag-alala pa ang ibang tao.

Sa bawat gabing dadaan sa buhay niya, ang posas ang kasa-kasama niya. Hindi ko lubos na maunawaan kung ano ang pakiramdam na limitado lang ang galaw mo dahil sa iyong kondisyon. Na siya mismong nararanasan ni Tadeo sa loob ng limang taong naging alipin siya ng sakit niya.

Kung mayroon lang sanang gamot na naaaring magpagaling sa kaniya o kahit na anong solusyon na magigagarantiya ang paggaling niya. Kaso... wala. Mayroon mang mga therapies na puwede niyang subukan para bawasan ang sintomas hindi iyon isang daang porsyentong magpapagaling sa sakit niya.

"Uncomfortable, huh." Mahina siyang natawa na para bang ang salitang binitawan ay isang biro. "It's good enough that I am living, Clementine. Kalabisan na kung hihilingin ko pa ang komportableng buhay na ipinagkait sa akin."

Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot sa narinig. Pumintig ang puso ko sa malakas ngunit mabagal na paraan, ipinararanas sa akin ang isang uri ng sakit na ngayon ko lang naramdaman. Parang sa bawat malakas na pintig no'n, kapalit ay ang bigat na siyang kaakibat ng bawat salita ni Tadeo. Habang ang bagal no'n ay ipinaiintindi sa akin ang ugat ng mga hirap na ipinararanas sa kaniya.

"And you're fine with that?" tanong ko na bahagyang nahahaluan ng inis. "You deserve a better life than this, Tadeo," mariing wika ko.

Sa muli kong pag-angat ng tingin sa kaniya ay nakita ko kung paano siyang umiling sa akin. "This is what life has given me, Clementine. Kung parusa man ito sa mga pagkakamali ko, tatanggapin ko ng walang reklamo. Limang taon na akong ganito at sanay na ako. Katulad ng ilang beses ko nang sinabi ay okay lang ako na mamuhay ng ganito. What if this is the life that I truly deserve? Who am I to contest that."

Inis ang siyang nangibabaw sa akin dahil sa mga salitang naririnig. Ngunit pilit ko itong pinahupa sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. "Hindi ba puwedeng humanap ng alternatibong paraan para hindi ka na kailangan pang posasan?"

Panandalian siyang natahimik, tila iniisip ang tugon sa naging katanungan ko. Kahit ako ay nakulong din sa sariling mundo habang iniisip kung mayroon nga ba talagang alternatibong solusyon. Kumunot ang noo ko nang ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring kahit na anong ideyang pumasok sa isip ko kahit na anong pilit ko.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa pagpipilit na may mahanap na paraan ngunit wala pa rin akong naisip. And as minutes continues to passed by, frustration started to take control over my mind. At kasabay no'n ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng mga mata ko.

Gusto kong humanap na solusyon na ikagagaan ng buhay ni Tadeo. Pero paano ko gagawin iyon kung ang nakasaalang-alang ay ang buhay niya mismo?

"Come here, Clementine. Don't waste your time thinking of a solution that would never be given to you," Tadeo said, calm and composed. Hindi katulad ko na malapit nang mag-breakdown dahil sa frustration.

Sa kabila nang sigaw nang pagtutol na naririnig ko sa isip ko ay humakbang ako palapit sa kaniya. Sinadiya kong bagalan ang paglalakad sa pag-asang makaiisip pa ako ng ibang paraan. Pero sino pa nga ba ang niloloko ko kundi ang sarili ko lang. Dahil sa ngayon, ang tanging kaya lang naming gawin para masigurong makatutulog siya nang mahimbing ay ang pagkakabit ng malamig na posas sa kamay niya.

Marahan akong naupo sa gilid ng kama niya at mataman na tinitigan ang kaliwang kamay niya na nasa gilid ko. "I promise, Tadeo," mahinang bulong ko, puno ng ingat at pangako. "Hahanap ako ng paraan. Gagawin ko ang lahat para mabigyan ka ng komportable buhay."

Ang kamay niya na kanina ay tinititigan ko lang ay gumawa ng kilos hanggang sa natagpuan ko na lang iyong hawak na ang kamay ko. At dahil doon mas nakaramdam ako ng awa sa sitwasyon na mayroon siya. Kung puwede lang na palaging okay lang ang kaliwang kamay niya. Kung pahihintulutan lang sana na bumalik na lang siya sa dati na normal lang at hindi siya takot na makapanakit ng iba at masaktan ang sarili niya.

Kung puwede lang... kaso hindi. Dahil ito na ang buhay na mayroon siya.

Bahagya niyang pinisil ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa mukha niya. A gentle smile on his lips greeted me. The warmth that it has slowly melted the frustration that was dominating me earlier. Ang maingat na lapat ng mga mata niya sa akin ay puno nang pagpaintindi. Na kahit ayokong intindihin, ay pilit niyang ipinauunawa sa akin.

"Huwag na natin ipilit, Clementine. Huwag na tayong magpagod pa sa pagreresolba ng isang sitwasyon na sa una pa lang ay wala na talagang solusyon." Muli siyang ngumiti kasabay nang marahang pagpisil niya sa kamay ko. "Sapat na sa akin na may nakaiintindi. Okay na sa akin na may kayang tumanggap. At hindi ko na hihilingin ang komportableng buhay dahil alam kong kung iyon ang mayroon ako... wala ka sa mundong iyon."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top